Share

CHAPTER 188.2

Author: Phoenix
last update Last Updated: 2025-04-09 14:40:52

“Kung lahat ng ito ay totoo ang ibig lang sabihin niyan ay nagbukas na si Ms. Sophia ng bagong era ng holography.”

Habang abla naman nga ang lahat sa pag uusap tungkol sa teknolohiya ay may ilang tao naman na pilit nga na bumabalik sa nakaraan na isyu at pilit ngang inaalala ang mga kontrobersiya ni Sophia.

“Naalala nyo pa ba ang issue ng pangangaliwa ni Ms. Sophia? At yung kasal niya kay Mr. Francis?” tanong ng isa at halata naman na nanggugulo na naman nga ito. Pero agad din naman nga itong sinagot ng isang netizen.

“Ikaw yata ang may sakit. Alam mo ba talaga kung nangaliwa si Ms. Sophia o hindi? Puro tsismis lang naman yan mula sa mga paparazzi at gossip accounts. May sinabi ba ang kumpanya ni Mr. Francis tungkol d’yan? At kung totoo man na may relasyon nga si Sophia kay Raymond eh di sana tinangga na siya sa Bustamante Company dalawang buwan pa lang ang nakalilipas. Eh bakit magkasundo pa rin sila sa internet? Halata naman na may naiinggit lang sa mga proyeto ni Sophia lalo na at
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 189.1

    CHAPTER 189“Sophia,” gigil na sabi ni David.Sa isang iglap lang nga ay tuluyan na nga na gumuho ang lahat ng plano ni David. At natalo nga siya dahil sa isang matinding counter attack ni Sophia.Balak sana niyang pabagsakin ang pamilya Bustamante, ang Villamayor Group at ssi Sophia mismo. Pero hindi nga niya inaasahan na mabubuking siya ni Sophia na agad siyang tinabla at pinabagsak na siya mismo ang may plano.“Pareho talaga kayo ng nanay mo. Pareho kayong mahina at sunud-sunuran,” galit na sabi ni David.Kahit nga patay na ang isa ay tila hindi pa rin nga ito tinantanan ni David. Habang ang isa naman na buhay na buhay pa ay unti unti ngang winawasak ang depensa hanggang sa halos wala na nga itong matakbuhan.Pulang pula naman ang mukha ni David habang mahigpit nga na nakkuyom ang kanyang kamao at buong pwersa nga niya itong isinuntok sa mesa.“Sige lang. Ganyan ba talaga ang gusto mong laro Sophia? Pwes wag mo akong sisisihin kung magiging malupit ako sa’yo,” gigil pa na sabi ni D

    Last Updated : 2025-04-09
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 189.2

    Noong mga panahon na iyon ay manipis lang nga ang muscle ni Jayson pero sineryoso nga niya ang sinabi ni Theresa at dinagdagan pa niya ang oras ng pag eehersisyo niya araw-araw.Pero nakakalungkot lang na sa paglipas nga ng mga taon na kahit araw-araw pa siyang minamasahe ni Theresa ay unti unti pa rin nga na lumiit ang kanyang mga kalamnan.Napabuntong hininga naman nga si Theresa. Hinawakan nga niya an kama ni Jayson at saka nya nga iton marahang hinaplos.“Jayson, kung hindi ka pa rin magigising ay tuluyan nang mawawala ang muscle mo,” sabi ni Theresa at saka nga niya hinawakan ang kamay ni Jayson at idinikit nga niya iyon sa kanyang pisngi.“Naririnig mo ba ako ngayon? Nakakaramdam ka ba? Kung nararamdaman mo ako ngayon ay gumisin ka na Jayson,” sabi pa ni Theresa at saglit pa nga siyang tumigil sa kanyang pagsasalita.“Hindi ako naging mabuting ina. Si Sophia at si Jacob ay parehong nangangailangan ng isang ama. Hinihintay ka nilang magising,” mababa ang boses na sabi ni Theresa.

