Patuloy ako sa pagbabasa ng mga laman ng folders na narito sa mesa ni Michael. Sa totoo lang kanina pa ako rito pero wala pa ako ni isang napipirmahan o naa-aprubahan na plano.
Napahinga ako ng malalim. Bukod sa wala talaga akong alam sa ginagawa ko, hindi ko rin maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko.
Nasasaktan ako. Hindi lang dahil sa sinabi ng sekretarya ni Michael, kung hindi dahil kay Michael mismo. Paano nga ba kung may kasama na siyang iba? Katapusan na rin ba 'yon ng kontrata naming dalawa? Tapos na ba ang trabaho ko sa kanya bilang rented wife?
Binitawan ko ang ballpen na kanina ko pa hawak pero ni-isang beses ay hindi ko pa nagamit dahil wala pa naman akong napipirmahan na kahit ano.
Napasandal pa ako sa swivel chair bago ako napatingin sa kisame.
Kinagat ko rin ang pang ibaba kong labi nang maramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata at ang pang iinit nito.
Kung nasaan man si Michael, sana maalala niya man l
Hanggang ngayon ay patuloy na bumabagabag sa akin ang iniwang note ni Michael para sa akin. Napahinga ako ng malalim. Ang dami kong iniisip, ang daming gumugulo sa isip ko. Mariin kong naipikit ang aking mga mata nang maalala ko na naman ang nangyari noong nakaraan. Flashback "And I as well, patay na." Malalim akong napahinga ng maalala ko ang huling sinabi ni Michael sa akin. Mabilis ding kumalabog ang dibdib ko. "Kung ako sa iyo, Renice kakain ako ng umagahan para 'di naman ako bigla na lang natutulala," sabi ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan. Mabilis ko naman siyang nilingon habang nakakunot ang aking noo. "Anong pinagsasasabi mo d'yan?" nakakunot noo pa ring tanong ko. Bahagya naman siyang tumawa. "Pansi
Isang linggo na rin ang nakakaraan nang huli kong makita si Michael sa opisina. Pagkatapos no'n ay hindi ko na rin siya nakita pa. Basta isa lang ang sigurado ako, hindi ako basta iniwan lang ni Michael. May dahilan siya. At naniniwala ako roon dahil sa iniwan niyang sulat para sa akin. Napahinga ako ng malalim bago ko tinignan ang kanina ko pang hawak na papel. Nakasulat dito ang gustong iparating sa akin ni Michael noong araw na 'yon. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang magsalita. Kung bakit mas pinili na lang niyang isulat ang sasabihin niya. Nalilito ako, naguguluhan. Ano ba ang nangyayari sa iyo, Michael? At nasaan ka ba? "Mrs. Seth, tulala ka na naman," narinig kong sabi ng isang sobrang pamilyar na boses. Dahil sa loob ng halos dalawang linggo, dalawa lang naman sila ang pumupunta rito para kumustahin ako o 'di kaya ang sunduin ako para ihatid sa Seth Corporation. Tumawa naman ako upang pagbati sa kanya. "Mrs. Seth ka d'yan," pilit ang
Wala akong ibang ginawa kung hindi maghintay na lang sa pagdating ng isang taong parang imposible naman ng dumating pa. Ngayon ang araw kung saan kailangan kong pumunta sa Seth Corporation para i-check kung ano na ang mga nangyayari roon. Simula no'ng huling nagkita kasi kami ni Michael ay hindi na 'yon nasundan pa. "Ready ka na?" napalingon ako sa aking likod bago ako tumango. "Tara," simpleng sagot ko. Hindi naman na nagsalita pa si Redenn. Ngumiti na lamang siya bago idinipa ang kanyang kamay upang ituro ang aking daraanan. "Let's go!" biglang sabi niya bago naglakad kasabay ko. Napangiti naman ako bago ako tumango. "Kailan mo balak mag-stay muna sa inyo?" biglang tanong nito sa akin sa gitna ng aming paglalakad. Napangiti naman ako. "Plano ko na ngang umuwi," panimula ko. "Wala pa ba kayong balita kay Michael?" tanong ko pa. Hindi naman kaagad sumagot si Redenn pero kita ko sa itsura niya na may ayaw siyang sabihin
