Share

Chapter 3 – The Truth

Author: M.E Rodavlas
last update Last Updated: 2025-04-09 17:50:13

"A-ano?" Tila nabingi sa narinig si Nathalie.

"Hindi ba iyon naman ang gusto mo? Ayan, binibigyan na kita ng kalayaan." Sagot ni Nigel.

Humakbang palapit si Nathalie. "N-nigel, ano bang sinasabi mo diyan?" Nakaramdam siya ng takot. Bagaman palagi siyang sinasaktan ng asawa, ngunit, hindi n'ya gustong mawalay dito.

"Ang sabi ko ay mag-divorce na tayo. Isa pa, alam mo na rin naman ang tungkol sa min ni Elaine, diba? Pero bakit mo sinabi kay dad ang tungkol doon kahit alam mo na'ng magagalit siya? Saka, diba kaibigan mo si Elaine, hindi mo man lang ba siya inisip? Bakit ang lupit mo?"

Napaisip si Nathalie. 'So, alam na pala ng mga in-laws ko ang tungkol sa relasyon ni Nigel sa ibang babae...... pero, wala naman akong sinasabi sa parents n'ya.'

Pasalampak na naupo si Nigel, lumagok ito ng beer. "Hindi bale na, magdi-divorce din naman tayo e....... Umalis ka na sa buhay ko Nathalie, tapusin na natin ang nakakasakal na marriage na 'to, tutal wala na naman sa akin ang lahat e, kaya wala na akong dapat ikatakot pa....... Pero kahit ganun, at kahit na ano pa ang mangyari, hinding-hindi ko iiwan si Elaine."

Tila tinarakan ang puso ni Nathalie sa sinabi ng asawa. 'Alam ko, alam ko rin'g kaya mo ngang gawin ang lahat para sa kanya...... Mahal mo nga talaga si Elaine.'

Nang maubos ang beer ay lumabas si Nigel para bumili ngunit hindi na ito bumalik.

Hindi makatulog si Nathalie nang gabing iyon, pabaling baling at paikot-ikot lang ito sa higaan. Matapos ang tatlong taon, sa ganito na nga kaya magtatapos ang ugnayan n'ya kay Nigel? Magdi-divorce nga kaya sila? Bagaman inihanda na niya ang kanyang sarili sa pagdating ng araw na ito, ngunit tila hindi pa rin nya kayang tanggapin ito. Ang kanyang mga luha ay kusang nahuhulog kapag naiisip niyang magkakahiwalay at magkakalayo na sila ng asawa.

Umatake ang kanyang panic attack kaya naupo muna siya upang kalmahin ang sarili, na-develop ito sa kanya dahil sa depression, at imbes na magkaroon ng improvement dahil nag gagamot naman s'ya ay lumala pa ito dahil sa patuloy na pakikisama n'ya sa asawa at sa mga nangyayaring hindi maganda sa kanila.

.............

Hindi umuwi ng dalawang araw sa apartment si Nigel kaya hinanap ito ni Nathalie. Gusto niya itong makausap para sabihing hindi siya ang nagsabi sa mga magulang nito ng tungkol sa kanila ni Elaine, gusto din niya itong tulungan dahil balita n'ya ay itinakwil daw ito ng ama. Bilang reliable na mahilig sa chismis ay nagpatulong siya sa kaibigang si Michelle kaya nahanap din n'ya ang asawa sa isang pub.

Nakita niya ang mukhang stressed at problemadong si Nigel na nagapakalunod sa alak kasama ang kaibigan nito sa isang sulok. Naupo siya malapit sa mga ito, ngunit, marahil dahil sa tama ng alak ay hindi siya napansin ng asawa. Tahimik lang siya'ng naupo doon habang s********p ng soda at habang nakikinig sa mga ito:

Ayon kay Nigel, hindi pa n'ya sinasabi kay Elaine ang ginawang pagtatakwil ng kanyang ama at ang pagkawala ng lahat sa kanya. Kailangan na rin'g sumailalim ng babae sa surgery kaya kailangan na'ng makahanap ng match na heart donor dahil lumalala na raw ito nang lumalala. Naikuyom ni Nathalie ang mga kamao nang marinig mula sa asawa na minsang tumawag dito si Elaine para hilingin ang kanyang puso, ngunit hindi ito pumayag dahil hindi umano ito mamatay tao.

