Share

THE REJECTED

Author: snowflower
last update Last Updated: 2022-09-19 21:04:18

Matapos ang pananakit sa kanya ng mga ka-trabaho ay nakahinga na rin nang maluwag si Luke nang may makapuna sa kanila, dahilan upang itigil nila ang pananakit sa kanya. Hinintay niya ang pagbabalik ng boss nila upang sabihin dito ang desisyon niyang pagbili sa kompanya. Ngunit habang nakaupo siya sa may lobby ay bigla na lamang dumating ang ex-wife niyang si Hannah kasama ang bago nitong boyfriend na si Max. Tila tuod itong nakakapit sa braso ng bagong kasintahan.

Nang makita iyon ng mga ka-trabaho niya ay kaagad nilang sinugod si Hannah.

“Hoy, Hannah! Alam mo ba na iyang asawa mo, ipinahiya kami sa harap ni boss?!”

“Oo nga! Akala mo naman kung sino!”

“Tutal asawa ka naman niya, kasalanan mo rin ito! Baka mamaya ay mapatalsik pa kami sa trabaho dahil sa bida-bida mong asawa!”

Umirap lamang ito saka tumingin sa mga ka-trabaho. “Pwede ba, divorced na kaming dalawa. Hindi ko na asawa si Luke. Bukod pa roon, may bago na akong boyfriend at iyon ay walang iba kundi ang babe kong si Max.”

Nabigla ang lahat nang marinig ang sinabi niya.

“D-Divorced na kayong dalawa?”

"Tama. Divorce na kami, kaya pwede ba, huwag niyo na akong lapitan pa para tanungin ng tungkol sa lalaking iyan? Kundi, sige kayo kayo rin ang mananagot. Hindi ba, babe?" malandi nitong tawag sa kasintahan niyang nakangisi na.

"Tama ang babe ko. Huwag na huwag niyo siyang sisisihin sa kahit na ano pa mang ginawa ng pulubing iyan dahil kayo talaga ang mananagot sa akin."

Napatingin naman si Hannah kay Luke at bigla niyang naalala ang ginawa ng kapatid nito sa kanila ni Max kanina lamang. Labis siyang napahiya sa nangyari, kaya naman hindi niya hahayaang mapahiya rin siya sa harap ng mga ka-trabaho nito.

“Oo. Hindi ko na kaya pang makasama pa siya, kaya nakipag-hiwalay na ako. Hindi ko na kaya pang makisama sa isang lalaking parang

walang pangarap sa buhay! Sawa na rin akong matawag na asawa ng isang hamak na delivery man lang!” nagsimula siyang umiyak upang makuha ang simpatya ng mga ka-trabaho ni Luke. “Akala niyo ba madaling pakisamahan ang lalaking gaya niya? Ni hindi ko nga alam kung paano pa ako mabubuhay araw-araw kasama ang lalaking iyan! Hirap na hirap na ako, pero tiniis ko iyon!”

Kaagad na lumapit si Max kay Hannah saka ito niyakap. “Huwag ka nang umiyak, babe. Nandito naman ako. Don’t cry now…”

Dahil sa mga sinabi ni Hannah at sa pagpapaawa niya, mas lalo pang uminit ang ulo ng mga ka-trabaho ni Luke saka muling bumaling sa kanya.

“Kahit kailan talaga wala ka nang nai-dulot na maganda! Maging ang asawa mo pinahihirapan mo!”

“Tama lang sa kanya ang maiwan. Wala rin naman kasi siyang ipapakain sa asawa at sa mga magiging anak niya, ano. Ang dapat sa mga pobreng kagaya niya, namamatay nang dilat ang mga mata!”

"Huwag kang mag-alala, Hannah. Aalis na rin naman ang lalaking iyan dito, e. At bukod pa roon, sigurado akong hindi ka na niya malalapitan pa lalo na't boyfriend mo na ang napaka-gwapong si Sir Max."

Kaagad na sumulpot ang isa pa sa mga ka-trabaho nila upang s******p dahil sa pag-iisip na baka i-promote sila ng anak ng vice manager ng kompanya kapag patuloy nila itong pinuri at ipahiya naman si Luke.

