Nang makaalis si Nigel ay nilapitan ni Elaine ang doktor at sinampal ito. "Ibinenta mo ko, how dare you?!" Galit niyang sigaw.
"At ano ang gusto mong gawin ko, hayaan na lang siya na laslasin ang leeg ko? Hindi kasi ikaw ang nasa lugar ko kaya hindi mo alam kung gaano ang takot ko kanina." "Kahit na! Bakit mo sinabi lahat, kailangan mo bang gawin yun? Sinabi mo pa na gusto kong dispatsahin ang lecheng Nathalie na yun!" "Bakit, totoo naman a? Huwag mong asahan na pagtatakpan pa kita. Kung hindi ako magsasalita, ako naman ang malilintikan...... Ayoko nang maugnay pa sa kasamaan mo, ito na ang pagtatapos ng kasunduan natin dahil magku-quit na ko." Bigla itong sinunggaban ni Elaine sa kolyar. "Bastard! Hindi mo ko puwedeng iwanan sa ere nang ganito, bawiin mo ang sinabi mo kay Nigel. Linisin mo ang pangalan ko, ngayon din!" Marahas na inalis ng doktor ang kamay ng babae sa kanyang damit. "Tama na! Ano ba ang tingin mo kay Mr. Sarmiento, kulang-kulang na basta na lang maniniwala kapag binawi ko ang mga nasabi ko na? Alam mo Ms. Elaine, dapat mo nang ihanda ang sarili mo kung paano mo haharapin ang kahihinatnan nitong ginawa mo. Kung kilala mo na si Mr. Sarmiento, alam mo na rin siguro kung ano ang puwede niyang gawin." Natakot si Elaine nang mapagtanto ito. Ito ang unang kasalanan na nalanatad sa kanya, ngunit nalalaman niyang tapos na siya sa pagkakataong ito. 'Tama! Kung magiging successful ang surgery ni Nathalie, hindi na ko puwedeng manatili pa dito.' Agad n'yang hinubad ang suot na hospital gown at nagpalit ng damit, dinampot n'ya ang lahat niyang gamit at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Kukunin n'ya ang pagkakataon na ito para tumakas habang abala si Nigel kay Nathalie. Halos magkandabangga-bangga na si Nigel sa mga nakakasalubong n'ya, balak n'yang puntahan ang surgery center. 'Nathalie, pakiusap, huwag mong ituloy.' Sinunggaban n'ya ang nasalubong na nurse at agad tinanong. "Nasaan ang surgery center n'yo?" Hindi pa man tapos ang nurse sa pagsasabi ng direksyon ay agad nang tinungo ni Nigel ang direksyong itinuturo nito. Humihingal nang marating ni Nigel ang naturang silid, nasa tapat siya ngayon ng pinto. Papasok sana siya nang bigla itong magbukas. Lumabas ang isang babae na nakasuot ng surgeon clothes, caps at mask. Nagulat ito nang tumambad sa kanya ang isang guwapong lalaki. "Excuse me, may kai–" Bago pa man matapos ay agad itong pinutol ni Nigel. "S-si Nathalie, yung asawa ko, nasa loob ba siya?" Tanong n'ya na may bakas ng pag-aalala. "A, si Ms. Nathalie? Yes po, nasa loob po siya." Nagkaroon ng simpatya sa mukha ng babae ngunit hindi iyon nakikita dahil naka-mask ito. "A-ano? N-nasa loob na siya?" Gulat na tanong ni Nigel, ang kanyang pagkataranta at takot ay muling bumalik. "N-no, No! Stop the surgery! Hindi na siya magpapa-surgery!" Pinigilan siya ng babae nang tangkain niyang pumasok sa loob. "Sir, hindi po kayo puwedeng pumasok, on-going pa po ang operasyon!" "Ang sabi ko ay itigil n'yo na ang surgery! Hindi mo ba ako narinig? Kakasuhan ko ang ospital n'yo kapag hindi n'yo inilabas ang asawa ko!" Sigaw ni Nigel na naka-agaw sa atensyon ng mga nurse na nagdadaan doon. Lumapit ang dalawang male nurse at