Naglalakad ako ngayon papunta sa opisina ni Michael. Wala naman akong gagawin dito pero hindi ko alam kung bakit pinili kong pumunta rito. "Good morning, Mrs. Seth," pagbati ng mga taong makakasalubong ko. Simula kasi nang ipakilala na ako ni Michael bilang asawa niya sa board members doon na rin nalaman ng iba na ako nga ang babaeng nirentahan ng boss nila. "Fake," narinig kong sabi naman ng isa bago ako mabilis na pinasadahan ng tingin at naglakad papalayo sa akin. Tama. Kung may mga taong tanggap ako bilang asawa ni Michael, may mga tulad din naman ng babaeng 'yon na hindi matanggap na ako ang nakakuha ng pwestong matagal na nilang gusto. Sa pagkakaalam ko kasi ay iilan lang din sa mga nagtatrabaho rito ang nakakaalam na ang nangyaring hiring dati ay para sa paghahanap ng pekeng asawa ni Michael. Habang ang iba naman ay napaniwala na nagsagawa
Patuloy lang ako sa pag-akyat ng hagdan. Ilang beses ko na ring ginagawa ito, at sa totoo lang ay medyo nasasanay na ako. Dati hirap na hirap akong umakyat dito, pero ngayon ay hindi na. Para bang naging exercise ko na ang pag-akyat dito sa tuwing pumupunta ako rito. Patuloy ako sa pag akyat hanggang sa tuluyan ko ng marating ang opisina ni Michael. Napahinga pa ako ng malalim bago ako napalingon sa paligid. Kailan lang noong bumalik ako rito pero pakiramdam ko napakatagal na. Naglakad ako papalapit sa mesa ni Michael dito sa opisina niya bago ako huminga muli ng malalim. Napaka bigat, ang sakit sa dibdib. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. Nalilito na tuloy ako. Nalilito ako kung totoo ba ang naging pag amin ni Michael sa akin noon. Flashback "Saan nga pala pupunta si Michael?" tanong ko kay Tyron na ngayon ay siyang nagmamaneho ng sasakyang kinalululan ko. "Hindi niya kasi sa akin nabanggit kanina no'ng ipinasundo k
Tinignan ko ang paligid ng opisina ni Michael. Walang nagbago rito. Kung ano ito ng umalis ang lalaking 'yon, ganito pa rin itong babalikan niya. Napahinga ako ng malalim. Wala man lang akong makuhang kahit anong balita tungkol sa kanya. Wala man lang kahit kaunting kwento patungkol sa kanya. Malalim akong napabuntong hininga bago ako naglakad papunta sa secret room. Parang napakatagal na ata no'ng nakapunta ako rito. Kinagat ko pa ang pang ibaba kong labi bago ko itinulak ang pinto ng secret room. "Got you," bulong ng isang pamilyar na boses. Napangiti ako. Kahit madilim dito sa secret room dahil wala pa akong binubuksang kahit anong ilaw, alam na alam ko kung sino ang nagma-may ari ng boses na 'yan. "Michael?" nakangiting tanong ko. Hindi naman siya sumagot ngunit nagulat ako nang bigla niya akong binuhat at pinunta sa kama.
Isang malalim na halik ang ngayon ay ibinibigay namin ni Michael sa isa't-isa. Isang halik na nagsasabi na pareho kaming sabik sa kung ano mang ginagawa naming dalawa. Kasalukuyan akong buhat ni Michael. Nakasandal ako sa pader sa tabi ng pinto ng secret room. At dahil sa pwesto naming ito, ramdam na ramdam ko sa suot kong short ang kaibigan niyang handa na naman akong kumustahin. "Ohhh," isang mahinang ungol ang lumabas sa aking labi nang maramdaman ko ang kamay ni Michael na ngayon pala ay nasa loob na ng aking short. Sa sobrang focus ko sa paghalik kay Michael at pagdama sa pang ibaba niyang kaibigan. Hindi ko na namalayan na wala na akong suot pang itaas. Wala na ang kanina lang ay suot-suot kong tshirt at bra. Sa isang iglap lang, half naked na ako sa harap ni Michael. Napakagat na lang ako sa pang ibaba kong labi. Dahil tila sa sinabing 'yon ni Michael ay mas lalong nag-init ang katawan ko. "These are all mine," biglang sabi niya. Tinign
Nanatili kaming h***d na magkatabi ni Michael. Kanina pa ako gustong kainin ng antok ngunit nilalabanan ko. Dahil hanggang kaya, ayaw kong makatulog sa mga oras na ito. Dahil alam ko, sa oras na gawin ko, maaaring ang lalaking tahimik na katabi ko sa mga oras na ito ay mawala na lang na parang bula."Renice," panimula niya.Hindi ako kaagad umimik. Nakaunan ako sa kanyang bisig habang pareho kaming nakatingala sa kisame nitong secret room."I know you are mad at me. But can you still give me enough time before I tell you everything?" pagpapatuloy pa niya.Hindi naman ako kumibo. Bakit ba palagi na lang niyang pinagpapaliban ang lahat? Bakit ba palagi na lang niyang pino-postpone ang mga sagot sa katanungan ko kahit maaari naman niya iyong sagutin kaagad ngayon.FlashbackRenice's POVNakanguso ako