Naglakad sa kalsada ang tulalang si Nathalie, lahat ng kanyang narinig sa asawa ay sumasariwa sa kanyang isipan. Naupo siya sa isang swing sa isang parke at mapait na ngumiti. Mukhang dead end na para kay Nigel ang lahat, ano kaya ang gagawin nito? hahayaan na lang kaya nito na mamatay ang babaeng pinakamamahal n'ya?

Halos buong gabi nanatili sa park si Nathalie habang nagmumuni-muni. May dumating na holdaper at kinuha ang kanyang cellphone at wallet na wala namang pagdadalawang isip niyang ibinigay. Mabuti na lamang ay wala namang ginawa ang lalaki na hindi maganda sa kanya.

Nang magliliwanag na ay nagdesisyon na siyang bumalik sa apartment. Dahil wala siyang pera pang-para ng taxi ay naglakad na lamang siya. Nang makauwi ay naligo s'ya at nahiga na. Bago ipikit ang kanyang mga mata ay may ibinulong muna siya: 'Pag gising ko ay magiging malaya na rin ako.'

..............

Nang ikaapat na araw ay bumalik na sa apartment si Nigel na may bitbit na divorce paper. Hinanap n'ya ang asawa at naaktuhan niya ito sa kwarto nito habang nag-iimpake ito ng mga gamit na hindi naman n'ya pinagtakhan. Sumandal s'ya sa hamba ng pinto at nag-cross arms habang pinanonood ito.

Paglingon ni Nathalie ay bahagya pa itong nagitla nang masilayan ang asawa.

"Let's talk, and..... I need you to sign something." Ani Nigel, pagkatapos ay nagpatiuna ito sa sala. Pag-upo nilang dalawa ay agad niyang ipinirisinta ang dalang divorce paper.

Gusto na lang ngumiti nang mapait ni Nathalie, tila hindi na makapaghintay ang lalaki na makawala sa pagkakatali sa kanya para makasama na nito ang totoo nitong mahal. Ikinubli na muna n'ya ang lungkot na nararamdaman, dinampot n'ya ang ballpoint pen at pumirma nang wala man lang pagdadalawang-isip.

Sumilay ang mga ngiti sa guwapong mukha ni nigel habang pinagmamasdan ang pirma nila ni Nathalie sa ibaba ng divorce paper, tila kuntento na ito. "You don't have to move, nakalipat na ako sa condo ko kaya magmula ngayon ay sayo na ang apartment na ito."

Magmula sa simula, gaputok man ay hindi nagsalita si Nathalie, hanggang sa makaalis na si Nigel. Ipinagpatuloy niya ang pag-iimpake at nang mailigpit na at maisaayos na ang lahat ay matagal-tagal niyang pinagmasdan ang kabuuan ng apartment na parang iniuukit n'ya ang bawat detalye nito sa kanyang alaala. 'Thank you for the past three years, I will now leave all of my memories here.'

Nang sumunod na araw, masayang nagluto ng chicken soup si Nigel na nilagyan pa n'ya ng mga fresh herbs na mabuti para sa may heart condition. Pagkatapos magluto ay naligo siya at nagtungo sa private hospital kung saan naroon si Elaine. Ilang araw din siyang hindi nagpakita dito dahil sa kanyang problema sa kanyang ama, ngayong divorce na sila ni Nathalie ay balak niyang sorpresahin ito.

Ngayong hindi na n'ya kailangan pang pumunta sa kumpanya ay ma-aalagaan at mababantayan na rin nya si Elaine kahit buong araw pa. Ang ipinag-aalala nga lang n'ya ay ang magiging reaksiyon nito kapag sinabi n'yang tinanggalan na siya ng mana ng kanyang ama. Subalit hindi n'ya akalain na siya pala ang masosorpresa sa kanyang pagdalaw, nang makarating s'ya sa tapat ng pinto ay narinig n'ya si Elaine at ang attending doctor nito na nag-uusap:

"Sa wakas ay meron ka na'ng heart donor." Wika ng doktor.

Sumagot si Elaine. "Reject it. Puso lang ni Nathalie ang gusto ko, ayoko ng sa iba."

"Well, congratulations..... Dahil ang donor na tinutukoy ko ay ang babaeng sinasabi mo."

Gulat na gulat si Nigel nang marinig ito, ang ipinagtataka niya nang husto ay kung bakit pumayag si Nathalie na i-donate ang kanyang puso, paano pa ito mabubuhay kung ganon? Papasok na sana s'ya para klaruhin ang narinig ngunit naisip niya na makinig muna. Pakiramdam kasi n'ya ay tila may mali sa pag-uusap na ito.