sinunggaban si Nigel sa magkabilang bisig. Nang halos magwala na si Nigel ay muling nagbukas ang pinto ng surgery room at lumabas ang isang may-edad na babaeng doktor. Tinanggal nito ang kanyang mask at sumimangot. "Ano't nagkakaingay kayo? Alam n'yo namang nasa surgery center kayo, diba?" Kumawala si Nigel mula sa dalawang male nurse at humakbang palapit sa babae. "Nasaan ang asawa ko? ilabas n'yo siya kung hindi ay idedemanda ko kayo at ang ospital n'yo." Tumaas ang kilay ng doktora. "A, so ikaw pala ang EX-HUSBAND n'ya." Natigilan si Nigel nang maalala'ng divorce na nga pala sila ni Nathalie. Sumingasing ang doktora. "Hump! Hindi ba divorce na kayo? And since hiwalay na kayo, wala ka na dapat pakialam pa sa affairs niya dahil hindi ka na responsable pa sa kanya." "Wala ka na'ng pakialam doon, ilabas mo siya!" Sagot ni nigel. Dinukot ng doktora ang isang nakatiklop na papel mula sa kanyang bulsa "Gusto kong ipakita ito sayo, heto't tingnan mo." Iniabot n'ya iyon kay Nigel. Natigilan si Nigel nang makitang isang letter of consent pala iyon. 'Ang i-ibig ba nitong sabihin ay.... willing talaga si Nathalie na..... sumailalim s-sa surgery?' Muli niyan'g sinubukang pumasok sa surgery room habang nagsisisigaw. "Nathalie! Nathalie! Huwag mong ituloy, lumabas ka diyan!" Sinenyasan ng doktora ang dalawang lalaking nurse na huwag itong pigilan. Pagpasok ni Nigel ay wala siyang nakitang tao, wala doon ang kanyang hinahanap. Makakahinga na sana siya nang maluwag dahil inisip niyang maaaring hindi na natuloy ang operasyon nang magsalita ang doktora sa kanya likod. "Wala na si Nathalie, matagumpay naming na-ialis ang puso n'ya. Mababasa mo sa letter of consent na ni-request din niya na i-donate din ang iba pa niyang healthy organs sa mga nangangailangan. Mr. Sarmiento....... I'm very sorry." Tila tinamaan ng kidalt si Nigel sa narinig. "A-anong..... sabi mo?" Bumuntong-hininga ang doktora. "Dinispose agad namin ang katawan niya ayon na rin sa request n'ya, matapos naming makuha ang mga dapat kunin sa kanya. Kaya pasensya na kung hin–" Nagitla siya nang bigla siyang sunggaban ni Nigel. "Hindi ako naniniwala sayo!.…... Isinusumpa ko, idedemanda ko talaga kayo kapag hindi n'yo s'ya inilabas!" Tila mawawala na sa sarili si Nigel, ngunit hindi dahil sa may pagtingin s'ya sa dating asawa, kundi, dahil sa responsabilidad. Paano na lang n'ya haharapin ang kanyang mga magulang at ang mga magulang ni Nathalie kapag may nangyari dito? Muling siyang sinunggaban ng dalawang lalaking nurse at hinila palayo sa doktora. "Kung gusto mong magsampa ng kaso, gawin mo. Hindi ako natatakot dahil wala akong nilalabag. Sinunod ko lang ang kahilingan ni Nathalie, at ang letter of consent ang ebidensya." Hindi pa rin mapaniwalaan ni Nigel ang naging desisyon ng dating asawa. "P-pero bakit? Bakit basta na lang niya itinapon ang buhay niya nang ganun-ganun na lang?" Ngumisi ang doktora. "Hindi mo talaga alam? I see, Mr. Sarmiento, ngayon ko lang na-realize kung gaano ka kahina." Tila hindi ito naunawaan ni Nigel. "W-what do you mean?" "Hindi mo ba alam na may depresyon ang asawa mo? I mean, ang dati mong asawa?" "D-depression?" "So, mukhang hindi mo nga alam hanggang ngayon. Well, hindi ko lang alam kung gaano kalala ang depresyon n'ya, pero kapag tumitingin ako sa mga mata n'ya, parang nakikita ko na rin ang paghihirap n'ya. Walang buhay ang mga mata n'ya kaya hindi na ako magtataka kung bakit naisip niya na sumuko na lang. Sinabi n'ya na ang desisyon n'ya ay para sa'yo, dahil gusto ka niyang maging masaya." Nag-angat ng tingin si Nigel sa doktora, makikita sa kanyang mga mata ang pagtatanong at ang kalituhan. 