Redenn's POV
Nakatingin lang ako ngayon kay Michael at Renice habang may ngiti ako sa labi.
"Alam mo, mas okay na rin talaga na makahanap ng babaeng mamahalin si Michael kaysa naman stuck siya sa babaeng katulad ni Ylona," sabi ko kay Tyron bago ko siya inakbayan.
"Mas okay nga na ganito," sabi naman niya.
Napailing naman ako nang maalala ko kung paano nanghingi ng tulong sa akin si Michael para ayusin ang date nilang ito.
Flashback
Nakatayo ako ngayon sa labas ng building ng Seth Corporation habang naninigarilyo. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapalagay sa mga oras na ito.
"Redenn," pagtawag sa pangalan ko ng isang pamilyar na boses. Kaagad ko siyang nilingon at hindi nga ako nagkamali sa kung sino ang nagmamay-ari no'n.
"Michael," sabi ko bago ko itinapon ang hawak kong sigarilyo kanina.
Nakatingin ako ngayon sa madilim na kalangitan. Malakas ang ulan na may kasamang malakas na pagkulog at pagkidlat. "Kumain ka na?" narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses mula sa aking likod. Mabilis ko naman siyang nilingon bago ako ngumiti. "Hindi pa," sagot ko. Naglakad siya papunta sa gawi ko bago hinawi ang aking buhok. "I cooked something for you downstairs, do you want to try it?" tanong niya bigla sa akin. Natawa naman ako ng mahina. "May choice ba ako?" natatawang tanong ko. Hanggang ngayon iba pa rin ang nararamdaman ko sa biglaang pagbabago ng relasyon naming dalawa ni Michael. Natawa naman siya bago hinawakan ang kanang kamay ko. "You know you don't have," natatawa pa ring sagot niya. Napatingin naman ako sa mga kamay naming magkahawak sa mga oras na ito.
"Wala ka bang pupuntahan ngayong araw? Hindi mo ba sisilipin ang kompanya mo?" tanong ko kay Michael habang may hawak hawak na tasa ng kape. Nandito ako ngayon sa sala at nakaupo habang nanonood ng movie kasama si Michael. Malamig kasi ngayon sa labas kung kaya naman hindi ko gustong manatili lang sa fully airconditioned kong kwarto. "Nah. My company can survive even without me," sagot lang niya habang may dala dala siyang tray ng pagkain. Kanina pa siya pabalik balik ng kusina at kumukuha ng iba't ibang uri ng pagkain. "Wow. Ang yabang, ha?" natatawang biro ko bago ko ininom ang laman ng basong hawak ko. "I am just stating a fact," sabi naman niya bago inilapag sa katapat kong mesa ang hawak niyang tray. "Sabi mo, eh," kibit balikat na sabi ko bago ko inilapag sa mesa ang hawak ko kaninang baso. "Oo nga pala, Michael. Kailan mo ba talaga ako ipapak
Nanatili akong nakaupo sa tabi ni Michael. Wala akong ibang ginawa mula kanina nang maalala ko ang nangyari no'ng araw na 'yon kung hindi ang manahimik at tumulala. Kanina pa ako walang gana habang nakaupo sa tabi ni Michael. "I am bothered with your silence," narinig kong biglang sabi ni Michael. Napatingin naman ako sa kanya. Nakatingin siya ngayon sa sahig at mukhang may malalim ding iniisip. Hindi naman ako nakapagsalita. "Michael," panimula ko bago ako bumuntong hininga. "Handa ka na bang sabihin sa akin ang lahat lahat?" tanong ko bago ako muling huminga ng malalim. "Alam ko nagsabi ka na sa akin ng ilang bagay, pero hindi pa kumpleto ang mga impormasyon na 'yon, hindi ba?" tanong ko. Hindi naman kumibo si Michael pero narinig ko ang kanyang paghinga ng malalim. "I don't want to hide things from you, but can you trust me?" sabi niya bago ako t
Redenn's POV "Nadali kaya sila?" tanong sa akin ni Tyron habang pareho kaming nakasandal sa kanya kanya naming mga sasakyan. "Hindi pa nag-re-reply si Michael," simpleng sagot lang niya bago ako tinignan. "Kanina pa no'ng huling nag-text sa akin si Renice," sabi ko bago ako napatingin sa suot kong wrist watch. "They are targeting Renice. Alam kasi nila na asawa siya ni Michael. Papaano pa kapag nagkaroon na ng proper introduction si Renice? Panigurado na kung sino man ang traydor na nasa board members ay pipiliting mapalapit kay Renice para makakuha ng mga impormasyon," biglang sabi ni Tyron bago isinuksok ang kanyang palad sa loob ng suot niyang slacks. Natahimik naman ako. Hanggang ngayon ay hindi namin alam pareho ni Tyron ang totoong plano ni Michael. Basta pareho lang kaming sumusunod sa kung ano mang utos niya. "Kumusta na pala ang Black Famili