"Tignan mo naman ang ipinagkaiba ni Sir Max kay Luke. Gwapo, matalino, magaling pumorma, at higit sa lahat, mayaman! Hindi kagaya nitong si Luke na isaw lang ang kayang ibili sa'yo!"

Nagtawanan silang lahat habang nakatingin sa kawawang si Luke na kanina pa minamaliit ng mga ka-trabaho. Mabuti na lamang at sanay na rin siya sa kasamaan ng ugali ng mga ito.

"Mukha siya talagang pulubi. Hindi ko nga sure kung nagpapalit ng damit ang isang iyan. Ay, oo nga lala, wala kasi siyang pambili!"

Patuloy lamang sila sa pambubuska sa kawawang si Luke. Imbes na lumaban sa mga ka-trabaho niya ay nanatili lamang na tahimik si Luke habang pinagmamasdan ang ex-wife niya at ang bago nito na naglalandian sa isang sulok.

"Babe! Ano ba!" malanding sigaw ni Hannah habang patuloy sa pagkiliti sa kanya ang bagong kasintahan na si Max.

Ngumisi naman ito sa kanya saka nagpatuloy sa ginagawa. Nang hindi pa ito nakuntento ay hinalikan niya na ang kasintahan sa harap ng mga empleyado animo'y walang tao sa paligid nila ang nakakakita.

"Napakaganda talaga ng babe ko. Kaya parati akong nanggigigil sa'yo e."

"Ikaw talaga, babe. Alam ko namang parati mo akong pinangigigilan. Pero huwag naman dito, nakakahiya kaya.*

Mas lalo pang lumapit sa kanya ang lalaki saka siya hinalikan sa leeg. "Nakakahiya? Kanino ka naman mahihiya? Sa ex mong pobre?"

"Ikaw talaga..."

"Anyway, kung ayaw mong dito natin gawin ito, edi magpunta nalang tayo sa isang five star hotel mamaya."

"Hmm.. Mukhang maganda nga iyang idea mo, babe..."

Halos kumulo ang dugo ni Luke dahil sa naririnig. Kung makapag-landian kasi ang ex wife niya ay parang hindi ito nakipag-hiwalay sa kanya at wala silang pinagsamahan na dalawa.

Tumingin-tingin siya sa paligid, ngunit wala man lang ni isa sa mga ka-trabaho niya ang pumuna sa bagong relasyon ng ex-wife niya. Marahil dahil ang bagong kasintahan nito ay ang anak ng vice manager ng kompanya. Alam nilang kapag sinubukan nila itong kalabanin ay kaya nitong tanggalin sila sa trabaho.

Sa totoo lang, sa tagal nang pagtatrabaho ni Luke para sa kompanyang iyon ay wala man lang siyang naging kaibigan. Ngunit hindi iyon dahil ayaw niyang makipagkaibigan o dahil hindi siya approachable, iyon ay dahil kilala siya bilang isang mahirap na lalaki kaya naman wala na siyang ibang narinig sa mga ito kundi panlalait at pangmamaliit.

"Oh, bakit ka naman nakatingin kina Miss Hannah at Sir Max? Naiinggit ka?" bigla na namang sulpot ng isa sa mga katrabaho niya.

Mukhang hindi talaga siya titigilan ng mga ito. Nagsisulputang muli ang iba pa atsaka pumalibot sa kanya. Palibhasa ay walang nakatingin na ibang mataas kaya kaya nilang umalis sa mga trabaho at mag-aksaya ng oras sa pambubuska sa kanya.

"Alam mo, Luke. May papatol naman sana sa'yo. Iyon nga lang e kung may pera ka."

"E kaso nga lang, wala siyang pera. Ni hindi ko nga alam kung saan nakakakuha ang pobre na ito ng lakas ng loob na mag-resign,e. Siguro balak na lamang niyang mang-holdap o hindi naman kaya ay maging isa sa mga akyat-bahay gang."

