Bumangon ng padabog si Kevin at nilabas ang hipag. Handa na sana siyang bulyawan ang babae ng makita niya itong nakalugmok sa pintuan at nakasobsob ang mukha sa dalawang tuhod. Hindi malaman ni Kevin kung maaawa o maiinis sa katangahan ng hipag. Pero mas nanaig ang inis sa dibdib ng binata.Pinakaayaw pa naman niya ay ang maarte at emotera. Naaalala niya ang brat na naging kasintahan sa America. Bukod sa sakit ng ulo niya ay sakit pa sa bulsa. Nakahanda na sanang bumuka ang bibig niya para sermunan ito ng biglang tumingala ang babae.Hindi malaman ni Kevin kung anong nangyari pero biglang parang binundol ang dibdob niya. Para pa ngang umikot pa ang paningin niya. Lasing pa ba siya. Tumingala sa kanya si Elise ng may luha ang mga mata. At dahil hindi pa nga ito nakakapasok ng silid at nakakapag asikaso sa sarili ay tumulo na ang luha nito kasama ang maskara sa mga mata kaya para itong babaeng nasa horror movie na lumuluha ng kulay itim.Hating gabi na at tube dress pa ang csuot nito. N
"Damn it! Nasan ka Elise? Hindi kaya....?Damn it No..!" biglang sinaklot ng kaba si Kevin sa naisip na baka umuwi sa kanila ang dalaga dahil sa nangyari.Matapos pasadahan ng tingin ang sala ay lumabas si Kevin at hinanap ang babae.Agad hinanap ng binata kung may bakas ba na may umalis sa mansion pero nakasarado mula sa loob ang mataas na gate nila kaya alam ni Kevin na wala pang lumalabas."Kung ganun ay nasaan ka Elise? Damn It!!!!Nasaan ka ba?" nag aalalang tanong ni Kevin. This time lumabas na ang totoong pagaalala sa dibdib niya at hindi na iyon pinigilan pa ng binata. Pagod na sa kakahanap si Kevin dagdagan pa ng pagsumpong na ng antok niya na kanina pa niya hinahantay.Sinubukan ulit niyang hanapin sa loob ng kabahayan ang hipag dahil baka nalingat lamang siya at at hindi napansin. Wala naman kase sa bakuran ang hipag at kahit ilang ulit na niyang nilibot sng biong plaigid ng mansion ay hindi niyaalita lahit anino ng babae.Malabo namang magtago o tambay ang hipag sa halama
Pamaya maya ang pag hin ig ng babae ay nahaluan ng kakaibina tunog ng singhot. Muhang umiiyak ang babae dahil nakita niya itong nagpunas ng luha pero nanantilign nakayuko ang babae ay nakaladlad ang mahabang buhok.Nasa dulo naman ang babae kaya dahan dahang umupo si Kevin sa kabilang dulo.ngaeit na din kase siya at gustong gusto ng bumuga. Hind man lang kumislot ang babae pagupo niya parang deadma ito kaya itinuloy na laang ni Kevin ang pagupo at umayos pa nga at sumadal sa lumang dingding ng tindahan.pamaya maya ay muling nag humming ang babae. Palagay ni Kevin ay ibang kanta na iyon dahil mas mabagal na ang tono kesa kanina. Pagkatapos ay nakita niyang lalong umalog ang balikat ng babaeng nananatiling nakayuko. Pagkatapos ay nakita niyang dumukot ito sa bulsa ng bag at naglabas ng supot na parang plastic ng bigas Inilagay ito ng babae sa bibig at doon muling nag humming ng malungkot na musika.Kevin find it wierd pero hinayaan na lang niya ang trip ng babae.Isinalid ulit ng baba
"Magpasalamat ka kay Kuya hindi ka na nabalian. Ang kaso sa katangahan mo lintek ka makakadisfgraya ka pa. Pwede ba Elise yung kabobohan mo iwan mo na doon sa dati mong lugar" pasinghal na sabi ni Kenzo na ni hindi man lamang siya tinulungan."Sa susunod kase kung mag eemote ka siguraduhin mo muna ha! hindi yung tanga ka ng ganyan. Ang pinaka ayoko sa babae yung tanga. Saka pwede ba ayoko ng mainarte. Nakakainis lalo eh" pasigaw ng sabi ni Kenzo sa asawa.Buwiset na buwiset na siya sa asawa. Kanina pang reception siya nito pinipikon. Pahiyang pahiya na siya sa kantiyaw ng tropa niya. Gustong gusto na niyang matapos ang event ng makapagpahingan na. Pesteng huling habilin ng lola niya. Ang hirap pala lalo pa at itong babae na ito ang naipakasal sa kanya."Hindi mo man lang ba naisip na baka hindi safe ang duyan ha? Luma na ang duyan na yan at dahil bata pa kami noon eh sa sanga lang naikabit ni kuya ang isang dulo" sabi pa ni Kenzo."Dont blame her Kenzo wala naman siyang kaalam alam.
