Share

CHAPTER 192.1

Author: Phoenix
last update Last Updated: 2025-04-11 16:25:57

CHAPTER 192

Alam ni Sophia na ang pagbubuntis, pagkalaglag o panganganak ay may masamang epekto sa katawan ng isang babae. Pero ngayon lang nga niya ito tunay na nauunawaan nang siya na nga mismo ang nakaranas nito. Ramdam nga niya ang kakulangan niya sa dugo. Madalas na rin nga siyang mahilo, paminsan minsan nga ay nanlalabo na rin ang kanyang paningin, nasusuka at nanghihina ang kanyang mga binti na para bang nakatapak sa bulak ang kanyang mga paa.

Ngunit sa gabing iyon nga ay graduation party para sa pagtatapos ni Jacob sa senior high school at gusto niyang sumayaw kasama nga ito.

Gusto rin kasi ni Sophia na iparamdam kay Jacob na naroon siya at hindi nga ito nag iisa.

“Tara na. Sumayaw na tayo,” nakangiti pa na sabi ni Sophia kay Jacob.

Saglit naman nga na natigilan si Jacob pero agad din nga niyang inabot ang kamay ni Sophia at mahigpit nga niya iyong hinawakan at saka nya nga ito marahan na hinila papalapit sa kanyang dibdib. Dama pa nga niya ang bango ng katawan ni Sophia at ba
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 192.2

    Nang marinig ng ni Sophia ang salitang ‘ate’ ay bigla nga siyang natigilan. Bigla ngang nanigas ang kanyang katawan habang nakatayo at parang gusto niyang tumingala sa gulat pero yka pa rin nga siya ni Jacob.Mahigpit nga na hinawakan ni Sophia ang manggas ng suot na damit ni Jacob at hindi nga niya namamalayan na mas lalo palang humihigpit ang kapit niya rito.“Pakiramdam ko ay my nagawa akong mali,” mahinang sabi ni Jacob sa punong tainga ni Sophia.Hawak naman ni Jacob ang braso ni Sophia at ramdam nga niya na nauubos na ang lakas nito. At nababalanse na lamang nga ito dahil sa pagkakayakap niya rito.Maingat nga na inalalayan ni Jacob si Sophia paupo sa wheelchair. At pagkatapos nga noon ay lumuhod nga siya sa harapan nito habang nakatitig nga ito sa kanya. Sa posisyon nga nila ngayon ay tanggap nga niya na mas mababa siya bilang pagpapakita ng kababaang loob.“Sa mga araw na lumipas may mga tanong na paulit ulit na gumugulo sa isipan ko,” sabi ni Jacob at saka nga sya bumuntong h

    Last Updated : 2025-04-11
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 192.3

    Agad naman nga na napalingon si Sophia ng marinig nga niya na may tumawag sa kanyang pangalan. At pagtingin nga niya sa gawi kung saan may tumatawag sa kanya ay nakita nga niya si Raymond doon na may hawak na camera habang may ngiti sa labi nito.“Ngumiti naman kayo r’yan,” sigaw pa ni Raymond.Isang banayad na ngiti naman nga ang pumaskil sa labi ni Sophia at isang ngiti nga iyon na puno ng respeto habang nakatingin kay Raymond.Napatingin naman nga si Raymond sa eksena na iyon. Napataas pa nga ang isa niyang kilay at saka nga niya itinuro si Jacob.“Jacob pwede bang tumayo ka na muna r’yan,” sabi ni Raymond.Hindi naman nga alam ni Jacob kung ano ba ang binabalak ni Raymond pero tumayo na lamang nga rin siya dahil nga nakaluhod nga siya sa harapan ni Sophia kanina.Sa mga sumunod nga na segundo ay hila hila ng ni Raymond ang kanyang assitant at agad nga na ibinigay dito ang hawak niyang camera at inutusan nga niya ito na kuhaan sila ng litrato.Pagkaabot nga ni Raymond ng camera at

    Last Updated : 2025-04-11
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 193.1

    CHAPTER 193Tahimik naman nga na nakaupo si Jacob sa loob ng sasakyan. Bahagya pa nga na nahawi ng malakas na hangin ang kanyang buhok at unti unti nga na lumitaw ang maamo niyang mukha.Hindi pa rin nga niya inaalis ang kanyang seatbelt at tinitigan nga niya si Raymond.“Ayokong umalis sa ganitong sitwasyon,” mahinahon na sabi ni Jacob. “Sasama na lang ako sa’yo,” dagdag pa niya.Kahit naman nga nanatiling malamig ang ekspresyon ng mukha ni Raymond ay makikita nga ang pagpipigil niya ng emosyon niya. Isang malalim na buntong hininga nga ang pinakawalan muna ni Raymondbago nga niya hinawakan ang seatbelt ni Jacob at sinimulan nga niya itong tanggalin kahit na tumututol nga si Jacob.“Huwag ng matigas ang ulo mo Jacob. Kapag may nangyaring masama sa’yo ay siguradong malulungkot ang ate Sophia mo,” malungkot pa na sabi ni Raymond.Kumunot naman nga ang noo ni Jacob. At ang mga mata nga niya at matalim at puno nga ng paninindigan. “Kung kapatid mo ang malalagay sa peligro, hindi ka ba m