'P-para maging masaya ako? Anong ibig niyang sabihin?' Tila nabasa ng doktora ang katanungan sa kanyang isipan. "Mahal ka ng asawa mo...." Ang napapaisip pang si Nigel ay napamaang at natigilan sa narinig. "Isinuko n'ya ang buhay n'ya para mabigyan ng pagkakataong mabuhay pa ang kalaguyo mo, idinonate n'ya ang puso n'ya yamang isa s'ya sa right donor. Alam mo kung ano tuloy ang naging tingin ko sa isang katulad mo, Mr. Sarmiento? You're such an unworthy scumbag!" Hindi umimik si Nigel, nakayuko lamang ito na wari'y tinatanggap lang ang sermon ng kanyang magulang. 'M-mahal ako ni Nathalie?........ Yes, I'm such a scumbag. Naniwala ako kay Elaine, hindi ko akalain na may masama pala siya'ng intensyon kay Nathalie.' Bumakas ang kalungkutan sa kanyang mga mata. 'Elaine, kailangan mong maging responsable sa ginawa mo, patawarin mo sana ako.' Sa kabila ng kasamaan ng babae ay mahal pa rin niya ito, ngunit nagbabanta nang mawala iyon nang tuluyan nang iabot ng doktora ang isa pang sulat mula kay Nathalie: "Ibinilin ito sa kin ni Nathalie, ang sabi n'ya ay ibigay ko raw ito sa'yo kapag hinanap mo s'ya. Diyan ko din nalaman ang nangyari sa inyong dalawa. Alam kong mali ang pakialaman yan, pero hindi ko napigilan ang curiosity ko kung bakit s'ya gumawa ng ganitong desisyon." Pagkabigay ng sulat ay umalis na ang doktora at iniwan si Nigel sa silid. Agad iyon binasa ni Nigel: "June 2, 2018, nasunog ang villa n'yo at na-trapped ka sa loob. Naalala ko na injured ang binti mo nun dahil sa paglalaro mo ng basketball. Akala ko ay hindi na kita makikita pa, kaya sa takot ko ay naglakas-loob akong sumugod sa loob para iligtas ka." Natigilan si Nigel, inunawa niyang mabuti ang kanyang nabasa. Nagtaka siya nang husto kung bakit tila sinasabi ni Nathalie sa sulat na ito ang nagligtas sa kanya mula sa sunog tatlong taon na ang nakalilipas. 'Hindi ba't si Elaine ang nagligtas sa akin?' itinuloy n'ya ang pagbabasa.: "Naalala ko na nasunog ang puwitan mo...." Halos masamid si Nigel sa sariling laway nang mabasa iyon. Ang kanyang puwitan ay halos ma-toasted na dahil sa sunog at iyon ay talagang nakakahiya. Walang ibang nakakaalam niyon kundi ang doktor na gumamot sa kanya at ang mga nurses na naroon, ang kanyang mga magulang at ang taong nagligtas sa kanya....... Natigilan siya nang magkaroon ng reyalisasyon: Naalala n'ya nang minsang naglalambingan sila ni Elaine, tinanong n'ya ito bilang paglalambing kung na-aalala pa ba nito kung anong parte ng katawan n'ya ang nasunog, ngunit hindi ito makasagot. Ngayon ay nauunawaan na n'ya, dahil hindi talaga ito ang nagligtas sa kanya; kundi, ang mismong asawa nya–si nathalie. Ang nakalulungkot na katotohanang ito ay nagpalambot nang tuluyan sa mga tuhod ni Nigel. Paluhod s'yang bumagsak sa malamig na sahig. 