Redenn's POV
"Where are they?" naiinis ng tanong ng isang board member dito sa loob.
Napahinga naman ako ng malalim. Nasaan na nga ba ang dalawang 'yon?
"Pst. Nag-text ba sa iyo si Michael? Missing in action na naman silang dalawa," bulong sa akin ni Tyron matapos niya akong kalabitin.
Napakibit balikat naman ako.
"Hindi, eh. Alam ko tuloy na ang meeting ngayon," sagot ko naman bago ako napatingin sa paligid.
Kanina pa dapat nakapag simula ang meeting at introduction ni Michael kay Renice. Pero ni-isa sa kanilang dalawa ay walang sumasagot sa kahit anong tawag at messages namin ni Tyron.
"Tsk. Pasaway rin talaga 'tong si Michael. Pero never niya naman ginawa ito before, right? Simula lang noong nakilala niya si Renice," sabi naman ni Tyron bago luminga sa paligid.
Gano'n na rin naman ang ginawa ko. Taong mapagpahalaga sa oras si Michael, kaya hindi ko alam na magagawa niyang magsayang ng oras lalo na kapag involve ang S
Kinakabahan ako. Pakiramdam ko makakarinig kaming dalawa ni Michael ng malalang sermon galing sa board members. "What are you thinking?" biglang tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa meeting area. "W-wala naman. Medyo kinakabahan lang ako. Baka kasi malakasang sermon ang makuha natin sa kanila," sabi ko bago ako napabuntong hininga. Kinakabahan ako. Baka matanggal si Michael sa pagiging CEO nang dahil sa ginawa ko na naman kanina. "Tss. As if they can," sabi naman niya bago ko naramdaman ang marahang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. "Hey, chill. They can't scold you so relax," sabi pa niya bago bahagya akong nginitian. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi upang mawala ang kung ano mang gulo na naiisip ko sa mga oras na ito. "Sigurado ka ba na hindi sila magagalit sa atin?" tanong ko naman upang mawala ang kung ano mang mga gulo na ngayon ay pumapasok sa isip ko. "I am certain that they are. B
"AAAAAAHHHHH!" malakas na sigaw ko nang makapasok na kami ni Michael sa loob ng kanyang opisina. "Tss. You are being too loud again," sabi niya habang hawak ang dalawa niyang tenga at naglalakad papalapit sa kanyang lamesa. Napanguso naman ako bago ako nakangiting naglakad papunta sa gawi niya. Nakaupo na siya ngayon sa swivel chair niya habang mariing nakapikit ang kanyang mga mata. Natutuwa ako sa hindi ko malamang dahilan. Pakiramdam ko kasi kahit papaano ay maganda naman ang naiwan kong impression sa mga board members kanina. "Natutuwa ako kasi parang ang galing ko kanina," sabi ko habang nakangiti. Hindi ko alam kung tama ang mga pinagsasasabi ko kanina, pero pakiramdam ko naman naipakita ko ang gustong ipakita ni Michael sa mga board. Hindi naman kumibo si Michael. Bahagya niya lamang iminulat ang kanyang mga mata. "You did very well," biglang sabi nito sa akin bago niya iminulat ang kanyang mga mata. Napa
Nakatayo ako ngayon dito sa sala ng bahay ng mga magulang ni Michael. Nandito pa rin kami at hindi pa umaalis. "Tuloy pa rin ba training ko? Bakit parang 'di naman tayo nag-ti-training?" sabi ko bago ako naupo sa sofa na nasa aking harapan. Hindi naman kumibo si Michael. Nanatili lang siyang nakatayo sa doorway habang sumisimsim sa hawak niyang baso na may lamang kape. Napanguso naman ako. Pansin ko kanina niya pa ako hindi pinapansin. Gusto ko ng malaman kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip niya. "Michael?" pagtawag ko pa sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kagabi pa siya ganito. Simula kasi nang sabihin ko sa kanya na sigurado akong nawawala ang folder, at naiwala ko 'yon no'ng araw na na-kidnap ako, hindi na siya kumikibo. Parang napakalalim ng kung ano mang iniisip niya. "Michael?" pagtawag ko muli bago ako naglakad papalapit sa kanya. Patuloy ako sa paglapit sa kanya. At nang tuluyan ko ng naisara ang pagitan naming dalawa
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Michael habang sabay kaming naglalakad. "You will going to know later. For now, shut your mouth, and stop blabbering," sagot naman niya bago ako mabilis na nilingon. Agad namang napakunot ang aking noo matapos nang aking narinig. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'to. Minsan sweet siya, pero madalas hindi ko talaga maintindihan ang ugali. "Ewan ko sa iyo," sabi ko na lang bago ako napaismid. "Why are you so fussy?" nakakunot noong tanong naman niya sa akin. "Ayaw mo kasi sabihin kung saan tayo pupunta. Nakakabaliw kaya mag isip ng mag isip," sagot ko naman bago ko siya tinaasan ng kilay. Nakita ko naman ang lihim na pag ngiti niya sa akin. "Do you remember your first night on my house?" biglang tanong nito. Natigilan naman ako bago ko siya nilingon. "Alin doon?" nagtatakhang tanong ko. Natawa naman siya. "Lahat 'yon," biglang sabi naman niya.
Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Kaagad kong iniharang ang aking kamay upang mawala ang liwanag na ngayon ay patuloy na sumisilaw sa akin."Goo--" hindi ko na natapos pa ang kung ano sanang sasabihin ko nang matapos ko6ng tumingin mula sa aking likod ay wala na ang lalaking sa huli kong pagkakatanda ay katabi kong natulog kagabi."Michael?" pagtawag ko sa kanya. Baka kasi nasa cr lamang siya ng kwartong ito."Michael?" pagtawag ko ulit bago ako mabagal na umupo mula sa pagkakahiga at iniharang sa aking hubad na katawan ang comforter na kagabi ay sabay pa naming gamit.Nasaan ba ang lalaking 'yon?"Michael? Nasaan ka?" pagtawag ko ulit bago ako bumaba sa kama at hinanap kung saan inilagay ni Michael ang mga damit na suot ko kagabi. Napakagat naman ako ng pang ibabang labi nang hindi ko 'yon nakita.Malamang katulad sa mga damit ko noon na hinuhubad niya tuwing magtatalik
Gusto kong malaman kung nasaan na ba si Michael. Halos dalawang araw na rin ang nakakaraan simula nang umalis siya sa bahay ng mga magulang niya nang walang pasabi sa akin. Hindi ko pa alam kung nasaan ako. Nandito ako sa bahay raw ni Michael, si Tyron at inutusan niyang maghatid sa akin dito. Nitong nakaraan, napag isip isip ko ang mga bagay na nagdaan. Napahinga ako ng malalim. Hindi lang talaga mawala sa isip ko ang mag isip ng mag isip. Mabagal akong tumingin sa kalangitan nang isa na namang alaala ang pumasok sa isip ko. Flashback "I want you," tila nabingi naman ako sa narinig ko. Para rin akong napako mula sa kinatatayuan ko. "A-anong pinagsasasabi mo d'yan?" kinakabahang tanong ko. "Hindi 'to oras para magbiro," sabi ko pa bago ako humakbang ng paatras. Nakita ko namang napabuntong hininga siya bago niya ininom ang hawak niyang alak. "What will you do once I force myself to you?" tanong naman nit
"Kumusta ka naman, Renice?" rinig kong tanong sa akin ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Redenn. Papunta kami ngayon sa Seth Corporation para asikasuhin ang mga bagay na naiwan ni Michael. "Ayos lang naman ako," sabi ko habang may pilit na ngiti. Hindi ako ayos. Walang maayos. Nasasaktan ako, parang bigla akong iniwan ni Michael matapos niyang makuha ang lahat lahat sa akin. "Galit ka ba, Renice?" biglang tanong ni Redenn matapos ang ilang segundong pagiging tahimik namin. "Ha? Bakit naman?" tanong ko bago ako napatingin ng diretso sa daan. Bakit naman ako magagalit? At kanino naman? "Dahil ilang araw ng 'di nagpapakita si Michael sa iyo?" sagot naman nito sa akin. Hindi ako kaagad nakaimik. Nakakaramdam ako ng inis, at tampo dahil bigla na lang siyang nawala ng walang pasabi. Pero hindi ko 'yon maaaring aminin dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan.
Patuloy ako sa pagbabasa ng mga laman ng folders na narito sa mesa ni Michael. Sa totoo lang kanina pa ako rito pero wala pa ako ni isang napipirmahan o naa-aprubahan na plano. Napahinga ako ng malalim. Bukod sa wala talaga akong alam sa ginagawa ko, hindi ko rin maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko. Nasasaktan ako. Hindi lang dahil sa sinabi ng sekretarya ni Michael, kung hindi dahil kay Michael mismo. Paano nga ba kung may kasama na siyang iba? Katapusan na rin ba 'yon ng kontrata naming dalawa? Tapos na ba ang trabaho ko sa kanya bilang rented wife? Binitawan ko ang ballpen na kanina ko pa hawak pero ni-isang beses ay hindi ko pa nagamit dahil wala pa naman akong napipirmahan na kahit ano. Napasandal pa ako sa swivel chair bago ako napatingin sa kisame. Kinagat ko rin ang pang ibaba kong labi nang maramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata at ang pang iinit nito. Kung nasaan man si Michael, sana maalala niya man l