"Tulog ka na ba? pasensya na talaga. Sana okay ka lang dyan. Gusto mo bang hilutin ko ang likod mo baka kase napasama ang tama ng likod mo kanina" sabi ni Elise at sinundan ng mahihinang mha katok sa pinto ng silid ni Kevin."Kuya, okay ka lang ba?sorry talaga.Sana hindi malala ang sakit. Sabi naman ng maid may private doctor kayo.Patinfnan mo ga baka kase mangkapilay ka" sabi ulit niya na sinundan ulit ng tatlong mahihinang katok. Pero walang sagot wala man lang narinig si Elise kahit konting kaloskos.Peor hindi siya nawalan. Muli siyang nagbakasakali at baka baman magbukas na. Pero bigong muli si Elise."Bakit ba ganito ang magkapatid na ito tinaan ng lintek, Mga hindi marurunong magbukas ng pinto kapag may kumakatok" sa isip isip niya.Nawalan na siya ng pagasa. Inaantok na rin naman siya at sa totoo lang masakit din ang katawan niya dahil bagamat kay Kevin siya lumagapak ay nasaktan pa rin naman ang balakang niya di niya lang pinahalata para hindi nakakahiya.Naisipan na lang ni
Hindi na nagugustuhan ni Kevin ang nararamdan dahil umiiral na sa kanya ang pagiging anak ni Adan. Kaya kahit masakit at hirap man ay pinilit na lang ni Kevin ang makatayo at makaalis sa awkward na puwesto.Nakahakbang na si Kevin palayo ng pigilan siya ni Elise at hatakin sa braso niya."Teka lang Kuya Kevin, mukhang masama ang lagay mo eh. Ayan oh kunot na ang noo mo sa sakit at bakit ka nagpapawis" sabi ni Elise."Move away, rhis is all your fault. Pwede ba lumayo layo ka. Pakiramdam ko minamalas ako pag nasa malapit ka eh" inis na sabi ni Kevin.Paano ba naman kasing hindi siya maiini.Hinatak nito sng braso niya dapat sana hatak lang bakit kailangan madikit naman kase ang braso niya sa dibdib nito.Alam naman niyang hindi naman sinadya ng hipag at nagkataon lang na puwersado ang pagkakahatak nito sa kanya, petit na babae si Elise at lahi naman nilang mga Madrigal ang tila kapreng katawan. kaya halos masobsob na nga ang dibidb sa braso niya. Inaamin ni Elise na nasaktan siya sa
"Unfair naman ata yun kuya Kevin?reklamo ni Kenzo."Unfair ? really? Sure ka Kenzo nagkakalimutan ata tayo dito" sabi ni Kenzo."Ano pa bang kulang?putcha naman hirap na hirpa na nga ako eh.Kung bakit ba naman kase ako eh bakit hindi na lang ikaw" reklamo ni Kenzo."Ginawa ko naman lahat noong manhian ay lahit nga surang sura ako sa babae ay ginawa ko ang gusto nyo.Ngayon hindi pa rin kulang pa rin baka naman sinasadya mo na ito kuya Kevin?" Tanong ni Kenzo."Ano? umayos ka ng sinasabi Kenzo. Sa tingin mo nagi enjoy akong magbaby sit sa inyong magasawa. Tulad mo ay sumusunod din lang ako. May goal din ako kaya ko sinusunod ang gusto ng lola at .tulad mo may kondisyun din ang lola sa akin kaya wala rin akong choice" sabi ni Kevin."Ang pagtrato sa asawa ng maayos ang isa sa nakasaad sa testamento Kenzo at hindi natatapos lang yun sa manhikan"Mataas na ang tensiyon na sabi ni Kevin. "Ano? gusto mong sikmurain ko ang kachepan at katangahan ng babaeng yun. Nakita mo naman. Nakita m