"Talaga?!" Ani elaine. "That's great!" At tumawa ito nang tumawa na tila wala itong heart condition. "Magaling! Ano pa ang hinihintay mo, kunin mo na ang puso n'ya at..... paki tapon na rin para sa akin."

Natigilan sa pinto si Nigel. Ano ang sinabi ni Elaine? May donor na nga ito ngunit gusto lang nitong itapon yun?

"No! Bakit itatapon?" Naisip ng doktor na oras na maging matagumpay ang pagkuha nila sa puso ni Nathalie ay ipe preserve niya ito para sa taong mangangailangan nito sa hinaharap, dahil ang naturang puso ay healthy naman at wala namang anumang deprensiya. Malaki ang kikitain n'ya dito kapag nagkataon.

"At ano naman ang gagawin ko doon, e hindi ko naman yun kailangan? wala naman talaga akong sakit sa puso, diba? Kung gusto mo, sayo na lang. I-dissect mo o kaya ay ipakain mo sa aso, wala akong pakialam." Walang patumanggang sagot ni Elaine.

Nang marinig ito ay nabitiwan ni Nigel ang hawak na flask kung saan n'ya inilagay ang nilutong soup. Hindi niya tuluyang nauunawaan ang sitwasyon ngunit malinaw ang kanyang narinig na ang babae sa loob ng silid ay wala talagang sakit. Bukod doon, ang babaeng ito ay tila may itinatagong masamang pagkatao at sa isang saglit ay tila hindi na n'ya ito kilala.

Nagulat ang dalawa sa ingay at sabay na napalingon ang mga ito sa pinto na ngayon ay nakabukas na, nanigas sila.

"N-nigel....?" Natakpan ni Elaine ang kanyang bibig. Hindi niya akalaing makikita n'ya ito nang ganoong kaaga sa hospital dahil ang inaasahan niya ay naroon ito sa kumpanya at nagtatrabaho.

Pumasok si Nigel sa kuwarto. "A-anong nangyayari, totoo ba..... T-totoo bang, wala ka talagang sakit sa puso, ha, Elaine? At si Nathalie....."

Namutla ang dalawa. "N-no..... Nigel, l-let me explain." Habang papalapit si Elaine ay bigla namang tumakbo patungo sa pinto ang doktor.

Mabuti na lamang ay agad itong nasunggaban ni Nigel, inihagis nya ito sa kama at dinaganan. Kinuha n'ya ang fruit knife at itinutok iyon sa leeg nito. "Magsalita ka, Ikaw ang attending doctor ni Elaine diba? May heart condition ba talaga siya o wala?"

Nanginig ang doktor sa takot, dama nito na seryoso ang lalaki sa paglaslas sa kanyang leeg kapag hindi s'ya nagsabi ng totoo. "Mag-magsasalita na ko, magsasalita na ko..... Totoo, totoo... wala nga siyang sakit. Nagpapanggap lang siya at.... binabayaran n'ya ako para maisagawa iyon.... P-please, ilayo mo yang kutsilyo, baka mahiwa ako!"

Binalingan ni Nigel ang babae. "Elaine, bakit? Bakit mo ako niloko?" Ang sakit ng panloloko nito ay mababakas sa kanyang mukha.

Sumingit ang doktor. "S-sir, ginawa n'ya iyon para, p-para alisin sa landas n'ya ang asawa n'yo!..... Ang sabi pa n'ya ay sisiguraduhin niyang makukumbinsi niya kayo na ibigay sa kanya ang puso n'ya." Inamin ng doktor ang lahat niyang nalalaman dahil naisip niyang sa ganitong paraan ay mababawasan kahit paano ang kanyang kasalanan.

"Shut up!" Singhal ni Elaine.

"Elaine!" Sinunggaban ni Nigel ang braso ng babae. "Ang sama mo! Ano ang kasalanan sayo ni Nathalie para hangarin mo nang ganu'n ang buhay n'ya, ha?"

"S-sir..." Muling singit ng doktor. "Kailangan mo na'ng magmadali, sa pagkaka-alam ko ay kanina pa dumating ang asawa nyo para sumailalim sa surgery...... b-baka hindi mo na siya abutan."

