Sa silid ni Kevin ay lalong siyang nabalisa nilapag niya ang kape sa kanyang tabi at naupo sa lamesa wala naman talaga siyang inaasikaso o tinatapos na basahin. Sadyang hindi lang talaga nya malaman kung bakit hindi sya mapakali. Tumayo si Kevin bitbit ang mug ng kape binuksan ang bintana at nilanghap ang hangin ng madaling araw na yun saka muling nag isip. Kakaiba ang kilos ni Kenzo....kakaiba rin ang kilos ng kanyang madrasta, parang may kakaiba yun ang nasa isip ni Kevin hanggang sa dalawin na ng antok. Puyat si Kevin kinabukasan kaya medyo tinanghali siya ng gising nagulat ang binata pagbaba niya dahil naroon na si Kenzo at ang kanyang madrasta at nag aalmusal. "Oh Kevin aba? himala tinanghali ka yata ng gising masama ba pakiramdam mo? halika at mag almusal na tayo.Kovelny ipaghain mo ang senyorito mo" sabi ng kanyang madrasta. "Oo nga kuya himala tinanghali ka yata?halika kumain na tayo" sabi naman ni kenzo na malapad ang ngiti. Napakunot ang noo ni Kevin, naisip niya na
Sa mabilis na paglipas ng mga araw hindi namamlayan ni Kevin st Elise na halos isang taon na pala ang lumipas. Si Donya Antonia ang nagpaalala sa kanila na sa isang sabado na ang anibersayo ng kasal nina Elise at Kenzo. Samantalang si Kevin naman ay tuluyan ng nagpakaabala sa kompanyaay mga panahon na hating gabi na siya uuwi at nagtuloy tuloy ang pagalis ng maaga. Sa mga nakaraang buwan kase ay nagtuloy tuloy ang pagiging maasikaso at malambing na asawa ni Kenzo kay Elise at ang higit na nagpapahirap sa sa kaloobqn ni Kevin ay kapag dumaraan sa silid ng magasawa sa hating gabi at naiisip ang posibleng lambingan ng dalawa. Parang unti unting nauupos si Kevin. Ilang ulit niyang inimagin at hinintay na isang gabi o madaling araw ay kakatok si ulit si Elise ng luhaan sa pinto niya pero hindi na iyong nangyari pa. Hanggang isang biyernes ng umaga ay ginulat sila ng pagdating ng abogado ng pamilya Madrigal. "Good morning Attorney, mabuti naman at napasyal ka. Magandang balita ba an
"Wait what?" pati si Kevin ay nagulat sa sinabi ng abogado."Bakit kailangan si Elise ang pumirma?Ibig bang sabihin nito malalaman ni Elise ang lahat. Kailangan bang sabihin kay Elise sng lahat" nagaalalang tanong ni Kevin sa abogado."Oo, sa kasamaang palad ay ganun na nga. Parang ikaw lamang Kevin ang parang naging guardian ni kenzo o parang naging gabay ni Kenzo para masagawa o maisagawa yung nakalagay sa testament pero ayon nga sa isa pang kasulatan ng matanda si Elise ang kinakailangang pumirma ng lahat ng mga bagay na legal at nakadokumento.Ibig sabihin pagdating ng tamang panahon at ang tamang panahon na yon ay ngayon nga pagkatapos ng isang taon" balita ng abogado."What! This is so unfair" reklamo ni Kevin, una sa unang testamento ay nakalagay doon na kapag nag failed ang kasal ni Kenzo ay hindi makakapag asawa si Kevin kinakailangan maayos na makasettle ang kapatid niya bago niya magawa iyon. Ikalawa kung saka sakali ngang si Elise ang magdedesisyun malamang ay ibigay nito