Iika ikang bumaba ng hagdan si Elise at nangtungo sa kusina. Naabutan niya si Rita na niluluto ang karekare. "Nahainan na ba si Kuya Kevin ng pahkain Rita?" tanong niya sa mga maid na naabutang abala sa kusina.Umiling lang ang isang maid at abala kaya si Jovelyn ang sumagot."Hindi pa kakaupo pa lamang niya dyan, ikaw agad ang hinanap" sabi nito."Sige ako na ang mamghahain ng pagkain niya.Amin na at ako na ang mamgdadala doon" "Bakit hindi ka pa sumabay maam Elise?" Takang tanong ng maid."Mamaya na lang ako. Hihintayin ko si Kenzo" sabi na lamang niya. Naiilang kase siyang sumabay sa bayaw."Naku ma'am Elise kung hindi hating gabi na yun baka bukas na ng umaga. Laging ganun yun"sabi ni Jovelyn. Napyuko su Elise sa pagkapahiya dahil naturingan asawa niya ay wala siyang alam."Naku malay mo naman nangbago na ngayon alam nuhag may nanghihintay na" sabi ni Rita na inginuso ang nakayukong amo. Saka nagsikuhan ang dalawa."Kug sabagay, oo nga pala may maganda na osyang asawang naghihnta
Nakita ni Kevin na umupo ito sa karinderia. At tila umorder ng softdrinks. Lalapitan na sana ito ni At yayayain para bumalik sa mansion nang maalala niya ang sinabi ni Jovelyn. Nagkaroon ng pagdadalawang isip si Kevin kung tama bang ibalik niya sa mansyon ang hipag o hayaan na itong tuluyang mahiwalay sa kapatid niya. Nasa sitwasyon si Kevin na pinipilit sundin ang kanyang isipan pero malakas at dumadagondong ang bulong ng kanyang puso. Litong lito na si Kevin, gustong gusto na nyng gamitin ang kanyang kahilingan. Kahilingang pinagbigyan ng kanyang lola. Sa huling sandali ng buhay nito. Hiniling niya iyon matapos niyang malaman na si Elise ay ipapakasal kay Kenzo. Hindi man niya kinontra kahilingan ng kaniyang lola.Meron naman siyang isang kondisyon na hiniling kung saka sakali.At ngayon nasa punto na si kevin na parang gusto niya ng gamitin kahit ang kahilingan na yun. Pero hindi niyo magawa. Isinaalang alang ni Kevin ang damdamin ni Elise para sa asawa nito. Kaya naman, muli
Kung tutuusin ay madaling mapapawalang bisa ni Kenzo ang kasal nila ni Elise. Dahil ang katotohanang sa likod ng kasalan nila ni Elise sa garden ay isang pagkukunwari lang. Formality lang ang ginawang kasal kuno ni Elise at Kenzo sa garden noon sa isang huwes. Ang alam ni Kenzo ay kinausap ng kanyang ina ang huwas na nangdaos ng kasal na huwag irehestro ang kasal nila. Ang ipinasa ng kanyang ina ay ang isa pang kopya ng marriage licence na peke ang mga pirma. Lihim iyon sa pamilya ni Elise na peke ang papeles na pinirmahan ni Elise. Kaya sinadya talaga ng kanyang mama na gawing mabilisang kuno ang kasal para hiidn a makapagprepare pa mga side ni Elise. At dahil agaran na at gahol na sa oras. Naginabot ng mommy niya sng isang peng marraige licence ay hinid ito inusuaa ng pamilys ni Elise.Kaya ang buong akala ng mga ito ay legal ang kasal nilang magasawa. Ang lahat ay nakaplano na ni Donya Antonia. Ang tanging nakakaalam lang ng sekretong iyon ay si Kenzo at ang kanyang ina.Walan
Napatingin naman si Elise sa doktor pagkatapos ay bumaling ang tumingin sa babaeng umalis. Sa mga mata ni Elisa ay naroon ang pagtataka. Siyempre hindi naman ito nakaligtas sa paningin ng doktor kaya ang doktor na ang nagsalita."Don't worry miss, nasa mabuti kayong mga kamay. That is what i can guarantee you. Maayos ang magiging kalagayan mo rito mababantayan ka rito at Maaalagaan" sabi nito bilang kasagutan sa mga tanogn sa mata ng babae."Kung sino man ang tumutulong sa iyo ngayon o kung sino man