author-banner
snowflower
snowflower
Author

Novels by snowflower

The Rejected Son-In-Law

The Rejected Son-In-Law

"I want a divorce, Luke." sambit ng asawa niya. Buong akala ni Luke ay makukuntento na ang asawa niyang si Hannah sa kung anong kaya niyang ibigay. Ngunit gaya ng inaasahan, hindi nito kayang mamuhay kasama ang isang mahirap na gaya niya. Isang office staff sa umaga, delivery man sa gabi. Ilan lamang iyan sa mga dahilan kung bakit puro pambubuska at panlalait ang natatamo ni Luke sa mga ka-trabahon at maging sa asawa niyang si Hannah. Ngunit... Paano kung bigla na lamang nila nalaman na ang lalaking inakala nilang mahirap ay isa palang ubod na yamang tagapagmana ng pinakamalaking kompanya sa bansa?
Read
Chapter: THE NEW CEO
"Narinig niyo na ba ang balita?!""Anong balita?""Ngayon na raw ipapakilala ang bago nating CEO!!"Ang mga empleyado sa loob ng kompanya ay hindi magkumayaw dahil sa narinig na balita. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na ngayong araw na nila makikilala ang bagong magm-may-ari ng kompanya nila."New CEO? Sino naman kaya iyon? Ni hindi nga ako na-inform tungkol doon." sambit ni Max habang nakaupo sa swivel chair niya."Malamang sobrang yaman ng lalaking iyon. Biruin niya ba namang bilhin ang buong kompanya ninyo." dagdag pa ni Hannah habang inaayos ang sarili niya sa harap ng salaming bintana.Sa kabilang banda naman ay nakasakay na si Luke sa isang magarang itim na limousine. Sa tabi niya ay ang nakababata niyang kapatid na si Amber."I can't believe you really bought that company, kuya. May balak ka bang gawin, huh?""I will just make everyone see na nagkamali sila ng kinalaban. Sa tagal kong nagt-trabaho sa kompanyang iyon, ni hindi nila ako tinratong tao. Lalo na ang Max na iyon,
Last Updated: 2022-10-04
Chapter: THE REJECTED
Matapos ang pananakit sa kanya ng mga ka-trabaho ay nakahinga na rin nang maluwag si Luke nang may makapuna sa kanila, dahilan upang itigil nila ang pananakit sa kanya. Hinintay niya ang pagbabalik ng boss nila upang sabihin dito ang desisyon niyang pagbili sa kompanya. Ngunit habang nakaupo siya sa may lobby ay bigla na lamang dumating ang ex-wife niyang si Hannah kasama ang bago nitong boyfriend na si Max. Tila tuod itong nakakapit sa braso ng bagong kasintahan. Nang makita iyon ng mga ka-trabaho niya ay kaagad nilang sinugod si Hannah. “Hoy, Hannah! Alam mo ba na iyang asawa mo, ipinahiya kami sa harap ni boss?!” “Oo nga! Akala mo naman kung sino!” “Tutal asawa ka naman niya, kasalanan mo rin ito! Baka mamaya ay mapatalsik pa kami sa trabaho dahil sa bida-bida mong asawa!” Umirap lamang ito saka tumingin sa mga ka-trabaho. “Pwede ba, divorced na kaming dalawa. Hindi ko na asawa si Luke. Bukod pa roon, may bago na akong boyfriend at iyon ay walang iba kundi ang babe kong si Max
Last Updated: 2022-09-19
Chapter: BULLIED
