Share

Kabanata 49

Ang akala ni Celeste ay magiging madali lang para kay Felip na magbago ang pakikitungo kay Semion nang ikwento niya ang ‘pekeng’ love story nila ni Semion, subalit sa halip ay mas lalo lamang sumama ang loob nito sa hindi malamang dahilan.

“Hindi ba kapani-paniwala ang ginawang love story natin, Semion?” takang tanong niya sa lalaki, habang pinapatuyo ang kanyang basang buhok gamit ang tuwalya.

Katatapos lamang niya maligo sa loob ng maliit na banyo ng inuupuhan nilang maliit na apartment sa lugar. Naupo siya sa kama, tiningnan si Semion na kanina'y nangangalikot sa cellphone, at ngayo'y may blangkong itsurang bumaling ng pansin sa kanya.

“Why though? Does it matter?” tanong nito sa kanya. “Ano naman kung hindi maniwala ang lalaking ‘yon? May magagawa ba siya para mapigilan ang kasal?”

Bahagyang natigilan si Celeste. Guni-guni niya lang ba? O masama talaga ang mood ni Semion magmula kanina pa?

“Hindi naman sa gano'n,” aniya. “Pero kasi para ko na rin siyang pamilya, kaya mas nakakagaa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status