Confident na tumawa ng mahina si Kenzo. Naeexcite siya sa balita ng abogado. Konting panahon na lang at nasa kamay na niya ang lahaht ng pianghirapan. "Don't worry ma confident ako na nababaliw sa akin ng babaeng na iyon. Isipin mo nga mag iisang taon nang hindi ko yun tinatrato ng maayos pero ayan diba ito uto pa rin"sabi ni Kenzo. "Oo inaamin ko dinadala ko mismo si Soffie dito at nakikita niya yun pero anong ginagawa niya? wala payog yun kahit ilang kabit pa meron ako. Nananatili pa rin sa bahay na ito, aminin niya man sa hindi bukod na sa gusto niya ako at ulol na ulol siya sa akin aminin na natin mas after din si Elise sa pera na makukuha niya dahil sa akin" umupo si Kenzo at nsngdekuwatro sabay tinangala sa nakatayong ina. "Alam ko yon ang dahilan niya, aba hindi na nga naman siya lugi kahit ganun man ang trato ko sa kanya ano't ano man ang mangyari isa siyang Madrigal at tsaka hindi ba sinabi naman ni Lola sa kanyang last will and testament emeron din namang nakalaan para k
Samantala sa duyan sa ilalim ng puno ng hapong ay ubos na ang luha ni Elise. Kanina lang ay panay ang punas niya ng mga luha.Hindi niya kailanman naisip at wala kahit sa imagination niya na may ganun palang kasunduan sa pagitan ng lola ni Kenzo at ng lola niya. Hindi maintindihan ni Elise kung bakit mas masakit na nalaman niya na alam ni Kevin ang lahat ng kasunduang ito. Naisip ni Elise na kaya siguro palagi siyang tinutulungan ni Kevin, na kaya siguro laging naka alalay si Kevin sa kanya ay para hindi niya maisipang umalis sa mansyon. Kaya siguro ginagawan ito ang lahat ng pangungumbinsi na ipaglaban niya ang karapatan parang hindi niya maisipang sukuan ang kapatid nito. "Kaya ba sinisikap ni Kevin na ayusin sila ni Kenzo at sinisikap nito na mapabuti ang relasyon nilang mag asawa dahil ba yun sa katotohanang nasa kanya ang kapangyarihan para sa mana ng mga ito?" muni muni ni Elise. Muling umagos ang luha ni Elise na kanina lamang ay tuyo na. Ang buong akala ni Elise kaya naga
Nang marinig ni Elise ang sinabi na iyon ni Jovelyn ay bigla siyang nahiya pero at the same time ay naging malalim ang pag iisip ni Elise. Naalala niya na nitong mga nakaraang gabi nga ay medyo nauuwi sila ni Kenzo sa lambingan ngungulit si Kenzo sa kanya bagamat ganun pa rin at brutal pa rin ang paraan ng pag angkin sa kanya ni Kenzo ay nanahimik lang muna si Elise at onaasahan marahil ganun talaga si Kenzo sa kama. Napangiti na lamangng mapait si Elise sa sinabing iyon ni Jovelyn. Matapos ng lahat ng naringi niya sa library hindi na la ni Elise kung dpaat pa ba siyang matuwa. Tumayo si Elise at pagkatapos ay tinanong niya ang maid kung ano ang ginagawa at ano ang niluluto. Binuksan naman ni Jovelyn ang takip ng kaldero at umalingasaw ang bango ng niluluto nitong kare- kare.Pero pagkaamoy ni Elise ng kare-kare ay bigla itong parang naduduwal."Ano bang amoy yan? ang baho naman takpan mo bilis... takpan mo na, ayoko ng amoy na yan para akong nasusuka nahihilo ako sa amoy"sabi ni El
"Naku senyorita talagang ganyan po yan, mag tatakaw po talaga kayo at mananaba kayo yang pagkahilo na yan tuwing umaga lang yan pati ho yung pagduduwal at pagkatapos po niyan ay maghahanap na na gusto niyo ganyan ho talaga, sintomas po yan ng buntis" "Ano ?" nagugulat si Elise sa mga sinasabi ni Jovelyn."Naku tiyak matutuwa ang senyorito Kenzo pag nalaman niyang nakabuo na kayo" nakangising sabi ni Jovelyn. Bagamat natulala si Elise at halos nanigas ang katawan ay hindi nagpahalata bagkus ay itinuloy na lamang niya ang pagkain at pagkatapos ay nagpaalam ng aakyat na lang ulit sa silid dahil masama talaga ang kanyang pakiramdam. Hanggang sa makarating siya sa silid nila ni kenzo ay naging laman ng isip ni Elise ang sinabi ni Jovelyn.Posible nga kayang nagdadalang tao siya?posible nga kayang kahit ganun ka weird yung nangyayari sa kanila Kenzo ay posible nga kayang nabuntis pa rin siya nito? Dahil sa mga haka haka ay umidlip muna si Elise at bg nagising siya ng mga bandang hapon but