Kaagad na ipinatawag ng boss nila si Luke sa office nito upang doon sila mag-usap na dalawa. “Pasensiya ka na talaga, Luke. Sa susunod na makita kong nilalait ka nila, hindi na talaga ako mag-aatubiling alisin sila sa trabaho nila.” pag-hingi nito ng paumanhin sa binata. Umiling-iling na lamang si Luke. “Ayos lang po iyon, ma’am.” Ang boss niyang ito ang bukod-tangi sa office nila na nagt-trato sa kanya nang mabuti. Halos lahat kasi ng trabaho niya at iba pang mga staff sa kompanya nila ay outsider ang tingin sa kanya dahil lang sa katotohanang dalawa ang trabaho niya. “Oo nga pala, bakit hindi ka naka-uniform? Hindi ka ba makapapasok sa trabaho ngayong araw?” tanong ng dalaga nang mapansin ang suot ni Luke. Malimit kasi itong mahuli sa tuwing pumapasok ito sa trabaho. Sa katotohanan nga ay isa ito sa mga outstanding employees kada taon. Huminga na muna siya nang malalim bago muling nag-salita. Maging siya ay hindi alam kung paano sasabihin ang desisyon niya sa boss niya dahil a
Last Updated: 2022-09-19
Chapter: VENGEANCE
Lubos na na-insulto si Max sa mga sinabi ng dalaga sa kanya, ngunit bigla niyang napansin ang ganda nito at ang perpektong hubog ng katawan niyon na talaga namang kitang-kita sa suot nitong fitted pink dress. Diretso niya itong tinignan sa mga mata saka hinawakan sa magkabilang balikat. “You know what? You’re actually beautiful. And cute. Bukod pa roon ay marunong ka ring lumaban. That’s the kind of girl I want. Someone who looks so innocent, but knows how to fight.”"W-What? Why are you talking to that woman, babe?!"Kaagad namang hinawi ni Amber ang kamay ni Max mula sa balikat niya saka tinignan ito. “Isa pang hawak mo sa akin at sisiguraduhin kong didiretso ka sa kulungan.”“H-Hey! Don’t you dare hit my babe like that!” sigaw naman sa kanya ni Hannah.Nilingon siya ni Amber at walang anu-ano niya itong sinampal, dahilan upang halos mangudngod na ito sa sahig, Mabuti na lamang at kaagad siyang nahawakan ng bago niyang kasintahang si Max.“Akala mo ba hindi ko alam ang mga pinagagaw
Last Updated: 2022-09-19
Chapter: HIS SISTER
Nang huminto ang sinasakyang taxi ni Luke ay kaagad na rin siyang bumaba matapos magbayad sa driver. Kaagad niyang nakita si Hannah na nakangisi sa kanya. Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.“Tignan mo ang sarili mo, ni hindi mo nga kayang bumili ng sarili mong kotse papunta rito. Nakakaawa ka talaga.” Iiling-iling pa nitong sabi.Hindi na lamang kumibo pa si Luke. Tahimik na lamang silang pumasok sa Local Civil Registry Office upang mag-file ng divorce. Kahit na kailan ay hindi pumasok sa isip ni Luke na makipag-hiwalay sa kanyang asawa. Ngunit marahil, ito na lamang din ang tanging paraan upang hindi na siya maghirap pa. Nang matapos na silang mag-file ng divorce ay kaagad na rin silang lumabas. Huminto sa paglalakad si Luke saka tumingin kay Hannah. Pilit siyang ngumiti saka inilahad ang kamay niya. “Alam kong hindi ako naging perpektong asawa sa’yo, hindi ko naibigay ang lahat ng gusto mo, pero gusto kong malaman mo na minahal kita. At dahil din sa pagmamahal na iy
Last Updated: 2022-09-19
Chapter: DIVORCE
“Hindi ba’t birthday mo na bukas? Anong gusto mong regalo?” nakangiting tanong ni Luke sa asawa niyang si Hannah na magc-celebrate ng birthday niya kinabukasan. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang itim na buhok sa harapan ng salamin. Imbes na matuwa, sumimangot pa si Hannah. “Regalo? Ano naman kaya ang ireregalo mo sa akin? Cheap bag? O hindi naman kaya iyong sapatos na nabibili sa tabi-tabi? Hindi na, Luke. Hindi bale nang huwag mo ako regaluhan.”