Share

CHAPTER 193.1

Author: Phoenix
last update Last Updated: 2025-04-11 22:58:12

CHAPTER 193

Tahimik naman nga na nakaupo si Jacob sa loob ng sasakyan. Bahagya pa nga na nahawi ng malakas na hangin ang kanyang buhok at unti unti nga na lumitaw ang maamo niyang mukha.

Hindi pa rin nga niya inaalis ang kanyang seatbelt at tinitigan nga niya si Raymond.

“Ayokong umalis sa ganitong sitwasyon,” mahinahon na sabi ni Jacob. “Sasama na lang ako sa’yo,” dagdag pa niya.

Kahit naman nga nanatiling malamig ang ekspresyon ng mukha ni Raymond ay makikita nga ang pagpipigil niya ng emosyon niya. Isang malalim na buntong hininga nga ang pinakawalan muna ni Raymondbago nga niya hinawakan ang seatbelt ni Jacob at sinimulan nga niya itong tanggalin kahit na tumututol nga si Jacob.

“Huwag ng matigas ang ulo mo Jacob. Kapag may nangyaring masama sa’yo ay siguradong malulungkot ang ate Sophia mo,” malungkot pa na sabi ni Raymond.

Kumunot naman nga ang noo ni Jacob. At ang mga mata nga niya at matalim at puno nga ng paninindigan.

“Kung kapatid mo ang malalagay sa peligro, hindi ka ba m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 193.2

    Malaking tao nga si Wilson, maskulado pa nga ito at kitang kita ang pangingintab ng pawis sa kanyang noo. Hinawi nga niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang isang kamay kaya mas lumantad nga ang magaspang niyang mukha na isang gwapong mayabang ngunit hindi kasing gwapo ni Raymond.“Ganon ba talaga kaganda si Ms. Sophia kaya ganyan ka na lang kaobsessed sa kanya? Mas maganda ba siya kesa sa anak ni Luke?” tanong pa ni Wilson kay Raymond.Malinaw naman ang dahilan ng galit ni Wilson kay Raymond. Noon pa man kasi ay baliw na baliw na nga si Wilson sa anak ni Luke. Pero ang anak naman nga ni Luke ay kay Raymond lang nga nakatingin.At hindi lang nga iyon dahil sa mundo nga ng karera ay maraming beses na nga na tinalo ni Raymond si Wilson. Pinahiya nga siya nito sa sarili niyang larangan Kaya naman umusbong nga ang malalim na inggit at galit ni Wilson kay Raymond.Lalo namn ngang lumamig ang tingin ni Raymond. At hinawakan nga niya ang kuwelyo ni Wilson.“Kung may galit ka ay sa akin mo l

    Last Updated : 2025-04-11
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 194.1

    CHAPTER 194Ang suot ng na puting polo ni Jacob ay nabahiran na nga ng dugo. Mayroon nga ring malalim na hiwa sa kanyang dibdib si Jacob dahil sa nabasag na salamin. Patuloy nga ang pag-agos ng dugo mula roon at tumutulo na nga ito sa kanyang katawan.“Jacob, kayanin mo yan. Huwag kang matutulog ha. Dadalhin na kita sa ospital,” sabi ng assistant ni Raymond kay Jacob at halata mo nga na nagpapanic na rin.Ipinagkatiwala kasi sa kanya ni Raymond si Jacob at hindi nga niya maaaring pabayaan ito ngayon.Hawak hawak nga ng assistant ni Raymond si Jacob habang hirap na hirap nga itong magpatigil ng taxi na dumaraan.Dahan dahan naman nga na iminulat ni Jacob ang kanyang mga mata at saka nga niya pinunasan ang dugo sa kanyang noo gamit ang kanyang kamay. At nang magsalita nga siya ang dati niyang kalmado na boses ay naging matigas at matatag.“Gamutin mo na muna ang sugat ko. At pagkatapos ay dalhin mo ako sa venue ng exam,” mariin na utos ni Jacob sa assistant ni Raymond.“Nasisiraan ka n

    Last Updated : 2025-04-12
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 194.2

    Kilala kasi si Jacob bilang isang top student mula sa kanilang paaralan. At kahit hindi nga siya personal na kakilala ng lahat ay pamilyar ang karamihan sa kanyang pangalan at mukha. Lalo pa nga at karamihan nga sa mga kukuha ng exam doon ay mulasa parehong paaralan.Nang makita nga si Jacob ng principal at director ng paaralan na naroon din para magpadala ng mga estudyante sa exam ay namutla nga ila pareho dahil sa pagkabigla.“Jacob, anong nangyari sa’yo?” tanong ni Principal Monica kay Jacob at bigla ngang dumilim ang mukha nito. agad rin nga niyang linapitan si Jacob at agad na pinunasan ang malamig nitong pawis sa noo gamit ang panyo. Ramdam din nga niya na pinipilit lamang ni Jacob na tiisin nga ang sakit.Masyado pa kasing bata si Jacob at kinse anyos pa lamang nga siya. Pero ngayon nga ay duguan nga ito at sugatan kaya imposibleng hindi ito makaramdam ng sobrang sakit.“Kaya mo pa ba? Kung hindi na ay tatawag na ako ng ambulansya. Pwede pa naman tayong lumaban ulit sa susunod