siya ang masasabi ko ay may mabuting puso na nagmamalasakit sayo, mabuti siyang tao kaya dont worry. After a month naman ang sa pre- natal check up mo ulit. Sa ngayon ay alagaan mo ang anak mo at ingatan.Ipanatag mo yung loob mo. Magpahinga ka.Bumawi ka ng lakas.Mauuna na muna ako , babalik ako mamaya pagubos ng IV mo.Mga 5 hous pa siguro yan" Sabi sa kanya ng doktor.Naiwang tulala sa malalim na pag iisip si Elise.Iginala muli ni Elise ang silid, naghahanap siya ng personal na gamit o
Nang magmulat ang mata ni Elise ay namangha siya. Nagulat siya kung saan siya naroroon. Inikot niya ang kanyang mga mata at nakita niyang Hindi naman hospital ang kinaroroonan niya. Pagtingin nya sa bandang kaliwa ay nakita niyang may aparador at Pagtingin niya naman sa kabilang side ay nakita niyang may bintanang salamin. Inulit ni Elise na igala ang paningin at nakita niyang maayos ang lugar.Nakaramdam siya din siya ng kakaibang lamig kaya alam niyang bukas ang aircon.Biglang napabalikwas si Elise, biglang bumalik sa kanyang alaala ang lahat. Na wala na nga pala sya sa silid nila ni Kenzo. Wala na siya sa bahay ng mga Madrigal. Muling naalala ni Elise ang nangyari sa kanya, ang huling natatandaan nya ay naroon siya sa may ATM booth at doon na siya nahilo at pagkatapos ay natumba at dumilim ang paningin niya wala na siyang marandaan pa."Teka nasan ako?Anong nangyari?" Pag biglang bangon ni Elise ay naramdaman niyang medyo mabigat pa at makirot pa ang kanyang ulo. Pero at least hi
"Ma, wala naman ho akong magagawa kung ayaw na sa akin, hindi naman ako magmamakaawa dun" sabi ni Elise. "Babalik na lang ako dito at pagkatapos ay maghahanap na lang ako ulit ng trabaho kaya ko naman eh" sabi pa niya."Yan yan yan ang mahirap sayo yang katangahan mo pinaiiral mo huwag pairalin ang pride mo. Ano naman kung magmakaawa ka sa kanya? ano naman kung lumuhod ka sa harapan niya? may pinagsamahan kayot saka ikatwiran mo yung last will and testament ng mga lola niyo? yun ang gawin mo"sabi ng ka ina ni Elise."Ano pang tinatanga mo dyan? bugso lang ng damdamin yan? basta hindi hindi kita matatanggap dito sa bahay?Umuwi ka sa mansion, bumalik ka doon.Bumalik ka sa mga Madrigal dun ka nararapat.Ipaglaban mo yan karapatan mo hiwag lang tanga! Naintindihan mo, ipaglaban mo ang karapatan mo. Bumalik ka don magmakaawa ka humingi ka ng tawad kung may nagawa kang mali o may kasalanan ka man. Magpakumbaba ka" giit ng kanyang ina. Naluha na lang si Elise sa mga narinig."Ma, hindi nyo ma
"Ako rin may sasabihin sayo" sagot sa kanya ni Kenzo na nameywang pa at halos hindi mapakali."Were over Elise paulit ulit ko bang sasabihin? Tama na ang maraming buwan na pagtitiis ko. Tama na ang isang taong sakripisyo. Pala sa lola mo isa lamang itong kasunduan ng kasal pero hindi mo alam na itinali ako at sinakal ng dalwang matandang iyon at ang nakakainis pa may dagdag pa sa kasulatan ng lola ko na kailangag maging mag asawa tayo sa loob ng isang taon bago ko mabuksan ang mana ko"sigaw nito."Fuck! Elise kailangan kitang pagtiisan at kailangan kung pakisamahan ka kahit sukang suka na ako dahil hawak ninyo ng lintek na kasulatan ang pera ko" galit na sabi in Kenzo."Kenzo....!?." hindi makapaniwala si Elize sa lahat ng narinig. Para siyang sinaksak. Totoo ngang palabas lang ang lahat ng mga ipinakita nito nitong nakaraan? Kaya ba madalas na hating gabi na ito umuuwi at kung minsan madalas nasa out of town.Iniiwasan nga ba siya nito at hinintay lamang na lumipas ang isang taon? Ha