'A-anong ginawa ko?....... So, all these years, si Nathalie pala ang totoong mahal ko?'Tahimik na nanangis si Nigel habang ang kanyang mukha ay nakabaon sa kanyang mga palad. Bakit sa ganito nauwi ang lahat? Bakit ngayon lang niya ito nalaman? Mahirap na nga para sa kanya ang tanggapin ang nadiskubreng kasamaan ni Elaine, bagaman makukulong ito ngunit ang importante ay buhay naman ito. Subalit sa nadiskubre n'ya ngayon, bukod sa maling tao pala ang kanyang minahal, ang nakalulungkot pa ay hindi na n'ya maitatama pa ang kanyang mga pagkakamali. Wala na si Nathalie, hindi na n'ya ito makikita pang muli.Ilang oras na ang lumipas ngunit tulala pa rin si Nigel. Mabuti na lang ay walang nangailangang gumamit ng surgery room. Tiningnan n'ya ang lukot na liham at napansin niyang hindi pa pala niya nababasa lahat. Iniunat n'ya iyon at muling binasa:"Nang makalabas tayo ay pareho tayong dinala sa hospital. Nasunog din kasi ang buhok ko at nakalanghap ng usok, pero hindi ko naisip na ita-transfer ka sa ibang hospital. Nang hinanap kita, hindi na kita nakita."Dahil sa public
"Michael, stop running, come back here!" Sigaw ng isang blonde na babae sa malikot niyang anak sa loob ng eroplano.Imbes na makinig ay binelatan pa ng bata ang kanyang ina at nagpatuloy sa pagtakbo, ngunit sa kanyang pagliko ay bumangga s'ya sa paparating na babae. Humagis siya at bumagsak sa sahig na una ang puwit."I'm sorry, are you okay?" Iniunat ng babae ang kanyang kamay para tulungan ang bata ngunit tila nagtanim ito ng sama ng loob dahil napahiya ito.Hinampas ng bata ang kamay niya palayo at galit na tumayo. Iniangat niya ang maliit niyang kamay at sinuntok ito. "Bad woman! Ugly witch, why did you kicked me?"Isang may-edad na babae ang biglang lumapit sa kanila, hinila nito ang babae at itinago ito sa likuran niya. Pinandilatan n'ya ang bata. "Whose child this is? You have no manners! Didn't your parents teach you?"Lumapit ang ina, hinila ang kanyang anak at humingi ng paumanhin. "I'm sorry, I'm sorry, I'm his mother. This child is quite naughty and mischievous, I hop
Nakatayo si Nathalie sa labas ng pinto habang hinihintay ang kanyang ina, tinawag kasi ito ni Rebecca dahil meron itong ibibigay dito na confidential daw. Habang naghihintay ay narinig na lang n'ya na may tumatawag sa kanya sa malayo kaya napatingin s'ya.Nataranta s'ya nang makilala kung sino ito; nakita na lamang n'ya ang dating asawa na tumatakbo't lumalakad papunta sa kanyang direksyon. Dahan-dahan siyang lumakad palayo para hindi siya maging kahina-hinala. Kinuha n'ya ang kanyang cellphone sa kanyang bag at tinawagan ang kanyang ina."Naku! Nandiyan na ang anak mo sa labas." Ani Lucille kay Rebecca."Sa likod ka dumaan."Nang makarating na sa pinto si Nigel ay biglang lumabas ang kanyang ina, bigla siyang niyakap nito nang makita siya. "My good son I miss you! Saan ka ba nanggaling, bakit ngayon ka lang umuwi?"Nagtangkang kumawala si Nigel mula sa kanyang pagkakayakap para sundan ang direksyong tinunguhan ni Nathalie ngunit mahigpit ang pagkakayakap ni Rebecca sa kanya. "Mom, p
