"Wait what?" pati si Kevin ay nagulat sa sinabi ng abogado."Bakit kailangan si Elise ang pumirma?Ibig bang sabihin nito malalaman ni Elise ang lahat. Kailangan bang sabihin kay Elise sng lahat" nagaalalang tanong ni Kevin sa abogado."Oo, sa kasamaang palad ay ganun na nga. Parang ikaw lamang Kevin ang parang naging guardian ni kenzo o parang naging gabay ni Kenzo para masagawa o maisagawa yung nakalagay sa testament pero ayon nga sa isa pang kasulatan ng matanda si Elise ang kinakailangang pumirma ng lahat ng mga bagay na legal at nakadokumento.Ibig sabihin pagdating ng tamang panahon at ang tamang panahon na yon ay ngayon nga pagkatapos ng isang taon" balita ng abogado."What! This is so unfair" reklamo ni Kevin, una sa unang testamento ay nakalagay doon na kapag nag failed ang kasal ni Kenzo ay hindi makakapag asawa si Kevin kinakailangan maayos na makasettle ang kapatid niya bago niya magawa iyon. Ikalawa kung saka sakali ngang si Elise ang magdedesisyun malamang ay ibigay nito
Confident na tumawa ng mahina si Kenzo. Naeexcite siya sa balita ng abogado. Konting panahon na lang at nasa kamay na niya ang lahaht ng pianghirapan. "Don't worry ma confident ako na nababaliw sa akin ng babaeng na iyon. Isipin mo nga mag iisang taon nang hindi ko yun tinatrato ng maayos pero ayan diba ito uto pa rin"sabi ni Kenzo. "Oo inaamin ko dinadala ko mismo si Soffie dito at nakikita niya yun pero anong ginagawa niya? wala payog yun kahit ilang kabit pa meron ako. Nananatili pa rin sa bahay na ito, aminin niya man sa hindi bukod na sa gusto niya ako at ulol na ulol siya sa akin aminin na natin mas after din si Elise sa pera na makukuha niya dahil sa akin" umupo si Kenzo at nsngdekuwatro sabay tinangala sa nakatayong ina. "Alam ko yon ang dahilan niya, aba hindi na nga naman siya lugi kahit ganun man ang trato ko sa kanya ano't ano man ang mangyari isa siyang Madrigal at tsaka hindi ba sinabi naman ni Lola sa kanyang last will and testament emeron din namang nakalaan para k
Samantala sa duyan sa ilalim ng puno ng hapong ay ubos na ang luha ni Elise. Kanina lang ay panay ang punas niya ng mga luha.Hindi niya kailanman naisip at wala kahit sa imagination niya na may ganun palang kasunduan sa pagitan ng lola ni Kenzo at ng lola niya. Hindi maintindihan ni Elise kung bakit mas masakit na nalaman niya na alam ni Kevin ang lahat ng kasunduang ito. Naisip ni Elise na kaya siguro palagi siyang tinutulungan ni Kevin, na kaya siguro laging naka alalay si Kevin sa kanya ay para hindi niya maisipang umalis sa mansyon. Kaya siguro ginagawan ito ang lahat ng pangungumbinsi na ipaglaban niya ang karapatan parang hindi niya maisipang sukuan ang kapatid nito. "Kaya ba sinisikap ni Kevin na ayusin sila ni Kenzo at sinisikap nito na mapabuti ang relasyon nilang mag asawa dahil ba yun sa katotohanang nasa kanya ang kapangyarihan para sa mana ng mga ito?" muni muni ni Elise. Muling umagos ang luha ni Elise na kanina lamang ay tuyo na. Ang buong akala ni Elise kaya naga