    Last Updated : 2025-04-12
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 194.3

    Hindi na nga napigilan pa ng guro ang kanyang sarili. Lumapit na nga siya kaagad kaagad sa binta at napamulagat na lang siya nang makita nga niya na pulang pula at mainit ang mukha ni Jacob.“May lagnat ka,” sabi ng tagabantay kay Jacob.Dahan dahan naman nga na itinaas ni Jacob ang kanyang ulo. ngunit hindi pa man nga siya nakakabigkas ng salita ay bigla ngang pumasok si Principal Monica kasama ang doktor.naramdaman na lang nga ni Jacob na may yumakap nga sa kanya at buhat-buhat nga siyang inalalayan palabas ng kwarto na iyon.“Pakiusap… pababain nyo lang muna ang lagnat ko. May exam pa ako mamayang hapon. Kailangan kong kunin iyon… kailangan ko…” mahinang bulong ni Jacob at paos na nga rin ang kanyang boses.Ayaw kasi ni Jacob na hindi siya makkuha ng exam ngayon. Ayaw niyang sayangin ang pagkakataon na ito. Si Raymond nga ang halos nagbigay sa kanyan ng panibagong buhay kaya hindi siya pwedeng mabigo dahil hindi nga niya ito bibiguin.**************Samantala naman sa bundok kung

    Last Updated : 2025-04-12
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 195.1

    CHAPTER 195“Mag exam sa ganitong kundisyon? Baka nga nababaliw na ako,” tahimik na tanong ni Jacob sa kanyang sarili habang nakahiga nga siya sa hospital bed.“Sa lagay nya ngayon ay hindi ko inirerekomenda na ipagpatuloy niya ang kanyang pagsusulit,” direktang pahayag ni Dr. Gerome.Isinasaalang-alang nga ni Dr. Gerome ang lahat ng aspeto. Si Jacob ay kilalang henyo mula sa kanilang paaralan. matagal na siyang itinuturing na magiging top scorer sa taong ito para sa college entrance exam. Nasa mataas na pedestal na siya at kung babagsak man siya ay tiyak na masakit nga ang pagbagsak nito.Sa totoo lang ay wala ngang pakialam ang publiko kung naaksidente man si Jacob o kung nasugatan siyang pumasok sa pagsusulit na iyon. At ang tanging mahalaga lang nga sa kanila ay ang magiging resulta ng exam.Gaya nga ng paggawa ng isang hiling na kung hindi mo maabot ng kahilingan na iyon ay pagtatawanan ka. Maliban na lang kung makapaghain nga si Jacob ng isang kamangha manghang resulta matapos b

    Last Updated : 2025-04-12
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 195.2

    “At kung may nakaaway man nga si Raymond at kahit pa nagreport ka na sa mga pulis ay baka wala ring mangyayari. Kung totoong may nangyari nga sa kanya ay baka mabaon na lang sa limot ang kaso,” pagpapatuloy pa ni Dr. Gerome dahil hindi naman talaga nila maitatago ito.Wala naman siyang balak na itago ang lahat. Bagamat litong lito nga ang isip ni Jacob ay alam niyang wala na siyang magagawa kundi harapin ang sitwasyon. Alam niya na mahina si Sophia at baka hindi nito kayanin ng damdamin nito ang balita pero hindi naman nga niya kayang hayaan na si Raymond lang ang magdala ng lahat ng bigat. At isa nga itong sugal na kailangan niyang gawin.“Iligtas mo siya,” paos ang boses na sabi ni Jacob. “Ang tanging naaalala ko ay sa bundok siya dinala. At ang taong umatake sa kanya ay nagngangalang Wilson,” pagpapatuloy ni Jacob.Napakurap kurap nga si Dr. Gerome dahil sa sinabi na iyon ni Jacob. At ang pangalan na binanggit ng binata ay parang isang babala na.Ang lider ng isang kilalang sindik

    Last Updated : 2025-04-12
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 195.3