Nang makita ang naging reaksyon ni Nathalie ay ngumisi ang isang may-edad na executive na ayaw dito. Naisip n'ya, siguro ay natakot na lang ang babae dahil sino ba ang hindi mai-intimidate sa isang Nigel Sarmiento at sino ba ang hindi nakakakilala dito? Sa maagang taon nito ng pamamahala nito sa kanilang negosyo ay nagawa na nitong gawing multi-billion leading company ang kanilang kumpanya.Tanging si Armando lang ang nakaa-alam kung bakit ganito ang reaksyon ng anak. Hindi niya alam kung tuluyan na nga ba itong naka move sa dating asawa, kaya ayaw sana niyang ipaalam hangga't maaari ang tungkol sa nakabili ng lupa. Babawiin na sana niya ang dokumento ngunit inilayo iyon ni Nathalie.Matapos basahin ni Nathalie ang information tungkol sa nakabili ng lupa ay agad nagtanong ang isang señor executives: "So Ms. Andeza, ano ang nasa isip mo, puwede mo bang ibahagi sa min?" Tila binibigyan nito ng konsiderasyon si Nathalie para mapatunayan nito ang sarili, ngunit ang totoo ay gusto niyang
Sa isang saglit lang at nasa harapan na agad si Nigel ng kanyang assistant, sinunggaban n'ya ang kolyar nito. "A-anong sabi mo? Sino ang binanggit mo?"Nagitla na lamang ang lalaki sa biglaang inasta ng kanyang amo, hindi n'ya akalain ang pagiging exaggerated nito. "S-si.., Nathalie Andeza, s-sir...""Ano pa ang sinabi n'ya? Bakit niya binanggit si Nathalie?" Tila biglang nabalisa si Nigel."Sir, hindi ko alam e..... hindi ko pa kasi tinitingnan yung unang fax na ipinadala nila."Nagmamadaling nagtungo sa kanyang opisina si Nigel, pagpasok ay kaagad niyang kinuha ang mga papel sa fax machine at chineck isa-isa. "Halika dito!" Tawag niya sa kanyang assistant. "Tulungan mo akong hanapin ang fax na sinasabi mo."Makalipas ang ilang sandali:"Sir, here it is."Kaagad iyon binasa ni Nigel. Ang naturang fax ay medyo misteryoso, wala itong ibang detalye ngunit pinahiwatig nito ang isang sorpresa na naghihintay para kay Nigel. Sinabi din doon na makikita n'ya muli ang isang taong inakala n
Dahan-dahang nilingon ni Nigel ang kanyang likuran. Napatayo siya sa pagkamangha habang nakatulala sa babae na ngayon ay papalapit na sa kanyang direksyon. Hindi n'ya sigurado kung dinadaya na naman ba siya ng kanyang mga mata, halos kusutin na niya ang mga ito para lang maging malinaw ang kanyang nakikita. "N...n-nathalie?...." May kahirapan niyang naibulalas. Matapos nun ay hindi na s'ya nakapagsalita.Tila hindi alintana ni Nathalie ang naging reaksyon ni Nigel. "Hello Mr. Sarmiento, long time no see." Humila s'ya ng silya at naupo.Nang magbalik sa kanyang wisyo ay sinunggaban ni Nigel ang braso ng babae at hinila ito patayo. "H-hindi ka namatay?" Tanong n'ya nang hindi makapaniwala. Tila para siyang nasamid at tila nagbabanta din ang pagpatak ng kanyang luha. "Anong nangyari sayo? B-bakit ka nawala? Nasaan ka nitong nagdaang tatlong taon? Bakit hindi mo man lang ako tinawagan? Nathalie...."Kumunot ang noo ni Nathalie, sinubukan n'yang alisin ang pagkakakapit nang mahigpit ng la
