Mabagal kong iminulat ang aking mga mata nang may tumamang liwanag sa aking mukha. Pikit mata ko pang kinapa ang kumot na ngayon ay nakatapil pala sa aking katawan.
Gusto ko na sanang tumayo mula sa pagkakahiga, ngunit mabigat at parang ayaw makisama sa akin ng aking katawan.
"Good morning," narinig kong sabi ng lalaking nasa aking likod.
Mabilis ko namang binuksan ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na 'yon. Kinagat ko pa ang pang ibaba kong labi nang maalala ko ang bagay na ginawa namin kagabi.
"What do you want to eat for breakfast?" tanong pa niya bago ko naramdaman ang pagyakap niya sa aking katawan.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang maramdaman ko ang nang iinit kong pisngi. Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga nang dahil sa posisyon namin ngayon.
"G-good morning din," nahihiyang pagbati ko bago ko ibinaon ang aking mukha sa aking palad.
"Heads up!" sabi ni Michael habang hawak ang aking kamay. Napanguso naman ako dahil sa hirap ng training na ginagawa namin sa mga oras na ito. "Ayoko na!" reklamo ko bago ko sinubukang hilain ang aking kamay. Kanina pa kami nandito sa training ground ng bahay nila Michael. Sa ilalim kasi ng maganda nilang bahay ay may under ground floor na para sa pag-ti-training na ginawa pa raw ng daddy niya upang turuan siya. "Tss. Wala pa tayong isang oras dito," sabi niya bago ako tinignan. "Again, heads up," sabi pa niya bago itinaas ng maayos ang aking kamay. "Hindi ko talaga kaya," reklamo ko. Akala ko makakarinig ako ng sermon ngunit hindi. Umalis lamang si Michael sa aking tabi bago niya inalis ang suot niyang parang headphone para sa firing. Kasalukuyan niya kasi akong tinuturuan na humawak ng baril. Hindi ko naman makaya dahil hawak ko pa lang ito ay nanginginig na ang buo kong katawan. "Think that you are in a fight. And in
"AHHHHH!" isang malakas na sigaw ng lalaki na ngayon ay nakaupo sa isang silver na upuan. Nakatali ang kanyang mga kamay habang may piring ang kanyang mga mata. "Magsasalita ka o tuluyan na naming uubusin ang mga daliri mo?" nagbabantang sabi ni Tyron habang hawak ang isang maliit na kutsilyo. Simula nang pumasok kami rito ay ganyan na ang kanilang ginagawa. Pilit na pinagsasalita ang lalaking nakaupo sa silver na upuan. "Wala akong alam! At wala akong sasabihin!" matapang na sigaw ng lalaki bago ito tumawa. "Wala kayong makukuhang impormasyon sa akin! Mga baguhan kayo sa mundo ng mga mafia, hindi lahat ay takot sa ginagawa niyo!" muling sabi niya habang tumatawa. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang pilit nilang inaalam sa lalaking ito. Basta ngayon ay nakaupo ako sa isang upuan habang katabi ko si Michael na tahimik na nanonood sa kung ano mang ginagawa ni Tyron at Redenn. "Napapagod na ako sa 'yo, p*ta ka! Magsasalita ka o pati
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Michael sa mahabang hallway. Katatapos lamang ng interrogation na kanilang ginawa. Flashback Nanatiling tensyonado ang buong kwarto. Habang ako naman ay nanatiling tahimik habang pinakikinggan ang usapan ni Michael at ng lalaki. "H-hindi ko alam kung buhay pa ba ang founder ng Black Familia. Dahil ang tanging alam lang namin ay nanggagaling ang bawat utos kay Ms. A. Kahit si Vince pa mismo ang tanungin mo sa bahay na 'yan," sabi pa ng lalaki bago tinignan si Tyron. Nakita ko naman ang mabilis na pagkunot ng noo ni Tyron. "Tyron, not Vince," sabi niya bago sumandal sa pader na katabi niya. Hindi naman na kumibo ang lalaki. Muli na lamang niyang ibinaling ang kanyang atensyon kay Michawl na kanina pa tahimik at hindi kumikibo. "K-kung may alam ako, sasab