Halos tumalon ang puso ni Nigel nang marinig ito, bigla siyang pinagsakluban ng takot. Hindi sinasadyang naihagis niya sa isang tabi si Elaine bago kumaripas palabas ng kuwarto.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 4 – The Truth/His Regret

    Nang makaalis si Nigel ay nilapitan ni Elaine ang doktor at sinampal ito. "Ibinenta mo ko, how dare you?!" Galit niyang sigaw. "At ano ang gusto mong gawin ko, hayaan na lang siya na laslasin ang leeg ko? Hindi kasi ikaw ang nasa lugar ko kaya hindi mo alam kung gaano ang takot ko kanina." "Kahit na! Bakit mo sinabi lahat, kailangan mo bang gawin yun? Sinabi mo pa na gusto kong dispatsahin ang lecheng Nathalie na yun!""Bakit, totoo naman a? Huwag mong asahan na pagtatakpan pa kita. Kung hindi ako magsasalita, ako naman ang malilintikan...... Ayoko nang maugnay pa sa kasamaan mo, ito na ang pagtatapos ng kasunduan natin dahil magku-quit na ko." Bigla itong sinunggaban ni Elaine sa kolyar. "Bastard! Hindi mo ko puwedeng iwanan sa ere nang ganito, bawiin mo ang sinabi mo kay Nigel. Linisin mo ang pangalan ko, ngayon din!"Marahas na inalis ng doktor ang kamay ng babae sa kanyang damit. "Tama na! Ano ba ang tingin mo kay Mr. Sarmiento, kulang-kulang na basta na lang maniniwala kapag b

    Last Updated : 2025-04-16
  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 5 – The Aftermath

    Tahimik na nanangis si Nigel habang ang kanyang mukha ay nakabaon sa kanyang mga palad. Bakit sa ganito nauwi ang lahat? Bakit ngayon lang niya ito nalaman? Mahirap na nga para sa kanya ang tanggapin ang nadiskubreng kasamaan ni Elaine, bagaman makukulong ito ngunit ang importante ay buhay naman ito. Subalit sa nadiskubre n'ya ngayon, bukod sa maling tao pala ang kanyang minahal, ang nakalulungkot pa ay hindi na n'ya maitatama pa ang kanyang mga pagkakamali. Wala na si Nathalie, hindi na n'ya ito makikita pang muli.Ilang oras na ang lumipas ngunit tulala pa rin si Nigel. Mabuti na lang ay walang nangailangang gumamit ng surgery room. Tiningnan n'ya ang lukot na liham at napansin niyang hindi pa pala niya nababasa lahat. Iniunat n'ya iyon at muling binasa:"Nang makalabas tayo ay pareho tayong dinala sa hospital. Nasunog din kasi ang buhok ko at nakalanghap ng usok, pero hindi ko naisip na ita-transfer ka sa ibang hospital. Nang hinanap kita, hindi na kita nakita."Dahil sa public

    Last Updated : 2025-04-16
  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 6 – Changes

    "Michael, stop running, come back here!" Sigaw ng isang blonde na babae sa malikot niyang anak sa loob ng eroplano.Imbes na makinig ay binelatan pa ng bata ang kanyang ina at nagpatuloy sa pagtakbo, ngunit sa kanyang pagliko ay bumangga s'ya sa paparating na babae. Humagis siya at bumagsak sa sahig na una ang puwit."I'm sorry, are you okay?" Iniunat ng babae ang kanyang kamay para tulungan ang bata ngunit tila nagtanim ito ng sama ng loob dahil napahiya ito.Hinampas ng bata ang kamay niya palayo at galit na tumayo. Iniangat niya ang maliit niyang kamay at sinuntok ito. "Bad woman! Ugly witch, why did you kicked me?"Isang may-edad na babae ang biglang lumapit sa kanila, hinila nito ang babae at itinago ito sa likuran niya. Pinandilatan n'ya ang bata. "Whose child this is? You have no manners! Didn't your parents teach you?"Lumapit ang ina, hinila ang kanyang anak at humingi ng paumanhin. "I'm sorry, I'm sorry, I'm his mother. This child is quite naughty and mischievous, I hop

    Last Updated : 2025-04-16
  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 7 – Unexpectedly