Buong maghapon ang araw na iyon ay inaasikaso ni Kenzo si Elise.Hangang sa panuniod nito ng Tv at paglalaro ngga gamea ay hiniling nitong nasa tabi siya ng asawa. Talagang manghang mangha na si Elise sa nangyayari bagamat sa kaliwang bahagi ng kaniyang puso ay inaasam niya iyon, noon pa ay pangarap niyang maranasan ang pag aasikaso at pag aalala sa kanya ng asawa. Pero ang kanang bahagi ng kanyang puso ay nag aalala kung totoo ba ang ginagawa nito? dahil lamang sa may inaasahan si Kenzo na gagawin niya.Pero tulad ng nangyari kahapon ay bagamat inaasikaso siya nito maghapon, muli na namang nagpaalam ulit si Kenzo na aalis. "Love okay ka lang ba? iwan muna kita sandali kase nag message si Mark , may salo salo sa bahay nila kase bday niya. "Okay lang sige, okay naman ako dito sanay na ako" sabi ni Elise na totoo naman. "Ayan nagparinig pa, eto na nga bumabawi na. Narealizedl ko na nga ang mga mali ko diba? Gusto sana kitang isama Love kaso kase inuman lang yun magugutom ka doon.
Kaya sabihino sa akin, ano pang laban ko?Meron pa ba akong dapat ipaglaban diba wala na? Ayoko na!!" sabi Elise. "Pero Elise........"pilit ni Kevin pero muling nagsalita si Elise. "Tama na Kevin, sa inyo na lang yang yaman nyo. Ngayon kung hindi mo na rin lang ako tutulungan dahil hindi ako babalik sa mansion, kung pwede huwag mo na rin akong hanapin.Pabayaan mo na ako pabayaan mo kami ng anak ko kung saan kami makarating. Hindi ko alam kung pano ko bubuhayin ang bata na to pero alam ko na kakayanin ko" Sabi ni Elise. "Sa tingin mo madali yun? Para sayo madali yun Elise, para sayo madali lang gawin yun kasi dun ka lang naman naka focus eh. Mahal mo si Kenzo.Ngayon di mo na mahal si Kenzo. Galit ka kay Kenzo. Kaya damay na lahat.Patang gnaun lang ka somple sng lahat. Elise, buksan mo naman yung isip mo. Please naman kahit sa huling pagkakataon mag isip ka muna. May kakampi ka"sabi ni Kevin. "Nandito ako.Pag usapan natin to.Hindi kita ibinabalik dun para makisama ka ulit sa kap
"Okay lang naiintindihan ko. Kaya nga sabi ko na lang sa sarili ko.Tutulungan na lang kita ng patago. Aalalayan na lang kita ng patago. Hanggang sa makabangon ka at pagkatapos gagawin ko ang lahat, para maibalik ka sa dapat mong lugar. Babawiin natin kung ano yung karapatan mo. Paaalalayan kita sa mga abogado para makuha mo ang dapat ay para sayo. Karapatan mo ang bumalik sa mansyon. "Wait teka lang anong pinagsasabi mo?" "May karapatan kang tumira doon, Kung ayaw na talaga sayo ni Kenzo at kung nakipaghiwalay nga talaga si Kenzo, bahala siya sa buhay niya. Pero bilang legal na Madrigal, mananatili ka sa bahay na yun. Lalo pa at dinadala mo ang tagapagmana ng mga Madrigal. "Kevin alam mong isinusumpa ko ng maging Madrigal hindi ba?" ano to?" takang tanong ni Elise. Sa totoo lang mas gugustuhin pa niyang itakas na lang sana siya ni Kevin. Mas nais niyang mamuhay ng tago at malayo kasama ang binata kesa ang naririnig niya ngayon. Ngunit napagisip isip ni Elise na maaaring hindi