Muling narinig ni Luke ang mga halakhak ng mga ito. Napakuyom siya ng kamao.

"Hindi niyo ba talaga ako titigilan?"

"Titigilan kalang namin kapag tuluyan ka nang nakaalis dito, Luke. Pero kung hindi mangyayari iyon, hinding-hindi kami mananahimik at hindi ka rin namin pagbibigyan! Naiintindihan mo?!"

"Nagagalit ba kayo dahil nalalamangan ko kayo? Dahil imbes na magtrabaho kayo nang maayos, heto ngayon kayo at minamaliit ako? Bakit, umaangat ba kayo sa ginagawa ninyong ito?"

Tila nagpintig ang tainga ng matabang si Greg dahil sa narinig. Kaagad nito sanang aambahan ng suntok si Luke, pero nahawakan ng binata ang braso niya at siya ang naitulak sa sahig.

"Ikaw---

“What is happening here?!”

Lahat sila ay napatigil sa pagsisisigaw kay Luke nang makabalik na ang boss. Kaagad na tumayo si Luke mula sa sahig dahil sa pagkakatulak sa kanya ng isa sa mga katrabaho niya saka siya tumingin sa boss nila.

“Wala na ba kayong ibang alam na gawin kundi ang saktan si Luke? Malamang sa malamang kayo rin ang dahilan ng pagr-resign niya ngayon. Alam niyo ba na isa sa mga investor natin ang nag-cancel ng partnership?!”

Napahiya ang mga ka-trabaho ni Luke at tila mga maaamong tupang tumikhim ang bibig.

Nilingon ng boss si Luke saka nagsalitang muli. “Look, follow me to my office.”

“Y-Yes, ma’am.”

Kaagad na inayos ni Luke ang nagusot niyang damit atsaka muling nilingon ang mga katrabaho bago tuluyang sumunod sa boss nila. “Pagsisisihan ninyo ang lahat ng ginawa ninyo sa akin.”

Related chapters

  • The Rejected Son-In-Law   THE NEW CEO

    "Narinig niyo na ba ang balita?!""Anong balita?""Ngayon na raw ipapakilala ang bago nating CEO!!"Ang mga empleyado sa loob ng kompanya ay hindi magkumayaw dahil sa narinig na balita. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na ngayong araw na nila makikilala ang bagong magm-may-ari ng kompanya nila."New CEO? Sino naman kaya iyon? Ni hindi nga ako na-inform tungkol doon." sambit ni Max habang nakaupo sa swivel chair niya."Malamang sobrang yaman ng lalaking iyon. Biruin niya ba namang bilhin ang buong kompanya ninyo." dagdag pa ni Hannah habang inaayos ang sarili niya sa harap ng salaming bintana.Sa kabilang banda naman ay nakasakay na si Luke sa isang magarang itim na limousine. Sa tabi niya ay ang nakababata niyang kapatid na si Amber."I can't believe you really bought that company, kuya. May balak ka bang gawin, huh?""I will just make everyone see na nagkamali sila ng kinalaban. Sa tagal kong nagt-trabaho sa kompanyang iyon, ni hindi nila ako tinratong tao. Lalo na ang Max na iyon,

    Last Updated : 2022-10-04
  • The Rejected Son-In-Law   DIVORCE

    “Hindi ba’t birthday mo na bukas? Anong gusto mong regalo?” nakangiting tanong ni Luke sa asawa niyang si Hannah na magc-celebrate ng birthday niya kinabukasan. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang itim na buhok sa harapan ng salamin. Imbes na matuwa, sumimangot pa si Hannah. “Regalo? Ano naman kaya ang ireregalo mo sa akin? Cheap bag? O hindi naman kaya iyong sapatos na nabibili sa tabi-tabi? Hindi na, Luke. Hindi bale nang huwag mo ako regaluhan.”“Cellphone ba ang gusto mo? Bibigyan kita niyon, sabihin mo lang sa akin.”Sarkastikong napatawa ang asawa niyang si Hannah. “Pwede ba, Luke? Huwag ka na ngang magpanggap na kaya mong bilhin ang isang ‘yon. Ni hindi mo nga mabilhan ang sarili mo ng magagandang damit tapos bibili ka pa ng cellphone? Pinagloloko mo ba ako?”“Hannah naman..”“Alam mo Luke, sawang-sawa na ako sa ganitong set up, e. Sawang-sawa na akong magtiis sa ganitong klaseng buhay. Ni hindi ko nga alam kung bakit pa ako nagtitiis na makasama ka. Ni hindi mo nga maibigay sa