    Nakatayo si Nathalie sa labas ng pinto habang hinihintay ang kanyang ina, tinawag kasi ito ni Rebecca dahil meron itong ibibigay dito na confidential daw. Habang naghihintay ay narinig na lang n'ya na may tumatawag sa kanya sa malayo kaya napatingin s'ya.Nataranta s'ya nang makilala kung sino ito; nakita na lamang n'ya ang dating asawa na tumatakbo't lumalakad papunta sa kanyang direksyon. Dahan-dahan siyang lumakad palayo para hindi siya maging kahina-hinala. Kinuha n'ya ang kanyang cellphone sa kanyang bag at tinawagan ang kanyang ina."Naku! Nandiyan na ang anak mo sa labas." Ani Lucille kay Rebecca."Sa likod ka dumaan."Nang makarating na sa pinto si Nigel ay biglang lumabas ang kanyang ina, bigla siyang niyakap nito nang makita siya. "My good son I miss you! Saan ka ba nanggaling, bakit ngayon ka lang umuwi?"Nagtangkang kumawala si Nigel mula sa kanyang pagkakayakap para sundan ang direksyong tinunguhan ni Nathalie ngunit mahigpit ang pagkakayakap ni Rebecca sa kanya. "Mom, p

    Last Updated : 2025-04-16
  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 8 – Company's Problem

    Nang makita ang naging reaksyon ni Nathalie ay ngumisi ang isang may-edad na executive na ayaw dito. Naisip n'ya, siguro ay natakot na lang ang babae dahil sino ba ang hindi mai-intimidate sa isang Nigel Sarmiento at sino ba ang hindi nakakakilala dito? Sa maagang taon nito ng pamamahala nito sa kanilang negosyo ay nagawa na nitong gawing multi-billion leading company ang kanilang kumpanya.Tanging si Armando lang ang nakaa-alam kung bakit ganito ang reaksyon ng anak. Hindi niya alam kung tuluyan na nga ba itong naka move sa dating asawa, kaya ayaw sana niyang ipaalam hangga't maaari ang tungkol sa nakabili ng lupa. Babawiin na sana niya ang dokumento ngunit inilayo iyon ni Nathalie.Matapos basahin ni Nathalie ang information tungkol sa nakabili ng lupa ay agad nagtanong ang isang señor executives: "So Ms. Andeza, ano ang nasa isip mo, puwede mo bang ibahagi sa min?" Tila binibigyan nito ng konsiderasyon si Nathalie para mapatunayan nito ang sarili, ngunit ang totoo ay gusto niyang

    Last Updated : 2025-04-23
  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 9 – Meet Up

    Sa isang saglit lang at nasa harapan na agad si Nigel ng kanyang assistant, sinunggaban n'ya ang kolyar nito. "A-anong sabi mo? Sino ang binanggit mo?"Nagitla na lamang ang lalaki sa biglaang inasta ng kanyang amo, hindi n'ya akalain ang pagiging exaggerated nito. "S-si.., Nathalie Andeza, s-sir...""Ano pa ang sinabi n'ya? Bakit niya binanggit si Nathalie?" Tila biglang nabalisa si Nigel."Sir, hindi ko alam e..... hindi ko pa kasi tinitingnan yung unang fax na ipinadala nila."Nagmamadaling nagtungo sa kanyang opisina si Nigel, pagpasok ay kaagad niyang kinuha ang mga papel sa fax machine at chineck isa-isa. "Halika dito!" Tawag niya sa kanyang assistant. "Tulungan mo akong hanapin ang fax na sinasabi mo."Makalipas ang ilang sandali:"Sir, here it is."Kaagad iyon binasa ni Nigel. Ang naturang fax ay medyo misteryoso, wala itong ibang detalye ngunit pinahiwatig nito ang isang sorpresa na naghihintay para kay Nigel. Sinabi din doon na makikita n'ya muli ang isang taong inakala n

    Last Updated : 2025-04-23
  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 10 – The Surprise Visitor

    Dahan-dahang nilingon ni Nigel ang kanyang likuran. Napatayo siya sa pagkamangha habang nakatulala sa babae na ngayon ay papalapit na sa kanyang direksyon. Hindi n'ya sigurado kung dinadaya na naman ba siya ng kanyang mga mata, halos kusutin na niya ang mga ito para lang maging malinaw ang kanyang nakikita. "N...n-nathalie?...." May kahirapan niyang naibulalas. Matapos nun ay hindi na s'ya nakapagsalita.Tila hindi alintana ni Nathalie ang naging reaksyon ni Nigel. "Hello Mr. Sarmiento, long time no see." Humila s'ya ng silya at naupo.Nang magbalik sa kanyang wisyo ay sinunggaban ni Nigel ang braso ng babae at hinila ito patayo. "H-hindi ka namatay?" Tanong n'ya nang hindi makapaniwala. Tila para siyang nasamid at tila nagbabanta din ang pagpatak ng kanyang luha. "Anong nangyari sayo? B-bakit ka nawala? Nasaan ka nitong nagdaang tatlong taon? Bakit hindi mo man lang ako tinawagan? Nathalie...."Kumunot ang noo ni Nathalie, sinubukan n'yang alisin ang pagkakakapit nang mahigpit ng la