    Last Updated : 2025-04-11
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 193.2

    Malaking tao nga si Wilson, maskulado pa nga ito at kitang kita ang pangingintab ng pawis sa kanyang noo. Hinawi nga niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang isang kamay kaya mas lumantad nga ang magaspang niyang mukha na isang gwapong mayabang ngunit hindi kasing gwapo ni Raymond.“Ganon ba talaga kaganda si Ms. Sophia kaya ganyan ka na lang kaobsessed sa kanya? Mas maganda ba siya kesa sa anak ni Luke?” tanong pa ni Wilson kay Raymond.Malinaw naman ang dahilan ng galit ni Wilson kay Raymond. Noon pa man kasi ay baliw na baliw na nga si Wilson sa anak ni Luke. Pero ang anak naman nga ni Luke ay kay Raymond lang nga nakatingin.At hindi lang nga iyon dahil sa mundo nga ng karera ay maraming beses na nga na tinalo ni Raymond si Wilson. Pinahiya nga siya nito sa sarili niyang larangan Kaya naman umusbong nga ang malalim na inggit at galit ni Wilson kay Raymond.Lalo namn ngang lumamig ang tingin ni Raymond. At hinawakan nga niya ang kuwelyo ni Wilson.“Kung may galit ka ay sa akin mo l

    Last Updated : 2025-04-11
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 194.1

    CHAPTER 194Ang suot ng na puting polo ni Jacob ay nabahiran na nga ng dugo. Mayroon nga ring malalim na hiwa sa kanyang dibdib si Jacob dahil sa nabasag na salamin. Patuloy nga ang pag-agos ng dugo mula roon at tumutulo na nga ito sa kanyang katawan.“Jacob, kayanin mo yan. Huwag kang matutulog ha. Dadalhin na kita sa ospital,” sabi ng assistant ni Raymond kay Jacob at halata mo nga na nagpapanic na rin.Ipinagkatiwala kasi sa kanya ni Raymond si Jacob at hindi nga niya maaaring pabayaan ito ngayon.Hawak hawak nga ng assistant ni Raymond si Jacob habang hirap na hirap nga itong magpatigil ng taxi na dumaraan.Dahan dahan naman nga na iminulat ni Jacob ang kanyang mga mata at saka nga niya pinunasan ang dugo sa kanyang noo gamit ang kanyang kamay. At nang magsalita nga siya ang dati niyang kalmado na boses ay naging matigas at matatag.“Gamutin mo na muna ang sugat ko. At pagkatapos ay dalhin mo ako sa venue ng exam,” mariin na utos ni Jacob sa assistant ni Raymond.“Nasisiraan ka n

    Last Updated : 2025-04-12
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 194.2

    Kilala kasi si Jacob bilang isang top student mula sa kanilang paaralan. At kahit hindi nga siya personal na kakilala ng lahat ay pamilyar ang karamihan sa kanyang pangalan at mukha. Lalo pa nga at karamihan nga sa mga kukuha ng exam doon ay mulasa parehong paaralan.Nang makita nga si Jacob ng principal at director ng paaralan na naroon din para magpadala ng mga estudyante sa exam ay namutla nga ila pareho dahil sa pagkabigla.“Jacob, anong nangyari sa’yo?” tanong ni Principal Monica kay Jacob at bigla ngang dumilim ang mukha nito. agad rin nga niyang linapitan si Jacob at agad na pinunasan ang malamig nitong pawis sa noo gamit ang panyo. Ramdam din nga niya na pinipilit lamang ni Jacob na tiisin nga ang sakit.Masyado pa kasing bata si Jacob at kinse anyos pa lamang nga siya. Pero ngayon nga ay duguan nga ito at sugatan kaya imposibleng hindi ito makaramdam ng sobrang sakit.“Kaya mo pa ba? Kung hindi na ay tatawag na ako ng ambulansya. Pwede pa naman tayong lumaban ulit sa susunod

    Last Updated : 2025-04-12
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 194.3