NATHALIE ANDEZA Agad akong naupo nang naalimpungatan ako sa pag aalalang baka late na ako ng gising. Nang tingnan ko ang wall clock ay saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makitang sakto lang pala ang gising ko. Nagtungo ako sa kusina para magluto na ng almusal para sa aking kamahalan, para sa aking mahal na asawa na si Nigel na laging maagang pumapasok sa kumpanya. Mabuti na lamang ay wala pa kaming anak dahil kung hindi ay baka lagi na lang akong pagod sa pag-aasikaso sa kanila. Pero paano nga ba kami magkaka-anak kung wala namang nangyayari sa min? Ipinagkasundo kaming makasal ng aming mga magulang, ngunit noon pa man ay minahal ko na si Nigel, since college pa. Sa kasamaang-palad ay wala siyang nararamdaman para sa kin. Nagluto ako ng masustansiyang almusal na dinisenyuhan ko pa ng puso na hindi din pinansin at na-appreciate ng asawa ko. Tahimik lang siya'ng kumakain at tila walang pakialam sa paligid n'ya. "Bakit ka nagluto nang marami?" Tanong n'ya. Sa wakas may nap
NATHALIE ANDEZA Ang babae ay walang iba kundi ang bestfriend kong si Elaine, at kitang-kita ko mula sa aking kinatatayuan kung paano sila maglambingan ng asawa ko sa kama habang magkayakap pa sila. Parang nagkaroon ng slomotion ang paligid habang nararamdaman ko ang unti-unting pagkirot ng aking puso. Ang babaeng ito, nalalaman niya kung gaano ako nag-alala at kung gaano ako ka-frustrated nang sabihin ko sa kanya ang duda ko na maaaring may ibang babae ang asawa ko. Nakisimpatya pa siya sa akin at kinomfort pa ako, yun pala......... isa siyang ahas! Pinaglalaruan lang pala n'ya ako!"Nigel, kiss me!" Request ng ahas na si Elaine habang nakanguso pa na parang bata. Binigyan naman siya ng peck sa labi ni Nigel. Parang tinarakan ng kutsilyo ang puso ko habang nakikita ko kung gaano ka-masunurin ang asawa ko sa ibang babae. Ang sakit sa dibdib at parang ang hirap huminga. Nakita ko na muling ngumuso si Elaine. "You don't love me anymore!" Aniya.Kinuha ng asawa ko ang isang soup n
Dahan-dahang nilingon ni Nigel ang kanyang likuran. Napatayo siya sa pagkamangha habang nakatulala sa babae na ngayon ay papalapit na sa kanyang direksyon. Hindi n'ya sigurado kung dinadaya na naman ba siya ng kanyang mga mata, halos kusutin na niya ang mga ito para lang maging malinaw ang kanyang nakikita. "N...n-nathalie?...." May kahirapan niyang naibulalas. Matapos nun ay hindi na s'ya nakapagsalita.Tila hindi alintana ni Nathalie ang naging reaksyon ni Nigel. "Hello Mr. Sarmiento, long time no see." Humila s'ya ng silya at naupo.Nang magbalik sa kanyang wisyo ay sinunggaban ni Nigel ang braso ng babae at hinila ito patayo. "H-hindi ka namatay?" Tanong n'ya nang hindi makapaniwala. Tila para siyang nasamid at tila nagbabanta din ang pagpatak ng kanyang luha. "Anong nangyari sayo? B-bakit ka nawala? Nasaan ka nitong nagdaang tatlong taon? Bakit hindi mo man lang ako tinawagan? Nathalie...."Kumunot ang noo ni Nathalie, sinubukan n'yang alisin ang pagkakakapit nang mahigpit ng la
Sa isang saglit lang at nasa harapan na agad si Nigel ng kanyang assistant, sinunggaban n'ya ang kolyar nito. "A-anong sabi mo? Sino ang binanggit mo?"Nagitla na lamang ang lalaki sa biglaang inasta ng kanyang amo, hindi n'ya akalain ang pagiging exaggerated nito. "S-si.., Nathalie Andeza, s-sir...""Ano pa ang sinabi n'ya? Bakit niya binanggit si Nathalie?" Tila biglang nabalisa si Nigel."Sir, hindi ko alam e..... hindi ko pa kasi tinitingnan yung unang fax na ipinadala nila."Nagmamadaling nagtungo sa kanyang opisina si Nigel, pagpasok ay kaagad niyang kinuha ang mga papel sa fax machine at chineck isa-isa. "Halika dito!" Tawag niya sa kanyang assistant. "Tulungan mo akong hanapin ang fax na sinasabi mo."Makalipas ang ilang sandali:"Sir, here it is."Kaagad iyon binasa ni Nigel. Ang naturang fax ay medyo misteryoso, wala itong ibang detalye ngunit pinahiwatig nito ang isang sorpresa na naghihintay para kay Nigel. Sinabi din doon na makikita n'ya muli ang isang taong inakala n