Maingay at nagkakasiyahan ang lahat sa sala. Alas otso na ito ng gabi ngunitcmay mga tao pa rin. Masaya si Elise dahil maraming bisita at maraming pagkain. Mga bandang alas siete ay tinawag siya ng kanyang biyenan at pinalapit kay Kenzo at pinapwesto sila sa gitna ng living room. Pagkatapos ay inutusan si Jovelyn na dalhin ang cake.Hiniling ng kanyang biyenan na ulitin daw nila ni Kenzo ang cake ceremon, tulag noong paghihiwa nila ng cake katulad ng naganap noong kasal nila.Malapad ang ngiti ng kanyang biyenan at kapansin pansin ang mga bagong suot na alahas at bagong kulay at ayos ng buhok nito. Mamula mula din ang balat nito sa mukhan na tila ba nagpa bottocks. Samantala namumula nmaan ang tisoy na mukha ni Kenzo na malapad ang pagkakangiti. Kakaiba ang awra ng asawa niya ngayon. Para bang genuine ang ngiti hindi katulad ng mga nakaraang buwan na parang palaging streess. Pinagbigyan nila ni Kenzo ang kahilingan ng ina bagamat nahihiya ay nakiayon si Elise. Magkasabay silang huma
Masiglang nagpaalam si Elise kay Jovelyn na aakyat na para magbihis. Pag akyat sa hagdan ay nakasalubong niya si Kevin nakabihis ito na tila may lakad. Nagtama ang kanilang mga paningin at nagkatinginan silang dalawa. Si Elise ang hindi nakatiis at siya ang unang nagsalita. "May lakad ka Kevin?" mahinahon niyang tanong. Sumagot naman si Kevin pero nakakunot ang noo at hindi inilayo sng tingin sa kanya. "Yes, nagyaya lang yung isang kaibigan ko baka may puntahan lang kaming isang bar. May kailangan ka ba?" tanong nito kanya na tila matamlay. "Ah wala naman ah kung okay lang sana makauwi ka agad kasi may okasyon sa bahay ngayon" sabi ni Elise. "Okasyon?? ah, Oo nga pala, anniversary nyo nga palang mag asawa. Wow, nagcelebrate pa talaga sila. Ayos din noh! one year na pala kayo?" sabi ni Kevin na hindi mo malan king nang iinia o natutuwa. "Anyway congratulation, hangad ko ang mas marami pang taon.bPasensya na baka ako makasama sa celebration may mahalaga akong lakad kesa sa
"But it does not matter Elise, mayaman na ako, may mana na ko sa tatay ko pa lang. mapera na ako. Ang kapatid ko ay wala walang kaya kailangan nya yon. Kaya kung pwede lang huwag mo kaming pagtularin ni Kenzo. Iba yung dahilan ni Kenzo iba yung dahilan ko" sabi ni Kevin. "Kaya ikaw ang tataungin ko Elise, Okay ka lang ba?" tanong ni Kevin. Umiling iling si Elise. Ilang beses siyang umiling sabay muling umiyak at sumubsob sa dibdib ni Kevin. Hindi naman masabi ni Elise ang takot niya sa posibleng maganap. Ang mga takot niya na baka ngayon na nakuha na ng ng mga Madrigal ang kailangan nito sa kanya, ngayon nawala na ng pumipigil kay Kenzo para manatili sa tabi nya ay baka tuluyan na siyang mawala at itaboy ng kanyang asawa. Wala namang pakialam sana si Elise sa sarili. Kung damdamin niya lang ang masusunod matatag siya, manhid na ata siya pero maraming alalahanin si Elise.Una na rito ay kapag pinaalis siya ni Kenzo sa bahay nai to ay hindi niya makikita si Kevin hindi na niya marara