    Last Updated : 2025-04-23
  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 1 – Other Woman

    NATHALIE ANDEZA Agad akong naupo nang naalimpungatan ako sa pag aalalang baka late na ako ng gising. Nang tingnan ko ang wall clock ay saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makitang sakto lang pala ang gising ko. Nagtungo ako sa kusina para magluto na ng almusal para sa aking kamahalan, para sa aking mahal na asawa na si Nigel na laging maagang pumapasok sa kumpanya. Mabuti na lamang ay wala pa kaming anak dahil kung hindi ay baka lagi na lang akong pagod sa pag-aasikaso sa kanila. Pero paano nga ba kami magkaka-anak kung wala namang nangyayari sa min? Ipinagkasundo kaming makasal ng aming mga magulang, ngunit noon pa man ay minahal ko na si Nigel, since college pa. Sa kasamaang-palad ay wala siyang nararamdaman para sa kin. Nagluto ako ng masustansiyang almusal na dinisenyuhan ko pa ng puso na hindi din pinansin at na-appreciate ng asawa ko. Tahimik lang siya'ng kumakain at tila walang pakialam sa paligid n'ya. "Bakit ka nagluto nang marami?" Tanong n'ya. Sa wakas may nap

    Last Updated : 2025-04-09

Latest chapter

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 10 – The Surprise Visitor

    Dahan-dahang nilingon ni Nigel ang kanyang likuran. Napatayo siya sa pagkamangha habang nakatulala sa babae na ngayon ay papalapit na sa kanyang direksyon. Hindi n'ya sigurado kung dinadaya na naman ba siya ng kanyang mga mata, halos kusutin na niya ang mga ito para lang maging malinaw ang kanyang nakikita. "N...n-nathalie?...." May kahirapan niyang naibulalas. Matapos nun ay hindi na s'ya nakapagsalita.Tila hindi alintana ni Nathalie ang naging reaksyon ni Nigel. "Hello Mr. Sarmiento, long time no see." Humila s'ya ng silya at naupo.Nang magbalik sa kanyang wisyo ay sinunggaban ni Nigel ang braso ng babae at hinila ito patayo. "H-hindi ka namatay?" Tanong n'ya nang hindi makapaniwala. Tila para siyang nasamid at tila nagbabanta din ang pagpatak ng kanyang luha. "Anong nangyari sayo? B-bakit ka nawala? Nasaan ka nitong nagdaang tatlong taon? Bakit hindi mo man lang ako tinawagan? Nathalie...."Kumunot ang noo ni Nathalie, sinubukan n'yang alisin ang pagkakakapit nang mahigpit ng la

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 9 – Meet Up

    Sa isang saglit lang at nasa harapan na agad si Nigel ng kanyang assistant, sinunggaban n'ya ang kolyar nito. "A-anong sabi mo? Sino ang binanggit mo?"Nagitla na lamang ang lalaki sa biglaang inasta ng kanyang amo, hindi n'ya akalain ang pagiging exaggerated nito. "S-si.., Nathalie Andeza, s-sir...""Ano pa ang sinabi n'ya? Bakit niya binanggit si Nathalie?" Tila biglang nabalisa si Nigel."Sir, hindi ko alam e..... hindi ko pa kasi tinitingnan yung unang fax na ipinadala nila."Nagmamadaling nagtungo sa kanyang opisina si Nigel, pagpasok ay kaagad niyang kinuha ang mga papel sa fax machine at chineck isa-isa. "Halika dito!" Tawag niya sa kanyang assistant. "Tulungan mo akong hanapin ang fax na sinasabi mo."Makalipas ang ilang sandali:"Sir, here it is."Kaagad iyon binasa ni Nigel. Ang naturang fax ay medyo misteryoso, wala itong ibang detalye ngunit pinahiwatig nito ang isang sorpresa na naghihintay para kay Nigel. Sinabi din doon na makikita n'ya muli ang isang taong inakala n