    Last Updated : 2022-09-19
  • The Rejected Son-In-Law   HIS SISTER

    Nang huminto ang sinasakyang taxi ni Luke ay kaagad na rin siyang bumaba matapos magbayad sa driver. Kaagad niyang nakita si Hannah na nakangisi sa kanya. Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.“Tignan mo ang sarili mo, ni hindi mo nga kayang bumili ng sarili mong kotse papunta rito. Nakakaawa ka talaga.” Iiling-iling pa nitong sabi.Hindi na lamang kumibo pa si Luke. Tahimik na lamang silang pumasok sa Local Civil Registry Office upang mag-file ng divorce. Kahit na kailan ay hindi pumasok sa isip ni Luke na makipag-hiwalay sa kanyang asawa. Ngunit marahil, ito na lamang din ang tanging paraan upang hindi na siya maghirap pa. Nang matapos na silang mag-file ng divorce ay kaagad na rin silang lumabas. Huminto sa paglalakad si Luke saka tumingin kay Hannah. Pilit siyang ngumiti saka inilahad ang kamay niya. “Alam kong hindi ako naging perpektong asawa sa’yo, hindi ko naibigay ang lahat ng gusto mo, pero gusto kong malaman mo na minahal kita. At dahil din sa pagmamahal na iy

    Last Updated : 2022-09-19
  • The Rejected Son-In-Law   VENGEANCE

    Lubos na na-insulto si Max sa mga sinabi ng dalaga sa kanya, ngunit bigla niyang napansin ang ganda nito at ang perpektong hubog ng katawan niyon na talaga namang kitang-kita sa suot nitong fitted pink dress. Diretso niya itong tinignan sa mga mata saka hinawakan sa magkabilang balikat. “You know what? You’re actually beautiful. And cute. Bukod pa roon ay marunong ka ring lumaban. That’s the kind of girl I want. Someone who looks so innocent, but knows how to fight.”"W-What? Why are you talking to that woman, babe?!"Kaagad namang hinawi ni Amber ang kamay ni Max mula sa balikat niya saka tinignan ito. “Isa pang hawak mo sa akin at sisiguraduhin kong didiretso ka sa kulungan.”“H-Hey! Don’t you dare hit my babe like that!” sigaw naman sa kanya ni Hannah.Nilingon siya ni Amber at walang anu-ano niya itong sinampal, dahilan upang halos mangudngod na ito sa sahig, Mabuti na lamang at kaagad siyang nahawakan ng bago niyang kasintahang si Max.“Akala mo ba hindi ko alam ang mga pinagagaw

    Last Updated : 2022-09-19
  • The Rejected Son-In-Law   BULLIED

    Kaagad na ipinatawag ng boss nila si Luke sa office nito upang doon sila mag-usap na dalawa. “Pasensiya ka na talaga, Luke. Sa susunod na makita kong nilalait ka nila, hindi na talaga ako mag-aatubiling alisin sila sa trabaho nila.” pag-hingi nito ng paumanhin sa binata. Umiling-iling na lamang si Luke. “Ayos lang po iyon, ma’am.” Ang boss niyang ito ang bukod-tangi sa office nila na nagt-trato sa kanya nang mabuti. Halos lahat kasi ng trabaho niya at iba pang mga staff sa kompanya nila ay outsider ang tingin sa kanya dahil lang sa katotohanang dalawa ang trabaho niya. “Oo nga pala, bakit hindi ka naka-uniform? Hindi ka ba makapapasok sa trabaho ngayong araw?” tanong ng dalaga nang mapansin ang suot ni Luke. Malimit kasi itong mahuli sa tuwing pumapasok ito sa trabaho. Sa katotohanan nga ay isa ito sa mga outstanding employees kada taon. Huminga na muna siya nang malalim bago muling nag-salita. Maging siya ay hindi alam kung paano sasabihin ang desisyon niya sa boss niya dahil a