    Hindi na nga napigilan pa ng guro ang kanyang sarili. Lumapit na nga siya kaagad kaagad sa binta at napamulagat na lang siya nang makita nga niya na pulang pula at mainit ang mukha ni Jacob.“May lagnat ka,” sabi ng tagabantay kay Jacob.Dahan dahan naman nga na itinaas ni Jacob ang kanyang ulo. ngunit hindi pa man nga siya nakakabigkas ng salita ay bigla ngang pumasok si Principal Monica kasama ang doktor.naramdaman na lang nga ni Jacob na may yumakap nga sa kanya at buhat-buhat nga siyang inalalayan palabas ng kwarto na iyon.“Pakiusap… pababain nyo lang muna ang lagnat ko. May exam pa ako mamayang hapon. Kailangan kong kunin iyon… kailangan ko…” mahinang bulong ni Jacob at paos na nga rin ang kanyang boses.Ayaw kasi ni Jacob na hindi siya makkuha ng exam ngayon. Ayaw niyang sayangin ang pagkakataon na ito. Si Raymond nga ang halos nagbigay sa kanyan ng panibagong buhay kaya hindi siya pwedeng mabigo dahil hindi nga niya ito bibiguin.**************Samantala naman sa bundok kung

    Last Updated : 2025-04-12
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 195.1

    CHAPTER 195“Mag exam sa ganitong kundisyon? Baka nga nababaliw na ako,” tahimik na tanong ni Jacob sa kanyang sarili habang nakahiga nga siya sa hospital bed.“Sa lagay nya ngayon ay hindi ko inirerekomenda na ipagpatuloy niya ang kanyang pagsusulit,” direktang pahayag ni Dr. Gerome.Isinasaalang-alang nga ni Dr. Gerome ang lahat ng aspeto. Si Jacob ay kilalang henyo mula sa kanilang paaralan. matagal na siyang itinuturing na magiging top scorer sa taong ito para sa college entrance exam. Nasa mataas na pedestal na siya at kung babagsak man siya ay tiyak na masakit nga ang pagbagsak nito.Sa totoo lang ay wala ngang pakialam ang publiko kung naaksidente man si Jacob o kung nasugatan siyang pumasok sa pagsusulit na iyon. At ang tanging mahalaga lang nga sa kanila ay ang magiging resulta ng exam.Gaya nga ng paggawa ng isang hiling na kung hindi mo maabot ng kahilingan na iyon ay pagtatawanan ka. Maliban na lang kung makapaghain nga si Jacob ng isang kamangha manghang resulta matapos b

    Last Updated : 2025-04-12

Latest chapter

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 201.3

    Sa dami nga ng kneksyon ni Sophia ay hindi na nga siya nauubusan ng kasosyo o kontrata. At kung ihahambing ang mga mumurahing benepisyong iniaalok nina Max at Migual sa kung ano ang kayang ibigay ni Sophia ay parang katawa tawa lang nga iyon.May ilan nga na naroon sa silid na iyon ang napatingin nga kay Gilbert na may halong awa. Dahil kung tuluyan ngang mawawala si Raymond ayon sa batas ang lahat nga ng pag-aari nito ay mapupunta kay Sophia.At ang mga direktor nga na naroon sa silid na iyon. Halos lahat nga sila ay tahimik pero malinaw ang kinikilingan nitong panig at yun ay suportado nga nila si Sophia. Ang importante lang naman sa kanila ay ang kita. At wala nga silang pakialam kung sino ang umuupo basta’t may dala nga itong pera. Para kasi sa kanilaay wala ngang pinagkaiba si Sophia at ang pagsamba sa Diyos ng Kayamanan.Tumayo nga si Sophia habang may ngiti nga sa kanyang labi at pinagmamasdan ang lahat ng mga naroon.“Maalala ko nga pala… Ano nga ba ulit ang dahilan ng board m

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 201.2

    Gaya nga ng madalas sabihin ni Gilbert na, “Kung isa man sa mga sira ulo na kamag-anak natin ay lumaking kasing ganda ni Harold ay panigurado na siya rin ang magiging paborito ng lahat.”May lambing at pino ang itsura ni Harold at kabigha-bighani at malumanay nga ito kabaligtaran ng hitsura ng ibang miyembro ng pamilya Villamayor. Magaganda rin naman ang kanilang lahi pero lagi ngang may matigas at mapanghamon na aura ang mga ito.At dahil nga roon ay unti-unti na nga na naging kakaiba ang tensyon sa loob ng conference room.“Hindi mo na kailangang ipaliwanag pa,” sabi ni Sophia kasabay nga ng pagsulyap niya sa mga ito habang nakaupo nga siya sa gilid ng mahabang mesa. Marahan pa nga niyang pinipindot-pindot ng kanyang mahabang daliri ang mesa.“Narito ako ngayon sa kumpanya kasama si Harold para sa isang kontrata,” kalmado pa na sabi ni Sophia.“Matagal nang may ugnayan ang Prudence at ako. At ang bagong 3D rlated na proyekto ay personal kong pakikipagtulungna sa Prudence at hindi sa