    Last Updated : 2025-04-09
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 190.1

    CHAPTER 190Iniisip ni Sophia na basse sa ugali na meron si Jacob ay malamang na maghihintay ito hanggang sa matapos ang entrance exam bago tuluyang lumipat ng tirahan sa kanyang sariling villa kapag siya ay nasa legal na edad na.“Syempre naman. Pupunta ako,” agad na sagot ni Sophia ky Jacob. “Alam mo na napakagaling mo. At panigurado na hindi papayag si Principal Monica na hindi ka mag speech. Kaya hindi pwede na hindi ko manood doon,” nakangiti pa na sabi ni Sophia at halata mo nga sa boses nito ang kasiyahan.Hindi marunong makipag usap si Jacob kay Sophia kaya naman tumango lamang nga ito bago ibinaba ang tawag.Nang mga oras na iyon ay abala naman nga si Raymond sa pagbabasa ng mga dokumento sa ssofa sa loob ng silid ng ospital. Bahagya pa nga niyang itinaas ang suot niyang salamin at saka sya tumingin sa gawi ni Sophia.“Si Jacob ba ang tumawag?” tanong ni Raymond.Agad naman nga na tumango si Sophia habang may ngiti sa kanyang labi.“Iniimbitahan niya ako sa graduation niya,”

    Last Updated : 2025-04-10
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 190.2

    Ang seremonya nga na ito ay simbolo ng pagbibigay ng good luck at pagbati mula sa mga guro. Personal na gumagawa pulang tali ang mga guro bilang pampaswerte at is isa nga nilang itatali ito sa pulso ng kanilang mga estudyante habang sinasabi ang kanilang mga hangarin para sa kinabukasan ng mga ito.Pagkatapos nga ng okasyon na iyon ay ginaganap naman ang graduation dance sa gabi. At isa na nga itong tradisyon sa paaralan na iyon tuwing may mga magtatapos.Ang paaralan nga mismo ang siyang naghahanda ng mga dinner dress para sa mga estudyante. Dahil karamihan nga sa mga nagtatapos sa kanilang paaralan ay nagiging matagumpay nga na negosyante at taon taon nga ay may mga estudyante nga na nagdo-donate ng mga damit. At sa ganito ngang paraan ay hindi na kailangang mangamba ng mga estudyante na kapos sa pera at may pagkakataon pa silang magkaroon ng isang magandaang alaala bago ang college entrance exam.Pinapayagan sin nga ng paaralan ang mga miyembro ng pamilya na dumalo sa mga ganitong

    Last Updated : 2025-04-10
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 190.3

    At sa huli nga ay nauwi si Sophia sa pag upo sa wheelchair.Nang malaman naman nga ni principal Monica na darating nga sina Sophia at Raymond ay agad nga itong lumabas para salubungin ang mga ito.Ang mga gown nga na ginamit sa graduation ceremony ay donasyon nga ng Villamayor Group kaya naman natural lang na gusto ni Principal Monica na personal na magpasalamat kay Raymond. Ngunit pagkakita nga niya kina Sophia, Jacob at Raymond na sabay sabay na bumaba mula sa isang luxury car ay hindi nga niya napigilang mapanganga.Sa pagkakaalam nga niya ay minsan pa lang nagkita sina Sophia at Jacob at parang hindi naman nga sila magkakilala. Pero nagtataka nga siya kung bakit magkasama nga silang dumating ngayon at mula pa sa sasakyan ni Sophia.Ngumiti naman si Sophia at saka nga niya binati si Principal Monica. Matapos nga na makipagpalitan ng ilang mga salita ay tumingin siya kay Jacob na nakatayo sa kanyang tabi.“Principal Monica, si Jacob nga po pala ay ang matagal ko nang nawawalang kap

    Last Updated : 2025-04-10
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 191.1

    CHAPTER 191Malaki kasi talaga ang inaasahan ni Principal Monica kay Jacob.“Holding the colorless pen and winning the championship,” ito nga ang linya na lubos na nagpapakita ng mataas na inaasahan ni Principal Monica kay Jacob.Gusto kasi niya na si Jacob ang maging top student sa buong lungsod.Tumingala si Jacob sa babaeng principal na nasa harap nga niya. Bagama’t may edad na nga ito ay hindi pa rin nga nawawala ang sigla nito. Lagi pa rin nga itong mahinahon at elegante. At ilang beses na rin nga itong nanirahan sa pamilya Flores at ilang ulit na siyang tinulungan ni Principal Monica.Maging ang malaking scholarship para sa top student ng buong batch ay siya rin nga ang nagpanukala at lahat nga ng iyon ay para lang makuha ni Jacob ang gantimpalang iyon.Pero nang malaman nga ni Principal Monica ang totoong kalagayan ng pamilya Flores ay binago nga niya ito. At imbes na scholarship lang ay ginawa nga niya itong libreng matrikula, walang bayad sa miscellaneous at sagot na pati ang

    Last Updated : 2025-04-10
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 191.2