“Cellphone ba ang gusto mo? Bibigyan kita niyon, sabihin mo lang sa akin.”Sarkastikong napatawa ang asawa niyang si Hannah. “Pwede ba, Luke? Huwag ka na ngang magpanggap na kaya mong bilhin ang isang ‘yon. Ni hindi mo nga mabilhan ang sarili mo ng magagandang damit tapos bibili ka pa ng cellphone? Pinagloloko mo ba ako?”“Hannah naman..”“Alam mo Luke, sawang-sawa na ako sa ganitong set up, e. Sawang-sawa na akong magtiis sa ganitong klaseng buhay. Ni hindi ko nga alam kung bakit pa ako nagtitiis na makasama ka. Ni hindi mo nga maibigay sa
Last Updated: 2022-09-19
Hiding The Mafia King

Hiding The Mafia King

Matapos ang isang engkwentro ng Mafia King na si Liam Weigland laban sa pinakamalupit niyang kalaban ay bigla na lamang nahulog ang kotseng sinasakyan nito sa isang bangin. Kinabukasan, nakita siya ni Sage at nagpasyang tulungan ito. Nang sa wakas ay magising si Liam ay wala na siyang maalala maging ang pangalan niya. Dahil doon, walang ibang nagawa si Sage kundi ang kupkupin ang binata. Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman ni Sage ang tunay na katauhan ni Liam? Kaya niya bang iwanan ang tahimik niyang buhay sa probinsya para sumama sa lalaking may magulo at maaksiyong mundo?
Read
Chapter: CHAPTER 6: AFTER FIVE YEARS
Sage's POV"Mommy, are we finally going to meet Auntie Anne?" tanong sa akin ng anak kong si Anya habang nakasakay kami sa kotse papunta sa tutuluyan naming condo unit.Kauuwi lang namin galing sa Europe matapos ang limang taon at ngayon ay napagpasyahan ko na ring bumalik. Limang taon din akong nagtago roon para lamang makalimutan ang lahat ng masalimuot na nangyari sa akin at para na rin maalagaan ang anak kong si Anya.Si Anya ay ang anak kong limang taong gulang na ngayon. Mayroon siyang mahabang buhok at napakagagandang kulay asul na mata na marahil ay namana niya sa kanyang ama dahil wala naman sa pamilya namin ang may ganoong kulay ng mga mata. Hindi ko na rin sinabi sa kanya ang tungkol sa totoo niyang ama. Sinabi ko na lamang na matagal na itong wala. "Oo, anak. Mamaya, pupunta sa bahay natin si Auntie Annelise mo. Excited ka na bang makita siya?" "Super!" bulalas niya habang tila kumikinang ang mga mata.Laking pasasalamat ko talaga dahil lumaking magalang at mabuti ang a
Last Updated: 2022-08-16
Chapter: CHAPTER 5: THE MAFIA KING
Tanging mga putok lamang ng baril ang naririnig sa kabuuan ng isang napakalaking building kung saan nagtatago ang pinakakinatatakutang mafia king na si Liam Matt Weigland kasama ang mga tauhan niya. Madilim ang buong paligid at ang tanging maaninag ay ang liwanag na nagmumula sa buwan. Sa bawat pagputok ng baril ay siya ring pagdanak ng dugo. "Boss, mukhang tuluyan na po nilang napasok ang base natin! Kalahati na sa atin ang napatay nila!" sigaw ng isang lalaking humahangos habang may hawak na baril. Kaagad namang tumayo mula sa kinauupuan niya ang isang makisig at matipunong binata na si Weigland hawak ang dalawang baril. "That fucking moron. He really planned on catching us empty-handed, huh? Does he really think he can beat me? Shoot all the morons you'll see and leave. Let's see each other to our base two." "P-Pero paano po kayo, boss?" "I'll fight that dumbass, then I'll proceed to our base. Wait for me there." tugon ni Weigland habang inihahanda ang kanyang sarili. Maya-ma