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 8 – Company's Problem

    Nang makita ang naging reaksyon ni Nathalie ay ngumisi ang isang may-edad na executive na ayaw dito. Naisip n'ya, siguro ay natakot na lang ang babae dahil sino ba ang hindi mai-intimidate sa isang Nigel Sarmiento at sino ba ang hindi nakakakilala dito? Sa maagang taon nito ng pamamahala nito sa kanilang negosyo ay nagawa na nitong gawing multi-billion leading company ang kanilang kumpanya.Tanging si Armando lang ang nakaa-alam kung bakit ganito ang reaksyon ng anak. Hindi niya alam kung tuluyan na nga ba itong naka move sa dating asawa, kaya ayaw sana niyang ipaalam hangga't maaari ang tungkol sa nakabili ng lupa. Babawiin na sana niya ang dokumento ngunit inilayo iyon ni Nathalie.Matapos basahin ni Nathalie ang information tungkol sa nakabili ng lupa ay agad nagtanong ang isang señor executives: "So Ms. Andeza, ano ang nasa isip mo, puwede mo bang ibahagi sa min?" Tila binibigyan nito ng konsiderasyon si Nathalie para mapatunayan nito ang sarili, ngunit ang totoo ay gusto niyang

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 7 – Unexpectedly

    Nakatayo si Nathalie sa labas ng pinto habang hinihintay ang kanyang ina, tinawag kasi ito ni Rebecca dahil meron itong ibibigay dito na confidential daw. Habang naghihintay ay narinig na lang n'ya na may tumatawag sa kanya sa malayo kaya napatingin s'ya.Nataranta s'ya nang makilala kung sino ito; nakita na lamang n'ya ang dating asawa na tumatakbo't lumalakad papunta sa kanyang direksyon. Dahan-dahan siyang lumakad palayo para hindi siya maging kahina-hinala. Kinuha n'ya ang kanyang cellphone sa kanyang bag at tinawagan ang kanyang ina."Naku! Nandiyan na ang anak mo sa labas." Ani Lucille kay Rebecca."Sa likod ka dumaan."Nang makarating na sa pinto si Nigel ay biglang lumabas ang kanyang ina, bigla siyang niyakap nito nang makita siya. "My good son I miss you! Saan ka ba nanggaling, bakit ngayon ka lang umuwi?"Nagtangkang kumawala si Nigel mula sa kanyang pagkakayakap para sundan ang direksyong tinunguhan ni Nathalie ngunit mahigpit ang pagkakayakap ni Rebecca sa kanya. "Mom, p

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 6 – Changes

    "Michael, stop running, come back here!" Sigaw ng isang blonde na babae sa malikot niyang anak sa loob ng eroplano.Imbes na makinig ay binelatan pa ng bata ang kanyang ina at nagpatuloy sa pagtakbo, ngunit sa kanyang pagliko ay bumangga s'ya sa paparating na babae. Humagis siya at bumagsak sa sahig na una ang puwit."I'm sorry, are you okay?" Iniunat ng babae ang kanyang kamay para tulungan ang bata ngunit tila nagtanim ito ng sama ng loob dahil napahiya ito.Hinampas ng bata ang kamay niya palayo at galit na tumayo. Iniangat niya ang maliit niyang kamay at sinuntok ito. "Bad woman! Ugly witch, why did you kicked me?"Isang may-edad na babae ang biglang lumapit sa kanila, hinila nito ang babae at itinago ito sa likuran niya. Pinandilatan n'ya ang bata. "Whose child this is? You have no manners! Didn't your parents teach you?"Lumapit ang ina, hinila ang kanyang anak at humingi ng paumanhin. "I'm sorry, I'm sorry, I'm his mother. This child is quite naughty and mischievous, I hop

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 5 – The Aftermath

    Tahimik na nanangis si Nigel habang ang kanyang mukha ay nakabaon sa kanyang mga palad. Bakit sa ganito nauwi ang lahat? Bakit ngayon lang niya ito nalaman? Mahirap na nga para sa kanya ang tanggapin ang nadiskubreng kasamaan ni Elaine, bagaman makukulong ito ngunit ang importante ay buhay naman ito. Subalit sa nadiskubre n'ya ngayon, bukod sa maling tao pala ang kanyang minahal, ang nakalulungkot pa ay hindi na n'ya maitatama pa ang kanyang mga pagkakamali. Wala na si Nathalie, hindi na n'ya ito makikita pang muli.Ilang oras na ang lumipas ngunit tulala pa rin si Nigel. Mabuti na lang ay walang nangailangang gumamit ng surgery room. Tiningnan n'ya ang lukot na liham at napansin niyang hindi pa pala niya nababasa lahat. Iniunat n'ya iyon at muling binasa:"Nang makalabas tayo ay pareho tayong dinala sa hospital. Nasunog din kasi ang buhok ko at nakalanghap ng usok, pero hindi ko naisip na ita-transfer ka sa ibang hospital. Nang hinanap kita, hindi na kita nakita."Dahil sa public