Nakaupo na kami ngayon ni Michael sa lamesa namin dito sa kusina habang hinihintay si mommy na matapos sa pagluluto. Nakakapanibago ang bahay namin ngayon. Maganda na ito, may mga pintura na at marami na ring gamit. "Michael, may hindi pa pala ako naitanong sa 'yo," sabi ko bago ko siya tinignan ng diretso sa mata. Kanina pa kasi siya tahimik at parang wala sa mood na makipag usap. Nagsimula siyang ganyan matapos kong banggitin ang pangalang Enrique kanina. "We are already done with that Q and A. Let's just eat," sabi nito sa akin. Napasimangot naman ako. "Ang daya," sagot ko naman bago ako napahalukipkip. Hindi ko pa kasi naitanong kung kailan pa naging parte ng ibang mafia group sina Redenn at Tyron. "Kain na tayo!" masayang pag anunsyo ni Mommy habang dala dala ang isang malaking mangkok ng ulam. Agad naman akong napangiti. Mins
Maaliwalas ang kalangitan at maganda ang kulay nito. Kasalukuyan kaming nakasakay ngayon sa sasakyan namin. Si Mommy ay busy sa pagpapatahan kay Ranie na umiiyak dahil ayaw pa niyang umuwi ng bahay. "Daddy," pagtawag ko kay daddy habang patuloy siya sa pagmamaneho. Nakaupo ako sa passenger seat katabi ni daddy. Dapat si Mommy ang nakaupo rito ngayon pero hindi niya kasi mapatigil sa pag-iyak si Ranie. Buntis ngayon si Mommy sa lalaki at bunso naming kapatid. Pagkagaling namin sa hospital para ipa-check up si Mommy ay pumunta kaming mall para mamasyal. Alam ko nga ay hindi pa dapat kami uuwi pero biglang nagbago ang isip ni Daddy. "Daddy," pagtawag ko ulit sa kanya. Hindi ko kasi alam kung bakit pakiramdam ko ay aligaga siya at parang kinakabahan. "
Kagat ko ang pang ibaba kong labi habang patuloy ang paghalik pababa ni Michael. Wala na ako ngayong suot na kahit anong saplot, lahat ng mga 'yon ay mabilis nang natagal ng lalaking nasa harapan ko. "Ohh," impit na ungol ko nang maramdaman ko ang paglalaro niya sa magkabilaan kong dibdib. Ito ang pangalawang beses na ginawa namin ang bagay na ito. Hindi ko alam kung kailan ako masasanay. "Don't move," narinig kong sabi ni Michael nang subukan kong iiwas ang aking katawan sa kanya. "Ohhh!" malakas na ungol ng mas lalo pa siyang bumaba sa pang ibaba kong parte. Gusto ko siyang itulak nang dahil sa kakaibang sensasyon na nararamdaman ko sa mga oras na ito. "M-Michael," pagtawag ko sa kanyang pangalan bago ko hinawakan ang kanyang buhok. Hindi ko na alam kung saan ko ba dapat ilagay ang aking ulo. "M-Michael, p-please," pakiusap ko kahit hindi ko naman alam kung para saan ang sinasabi ko. Patuloy lang siya sa kanya
Kasalukuyan na akong sakay ng sasakyan ni Redenn at papunta na kami ngayon sa Seth Corporation. Sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil baka maulit lang ang nangyari sa akin noon no'ng dapat na ipapakilala ako sa board. "Bakit nga pala hindi natuloy ang meeting at party noon, Renice? Ilang linggo na rin ang nakakaraan pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam bakit hindi natuloy 'yon. Malaki pa naman ang nagastos ni Michael para sa party," biglang sabi ni Redenn sa akin. Natahimik naman ako nang bigla kong maalala ang nangyari noong araw na 'yon. Flashback Hindi ko alam kung bakit kanina pa ako nakatayo sa tapat ng isang malaking pinto. Magmula nang lumabas si Michael at iwan niya ako kanina sa opisina niya ay hindi ko na siya nakita o nakausap pa. Hindi ko tuloy alam kung ano ang kahaharapin ko sa mga oras na ito. Dahil tanging
Renice's POV Kasalukuyan ako ngayong nakaupo rito sa desk ko rito sa opisina ni Michael. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang kinuwento ni Redenn. Ibig sabihin no'n, noong panahon pa lang na 'yon ay gusto na ako ni Michael? Pero kung gano'n, bakit kaya naging mailap at masungit siya sa akin noong unang pagkikita namin? Siguro gano'n talaga para mailihis kung ano ang tunay na nararamdaman mo. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi nang maalala ko na naman ang araw na 'yon, ang araw kung saan natanggap ako bilang rented wife ni Michael. Flashback Ilang oras na rin ang nakakaraan nang ipasa ko ang form at resume ko sa babae. Ilang babaeng na-interview na rin ang lumabas mula sa kwarto. Sa totoo lang, kanina pa ako napapaisip. Bakit walang mga lalaking applicants? Bakit puro babae lang? Babae lang ba ang hina-hire nila bilang employee? Pero may nakita