Last Updated: 2022-08-16
Chapter: CHAPTER 4: DECISION
Sage's POV"Sage, totoo bang buntis ka?""Si Nathan ba ang ama?""Miss Sage, totoo bang hindi si Nathan ang ama ng ipinagbubuntis mo ngayon?""One night stand lang ba?""Break na ba kayo ni Nathan?"Halos hindi na ako makadaan dahil sa dami ng reporter at paparazzi na nag-aabang sa labas ng hotel na tinuluyan ko. Lahat sila ang tinatanong ay tungkol sa pagbubuntis ko at sa hiwalayan naming dalawa ni Nathan. Hindi ko rin alam kung paano nila nalaman ang mga bagay na iyon, pero sigurado akong si Samantha ang may kagagawan ng lahat ng ito. Kung alam ko lang na gagawin niya sa akin ito, sana una palang hindi ko na siya pinagkatiwalaan pa. Sana hindi ko na sinabi pa sa kanya ang lahat ng mga sikreto ko. "I knew it! Sinasabi ko na nga ba at may hindi talaga magandang nangyari noong gabi na 'yon e! Kaya naman pala parang may nag-iba rin sa pangangatawan mo at parati ka na lamang naduduwal." pangangaral sa akin ni Annelisse nang makarating na ako sa management agency building namin. Yumuko
Last Updated: 2022-08-16
Chapter: CHAPTER 3: AFTER TWO MONTHS
Sage's POV"What's the meaning of this, Sage?! You are pregnant? Ni hindi pa nga kayo kasal ni Nathan nagpabuntis ka na kaagad?! Do you even know how it would affect our family?! Ano na lang sa tingin mo ang iisipin ng mga kamag-anak natin?!" Sunud-sunod ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko habang patuloy ang paninigaw sa akin ni Daddy. Oo, buntis ako. Actually, ever since that victory party happened, bigla nalang ako nakaramdam ng kakaiba sa katawan ko. In denial pa ako noong umpisa, pero hindi rin ako nakatiis at nag-take ako ng pregnancy test at nag-positive nga. "Dad, I'm so sorry. I didn't mean it... Ni hindi ko nga alam kung ano nang nangyari at kung paano ako nabuntis...""That's bullshit, Sage! You know what? I knew this would happen! Ever since mamatay ang mommy mo, nag-iba ka na rin. I really thought I could trust you, but what did you do, Sage?! You disappointed me!""Daddy...Please...I'm so sorry..."Sunud-sunod ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko habang nagma
Last Updated: 2022-08-16
Chapter: CHAPTER 2: THE CONSEQUENCES
Sage's POV Tila mabibiyak na ang ulo ko nang magising ako. Grabe ang hangover ko. Ang dami ko rin naman kasi talagang nainom kagabi. Hindi ko nga rin ba alam sa sarili ko, umiinom naman ako ng alak paminsan-minsan lalo na kapag may mga importanteng occassions, pero para bang may kakaiba kagabi. Ni hindi ko na nga maalala ang nangyari sa akin.Naupo ako sa kama at kaagad akong natigilan nang ma-realize ko na wala ako sa kwarto ko. "T-Teka, hindi ko kwarto 'to a. Nasaan a--- Nang mapatingin ako sa bandang kanan ko ay kaagad na nanlaki ang mga mata ko. Isang lalaking may matipunong katawan ang mahihimbing na natutulog sa tabi ko. Ngunit hindi iyon ang labis kong ikinagulat, kundi ang katotohanang wala siyang saplot. Kaagad akong napabalikwas saka tinignan ang sarili ko sa ilalim ng kumot. Halos mapamura ako nang matuklasan kong wala rin ako ni isang saplot. "Anong nangyari kagabi? Sino ang lalaking ito?" nagtataka kong bulong sa sarili ko. *** "Late ka yata ngayon, Sage?