    Last Updated : 2022-09-19

Latest chapter

  • The Rejected Son-In-Law   THE NEW CEO

    "Narinig niyo na ba ang balita?!""Anong balita?""Ngayon na raw ipapakilala ang bago nating CEO!!"Ang mga empleyado sa loob ng kompanya ay hindi magkumayaw dahil sa narinig na balita. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na ngayong araw na nila makikilala ang bagong magm-may-ari ng kompanya nila."New CEO? Sino naman kaya iyon? Ni hindi nga ako na-inform tungkol doon." sambit ni Max habang nakaupo sa swivel chair niya."Malamang sobrang yaman ng lalaking iyon. Biruin niya ba namang bilhin ang buong kompanya ninyo." dagdag pa ni Hannah habang inaayos ang sarili niya sa harap ng salaming bintana.Sa kabilang banda naman ay nakasakay na si Luke sa isang magarang itim na limousine. Sa tabi niya ay ang nakababata niyang kapatid na si Amber."I can't believe you really bought that company, kuya. May balak ka bang gawin, huh?""I will just make everyone see na nagkamali sila ng kinalaban. Sa tagal kong nagt-trabaho sa kompanyang iyon, ni hindi nila ako tinratong tao. Lalo na ang Max na iyon,

  • The Rejected Son-In-Law   THE REJECTED

    Matapos ang pananakit sa kanya ng mga ka-trabaho ay nakahinga na rin nang maluwag si Luke nang may makapuna sa kanila, dahilan upang itigil nila ang pananakit sa kanya. Hinintay niya ang pagbabalik ng boss nila upang sabihin dito ang desisyon niyang pagbili sa kompanya. Ngunit habang nakaupo siya sa may lobby ay bigla na lamang dumating ang ex-wife niyang si Hannah kasama ang bago nitong boyfriend na si Max. Tila tuod itong nakakapit sa braso ng bagong kasintahan. Nang makita iyon ng mga ka-trabaho niya ay kaagad nilang sinugod si Hannah. “Hoy, Hannah! Alam mo ba na iyang asawa mo, ipinahiya kami sa harap ni boss?!” “Oo nga! Akala mo naman kung sino!” “Tutal asawa ka naman niya, kasalanan mo rin ito! Baka mamaya ay mapatalsik pa kami sa trabaho dahil sa bida-bida mong asawa!” Umirap lamang ito saka tumingin sa mga ka-trabaho. “Pwede ba, divorced na kaming dalawa. Hindi ko na asawa si Luke. Bukod pa roon, may bago na akong boyfriend at iyon ay walang iba kundi ang babe kong si Max

  • The Rejected Son-In-Law   BULLIED

    Kaagad na ipinatawag ng boss nila si Luke sa office nito upang doon sila mag-usap na dalawa. “Pasensiya ka na talaga, Luke. Sa susunod na makita kong nilalait ka nila, hindi na talaga ako mag-aatubiling alisin sila sa trabaho nila.” pag-hingi nito ng paumanhin sa binata. Umiling-iling na lamang si Luke. “Ayos lang po iyon, ma’am.” Ang boss niyang ito ang bukod-tangi sa office nila na nagt-trato sa kanya nang mabuti. Halos lahat kasi ng trabaho niya at iba pang mga staff sa kompanya nila ay outsider ang tingin sa kanya dahil lang sa katotohanang dalawa ang trabaho niya. “Oo nga pala, bakit hindi ka naka-uniform? Hindi ka ba makapapasok sa trabaho ngayong araw?” tanong ng dalaga nang mapansin ang suot ni Luke. Malimit kasi itong mahuli sa tuwing pumapasok ito sa trabaho. Sa katotohanan nga ay isa ito sa mga outstanding employees kada taon. Huminga na muna siya nang malalim bago muling nag-salita. Maging siya ay hindi alam kung paano sasabihin ang desisyon niya sa boss niya dahil a