    “Masaya siya. Kaya hindi mo kailangang dalhin lahat ng konsensya mo sa ilang bagay,” pagpapatuloy pa nga na pagbibigay ng payo ni Raymond.Bahagya naman nga na ibinaba ni Sophia ang kanyang tingin habang may banayad na ngiti nga ang nakapaskil sa kanyang labi.“Ang pagiging masaya ngayon ay hindi ibig sabihin na hindi na siy nasasaktan noon. At ang kaya ko lang ngang gawin ngayon ay bumawi sa kanya sa abot ng aking makakaya,” sagot ni Sophia.“Pero minsan ay pwede mo rin namang unahin ang sarili mo,” agad naman na sagot ni Raymond at saka nga niya hinaplos ang ulo ni Sophia. Pero agad din naman niya itong binawi habang nakangiti nang makita nga niya na masama ang tingin sa kanya ni Sophia.KINAGABIHAN naman sa party ng paaralan ay hindi na nga maawat ang mga pasimpleng sulyap ng mga babaeng estudyante kay Jacob. May ilan pa nga na nagtulakan para lang mapalapit sa binata ang isang magandang estudyante.Maganda ng ang babae na ito. bilugan ang mukha, maganda ang hugis ng kilay at kaka

    Last Updated : 2025-04-10
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 192.1

    CHAPTER 192Alam ni Sophia na ang pagbubuntis, pagkalaglag o panganganak ay may masamang epekto sa katawan ng isang babae. Pero ngayon lang nga niya ito tunay na nauunawaan nang siya na nga mismo ang nakaranas nito. Ramdam nga niya ang kakulangan niya sa dugo. Madalas na rin nga siyang mahilo, paminsan minsan nga ay nanlalabo na rin ang kanyang paningin, nasusuka at nanghihina ang kanyang mga binti na para bang nakatapak sa bulak ang kanyang mga paa.Ngunit sa gabing iyon nga ay graduation party para sa pagtatapos ni Jacob sa senior high school at gusto niyang sumayaw kasama nga ito.Gusto rin kasi ni Sophia na iparamdam kay Jacob na naroon siya at hindi nga ito nag iisa.“Tara na. Sumayaw na tayo,” nakangiti pa na sabi ni Sophia kay Jacob.Saglit naman nga na natigilan si Jacob pero agad din nga niyang inabot ang kamay ni Sophia at mahigpit nga niya iyong hinawakan at saka nya nga ito marahan na hinila papalapit sa kanyang dibdib. Dama pa nga niya ang bango ng katawan ni Sophia at ba

    Last Updated : 2025-04-11

Latest chapter

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 202.3

    Ang pamilya Villamayor kasi ay may mga matang gutom na gutom sa yaman. at kahit kailan nga ay hindi sila titigil hangga’t hindi nila nasasakmal ang lahat.“Bakit ko naman ipamimigay ang mga bagay na iniwan sa akin ng taong mahal ko?” sagot ni Sophia habang may ngiti nga sa kanyang labi na may kasamang pangungutya. “Kapag ibinigay ko yun sa inyo ay maibabalik pa ba iyon sa akin? Alam ko na hindi na. At ngayon nga kung ganito rin lang ang magiging usapan natin ay may saysay pa ba ang pagpapatuloy nito?” pagpapatuloy pa nga ni Sophia.Bahagya pa nga na itinaas ni Sophia ang isa niyang kilay. Pero hindi nga nawala ang lamig sa kanyang mga tingin. Nanatili naman nga na tahimik si Gilbert pero madilim nga ang ekspresyon ng kanyang mukha.Hindi na nga pinansin pa ni Sophia ang katahimikan sa buong paligid. Bumaba na nga siya sa pagkakaupo niya sa mesa pero nang lumapat nga ang kanyang mga paa sa sahig ay bigla nga siyang nanghina at kamuntik na nga siyang matumba. Mabuti na lang nga at mab

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 202.2

    “Ako lang naman ang bumubuhay sa kumpanya nyo ngayon. At kung wala kang alam sa finance at business ay bumalik ka na lang sa pamilya niyo at maging palamunin habang buhay. At huwag ka nang magpahiya pa rito,” galit pa na sabi ni Harold.Matagal na kasi talagang naiinis ssi Harold kay Max at ngayon nga ay hindi na talaga siya nakapagtimpi pa.Pagkabitaw nga ni Harold kay Max ay tumingin nga siya kay Gilbert na tahimik lang nga sa kinatatayuan nito.“Mr. Gilbert alam mo naman siguro kung gaano kahalaga si Sophia sa Villamayor Group, hindi ba?” baling ni Harold kay Gilbert dahl alam naman niya na alam nga nito na kung wala nga si sophia ay matagal na rin nga n natumba ang kumpanya ng mga Villamayor.Pinunasan naman nga muna ni Gilbert ang malamig niyang pawis sa kanyang noo at sunod-sunod nga ito na tumango. Ngunit sa huli nga ay hindi rin sya nakapagpigil at nagsalita na nga rin siya.“W-wala naman akong ibang ibig sabihin. Ang sa akin lang… p-pwede namang maging vice president si Sophi