Nang marinig ni Elise ang sinabi na iyon ni Jovelyn ay bigla siyang nahiya pero at the same time ay naging malalim ang pag iisip ni Elise. Naalala niya na nitong mga nakaraang gabi nga ay medyo nauuwi sila ni Kenzo sa lambingan ngungulit si Kenzo sa kanya bagamat ganun pa rin at brutal pa rin ang paraan ng pag angkin sa kanya ni Kenzo ay nanahimik lang muna si Elise at onaasahan marahil ganun talaga si Kenzo sa kama. Napangiti na lamangng mapait si Elise sa sinabing iyon ni Jovelyn. Matapos ng lahat ng naringi niya sa library hindi na la ni Elise kung dpaat pa ba siyang matuwa. Tumayo si Elise at pagkatapos ay tinanong niya ang maid kung ano ang ginagawa at ano ang niluluto. Binuksan naman ni Jovelyn ang takip ng kaldero at umalingasaw ang bango ng niluluto nitong kare- kare.Pero pagkaamoy ni Elise ng kare-kare ay bigla itong parang naduduwal."Ano bang amoy yan? ang baho naman takpan mo bilis... takpan mo na, ayoko ng amoy na yan para akong nasusuka nahihilo ako sa amoy"sabi ni El
"Naku senyorita talagang ganyan po yan, mag tatakaw po talaga kayo at mananaba kayo yang pagkahilo na yan tuwing umaga lang yan pati ho yung pagduduwal at pagkatapos po niyan ay maghahanap na na gusto niyo ganyan ho talaga, sintomas po yan ng buntis" "Ano ?" nagugulat si Elise sa mga sinasabi ni Jovelyn."Naku tiyak matutuwa ang senyorito Kenzo pag nalaman niyang nakabuo na kayo" nakangising sabi ni Jovelyn. Bagamat natulala si Elise at halos nanigas ang katawan ay hindi nagpahalata bagkus ay itinuloy na lamang niya ang pagkain at pagkatapos ay nagpaalam ng aakyat na lang ulit sa silid dahil masama talaga ang kanyang pakiramdam. Hanggang sa makarating siya sa silid nila ni kenzo ay naging laman ng isip ni Elise ang sinabi ni Jovelyn.Posible nga kayang nagdadalang tao siya?posible nga kayang kahit ganun ka weird yung nangyayari sa kanila Kenzo ay posible nga kayang nabuntis pa rin siya nito? Dahil sa mga haka haka ay umidlip muna si Elise at bg nagising siya ng mga bandang hapon but
Buong maghapon ang araw na iyon ay inaasikaso ni Kenzo si Elise.Hangang sa panuniod nito ng Tv at paglalaro ngga gamea ay hiniling nitong nasa tabi siya ng asawa. Talagang manghang mangha na si Elise sa nangyayari bagamat sa kaliwang bahagi ng kaniyang puso ay inaasam niya iyon, noon pa ay pangarap niyang maranasan ang pag aasikaso at pag aalala sa kanya ng asawa. Pero ang kanang bahagi ng kanyang puso ay nag aalala kung totoo ba ang ginagawa nito? dahil lamang sa may inaasahan si Kenzo na gagawin niya.Pero tulad ng nangyari kahapon ay bagamat inaasikaso siya nito maghapon, muli na namang nagpaalam ulit si Kenzo na aalis. "Love okay ka lang ba? iwan muna kita sandali kase nag message si Mark , may salo salo sa bahay nila kase bday niya. "Okay lang sige, okay naman ako dito sanay na ako" sabi ni Elise na totoo naman. "Ayan nagparinig pa, eto na nga bumabawi na. Narealizedl ko na nga ang mga mali ko diba? Gusto sana kitang isama Love kaso kase inuman lang yun magugutom ka doon.