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 201.1

    CHAPTER 201Bahagya naman nga na tumaas ang kilay ni Harold saka nga siy marahan na ngumiti habang nakatitig kay Miguel Villamayor.Sanay na nga siya sa negosyante na mukhang maamo pero mapanganib. At ito nga ang mga tao na may apanlinlang na ngiti, pero may itinatagong bangis o matinding plano sa likod ng kanilang mga salita.Pero sa pananaw nga ni Harold ay isa lang nga lang ang naiisip niya kay Miuel at iyon nga ay ‘mukha siyang tanag’.“Hindi ba at iisa lamang ang kapatid ni Mr. Raymond?” tanong ni Harold habang bahagya pa nga na naningkit ang kanyang mga mata. “Hindi ba’t ang kapatid niya ay si Miguel? Kailan pa naging malapit si Raymond kay Max Villamayor?” sabi pa ni Harold at saka nga siya napangisi.“bagong bago pa lang nga ang gulo ni Mr. Max, pero heto at masaya pa ring umiinom at nakikipagkwentuhan si Mr. Miguel sa kanya at tinatawag pa nga siyang ‘kapatid’. Mukhang ganito pala talaga kalalim ang relasyon nilang dalawa,” pagpapatuloy pani Harold.Pero ano nga ba talaga ang

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 200.3

    Pero pinatunayan nga ng reyalidad ang masakit na katotohanan. Ang kagandahan ay isa ngang kapangyarihan. At kapag ang kagandahan ay sinamahan pa nga ng tagumpay ay mas lalo nga iyong nakakabighani.“Si Sophia ay niloloko si Raymond. Niloloko niya. Pakiusap, mag-focus kayo sa tunay na issue. May affair silang dalawa. Naiintindihan nyo ba? MAY AFFAIR SILA!” halos mapasigaw na nga si Max habang patuloy nga ito sa live stream niya.Sa comment section naman ay may mga ilan nga na hindi nagpapatinag at tila ba mas panig pa nga ang mga ito kina Sophia at Harold.“Napakagwapo talaga ni Mr. Harold. At parang nakakabaliw nga talaga ang kagwapuhan niya.”“Hindi ba’t si Ms. Sophia ay malaki ang impluwensya sa mundo ng negosyo? Bakit naman hindi sila pwedeng magtulungan na dalawa? Wag kayong basta n alang manghusga at sabihing may milagro na nangyayari,” sabi ng isa sa mga nanonood ng live stream ni Max. “Ang totoo nyan ay ikaw nga yata ang mukhang mahilig sa gulo Mr. Max Villamayor, /sigurado ka

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 200.2

    Isang titig nga iyon na parang tumatagos sa kaluluwa dahilan para mapahinto ang tibok ng puso ng sinumang nakatingin doon.Sunod-sunod nga ang mga naging komento sa live chat at karamihan nga ay paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Sophia.Bahagya lamang nga na itinaas ni Sophia ang kanyang kilay habang si Max ay halos mamula na ang mukha nang dahil sa galit. At sa mga sandaling iyon ay pakiramdam nga niya ay isa siyang malaking biro.Galit na galit nga na itinutok ni Max ang screen ng cellphone niya kay Harold. Isa na namang beauty filter attack ang nakita ng lahat ng nanonood ng live stream na iyon.Kakaiba nga ang itsura ni Harold kay Sophia. Kung si Sophia kasi ay malamig at elegante ang dating, si Harold naman ay may pilak na buhok na lalo ngang nagpatingkad sa matalas at mapanuksong anyo ng kanyang mukha. Nakatayo nga siya ngayon sa harap ni Sophia at tila ba wala nga itong pakialam, tamad ang kilos at ni hindi man lang nga ito tumitingin sa camera.“Tingnan niyo. Ito ang