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 202.1

    CHAPTER 202Nakangiti naman nga si Sophia habang pinagmamasdan nga niya ang lahat ng mga naroon sa meeting na iyon. Tahimik lang naman din ang lahat ng mga naroon pero bigla ngang nagsalita muli si Max.“Sinabi mo na makikipag cooperate ang Prudence sa Villamayor Group. Ibig bang sabihin niyan ay tiyak na mangyayari iyon? Akala mo ba ay ikaw ang presidente ng Prudence? Pinapaalala ko lang sa’yo na hindi ikaw si Mr. Louie Hernandez,” sabi ni Max ng mapanuyang tono ng pagsasalita.Tahimik naman na napatingin si Harold sa gawi ni Max at saka nga niya iyon malamig na tinitigan.“Sa palagay ko, sapat na sigurong kasagutan sa tanong mo na iyan ay ang narito ako ngayon sa harapan ninyo,” malamig na sabat ni Harold.Halos mapasigaw naman nga si Gilbert sa inis sa kanyang anak na si Max, Kaya naman mabilis na nga niya itong sinaway.“Tumigil ka na nga, Max,” saway ni Gilbert sa kanyang anak.Alam naman ni Gilbert na kinikilingan nga niya ang kanyang anak na ito pero hindi niya inakala na ganit

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 201.3

    Sa dami nga ng kneksyon ni Sophia ay hindi na nga siya nauubusan ng kasosyo o kontrata. At kung ihahambing ang mga mumurahing benepisyong iniaalok nina Max at Migual sa kung ano ang kayang ibigay ni Sophia ay parang katawa tawa lang nga iyon.May ilan nga na naroon sa silid na iyon ang napatingin nga kay Gilbert na may halong awa. Dahil kung tuluyan ngang mawawala si Raymond ayon sa batas ang lahat nga ng pag-aari nito ay mapupunta kay Sophia.At ang mga direktor nga na naroon sa silid na iyon. Halos lahat nga sila ay tahimik pero malinaw ang kinikilingan nitong panig at yun ay suportado nga nila si Sophia. Ang importante lang naman sa kanila ay ang kita. At wala nga silang pakialam kung sino ang umuupo basta’t may dala nga itong pera. Para kasi sa kanilaay wala ngang pinagkaiba si Sophia at ang pagsamba sa Diyos ng Kayamanan.Tumayo nga si Sophia habang may ngiti nga sa kanyang labi at pinagmamasdan ang lahat ng mga naroon.“Maalala ko nga pala… Ano nga ba ulit ang dahilan ng board m

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 201.2

    Gaya nga ng madalas sabihin ni Gilbert na, “Kung isa man sa mga sira ulo na kamag-anak natin ay lumaking kasing ganda ni Harold ay panigurado na siya rin ang magiging paborito ng lahat.”May lambing at pino ang itsura ni Harold at kabigha-bighani at malumanay nga ito kabaligtaran ng hitsura ng ibang miyembro ng pamilya Villamayor. Magaganda rin naman ang kanilang lahi pero lagi ngang may matigas at mapanghamon na aura ang mga ito.At dahil nga roon ay unti-unti na nga na naging kakaiba ang tensyon sa loob ng conference room.“Hindi mo na kailangang ipaliwanag pa,” sabi ni Sophia kasabay nga ng pagsulyap niya sa mga ito habang nakaupo nga siya sa gilid ng mahabang mesa. Marahan pa nga niyang pinipindot-pindot ng kanyang mahabang daliri ang mesa.“Narito ako ngayon sa kumpanya kasama si Harold para sa isang kontrata,” kalmado pa na sabi ni Sophia.“Matagal nang may ugnayan ang Prudence at ako. At ang bagong 3D rlated na proyekto ay personal kong pakikipagtulungna sa Prudence at hindi sa