Nang makita ang naging reaksyon ni Nathalie ay ngumisi ang isang may-edad na executive na ayaw dito. Naisip n'ya, siguro ay natakot na lang ang babae dahil sino ba ang hindi mai-intimidate sa isang Nigel Sarmiento at sino ba ang hindi nakakakilala dito? Sa maagang taon nito ng pamamahala nito sa kanilang negosyo ay nagawa na nitong gawing multi-billion leading company ang kanilang kumpanya.Tanging si Armando lang ang nakaa-alam kung bakit ganito ang reaksyon ng anak. Hindi niya alam kung tuluyan na nga ba itong naka move sa dating asawa, kaya ayaw sana niyang ipaalam hangga't maaari ang tungkol sa nakabili ng lupa. Babawiin na sana niya ang dokumento ngunit inilayo iyon ni Nathalie.Matapos basahin ni Nathalie ang information tungkol sa nakabili ng lupa ay agad nagtanong ang isang señor executives: "So Ms. Andeza, ano ang nasa isip mo, puwede mo bang ibahagi sa min?" Tila binibigyan nito ng konsiderasyon si Nathalie para mapatunayan nito ang sarili, ngunit ang totoo ay gusto niyang
Nakatayo si Nathalie sa labas ng pinto habang hinihintay ang kanyang ina, tinawag kasi ito ni Rebecca dahil meron itong ibibigay dito na confidential daw. Habang naghihintay ay narinig na lang n'ya na may tumatawag sa kanya sa malayo kaya napatingin s'ya.Nataranta s'ya nang makilala kung sino ito; nakita na lamang n'ya ang dating asawa na tumatakbo't lumalakad papunta sa kanyang direksyon. Dahan-dahan siyang lumakad palayo para hindi siya maging kahina-hinala. Kinuha n'ya ang kanyang cellphone sa kanyang bag at tinawagan ang kanyang ina."Naku! Nandiyan na ang anak mo sa labas." Ani Lucille kay Rebecca."Sa likod ka dumaan."Nang makarating na sa pinto si Nigel ay biglang lumabas ang kanyang ina, bigla siyang niyakap nito nang makita siya. "My good son I miss you! Saan ka ba nanggaling, bakit ngayon ka lang umuwi?"Nagtangkang kumawala si Nigel mula sa kanyang pagkakayakap para sundan ang direksyong tinunguhan ni Nathalie ngunit mahigpit ang pagkakayakap ni Rebecca sa kanya. "Mom, p
"Michael, stop running, come back here!" Sigaw ng isang blonde na babae sa malikot niyang anak sa loob ng eroplano.Imbes na makinig ay binelatan pa ng bata ang kanyang ina at nagpatuloy sa pagtakbo, ngunit sa kanyang pagliko ay bumangga s'ya sa paparating na babae. Humagis siya at bumagsak sa sahig na una ang puwit."I'm sorry, are you okay?" Iniunat ng babae ang kanyang kamay para tulungan ang bata ngunit tila nagtanim ito ng sama ng loob dahil napahiya ito.Hinampas ng bata ang kamay niya palayo at galit na tumayo. Iniangat niya ang maliit niyang kamay at sinuntok ito. "Bad woman! Ugly witch, why did you kicked me?"Isang may-edad na babae ang biglang lumapit sa kanila, hinila nito ang babae at itinago ito sa likuran niya. Pinandilatan n'ya ang bata. "Whose child this is? You have no manners! Didn't your parents teach you?"Lumapit ang ina, hinila ang kanyang anak at humingi ng paumanhin. "I'm sorry, I'm sorry, I'm his mother. This child is quite naughty and mischievous, I hop