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 200.1

    CHAPTER 200Nagtaas naman ng tingin niya si Sophia at saka nga niya malamig na tiningnan si Max. At kitang kita nga sa knyang mga mata ang lamig at pangungutya.“Maaari ko bang malaman kung sino ka?” malamig na tanong ni Sophia kay Max.Nakahawak nga ang isang kamay ni Sophia sa gilid ng mesa habang may bahid nga ng malamig na ngiti ang kanyang mga mata.“Tatlong taon akong nagtrabaho sa lungsod pero ngayon ko lang narinig ang tungkol sa’yo ‘Dakilang Buddha’ sa marangyang mundong ito,” sabi pa ni Sophia at saglit pa nga siyang nagkunwari na natauhan. “Ahh… Ikaw nga pala si Mr. Max Villamayor. Pasensya ka na. Matagal-tagal na in mula nang huli tayong nagkita. Sa tingin ko ay parang pumayat ka yata nitong mga nakaraang araw dahil sa kung ano mang problema. Kaya siguro ganito ka kahina ngayon,” pagpapatuloy pa ni Sophia at wala ngang pag-aalinlangan iyon at isang malinaw at lantad na panlalait nga iyon.Alam kasi ng lahat na kamakailan lang ay pinaalis nga ni Raymond si Max at inalis sa

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 199.3

    Pagdating nga niya sa conference room sa pinakamataas na palapag ay hindi na nga siya nag-abala pa na kumatok roon. Bahagya pa ngang namutla ang guard na nakabantay sa sa pinto ng makita nga siya. Wala namang malinaw na utos mula sa director na hindi nga siya pwedeng pumasok kaya hindi naman nga siya pinigilan ng guard.Mas deretsahan nga si Harold at agad na nga niyang binuksan ang pintuan ng conference room.Sa loob nga noon ay naroon nga si Gilbert na kasalukuyan nga na nagsasalita. Pero natigilan nga ito ng makita nga niya si Sophia.“Pasensya na kung nahuli ako ng dating,” malumanay pa na sabi ni Sophia at wala ngang bahid ng kaba ang kanyang tinig.Matatag nga ang kanyang tindig. Maliwanag ang kanyang mga mata ngunit may kalamigan nga ng tingin nito. Dahan-dahan nga siyang naglakad sa loob ng conference room hanggang sa makarating nga siya sa upuan kung saan nakaupo si Gilbert.Diretso nga na tiningnan ni sphia si Gilbert.“Mr. Gilbert, mukhang akin ang upuan na iyan,” kalmado p

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 199.2

    “Sigurado ka ba na pupunta ka pa roon?” tanong kaagad ni Harold kay Sophia. “Sa lagay mong iyan ay mahina pa ang iyong katawan. Tapos haharap ka pa sa mga matatandang buwaya ng pamilya Villamayor? Mas tuso pa ang mga iyon kaysa sa inaakala mo…”Hindi pa man nga tapos sa kanyang sinasabi si Harold ay tiningnan na nga siya ni Sophia habang may ngiti nga sa labi nito.“Mas mabigat pa ang laman ng isipan ko kaysa sa kanila,” sabi ni Sophia.Totoo naman kasi na mas mabigat nga ang iniisip ngayon ni Sophia kaysa sa mga tao ng Villamayor Group. Alam na alam na kasi ni Sophia ng mga pinaplano ng pamilya Villamayor. Pero alam kaya ng pamilya Villamayor ang totoong nilalaman ng puso’t isipan niya?Nagbihis naman nga si Sophia ng isang beige na corporate suit. Maingat nga siyang nag make-up para nga maitago niya ang maputla niyang mukha.Habang nakatingin nga siya sa salamin ay nakita nga ni Sophia ang kanyang sarili na matalas ang tingin at matapang ang anyo. At hindi nga niya kayang ipakita na

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 199.1

    CHAPTER 199Marami nga ngayon ang usap-usapan tungkol sa pamilya Villamayor.Ayon nga sa balita ay matagal nang gumawa ng testamento si Raymond dahil sa sobrang pagkahumaling niya sa isang babae. At sa kanya ngang testamento ay iniiwan niya ang lahat ng kanyang ari-arian at shares kay Sophia. At kung hindi nga mahanap ang katawan ni Raymond ngayon ay si Sophia lang ang magiging tagapagmana ng lahat ng iyon. Siya lang ang makakakuha ng kabuuang yaman ng Villamayor Group sa mga darating na taon.“Ang galing naman niya. Na-promote, yumaman tapos nawalan ng asawa. Sino ba naman ang hindi magdududa sa kanya?”“Pero teka lang. Hindi ba at linoko ni Sophia si Francis habang kasal pa sila? Pagkatapos ay halos wala pa ngang pagitan ay agad na nga siyang sumama kay Raymond. At pagkatapos nga niyang umalis sa kumpanya ng mga Bustamante ay nakunan nga siya sa anak nila ni Ramond. Tapos ngayon nga ay may problema na naman si Raymond? Paano mo nga naman masasabing wala siyang kinalaman dito?”“Kung

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status