Nakatayo ako ngayon sa labas ng bahay na pinuntahan namin ngayon ni Michael. Ngayon na nandito ako, ngayon ko lang nalaman na nasa isang liblib na lugar kami. Puno rito ng mga tanim na puno, halaman, at mga bulaklak. "Why are you here?" narinig kong tanong ng isang boses mula sa kung saan. Agad akong napalingon sa aking likuran at doon, nakita ko si Michael na nakatayo sa tapat ng doorway. Agad akong ngumiti bago ako naglakad papunta sa kanyang gawi. "Ang ganda sa lugar na ito," sabi ko bago ako ngumiti. Nakita ko naman na agad na nagbago ang awra kanina ni Michael matapos nang sinabi ko, kung kanina ay tila inis siya, ngayon parang nagbago na. "Nasaan pala tayo?" nakangiting tanong ko. Nakita kong napatingin sa aking likod si Michael bago niya hinawakan ang aking kamay. Nagtataka naman akong tumingin lang sa kanya at sumunod sa kanyang hawak. Patuloy lang kami sa paglalakad sa bakuran nitong bahay hanggang sa t
"I want to hear a lot of things behind your life," sabi niya pa bago ako tinignan ng diretso muli sa mata. Natatakot ako, natatakot akong mahusgahan niya nang dahil sa nagawa ko sa aking ama. Napaiwas naman ako ng tingin bago ako huminga ng malalim. Makakaya ko bang aminin sa kanya ang totoo? "A-ano naman ang gusto mong malaman?" tanong ko pa. "How was he as a father to you and to your siblings?" tanong niya. Hindi ako kaagad nakaimik. Mabait, responsable, at higit sa lahat mapagmahal na ama siya sa amin ni Ranie noong panahon na nabubuhay pa siya. Wala kaming narinig na kahit anong reklamo mula sa kanya kahit pa buong araw siyang nasa labas ng bahay at nagta-trabaho. "Mabait si daddy. Mabait siya at responsable. Wala akong ibang nakita na ni-minsan ay nagreklamo siya kay Mommy tungkol sa trabaho niya," sagot ko bago ako bumuntong hininga. Maganda ang pamumuhay namin noon. Maganda at masaya, akala ko nga ay panghabang buhay na.
Mabagal kong iminulat ang aking mga mata nang may tumamang liwanag sa aking mukha. Pikit mata ko pang kinapa ang kumot na ngayon ay nakatapil pala sa aking katawan. Gusto ko na sanang tumayo mula sa pagkakahiga, ngunit mabigat at parang ayaw makisama sa akin ng aking katawan. "Good morning," narinig kong sabi ng lalaking nasa aking likod. Mabilis ko namang binuksan ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na 'yon. Kinagat ko pa ang pang ibaba kong labi nang maalala ko ang bagay na ginawa namin kagabi. "What do you want to eat for breakfast?" tanong pa niya bago ko naramdaman ang pagyakap niya sa aking katawan. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang maramdaman ko ang nang iinit kong pisngi. Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga nang dahil sa posisyon namin ngayon. "G-good morning din," nahihiyang pagbati ko bago ko ibinaon ang aking mukha sa aking palad.
"Heads up!" sabi ni Michael habang hawak ang aking kamay. Napanguso naman ako dahil sa hirap ng training na ginagawa namin sa mga oras na ito. "Ayoko na!" reklamo ko bago ko sinubukang hilain ang aking kamay. Kanina pa kami nandito sa training ground ng bahay nila Michael. Sa ilalim kasi ng maganda nilang bahay ay may under ground floor na para sa pag-ti-training na ginawa pa raw ng daddy niya upang turuan siya. "Tss. Wala pa tayong isang oras dito," sabi niya bago ako tinignan. "Again, heads up," sabi pa niya bago itinaas ng maayos ang aking kamay. "Hindi ko talaga kaya," reklamo ko. Akala ko makakarinig ako ng sermon ngunit hindi. Umalis lamang si Michael sa aking tabi bago niya inalis ang suot niyang parang headphone para sa firing. Kasalukuyan niya kasi akong tinuturuan na humawak ng baril. Hindi ko naman makaya dahil hawak ko pa lang ito ay nanginginig na ang buo kong katawan. "Think that you are in a fight. And in