  • The Rejected Son-In-Law   VENGEANCE

    Lubos na na-insulto si Max sa mga sinabi ng dalaga sa kanya, ngunit bigla niyang napansin ang ganda nito at ang perpektong hubog ng katawan niyon na talaga namang kitang-kita sa suot nitong fitted pink dress. Diretso niya itong tinignan sa mga mata saka hinawakan sa magkabilang balikat. “You know what? You’re actually beautiful. And cute. Bukod pa roon ay marunong ka ring lumaban. That’s the kind of girl I want. Someone who looks so innocent, but knows how to fight.”"W-What? Why are you talking to that woman, babe?!"Kaagad namang hinawi ni Amber ang kamay ni Max mula sa balikat niya saka tinignan ito. “Isa pang hawak mo sa akin at sisiguraduhin kong didiretso ka sa kulungan.”“H-Hey! Don’t you dare hit my babe like that!” sigaw naman sa kanya ni Hannah.Nilingon siya ni Amber at walang anu-ano niya itong sinampal, dahilan upang halos mangudngod na ito sa sahig, Mabuti na lamang at kaagad siyang nahawakan ng bago niyang kasintahang si Max.“Akala mo ba hindi ko alam ang mga pinagagaw

  • The Rejected Son-In-Law   HIS SISTER

    Nang huminto ang sinasakyang taxi ni Luke ay kaagad na rin siyang bumaba matapos magbayad sa driver. Kaagad niyang nakita si Hannah na nakangisi sa kanya. Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.“Tignan mo ang sarili mo, ni hindi mo nga kayang bumili ng sarili mong kotse papunta rito. Nakakaawa ka talaga.” Iiling-iling pa nitong sabi.Hindi na lamang kumibo pa si Luke. Tahimik na lamang silang pumasok sa Local Civil Registry Office upang mag-file ng divorce. Kahit na kailan ay hindi pumasok sa isip ni Luke na makipag-hiwalay sa kanyang asawa. Ngunit marahil, ito na lamang din ang tanging paraan upang hindi na siya maghirap pa. Nang matapos na silang mag-file ng divorce ay kaagad na rin silang lumabas. Huminto sa paglalakad si Luke saka tumingin kay Hannah. Pilit siyang ngumiti saka inilahad ang kamay niya. “Alam kong hindi ako naging perpektong asawa sa’yo, hindi ko naibigay ang lahat ng gusto mo, pero gusto kong malaman mo na minahal kita. At dahil din sa pagmamahal na iy

  • The Rejected Son-In-Law   DIVORCE

    “Hindi ba’t birthday mo na bukas? Anong gusto mong regalo?” nakangiting tanong ni Luke sa asawa niyang si Hannah na magc-celebrate ng birthday niya kinabukasan. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang itim na buhok sa harapan ng salamin. Imbes na matuwa, sumimangot pa si Hannah. “Regalo? Ano naman kaya ang ireregalo mo sa akin? Cheap bag? O hindi naman kaya iyong sapatos na nabibili sa tabi-tabi? Hindi na, Luke. Hindi bale nang huwag mo ako regaluhan.”“Cellphone ba ang gusto mo? Bibigyan kita niyon, sabihin mo lang sa akin.”Sarkastikong napatawa ang asawa niyang si Hannah. “Pwede ba, Luke? Huwag ka na ngang magpanggap na kaya mong bilhin ang isang ‘yon. Ni hindi mo nga mabilhan ang sarili mo ng magagandang damit tapos bibili ka pa ng cellphone? Pinagloloko mo ba ako?”“Hannah naman..”“Alam mo Luke, sawang-sawa na ako sa ganitong set up, e. Sawang-sawa na akong magtiis sa ganitong klaseng buhay. Ni hindi ko nga alam kung bakit pa ako nagtitiis na makasama ka. Ni hindi mo nga maibigay sa

DMCA.com Protection Status