“Mahal,” Hinihingal na tawag sa akin ni Gael matapos niya akong pagbuksan ng pinto, halatang nagmamadali. “Bakit nandito? Gabi na.”
“I missed you.” tipid akong ngumiti.
“Did something happen? I can’t reach you by phone for three days.” aniya nang hawakan niya ang likuran ko at marahan akong alalayan papasok sa loob ng apartment niya.
Tiningala ko ang ulo ko habang naglalakad para mapigilan ang pag-iyak ngunit huli na dahil pumatak na iyon. Seeing him makes me weak, sa kanya ko lang kayang ipakita ang side ko na ito.
“What’s wrong? Are you crying? Did they hurt you again?” napalitan nang pag-aalala ang kanyang boses kaya naman nakagat ko ang labi ko. I really don’t want to burden him with all of my problems pero siya lang ang tanging nasasabihan ko ng problema sa bahay. Siya lang ang matatakbuhan ko sa ganitong sitwasyon.
Gael and I came from the same orphanage. Siya ang madalas magtanggol sa akin sa mga bully noon, he’s my bestfriend.
Noong kunin ako ni dad ay siya ring pag-ampon sa kanya ng pamilyang kumupkop sa kanya. 9 years old kami noong maghiwalay kami pero noong tumungtong kami ng college ay muli kaming nagkita. We fell in love and now—we’re still together.
We’ve been secretly dating for 4 years, sobrang ingat ko na ‘wag malaman ng pamilya ko ang tungkol sa amin dahil alam kong ilalayo nila sa akin si Gael, lalo na ngayong ipinasok ako ni dad sa arranged marriage.
“What do you want to drink?” tanong ni Gael nang mapakalma na niya ako at mapahinto sa pag-iyak. Umupo ako sa couch bago nilibot ang tingin sa apartment niya dahil medyo magulo iyon. Mukhang naglilinis siya bago ako pagbuksan ng pinto kanina, bagong lipat lang din kasi siya dahil kabubukod lang niya sa pamilya niya.
“Kahit tubig na lang, love.” Ngumiti ako nang tipid at pinanuod siyang kumuha ng tubig, pagkalapit niya sa akin ay inabot niya iyon agad at naupo sa tabi ko. Kwinento ko sa kanya ang nangyari habang ginagamot niya ang mga sugat ko, maging ang tungkol sa arranged marriage na pinipilit sa akin ni dad last week pa ay binanggit ko na rin sa kanya.
“What’s your plan now?” malambing na tanong ni Gael habang pinaglalaruan niya ang buhok ko. Ang ulo ko ay nakasandal sa balikat niya at ang isa niyang braso ay nakaakbay sa akin.
“You know you’re the only man I want to marry. Don’t worry, I will convince dad no matter what.” mahina kong sambit, dahilan para hawakan niya ang baba ko at iangat iyon para mapatingin ako sa kanya.
Marahan niya akong hinalikan sa labi habang unti-unti kong nararamdaman ang kamay niya papasok sa t-shirt na ipinahiram niya sa akin para makapagpalit ako ng damit habang ginagamot niya kanina.
“Sorry, I’m not feeling well.” nahihiya kong sabi nang bahagya kong itulak si Gael para huminto sa kung ano man ang gagawin, “Let’s just cuddl—”
“It’s okay.” aniya bago hawakan ang gilid ng leeg ko, “I’ll do all the work.”
Itinago ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin, totoong masama ang pakiramdam ko pero pinagsawalang bahala ko iyon at pinagbigyan ang gusto ni Gael. Alam ko kasi na marami akong pagkukulang sa kanya at ayoko nang dagdagan pa iyon.
“Message me when you get home.” ani Gael nang matapos ako sa pagbibihis. Nilingon ko siya at nakitang kaka-angat lang niya ng suot na boxer shorts.
“Hindi ba talaga ko pwedeng mag-stay ngayong gabi?” tanong ko nang ayusin ko ang sarili ko. Gusto ko pa kasi siyang makasama nang matagal at ayoko ko pang umuwi, I want to let the time pass before dealing with my family again.
“We need to be more careful, lalo na sabi mo na sinundan ka ng mga bodyguard. Don’t worry, mahal. Magiging okay rin ang lahat, I’ll find a way. Just go home for now, the more na sinusuway mo ang parents mo, the more lang na lalaki ang contempt nila sa ‘yo.” Tumango na lamang ako sa sinabi ni Gael dahil may punto siya. In the end—umuwi na lang ako.
“Ate Citrine, where have you been?” pabulong na tanong ni Trisha nang pag-akyat ko ng hagdan ay naroon siya sa itaas. Lumingon-lingon pa siya sa magkabilang hallway bago ilagay ang hintuturo niyang daliri sa labi, tila nagsasabing ‘wag akong maingay.
“What’s wrong?” mahina kong tanong kasabay nang pagyakap niya sa braso ko at hilahin ako papunta sa kwarto niya.
“You’re acting funny, anong meron?”
“Dad’s angry, mabuti kung hindi muna niya malaman na nakauwi ka na.” Nakagat ko ang labi ko at bumuntong hininga.
“Just stay here for the night and help me pick a dress for my 22nd birthday next week.” masaya niyang sabi saktong pagkpasok namin sa loob ng kwarto niya.
“Right, next week na nga pala ‘yong birthday mo.” sabi ko habang may kinukuha siyang Band-Aid sa first aid kit. Nagtataka ko pa siyang tiningnan nang iabot niya iyon sa akin, tago naman na ang mga sugat ko dahil suot ko na ulit ang longsleeve maxi dress ko.
“Para saan ‘to?” Tinuro niya ang kaliwang bahagi ng leeg niya kaya naman tumaas ang dalawang kilay ko.
