*BANG*BANG*BANG*“Clean everything here now.” malamig na utos ni Semion sa kanyang mga tauhan matapos iputok ang baril sa tatlong mga lalaking nagtangka ng kanyang buhay.“Opo, Boss!” masigasig na sumunod ang mga tauhan para iligpit ang mga bangkay.“Hold my gun, Diego.” inabot niya kay Diego ang kanyang baril at napapagod na nagtungo sa opisina ng kanyang underground hideout.Hindi tulad sa napakagalante niyang opisina sa sariling mansyon at kumpanya na nagkikinangan sa ginto at dyamante, ang opisina ng kanyang hideout ay siyang kabaliktaran. Walang ibang desenyo at puro itim na kulay lamang ang makikita dahilan kung bakit madilim sa loob. Naka-display din sa mga pader ng silid ang iba't-ibang klase ng mga armas at gamit pang torture.Wala kagana-ganang naupo si Semion sa malaking itim na leather chair. Pinatong niya pa ang mahahaba niyang binti sa lamesa bago naglabas ng kulay itim na sigarilyo at lighter.Sandali siyang nanatili sa ganoong posisyon na animo nirerelax ang sarili, ng
““Kaliwa't kanan na mga kaso at court hearings ang kinakaharap ngayon ni Governor Allegra dahil sa isyu ng mga pagnanakaw ng mga lupain, misteryosong pagkawala ng ilang mga residente at daang magsasaka, maging ang ilegal na pagpapatayo ng mga infrastructure.””““Mainit ngayon sa mga netizen si Governor Allegra. Maraming kabataan ngayon ang humihingi ng hustisya at katarungan para sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagra-rally, pagbisita sa kinaroroonan ng biktima, at pag-abot ng mga kaunting tulong pinansyal at relief goods.””““Nananawagan naman ang spokesperson, lawyer, at partido ni Governor Allegra na huwag magpakalat ng mga hindi makatotohanang bintang tungkol sa kanya at sa kanyang pamilya. Ayon sa kanilang estamento, gagawin nila ang lahat para patunayan na malinis ang kanilang konsensya, at ang isyu na kumakalat ngayon ay walang iba kundi isang black propaganda lamang laban sa kanila. Nananatiling tahimik si Governor Allegra dahil anumang sabihin nito ay gagamitin laban sa kany
Matagal na nakatulala si Celeste sa harapan ng salamin wari'y mayroong malalim na iniisip.“Senyora, ayos ka lang ba?” pukaw sa kanya ni Lisa.Kasalukuyan siyang inaayusan ng buhok at itsura nila Lyn at Lisa, habang siya'y tahimik na nakaupo sa harapan ng vanity table.Walang kagana-gana siyang tumango. “Ayos lang naman, bakit?”“Hmm? Sigurado ka po? Para kasing hindi naging maayos ang tulog mo kagabi at wala kang enerhiya ngayong umaga. Napuyat po ba kayo?” masusing tanong pa ni Lisa.Napaisip si Celeste at malakas na napabuntong-hininga. “Hindi ko alam… parang maraming nangyari kagabi habang natutulog ako pero sa sobrang gulo hindi ko na maalala.”“Kaya po ba malalim at namumula ang mga mata niyo ngayon. Senyora?” pagtatanong naman ni Lyn na siya ring nakapansin sa hindi pangkaraniwan niyang temperamento.“Namumula ang mga mata ko?” natauhan si Celeste at muling pinukusan ang mukha niya sa salamin. Nagulantang siya nang makita kung gaano namamaga ang mga mata niya na pinagbibidahan
‘Dalawang buwan versus halos dalawang dekada.’ Napatawa si Diego sa kanyang isipan.Naiintindihan ni Diego na hindi madali para kay Celeste na burahin ang nararamdaman nito para sa dating asawa lalo na sa ikli ng panahon. Siguro nga ay kahanga-hanga na rito ang hindi pagpapakita ng emosyon sa tuwing nababanggit ang pangalan ng lalaking iyon.Ang pagmamahal, sakit, trauma, hinanakit, at poot sa dati niyang asawa ay naghalo-halo na. Kahit sino naman siguro na maranasan ang sinapit niya ay pipiliin na lang na tigasan ang puso.Kahit din si Diego na single buong buhay ay nauunawan ang mga ganoong bagay. Lalo na't lumaki siya sa kanyang ina noon na ilang beses niloko ng kanyang ama. Naalala pa ni Diego ang pang-aabusong pisikal ng kanyang ama sa kanyang ina, maging ang paglalason sa isipan nito. Para sa kanya noon na musmos na taong gulang pa lamang, ay talaga namang trauma ang inabot niya resulta kung bakit ayaw niya ng katuwang sa buhay ngayon.Sa huli ay pinili ng kanyang ina na wakasan