"E-Elise.....!!!" Sabay pang nagulat ang dalawa at nagkatitigan ng matagal. Nabasa ni Elise ang pag aalala sa mata ni Kevin, ganun din si Kevin. Natulala lang saglit pero nabasa niya sa mga mata ni Elisse ang pag aalala na para bang may panunumbat sa titig nito. Hindi alam ni Kevin kung bakit bigla na lang may sumiklab na kung anong damdamin at pwera sa damdamin niya na parang may kailangan siyang gawin ngayon dahil baka mahuli na ang lahat. Kaya sa isang iglap, bigla niyang kinabig si Elise papasok sa silid niya at isinara ang pinto. Isinandal niya si Elise sa likod ng pinto at saka niya tinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng balikat ni Elise kaya parang nakakulong si Elise sa mga bisig niya.Nanatili silang dalawa sa ganung pwestong ilang minutong walang nagsasalita. "May kailangan ka ba Kevin? huwag kang mag alala hindi, hindi ako inaway o inapi ni Kenzo. Hindi ako nagpunta sa pintuan mo para magpaawa ulit. Huwag kang magalala hindi mo ako kinakailangang pilitin
Sinundan ng tingin ni Elise si Kevin hanggang sa makapasok ito ng shower room at napako na doon ang tingin niya Dinig nya ang lagaslas ng tubig kaya alam nyang naligo ang binata. Kung puso ang paiiralin ni Elise ay nais niyang manatilina nakatayo sa pintuang iyon, nais niyang hintaying lumabas si Kevin at tanungin ito kung ano ba ang kahulugan ng huling mga halik nito sa kanya. Kung magpapakatotoo si Elise, nais niyang manatili sa lugar na yun at ibaon na lamang ang sarili sa mga bisig ng binatang kanina lang ay nakahalik sa kanya.Ipikit niya ang mga mata at huwag upang huwag ng alalahanin sng nakaraan. Parang sa muling pagkakataon ay gusto ni Elise na manatili sa mundong naroon si Kevin. Kung siya lamang ang masusunod madaling pumili, madaling magdesisyon pero sadya yata talagang inilagay ang ulo na mas mataas kesa sa kanyang puso dahil in a split seconds mas umiral kay Elise ang dikta ng utak kaysa ang dikta ng damdamin. Kailangan niyang harapin ang lahat at kailangan niyang g
"Pero mommy hindi ko na talaga kaya. Tsaka ayoko na. Ayoko na siyang pakisamahan pa. Ayoko nang magkunwari. Ayoko ng iba ang katabi matulog. Miss na miss ko na si Soffie At saka magkakaanak na nga kami. Papano ang anak ko. Gusto kong makita ang anak ko. Gusto kong lumaki ang anak ko sa tabi ko" Katwiran ni kenzo. "Huwag mong ubusin ang pasensya ni Kevin. Kailangan makuha mo ang papeles kung may hawak man siya. Sa palagay ko ay hindi pa naman nakikita o napagtutuunan ng pansin ni Kevin ang papeles. Hindi niya naman siguro inakalang peke iyon dahil kung alam na ni Kevin na peke ang kasal niyo at noon pa niya alam, matagal na yung naghurumentado at hindi umabot na ibinigay pa sayo ang mana mo naintindihan mo?' sabi in Donya Antonia. "At wag mong sabihin na magsu suwail ka sa lola mo at wala kang pakialam sa habilin ng matandang yun. Gusto mo bang manumbalik ang pagdududa ni Kevin sa pagkatao mo? kapag isinagawa ni Kevin ang DNA Malilintikan na tayo Kenzo. Tandaan mo yan" walang nagawa
"Alam ko ngang peke nga ynu kasal nyo? yung ipinasa natin peke pero dalawa ang papeles Kenzo bala nakakalimutan mo. Yung isa ay peke at ang isang original oang kinuha natin. Yung original ay pinakuha ko sa piskal at pina duplicate ko lang para magkaroon ng peke at yung pinirmahan nyo ay ang pekeng documento meron isang documento na may pangalan nyo"sabi nito. "Ngayon hindi ko alam itong sira ulong taong kinuha ko eh kung anu anong pinag sasabi na kesyo nagkamali daw siya Kesyo Ewan ko basta ang gulo niya basta siguraduhin mo na lang kapag wala ang kuya Kevin mo diyan ay pumasok ka sa silid niya" bilin ng ina. "Hanapin mo kung may hawak na papeles ang kuya mo. Ang sabi kasi ng tokmol na kausap ko ay may isang lalaki daw na nagpakuha ng kopya sa kanya at binigyan binigyan niya raw ito ng dalawang kopya dahil tinakot siya. Ang hinala ko ay si Kevin yun. Kaya alamin mo" sabi ni Donya Antonia. "Anong gagawin natin mommy? Paano kung may hawak nga si kuya ng mga papeles? Paano kung halimb