Para namang binatukan si Kevin sa mga narinig na iyong sa hipag.Tama ba ito, duwag nga ba siya?hindi na rin niya alam pero isa lamang ang mali sa sinabi ni Elise yun ay ang salitang awa.Alam niya sa sarili niya noon pa na hindi awa ang nararamdaman niya. "Elise, hindi ito dahil sa awa. Hindi mo kailangan mamalimos ng awa" sabi ni Kevin. "So dahil sa ano eto kung ganun? Hindi mo rin masagot? Ano? Dahil ba ayaw mong mabuking ni Kenzo na tinulungan mo ako? Na yung asawang pinalayas niya ay tinutulungan mo? Yun ba yun? kelan ka pa natakot kay Kenzo? Baliktad na ba ang mundo?"Tanong ni Elise. "No..Hindi iyong ganun Elise.." "Then ano? Anong dahilan at tinutulungan mo ako?At bakit dapat patago?" medyo histerikal ng tanong ni Elise. "Kung hind ka na aawa eh di ano? bumabawi ka ba?ginagawa mo ba ito dahil ba gi guilty ka pwes hindi ko kailangan yun.Huwag ka ng bumawi kase lalo lang akong nasasaktan" sabi niya na hindi na napigilang ilabas ang totoong damdamin. "Elise....." "Tw
Bagamat nag aalala sa kung ano na ang nangyayari kay Elise. Kinakailangan ni Kevin na maghintay ng tamang sandali.Nanatili siya sa sala sa madilim na sulok na yun At hinintay ang tamang pagkakataon. Nang tumahimik na ang lahat ay saka dahan dahang pumasok si Kevin sa silid ni Elise. Sa pag aakalang tulog na ang hipag dahil tahimik na ay binalak niyang silipin saglit ito.Ang tanging nais niya ay silipin lamang talaga ito at icheck kung okay na na ito. Nagpanic din kase siya sa tawag ni Pepay kanina. Nang nakarating na siya sa condo saka lamang niyan naisip na hindi naman nga pala siya puwedeng makita ni Elise. Nais niya na lamang ngayon ay pagbigyan ang bulong ng kanyang damdamin na masilayan man lamang kahit sandali ang itinatanging hipag. Ngunit pagbukas ni Kevin ng pinto ay nakita niyang wala sa kama si Elise. Inalihan ng kaba ang binata Kaya't ang pagsilip na sana ay unang balak lang ay nasundan ng paghakbang papasok. Patingkayad pang dahan dahang humakbang si Kevin pap
Nalilito si Kevin sa ponagsasasabi ng kanyang katiwala.Hiindi niya malaman kung naalimpungatan lamang ba ito. "Sir ang tinutukoy ko po ay iyong polo ninyo na madalas na inaamoy ni mam Elise sir. yung polo mo na ha sabi mo eh hawak nya sa pagtulog na pinalalaban niya sa akin at pagkatapos ay pinalalagyan niyo sa akin ang inyong pabango Ay nawawala ho sir. Hindi ho mahanap ni ma'am at hindi ko rin ho ito mahanap" balita ni Pepay sa amo sa kabilang linya. "Panong nawala? eh sabi mo ay inilaban mo siya?so nan mapupunta yun? Hanapin mong maige" utos ni Kevin. "Ay Sir, nahalughog ko na ho ang buong bahay ninyo pero hindi ko ho talaga makita eh kaya ako tumawag sir kasi kase Bukod kasi sir sa kuwan hindi ko na makita nga yung polo, yung pabango ninyo ay ubos na rin sa loob ng dalawang linggo" sabi pa ni Pepay. "Gusto ko ho sanang kumuha na lamang ng damit ko tapos ay lagyan ko nung pabango ninyo at ibibigay ko sa kanya kaya lang ho ay baka mahalata niya. Kaya sir hindi ko talaga alam
Pero ang mga pagdududang iyon ni Elise ay mas nadagdagan dahil sa isang kakaibang pangyayari na nagpatibay lalo sa kitob niya. Isang umaga ay napansin ni Elise ang polo na madalas niyang katabi sa kanyang pagtulog ay may kakaibang nangyayari. Minsan nagigising siyang nakatupi ito ng maayos gayung alam niyang nakalatulog siyang yakap iyon. Alam niyang hawak niya at hindi niya itinitupi bago matulog. Pero nagigising siya na nakatupi ito ng maayos. Nung minsan nakita niya itong nakasampay na ang Ibig sabihin ay pwedeng nilabhan ni Pepay, sesermunan sana niya ang babae kung bakit nilabhan dahil mawawala ang amoy ni Kevin doon pero nahiya si Elise. Wala namang alam yung katulong at lalong baka magmukha siyang OA bukod pa sa ayaw niyang ipaalam na pinaglilihian niya ang amoy ng kanyang bayaw. Nalungkot si Elise ng makitang nilabhan na ito ni Pepay, mamomoroblema siya kung paano iibsan ang sama ng pakiramdam sa hating gabi at madaling araw, ang amoy lamang kase ng polo na iyon ang na