“Primo Semion!” nagulat si Lisa, isa sa personal na alalay ni Celeste nang makita si Semion na pumasok sa loob ng mansyon hating gabi na. “Uuwi ho pala kayo ngayong gabi.”Tumango siya. “Where's Celeste? Natutulog na ba siya?”“Opo, Primo! Maagang natulog si Senyora dahil hindi naging maganda ang tulog niya kagabi at napagod siya sa mga gawain niya ngayong araw.”“Is that so? Alright, I'll head up. Lock the door.”“Opo, Primo!”May malalaking hakbang siyang nagmartsa patungo sa mahabang hagdanan at may pagmamadaling tinungo ang kwarto nila ni Celeste.Sa katunayan ay hindi naman talaga dapat siya uuwi ngayong gabi dahil abala siya sa pamumuno sa kanilang organisasyon, at sinayang pa iyon ni Diego nang dalhin siya sa bar na iyon. Kaya naisipan na lang niyang umuwi tutal nasira na ang gagawin niya.Nang makarating siya sa silid ay maingat niyang binuksan ang pintuan upang pumasok sa takot na baka magising niya si Celeste. Hindi siya gumawa ng anumang tunog hanggang sa maisara ang pintua
“I'm sorry, I didn't know…” napayuko si Celeste sa kanyang mga daliri sa sandaling iyon.Wala siyang kamalay-malay na nangyayari sa kanya ang bagay na iyon sa pagtulog. Wala siyang ideya na pinapanaginipan niya ang mga magulang niya at umiiyak siya sa pagtulog!“S-Sorry!” napatakip siya bigla ng mukha gamit ang dalawa niyang palad. “Hindi ko talaga alam, Semion. Paniguradong naiistorbo ko ang pagtulog mo! Sorry talaga!”Sa loob ng isang buwan nilang magkasamang natutulog sa gabi? Nakakahiya na hindi niya namamalayang nagpapakita siya ng ganoong klase ng kahinaan kay Semion!“Please don't get me wrong, Celeste.” dinig niyang malumanay na sabi ni Semion. “Hindi ko sinasabi sa'yo ‘to ngayon para pahiyain ka o idiskrimina, gusto ko lang na malaman mo at mapagaling ang kondisyon mo.”Binaba niya ang mga kamay niya at may mahabang ngusong tiningnan muli si Semion. “May mai-rerekomenda ka ba sa aking tao na makakatulong sa akin? Kasi kahit anong isipin ko, wala naman talaga akong naaalalang b
“Celeste…”Matatamlay at mapupulang mga mata na animo hindi nakatulog ng ilang linggo, nakatitig si Darson sa larawan ng dati niyang asawa noong ito'y dalaga pa lamang.Nasa larawan ang malaking pagkakangiti sa labi ng labing limang taong gulang na si Celeste habang nakatingin sa camera. Sa suot nitong simpleng kulay rosas na dress ay nagliliwanag ang kutis nito. Ang buhok pa ni Celeste noon ay paalon na umaabot hanggang sa baywang nito.Napakagandang babae… na dapat ay si Darson lang ang makaka-angkin.“Celeste,” muli niyang hinaplos ang ang picture frame gamit ang kanyang hinlalaking daliri. “You're a lying bitch. Sabi mo ako lang ang mamahalin mo. Nasaan ka na ngayon? Sa piling ng ibang lalaki?”Nanggagalaiti niyang tinungga ang bote ng alak sa hindi mabilang na pagkakataon. Nakakalat mismo sa dating kama nila ni Celeste ang iba pang mga mamahaling bote ng alak na ngayon ay wala nang kalaman-laman, habang nakaupo siya roon.Sa sakit na nadama ay kinuyom ni Darson ang matigas niyang
“Madam! Maraming salamat po, Madam!”“Madam Celeste! Hulog kayo ng langit sa amin!”“Nabawi na namin ang aming sakahan!”“Nakakaligo na ulit kami sa ilog!”“Madam Celeste!”Nagugulat si Celeste sa mga taong sumalubong sa kanya pagkababa pa lamang niya mula sa kanilang van sa probinsya matapos ang tatlong linggong pag-alis niya rito. ‘Di niya inaasahang dudumugin siyang bigla ng mga tao roon at lahat sila'y tuwang-tuwa sa pagdating niya.“Paki-kalma po mga nanay at tatay!” pagpapakalma niya pa bagaman hindi mapigilang matuwa sa mga tao. Pilit nilang kunukuha ang kamay niya at yakapin siya. “Ginawa ko lamang po ang tama para sa ating lahat!”“Madam! Salamat po at nagbalik kayo!”“Unti-unti nang nagsisipaglayasan ang sugo ng mga Allegra!”“Madam Celeste, mabuhay ka!”Labis na napukaw ang damdamin ni Celeste sa mainit na pagsalubong sa kanya ng mga tao. Emosyonal niyang kinausap isa-isa sa kabila ng pagdumog nila para lamang makita at mawahakan siya.Batid nga niyang unti-unti nang naibab