“You have a hickey, you might want to hide it.” Agad kong tinakpan ang leeg ko nang sabihin niya iyon at nahihiyang kinuha ang Band-Aid sa kanya. Kapag nagkataon na nakita ito ni Oliver, tiyak na kung ano-ano na namang insulto ang ibabato niya sa akin. Na kesyo malandi ako at nagmana ako sa nanay ko, worseㅡbaka maghinala pa siya.
“Thank you.” nakangiting sabi ko bago tingnan si Trisha, napalunok ako nang marahas nang makitang tila nakatitig siya sa akin, tila nanghihingi ng eksplanasyon. Alam ko magtatampo siya kapag nalaman niyang sinisikreto ko sa kanya na mayroon akong boyfriend but I don’t have a choice but to hide it. Hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanya, sadyang gusto ko lang mag-ingat.
“Do you have a boyfriend?” tanong ni Trisha nang maupo siya sa dulo ng kama niya.
“No,” mahina kong sabi, “Galing ako sa bar, may nakilala akong lalake and we make-out.”
“Oh, that’s why!” aniya, “Was he handsome? What does he look like?”
“He’s a foreigner.” pagsisinungaling ko bago siya tabihan.
Mula pagkabata ay sobrang lapit na namin ni Trisha sa isa’t isa. Siya lang ang tumanggap sa akin sa pamilya noong iuwi ako ni dad. Madalas din niya akong ipagtanggol tuwing aawayin ako ng kuya niya, ganoon din kapag pinagagalitan ako ng mommy niya. Now, I felt bad for lying to her. She’s been nice to me since day one and yet—I can’t bring myself to tell her my secret.
“Good morning, Ma’am Citrine.” nakangiting bati sa akin ng security guard ng hotel na mina-manage ko.
“Good morning, Kuya Simon.” bati ko pabalik bago tuloy-tuloy na pumasok ng hotel. Bawat empleyadong makakasalubong ko ay sinasalubong ako nang matamis na ngiti.
This is how people treat me outside the mansion. They respect me and treat me well, unlike how my family treats me at home. That’s one of the reasons kung bakit mas madalas akong nasa trabaho kaysa sa mansion.
Dito, hindi ako masasaktan ng pamilya ko, at ditoㅡnararamdaman ko kung paano itrato ng tama.
“Ma’am Citrine. We heard the news.” ani Bianca. Isa sa mga shift manager ng front office, tumaas ang dalawang kilay ko dahil wala akong ideya sa sinabi niya.
“News? What news?”
“Uh... Y-You didn’t know?” tanong niya, halatang nag-aalala. Malamig naman dito sa lobby ngunit bigla siyang pinagpawisan.
“What’s going on?” tanong ko dahil tatlong araw rin akong hindi nakapasok. Baka mayroong nangyayari na hindi ko alam.
“Uhm that’s...” She trailed off. “The chairman said someone will take over your position as the president of Lustrio Hotel.”
Napahigpig ako nang hawak sa strap ng sling bag ko at dali-daling umalis para tumungo sa Lustrio Groups kung saan kasalukuyang naroon ang ama ko.
“Ma’am Citrine wait pㅡ” Hindi ko pinakinggan ang sekretarya ni dad at dire-diretso lang na pumasok sa office niya.
“Why are you doing this?” tanong ko kasabay nang pag-gesture ni dad na lumabas ang sekretarya niya dahil sumunod iyon sa akin sa loob.
“What did I do?” Kinuyom ko ang mga kamao ko nang tanungin iyon ni dad na para bang wala talaga siyang alam. Ni hindi man lang niya inaangat ang tingin sa akin at abala lang sa pagpapatuloy ng pagpirma sa mga documents.
“Why are you taking away my position as the president? Halos isakripisyo ko ang kalusugan at buhay ko para sa Hotelㅡ”
“Spare me the bullshit, Citrine. You are no longer part of the family.” aniya, dahilan para manlaki ang mata ko.
“What?” I know I already saw this coming, that he will toss me aside when I am no longer useful but I can’t still believe that he’s doing without batting an eye. Para lang akong gamit na hindi na mapapakinabangan kaya itatapon na lang niya ng basta.
“You heard me, once na ikasal ka kay Mr. Cresio, hindi ka na parte ng Lustrio.”
Hindi ko nagawang magsalita matapos iyong marinig. I am utterly lost for words, I can’t believe he’s just going to throw me away so easily after all the sacrifices I made for the family.
“Are you done using me? Is that it? Kaya ba gano’n na langㅡ”
“You already knew the answer, why are you still asking?” Awtomatikong nangilid ang luha ko at tinitigan ang ama, still hoping that he didn’t mean every word he just said. Na galit lang siya dahil sa ginawa kong pagsagot sa kanya kahapon.
Kinuyom ko ang mga kamao ko at mas lumapit pa sa mesa niya. I said I’m tired living this way but I’m scared to be abandoned again. Ginawa na sa ‘kin ‘yon ng nanay ko noong 7th birthday ko at ayoko nang maulit pa. Akala ko oras na para lumaban ako para sa sarili ko, na handa na akong talikuran ang pamilya ko pero hindi pa rin pala. For one last time, kailangan kong ibaba ang sarili ko at magtiis.
“I’m sorry.” mahina kong sabi. In the endㅡI can’t still go against him. “Don’t throw me away, Dad. Please, I will do anythiㅡ”
“Get out, I still have things to do.” malamig niyang sambit nang hindi man lang ako tinitingnan.
“Butㅡ”
“I said get out!” Halos mapatalon ako sa pagsigaw niya at kahit gusto ko pang manatili para kumbinsihin siya ay mas pinili kong umalis na at sumakay sa kotse ko para roon ibuhos ang lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilang pumatak.