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 4 – The Truth/His Regret

    Nang makaalis si Nigel ay nilapitan ni Elaine ang doktor at sinampal ito. "Ibinenta mo ko, how dare you?!" Galit niyang sigaw. "At ano ang gusto mong gawin ko, hayaan na lang siya na laslasin ang leeg ko? Hindi kasi ikaw ang nasa lugar ko kaya hindi mo alam kung gaano ang takot ko kanina." "Kahit na! Bakit mo sinabi lahat, kailangan mo bang gawin yun? Sinabi mo pa na gusto kong dispatsahin ang lecheng Nathalie na yun!""Bakit, totoo naman a? Huwag mong asahan na pagtatakpan pa kita. Kung hindi ako magsasalita, ako naman ang malilintikan...... Ayoko nang maugnay pa sa kasamaan mo, ito na ang pagtatapos ng kasunduan natin dahil magku-quit na ko." Bigla itong sinunggaban ni Elaine sa kolyar. "Bastard! Hindi mo ko puwedeng iwanan sa ere nang ganito, bawiin mo ang sinabi mo kay Nigel. Linisin mo ang pangalan ko, ngayon din!"Marahas na inalis ng doktor ang kamay ng babae sa kanyang damit. "Tama na! Ano ba ang tingin mo kay Mr. Sarmiento, kulang-kulang na basta na lang maniniwala kapag b

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 3 – The Truth

    "A-ano?" Tila nabingi sa narinig si Nathalie. "Hindi ba iyon naman ang gusto mo? Ayan, binibigyan na kita ng kalayaan." Sagot ni Nigel.Humakbang palapit si Nathalie. "N-nigel, ano bang sinasabi mo diyan?" Nakaramdam siya ng takot. Bagaman palagi siyang sinasaktan ng asawa, ngunit, hindi n'ya gustong mawalay dito."Ang sabi ko ay mag-divorce na tayo. Isa pa, alam mo na rin naman ang tungkol sa min ni Elaine, diba? Pero bakit mo sinabi kay dad ang tungkol doon kahit alam mo na'ng magagalit siya? Saka, diba kaibigan mo si Elaine, hindi mo man lang ba siya inisip? Bakit ang lupit mo?"Napaisip si Nathalie. 'So, alam na pala ng mga in-laws ko ang tungkol sa relasyon ni Nigel sa ibang babae...... pero, wala naman akong sinasabi sa parents n'ya.'Pasalampak na naupo si Nigel, lumagok ito ng beer. "Hindi bale na, magdi-divorce din naman tayo e....... Umalis ka na sa buhay ko Nathalie, tapusin na natin ang nakakasakal na marriage na 'to, tutal wala na naman sa akin ang lahat e, kaya wala n

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 2 – Divorce

    NATHALIE ANDEZA Ang babae ay walang iba kundi ang bestfriend kong si Elaine, at kitang-kita ko mula sa aking kinatatayuan kung paano sila maglambingan ng asawa ko sa kama habang magkayakap pa sila. Parang nagkaroon ng slomotion ang paligid habang nararamdaman ko ang unti-unting pagkirot ng aking puso. Ang babaeng ito, nalalaman niya kung gaano ako nag-alala at kung gaano ako ka-frustrated nang sabihin ko sa kanya ang duda ko na maaaring may ibang babae ang asawa ko. Nakisimpatya pa siya sa akin at kinomfort pa ako, yun pala......... isa siyang ahas! Pinaglalaruan lang pala n'ya ako!"Nigel, kiss me!" Request ng ahas na si Elaine habang nakanguso pa na parang bata. Binigyan naman siya ng peck sa labi ni Nigel. Parang tinarakan ng kutsilyo ang puso ko habang nakikita ko kung gaano ka-masunurin ang asawa ko sa ibang babae. Ang sakit sa dibdib at parang ang hirap huminga. Nakita ko na muling ngumuso si Elaine. "You don't love me anymore!" Aniya.Kinuha ng asawa ko ang isang soup n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status