Gulat na gulat si Elise dahil pamilyar talaga sa kanya ang boses sa kabilang linya. Sobrang pamilya nga kung tutuusin nga ay miss na miss na niya. Nang umalis siya sa mansyon ay poot ang nararamdaman niya Kay Kenzo at sa mga Madrigal. Pero nang manirahan na siya dito sa condo ng isang pilantropong tumulong sa kanya sa bawat araw na nagdaan naa iyon ay napagtanto ni Elise kung gaano niya namimiss ang isa pang Madrigal.Umabot na sa puntong hanggang panaginip ay nakikita niya ang mukha ni Kevin. Kung siguro sasabihin ni Kevin sa kanya na bumalik na siya, kung siguro kakausapin siya ni Kevin sa mga panahong ito na kahit papano lumipas na yung galit nya baka sakali maging okay ang lahat. Dahil kung meron man siyang isang Madrigal na gustong patawarin ay si Kevin Madrigal Iyon.Pero nakakailang linggo na siya sa bahay ng matandang komokopkop sa kanya ay wala pa siyang nababalitaang pinaghahanap na siya kahit nga pamilya niya parang mga timang na hindi man lang siya tawagan. Galit pa siya s
"Pero mommy hindi ko na talaga kaya. Tsaka ayoko na. Ayoko na siyang pakisamahan pa. Ayoko nang magkunwari. Ayoko ng iba ang katabi matulog. Miss na miss ko na si Soffie At saka magkakaanak na nga kami. Papano ang anak ko. Gusto kong makita ang anak ko. Gusto kong lumaki ang anak ko sa tabi ko" Katwiran ni kenzo. "Huwag mong ubusin ang pasensya ni Kevin. Kailangan makuha mo ang papeles kung may hawak man siya. Sa palagay ko ay hindi pa naman nakikita o napagtutuunan ng pansin ni Kevin ang papeles. Hindi niya naman siguro inakalang peke iyon dahil kung alam na ni Kevin na peke ang kasal niyo at noon pa niya alam, matagal na yung naghurumentado at hindi umabot na ibinigay pa sayo ang mana mo naintindihan mo?' sabi in Donya Antonia. "At wag mong sabihin na magsu suwail ka sa lola mo at wala kang pakialam sa habilin ng matandang yun. Gusto mo bang manumbalik ang pagdududa ni Kevin sa pagkatao mo? kapag isinagawa ni Kevin ang DNA Malilintikan na tayo Kenzo. Tandaan mo yan" walang nagawa
"Alam ko ngang peke nga ynu kasal nyo? yung ipinasa natin peke pero dalawa ang papeles Kenzo bala nakakalimutan mo. Yung isa ay peke at ang isang original oang kinuha natin. Yung original ay pinakuha ko sa piskal at pina duplicate ko lang para magkaroon ng peke at yung pinirmahan nyo ay ang pekeng documento meron isang documento na may pangalan nyo"sabi nito. "Ngayon hindi ko alam itong sira ulong taong kinuha ko eh kung anu anong pinag sasabi na kesyo nagkamali daw siya Kesyo Ewan ko basta ang gulo niya basta siguraduhin mo na lang kapag wala ang kuya Kevin mo diyan ay pumasok ka sa silid niya" bilin ng ina. "Hanapin mo kung may hawak na papeles ang kuya mo. Ang sabi kasi ng tokmol na kausap ko ay may isang lalaki daw na nagpakuha ng kopya sa kanya at binigyan binigyan niya raw ito ng dalawang kopya dahil tinakot siya. Ang hinala ko ay si Kevin yun. Kaya alamin mo" sabi ni Donya Antonia. "Anong gagawin natin mommy? Paano kung may hawak nga si kuya ng mga papeles? Paano kung halimb