Last Updated: 2022-08-15
Chapter: CHAPTER 1: THAT NIGHT
Sage's POV Hindi mahulugang karayom ang kabuuan ng bar ng ate kong si Samantha dahil sa dami ng mga bisitang inimbita niya para lamang sa akin. Isa itong club na iniregalo sa kanya ni Daddy noon dahil hilig talaga niya ang pagpunta rito. "Congratulations, Sage!" sabay-sabay nilang bati sa akin. Kaagad namang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. "Thank you, guys!" Katatapos lamang ng international film na ginawa ko sa Europe noong mga nakaraang buwan at dahil naging successful ito, napagpasyahan ng ate ko na magpa-party para sa akin. "So, next na ba ang wedding ninyong dalawa ni Nathan?" tanong ng isa sa mga co-actressess ko na si Monica. "Well, hindi ko alam sa kanya. Siya lang naman kasi ang hinihintay ko." tugon ko habang nanunuksong tumingin sa boyfriend kong si Nathan na abala sa pakikipag-usap sa ate ko. Limang taon na kaming magkasintahan ni Nathan. Gaya ko, isa rin siyang kilalang aktor sa bansa. Hindi ko nga rin ba alam pero sa tuwing tinatanong ko siya about sa posibili
Last Updated: 2022-08-15
Vows Of Vengeance

Vows Of Vengeance

"Cleonne Marie Deigmen, do you accept Ashton Kleid Ditfreid as your lawful husband?" tanong ng pari habang nakatingin sa akin. Nakabibinging katahimikan ang umalingawngaw sa loob ng simbahan. Tila ba lahat sila ay takot na magsalita dahil alam nilang masama ang kahihinatnan niyon kung sakali. "I-I do..." garalgal ang boses ko na sumagot. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko habang nakatayo sa harap ng altar. Buong buhay ko, wala akong ibang pinangarap kundi magandang buhay para sa pamilya ko, at mahanap ang lalaking pakakasalan ko balang araw. Iyong lalaking makatatabi ko sa altar sa at kasama kong susumpa sa harap ng maykapal. Pero hindi ko akalaing ang araw ng kasal ko, ang siya ring magiging pinaka-masalimuot na araw sa buhay ko.... "I now pronounce you, husband and wife. Mr. Ditfreid, you may now kiss your bride." Ang panginginig ng buong katawan ko ay mas lalo pang nadagdagan nang sabihin iyon ng pari. Unti-unti ay humarap ako kay Ashton na seryosong nakatingin sa akin. Iniangat niya ang veil mula sa ulo ko at doon ko nakita ang mga mata niya. Hindi pagmamahal ang nakikita ko sa mga iyon, ang tanging nakikita ko lamang ay galit, poot, at paghihiganti. "You are mine now, Cleonne. At ito ang tatandaan mo, habang nabubuhay ako, hinding-hindi mo mararanasan ang salitang kaligayahan." bulong niya sa akin bago niya tuluyang ilapat ang labi niya sa mga labi ko. Magmula nang araw na iyon, alam kong ang buhay ko ay hindi na sa akin. Dahil magmula nang araw na iyon ay nakatali na ako sa lalaking hindi ko naman mahal, sa lalaking walang ibang gustong gawin kundi ang makapaghiganti sa akin, at iyon ay walang iba kundi si Ashton Kleid Ditfreid.