Matapos ngang mag usap nina doctor John At kevin ay inasikaso na nito si Eise. Pagbukas ng pinto ay nasilip pa ng binata ang hipag na nagpapahinga. Gusto sana niya itong lapitan at lagaan.Pero unang una ay nahihiya siya at may tampo dito. Ikalawa nag aalangan siya na baka galit sa kanya ang hipag. At pagkatapos, hangga't maaari, ayaw niyang ipaalam dito na siya ang kumukupkop dito aahil baka kapag nalaman Elise na isang Madrigal pa rin ang may hawak sa kanya ay baka magalit ito, matakot. O kung ano man ang isipin at bigla na namang umalis. Naisip ni Kevin na sa kalagayan ngayon na Elise ay kailangan nito ng tulong. Kailangan nito ang lahat ng pag aalaga at pag aaruga sa ngayon dahil maselan ang lagay nito. Hindi man niya iyon magawa noon At hindi pa rin niya magagawa ngayon ng tuwiran ay nasa kanya ang kapangyarihan para gawin ito sa lihim na paraan. "Huwag kang mag alala Elise, nasa akin ka ngayon, at hangga't nandito ka sa teritoryo ko, Hinding hindi mo mararanasan ang
Napakunot ang noo ni Kevin sa sinabi ng kaibigang doctor. Maging ito pala ay napansin iyon."Aba paanong hindi ko masaaabi, kita mo naman diba?bulag ka ba o nagbubulag bulagan. Ang hitsura ng hipag mo ay mukhang asawa na pinababayaan, impis ang pisngi. Payat, Malalalim ang mga mata. Maputla ang mga labi. at dry ang balat.Sayang ang ganda pa naman niya parang si Lorna" prangkang sabi nito. Noon pa man at deresto na ito magsalita talaga. "Pinababayaan nyo ba ito sa mansion. Hindi ba ito nakakag tulog. Pinangtatrabaho ng mabigayt sa mansion? I'm telling you bro, kung mananatiling ganyan ang kalagayan ng babae. Makakaapekto yan sa dinadala nito" Sabi ni John. "Bro don't tell me hanggang ngayon kinokonsinti mo ang kalokohan ng kapatid mo. Noon pa yang high school kayo ah hindi pa rin ba nagbabago yun? hanggang ngayon ba ikaw pa rin ang taga areglo ng lahat ng gusot. Lahat na lang ikaw ang sumasalo noon pa eh?" paalala ni John. "Hindi naman sa sinasalo ko" "Really fuck you! Remember noo
Nakita ni Kevin na umupo ito sa karinderia. At tila umorder ng softdrinks. Lalapitan na sana ito ni At yayayain para bumalik sa mansion nang maalala niya ang sinabi ni Jovelyn. Nagkaroon ng pagdadalawang isip si Kevin kung tama bang ibalik niya sa mansyon ang hipag o hayaan na itong tuluyang mahiwalay sa kapatid niya. Nasa sitwasyon si Kevin na pinipilit sundin ang kanyang isipan pero malakas at dumadagondong ang bulong ng kanyang puso. Litong lito na si Kevin, gustong gusto na nyng gamitin ang kanyang kahilingan. Kahilingang pinagbigyan ng kanyang lola. Sa huling sandali ng buhay nito. Hiniling niya iyon matapos niyang malaman na si Elise ay ipapakasal kay Kenzo. Hindi man niya kinontra kahilingan ng kaniyang lola.Meron naman siyang isang kondisyon na hiniling kung saka sakali.At ngayon nasa punto na si kevin na parang gusto niya ng gamitin kahit ang kahilingan na yun. Pero hindi niyo magawa. Isinaalang alang ni Kevin ang damdamin ni Elise para sa asawa nito. Kaya naman, muli