Tahimik na nanangis si Nigel habang ang kanyang mukha ay nakabaon sa kanyang mga palad. Bakit sa ganito nauwi ang lahat? Bakit ngayon lang niya ito nalaman? Mahirap na nga para sa kanya ang tanggapin ang nadiskubreng kasamaan ni Elaine, bagaman makukulong ito ngunit ang importante ay buhay naman ito. Subalit sa nadiskubre n'ya ngayon, bukod sa maling tao pala ang kanyang minahal, ang nakalulungkot pa ay hindi na n'ya maitatama pa ang kanyang mga pagkakamali. Wala na si Nathalie, hindi na n'ya ito makikita pang muli.Ilang oras na ang lumipas ngunit tulala pa rin si Nigel. Mabuti na lang ay walang nangailangang gumamit ng surgery room. Tiningnan n'ya ang lukot na liham at napansin niyang hindi pa pala niya nababasa lahat. Iniunat n'ya iyon at muling binasa:"Nang makalabas tayo ay pareho tayong dinala sa hospital. Nasunog din kasi ang buhok ko at nakalanghap ng usok, pero hindi ko naisip na ita-transfer ka sa ibang hospital. Nang hinanap kita, hindi na kita nakita."Dahil sa public
Nang makaalis si Nigel ay nilapitan ni Elaine ang doktor at sinampal ito. "Ibinenta mo ko, how dare you?!" Galit niyang sigaw. "At ano ang gusto mong gawin ko, hayaan na lang siya na laslasin ang leeg ko? Hindi kasi ikaw ang nasa lugar ko kaya hindi mo alam kung gaano ang takot ko kanina." "Kahit na! Bakit mo sinabi lahat, kailangan mo bang gawin yun? Sinabi mo pa na gusto kong dispatsahin ang lecheng Nathalie na yun!""Bakit, totoo naman a? Huwag mong asahan na pagtatakpan pa kita. Kung hindi ako magsasalita, ako naman ang malilintikan...... Ayoko nang maugnay pa sa kasamaan mo, ito na ang pagtatapos ng kasunduan natin dahil magku-quit na ko." Bigla itong sinunggaban ni Elaine sa kolyar. "Bastard! Hindi mo ko puwedeng iwanan sa ere nang ganito, bawiin mo ang sinabi mo kay Nigel. Linisin mo ang pangalan ko, ngayon din!"Marahas na inalis ng doktor ang kamay ng babae sa kanyang damit. "Tama na! Ano ba ang tingin mo kay Mr. Sarmiento, kulang-kulang na basta na lang maniniwala kapag b
"A-ano?" Tila nabingi sa narinig si Nathalie. "Hindi ba iyon naman ang gusto mo? Ayan, binibigyan na kita ng kalayaan." Sagot ni Nigel.Humakbang palapit si Nathalie. "N-nigel, ano bang sinasabi mo diyan?" Nakaramdam siya ng takot. Bagaman palagi siyang sinasaktan ng asawa, ngunit, hindi n'ya gustong mawalay dito."Ang sabi ko ay mag-divorce na tayo. Isa pa, alam mo na rin naman ang tungkol sa min ni Elaine, diba? Pero bakit mo sinabi kay dad ang tungkol doon kahit alam mo na'ng magagalit siya? Saka, diba kaibigan mo si Elaine, hindi mo man lang ba siya inisip? Bakit ang lupit mo?"Napaisip si Nathalie. 'So, alam na pala ng mga in-laws ko ang tungkol sa relasyon ni Nigel sa ibang babae...... pero, wala naman akong sinasabi sa parents n'ya.'Pasalampak na naupo si Nigel, lumagok ito ng beer. "Hindi bale na, magdi-divorce din naman tayo e....... Umalis ka na sa buhay ko Nathalie, tapusin na natin ang nakakasakal na marriage na 'to, tutal wala na naman sa akin ang lahat e, kaya wala n