Read
Chapter: CHAPTER 11: NEW FRIEND
Cleonne's POVNagising lamang ako nang marinig ko ang katok mula sa pinto. Kaagad akong napamulat ng mga mata atsaka dahan-dahang naupo sa kama. "Cleonne?" dinig kong tawag ni Anna sa akin mula sa labas ng kwarto.Teka, hindi ko kwarto ito!"A-Anna?" sagot ko."Lumabas ka nalang kapag ready ka na, ha? Ready na rin ang almusal. Ang sabi nga pala ni Sir Ashton, pwede ka nang pumasok sa trabaho." "O-Okay... Salamat!"Matapos niyon ay umalis na rin siya. Doon ko lamang naalala ang nangyari sa pagitan namin ni Ashton kagabi. Ramdam ko pa rin ang hapdi sa pagitan ng dalawang hita ko dahil sa ginawa niyang pambababoy sa akin. Sunud-sunod na pumatak ang luha mula sa mga mata ko habang pinagmamasdan ang mga piraso ng damit kong pinunit ni Ashton kagabi na nakakalat sa sahig ng kwarto niya. Nakuha na niya ang lahat sa akin... Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa ginawa ko kay Riley... At hinding-hindi ko rin mapapatawad si Ashton sa ginawa niyang ito sa akin.Kahit na masak
Last Updated: 2022-10-03
Chapter: CHAPTER 10: PUNISHMENT
Warning: This chapter has some matured scenes that may not be suitable for certain ages. Please, do not read if you don't feel comfortable reading s*x scenes or you're still underage.Cleonne's POV"Where have you been?" taas-kilay na tanong sa akin ni Ashton habang nakatayo sa may pintuan ng kwarto namin nina Anna.Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Buong akala ko pa naman ay makakauwi ako nang hindi niya napapansin. Nagpaalam pa man din ako nang maaga sa boss namin, pero maaabutan ko pa rin pala si Ashton.Bakit ang aga niyang umuwi ngayon?!"Ah...A-Ano kasi... H-Hindi ba sinabi ko sa'yo kaninang umaga na nakapasok ako sa inapplyan kong kompanya? H-Hindi kasi ako pwedeng um-absent, e. Atsaka--"And I also told you that you can't go there, right?"Napa-kagat ako sa ibabang labi ko. "A-Ashton, please... I can't miss this job. Matagal kong hinintay ito...""And do you think I care?" malamig niyang tugon."Can't you just give it to me? Kahit ito lang? Wala naman akong b
Last Updated: 2022-09-21
Chapter: CHAPTER 9: SNEAKING OUT
Cleonne's POVNakatitig lamang ako kay Ashton na kasalukuyang kumakain ng dinner niya. Kanina pa ako nag-iisip kung paano sasabihin sa kanya ang tungkol sa trabaho ko na papasukan ko na bukas. Ang sabi sa akin ni Anna, kausapin ko na lamang daw siya nang masinsinan, pero paano ko naman gagawin iyon? Baka mamaya kapag pinuntahan ko siya sa kwarto niya iba na naman ang mangyari."Uh...A-Ashton." halos pabulong kong tawag sa kanya. Mabuti na lamang at nagsi-alisan na muna ang mga katulong dahil alam din nilang mas lalo akong kakabahan kapag nasa paligid sila. Kaagad namang nag-angat ng tingin si Ashton saka kunot-noong tumingin sa akin. "What is it?""A-Ano kasi... m-may gusto kasi sana akong ipagpaalam sa'yo...""Spill it out."Huminga muna ako nang malalim bago nagsalitang muli. "N-Nag-apply kasi ako ng trabaho. Tapos may tumawag sa akin kanina at sinabing nakapasok daw ako. Bukod pa ron, sinabi nilang pwede na akong magsimula bukas."Hindi siya nagsalita. Patuloy lamang siya sa pagk
Last Updated: 2022-09-20
Chapter: CHAPTER 8: I GOT A JOB