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 201.1

    CHAPTER 201Bahagya naman nga na tumaas ang kilay ni Harold saka nga siy marahan na ngumiti habang nakatitig kay Miguel Villamayor.Sanay na nga siya sa negosyante na mukhang maamo pero mapanganib. At ito nga ang mga tao na may apanlinlang na ngiti, pero may itinatagong bangis o matinding plano sa likod ng kanilang mga salita.Pero sa pananaw nga ni Harold ay isa lang nga lang ang naiisip niya kay Miuel at iyon nga ay ‘mukha siyang tanag’.“Hindi ba at iisa lamang ang kapatid ni Mr. Raymond?” tanong ni Harold habang bahagya pa nga na naningkit ang kanyang mga mata. “Hindi ba’t ang kapatid niya ay si Miguel? Kailan pa naging malapit si Raymond kay Max Villamayor?” sabi pa ni Harold at saka nga siya napangisi.“bagong bago pa lang nga ang gulo ni Mr. Max, pero heto at masaya pa ring umiinom at nakikipagkwentuhan si Mr. Miguel sa kanya at tinatawag pa nga siyang ‘kapatid’. Mukhang ganito pala talaga kalalim ang relasyon nilang dalawa,” pagpapatuloy pani Harold.Pero ano nga ba talaga ang

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 200.3

    Pero pinatunayan nga ng reyalidad ang masakit na katotohanan. Ang kagandahan ay isa ngang kapangyarihan. At kapag ang kagandahan ay sinamahan pa nga ng tagumpay ay mas lalo nga iyong nakakabighani.“Si Sophia ay niloloko si Raymond. Niloloko niya. Pakiusap, mag-focus kayo sa tunay na issue. May affair silang dalawa. Naiintindihan nyo ba? MAY AFFAIR SILA!” halos mapasigaw na nga si Max habang patuloy nga ito sa live stream niya.Sa comment section naman ay may mga ilan nga na hindi nagpapatinag at tila ba mas panig pa nga ang mga ito kina Sophia at Harold.“Napakagwapo talaga ni Mr. Harold. At parang nakakabaliw nga talaga ang kagwapuhan niya.”“Hindi ba’t si Ms. Sophia ay malaki ang impluwensya sa mundo ng negosyo? Bakit naman hindi sila pwedeng magtulungan na dalawa? Wag kayong basta n alang manghusga at sabihing may milagro na nangyayari,” sabi ng isa sa mga nanonood ng live stream ni Max. “Ang totoo nyan ay ikaw nga yata ang mukhang mahilig sa gulo Mr. Max Villamayor, /sigurado ka

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 200.2

    Isang titig nga iyon na parang tumatagos sa kaluluwa dahilan para mapahinto ang tibok ng puso ng sinumang nakatingin doon.Sunod-sunod nga ang mga naging komento sa live chat at karamihan nga ay paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Sophia.Bahagya lamang nga na itinaas ni Sophia ang kanyang kilay habang si Max ay halos mamula na ang mukha nang dahil sa galit. At sa mga sandaling iyon ay pakiramdam nga niya ay isa siyang malaking biro.Galit na galit nga na itinutok ni Max ang screen ng cellphone niya kay Harold. Isa na namang beauty filter attack ang nakita ng lahat ng nanonood ng live stream na iyon.Kakaiba nga ang itsura ni Harold kay Sophia. Kung si Sophia kasi ay malamig at elegante ang dating, si Harold naman ay may pilak na buhok na lalo ngang nagpatingkad sa matalas at mapanuksong anyo ng kanyang mukha. Nakatayo nga siya ngayon sa harap ni Sophia at tila ba wala nga itong pakialam, tamad ang kilos at ni hindi man lang nga ito tumitingin sa camera.“Tingnan niyo. Ito ang

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 200.1

    CHAPTER 200Nagtaas naman ng tingin niya si Sophia at saka nga niya malamig na tiningnan si Max. At kitang kita nga sa knyang mga mata ang lamig at pangungutya.“Maaari ko bang malaman kung sino ka?” malamig na tanong ni Sophia kay Max.Nakahawak nga ang isang kamay ni Sophia sa gilid ng mesa habang may bahid nga ng malamig na ngiti ang kanyang mga mata.“Tatlong taon akong nagtrabaho sa lungsod pero ngayon ko lang narinig ang tungkol sa’yo ‘Dakilang Buddha’ sa marangyang mundong ito,” sabi pa ni Sophia at saglit pa nga siyang nagkunwari na natauhan. “Ahh… Ikaw nga pala si Mr. Max Villamayor. Pasensya ka na. Matagal-tagal na in mula nang huli tayong nagkita. Sa tingin ko ay parang pumayat ka yata nitong mga nakaraang araw dahil sa kung ano mang problema. Kaya siguro ganito ka kahina ngayon,” pagpapatuloy pa ni Sophia at wala ngang pag-aalinlangan iyon at isang malinaw at lantad na panlalait nga iyon.Alam kasi ng lahat na kamakailan lang ay pinaalis nga ni Raymond si Max at inalis sa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status