Kung tutuusin ay madaling mapapawalang bisa ni Kenzo ang kasal nila ni Elise. Dahil ang katotohanang sa likod ng kasalan nila ni Elise sa garden ay isang pagkukunwari lang. Formality lang ang ginawang kasal kuno ni Elise at Kenzo sa garden noon sa isang huwes. Ang alam ni Kenzo ay kinausap ng kanyang ina ang huwas na nangdaos ng kasal na huwag irehestro ang kasal nila. Ang ipinasa ng kanyang ina ay ang isa pang kopya ng marriage licence na peke ang mga pirma. Lihim iyon sa pamilya ni Elise na peke ang papeles na pinirmahan ni Elise. Kaya sinadya talaga ng kanyang mama na gawing mabilisang kuno ang kasal para hiidn a makapagprepare pa mga side ni Elise. At dahil agaran na at gahol na sa oras. Naginabot ng mommy niya sng isang peng marraige licence ay hinid ito inusuaa ng pamilys ni Elise.Kaya ang buong akala ng mga ito ay legal ang kasal nilang magasawa. Ang lahat ay nakaplano na ni Donya Antonia. Ang tanging nakakaalam lang ng sekretong iyon ay si Kenzo at ang kanyang ina.Walan
Napatingin naman si Elise sa doktor pagkatapos ay bumaling ang tumingin sa babaeng umalis. Sa mga mata ni Elisa ay naroon ang pagtataka. Siyempre hindi naman ito nakaligtas sa paningin ng doktor kaya ang doktor na ang nagsalita."Don't worry miss, nasa mabuti kayong mga kamay. That is what i can guarantee you. Maayos ang magiging kalagayan mo rito mababantayan ka rito at Maaalagaan" sabi nito bilang kasagutan sa mga tanogn sa mata ng babae."Kung sino man ang tumutulong sa iyo ngayon o kung sino man siya ang masasabi ko ay may mabuting puso na nagmamalasakit sayo, mabuti siyang tao kaya dont worry. After a month naman ang sa pre- natal check up mo ulit. Sa ngayon ay alagaan mo ang anak mo at ingatan.Ipanatag mo yung loob mo. Magpahinga ka.Bumawi ka ng lakas.Mauuna na muna ako , babalik ako mamaya pagubos ng IV mo.Mga 5 hous pa siguro yan" Sabi sa kanya ng doktor.Naiwang tulala sa malalim na pag iisip si Elise.Iginala muli ni Elise ang silid, naghahanap siya ng personal na gamit o
Nang magmulat ang mata ni Elise ay namangha siya. Nagulat siya kung saan siya naroroon. Inikot niya ang kanyang mga mata at nakita niyang Hindi naman hospital ang kinaroroonan niya. Pagtingin nya sa bandang kaliwa ay nakita niyang may aparador at Pagtingin niya naman sa kabilang side ay nakita niyang may bintanang salamin. Inulit ni Elise na igala ang paningin at nakita niyang maayos ang lugar.Nakaramdam siya din siya ng kakaibang lamig kaya alam niyang bukas ang aircon.Biglang napabalikwas si Elise, biglang bumalik sa kanyang alaala ang lahat. Na wala na nga pala sya sa silid nila ni Kenzo. Wala na siya sa bahay ng mga Madrigal. Muling naalala ni Elise ang nangyari sa kanya, ang huling natatandaan nya ay naroon siya sa may ATM booth at doon na siya nahilo at pagkatapos ay natumba at dumilim ang paningin niya wala na siyang marandaan pa."Teka nasan ako?Anong nangyari?" Pag biglang bangon ni Elise ay naramdaman niyang medyo mabigat pa at makirot pa ang kanyang ulo. Pero at least hi
"Ma, wala naman ho akong magagawa kung ayaw na sa akin, hindi naman ako magmamakaawa dun" sabi ni Elise. "Babalik na lang ako dito at pagkatapos ay maghahanap na lang ako ulit ng trabaho kaya ko naman eh" sabi pa niya."Yan yan yan ang mahirap sayo yang katangahan mo pinaiiral mo huwag pairalin ang pride mo. Ano naman kung magmakaawa ka sa kanya? ano naman kung lumuhod ka sa harapan niya? may pinagsamahan kayot saka ikatwiran mo yung last will and testament ng mga lola niyo? yun ang gawin mo"sabi ng ka ina ni Elise."Ano pang tinatanga mo dyan? bugso lang ng damdamin yan? basta hindi hindi kita matatanggap dito sa bahay?Umuwi ka sa mansion, bumalik ka doon.Bumalik ka sa mga Madrigal dun ka nararapat.Ipaglaban mo yan karapatan mo hiwag lang tanga! Naintindihan mo, ipaglaban mo ang karapatan mo. Bumalik ka don magmakaawa ka humingi ka ng tawad kung may nagawa kang mali o may kasalanan ka man. Magpakumbaba ka" giit ng kanyang ina. Naluha na lang si Elise sa mga narinig."Ma, hindi nyo ma