Cleonne's POVNagising ako bigla dahil sa katok sa may pinto ng kwarto namin. Kaagad akong tumayo saka tinignan na muna ang mukha ko sa salamin bago tuluyang buksan ang pinto.Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa kaiiyak matapos kong tumakbo palayo kay Ashton. "Miss Cleonne?""K-Kayo pala. Kanina pa ba kayo nariyan? Pasensiya na, nakatulog kasi ako e. Hindi na tuloy ako nakapunta sa may kusina para tulungan kayo."Umiling-iling naman si Anna. "Naku, ayos lang. Alam din naman naming pagod ka pa e.""Bukas, tutulong na talaga ako sa inyo.""Ayos lang, Cleonne." nakangiti pang tugon ni Anna. Mabuti na lamang talaga at nakapagpalit na rin ako ng damit. Malaki rin talaga ang pasasalamat ko na mabait ang mga kasama ko rito, maliban kay Ashton."Cleonne, huwag mo sanang masamain ha. Pero, bakit ka nga pala pinatawag ni Sir Ashton kanina?" biglang tanong ni Anna sa akin habang naghahanda na kaming tatlo para matulog. Dahil doon ay naalala ko na naman tuloy ang ginawa sa akin ni Ashton
Last Updated: 2022-08-30
Chapter: CHAPTER 7: A NIGHT WITH ASHTON
REMINDER!!! The scenes that you are about to read may not be applicable to all ages. If you feel uncomfortable reading adult scenes or you are not in the legal age yet, please kindly skip this chapter.Thank You! ***^------^Cleonne's POVNanginginig ang mga kamay na pinihit ko ang doorknob ng kwarto ni Ashton. Hindi ko nga rin alam kung bakit niya ako ipinatawag o kung ano ang kailangan niya sa akin, pero kung ano man iyon, hindi maganda ng pakiramdam ko.Ngayon ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Ano pa bang aasahan kong mangyayari?"Lock the door." utos ni Ashton nang ganap na akong makapasok sa kwarto niya."H-Ha?""I said lock the door." pag-uulit niya pa.Nanginginig ang mga kamay na ni-lock ko ang pinto niya. Dahan-dahan akong umikot bago ako muling tumingin kay Ashton na kasalukuyang isang black bathrobe lamang ang suot.Hindi ko nga rin ba alam kung bakit tila lagi na lamang bathrobe ang suot niya sa tuwing makikita ko siya. "A-Ano nga pala ang kailangan mo sa akin?" la
Last Updated: 2022-08-01
Chapter: CHAPTER 6: AFTER THE MARRIAGE
Cleonne's POV'Mabuhay ang bagong kasal!' sigaw ng mga tao sa paligid namin nang makapasok na kaming dalawa ni Ashton sa loob ng reception venue."T-Thank you.." pilit ang ngiti kong tugon sa kanila."Ano ka ba naman, Cley. Kakakasal mo lang parang pinagsakluban ka na kaagad ng langit at lupa riyan." bigla namang sabi sa akin ni Maureen.Tumingin ako sa kanya.Kung pwede ko lang talagang sabihin sa kanya ang totoo...Pero siyempre, ayaw ko siyang madamay. Ayaw kong may madamay na isa sa mga taong mahal ko. Baka saktan din sila ni Ashton."Napagod lang ako. Nakakapagod din pala ang ikasal, ano?" pagdadahilan ko.Umiling-iling si Maureen habang nakangiti. "Cley, hindi ka pa dapat mapagod ngayon. Reception pa lang ito, 'te. Mamaya ang bakbakan ninyong mag-asawa kaya sigurado ako walang-wala iyang pagod mo sa pagod na mararamdaman mo mamaya!""Mau!""Bakit, totoo naman a? Naku, Cley. Napaka-hot at napaka-pogi kaya ng asawa mo, ano. Sigurado akong excited ka na rin para mamaya. Atsaka, kaya
Last Updated: 2022-06-20
You may also like
YOU BELONG TO MY HEART
YOU BELONG TO MY HEART
Romance · Ashlie Dreamer
7.7K views
My Ruthless Professor
My Ruthless Professor
Romance · Miss A.
7.6K views
My Ex. Boyfriend Is My Boss
My Ex. Boyfriend Is My Boss
Romance · MsNoelyn42
7.6K views
His Sweet Lies
His Sweet Lies
Romance · Deeveeon Lien
7.6K views
MILITARY LOVE
MILITARY LOVE
Romance · Tin Gonzales
7.6K views
Mr. President's Wife (Tagalog)
Mr. President's Wife (Tagalog)
Romance · Firedragon0315
7.6K views
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status