    “Huwag kang maguilty,” mariin na sabi ni Sophia. “Walang mangyayaring masama kay Raymond. Isa siyang masamang damo at ang sabi nila ang masamang damo raw ay mahaba ang buhay. Babalik ssiya at ako mismo ang maghahatid sa kanya pauwi. At pagkatapo nun…” saglit pa nga na tumigil sa pagsasalita niya si Sophia.Napatingin naman nga si Jacob sa mga mata ng ate Sophia niya. At kita nga niya na wala na nga roon ang lambing. Hindi na nga iyon ang malambot at mahinhin na Sophia na nakilala niya. At sa halip nga ay malamig ang mga mata nito, matalim at puno ng galit.“Papanagutin ko sila. Sampu, sandaang ulit ng sakit na pinatikim nila sa’yo ay ibabalik ko lahat sa kanila. Pangako yan,” mariin pa na sabi ni Sophia.at sa katahimikan nga ng silid na iyon ay tanging ang mga salita na iyon ni Sophia ang naiwan. Dahil sa mundong ito ay wala namang ganap na aksidente.Kakapalabas pa lang nga ni Sophia ng ilang 3D video clips tungkol sa hologram technology at ilang araw pa lamang nga ang lumipas pero

    Last Updated : 2025-04-12
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 196.1

    CHAPTER 196Sa mundo ng negosyo, sino nga ba ang tinatawag nila na lalaking diwata? At ang una nga na pangalan na papasok sa kanilang isipan ay si Harold.Si Harold Alvarez ay ang vice president ng Prudence. At kilala nga ito hindi lamang dahil sa kanyang husay kundi pati na rin nga sa taglay nitong kagwapuhan. Usap-usapan nga noon na noong itinatatag pa lamang ang Prudence sa ibang bansa ay madalas nga itong habulin ng maraming tao, hindi lang nga ng mga kababihan kundi pati na rin nga ng mga lalaki.Sa hindi nga inaasahang pagkakaaon ay higit kalahati ng mga tao na humabol kay Harold noon ay mga taong humabol din nga kay Sophia.At ngayon nga na kahit walang ngiti sa kanyang mukha ay nanatili pa rin na mahinahon si Harold nang humarap sa kanila. Ang taglay nga niyang kagwapuhan ay tila ba umangkin ng sandaling katahimikan at pati nga si Jacob ay naanganga sa gulat ng makita siya.“Anong ginagawa mo ito?” tanong ni Jacob.“Tsk. Hindi pa ba obvious,’ maikling sagot ni Harold at saka n

    Last Updated : 2025-04-13

Latest chapter

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 197.2

    Anuman nga sa dalawang iyon ang rason a pareho nga itong ayaw makita ni Harold.Kung maging baldado nga si Raymond ay hindi na nga siya karpat-dapat sa kahit na anong pangarap. at kung hindi naman nga siya napinsala ay malaki nga ang magiging pinsala kay Sophia at sa Prudence.Ang presensya lang nga ni Raymond ay parang tanikala sa paligid ni Harold. At gusto nga niyang malaman agad ang totoo dahil gusto nga niyang makapaghanda.Bigla ngang bumigat ang panahon. Mainit at maalinsangan ang hangin at bigla ngang bumuhos ang malakas na ulan. At habang bumubuhos nga ang ulan ay halos wala na ngang makita si Sophia sa harapan niya kundi ang malabo at basang paligid.Mas lalo ngang tumindi ang amoy ng sunog sa hangin matapos nga nitong maulanan.Nakakaramdam na nga ng pagkahilo si Sophia. At paulit ulit nga niyang pinipigilan ang kanyang sarili na msuka dahil sa amoy na iyon.“Umalis na muna tayo. Buhay pa si Raymond” sabi n Harold kay sophia.Nanatili naman nga na tahimik si Sophia at hindi

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 197.1

    CHAPTER 197Wasak na wasak nga ang sports car na naroon at halos wala na ngang natira kundi ang pira-piarso nitong bahagi. At dahil nga sa pagsabog dahil sa pagtagas ng gasolina nito ay makikita nga ang ilang bahagi ng sasakyan na nagkalat doon.hindi naman nga makapasok si Sophia roon gamit ang wheelchair niya kaya naman kinailangan nga siyang tulungan ni Harold para makalapit siya roon.Tanghaling tapat nga ng mga oras na iyon pero tila ba madilim nga ang kalangitan dahil sa makakpal ang mga ulap na tila ba bumubulong ng isang masamang balita. Para bang ang bundok nga ay tinakpan ng anino na nagdadala ng hindi maipaliwanag na kaba at bigat ng damdamin.Napakarami ngang sports cars at racing cars ang nagbungguan sa bundk na iyon. Lahat nga ay wasak at nagkapatong patong na dahil sa trahedyang hindi nga madaling kalimutan.Mula sa ilang sasakyan ay maririnig pa nga ang mahihinang paghingi ng tulong.Habang papalapit nga si Sophia roon ay unti-unti nga niyang nakita ang isang sasakyan

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 196.3

    Oo nga at hindi naman niya ipagsasabi ang tungkol sa bagay na ito. Ngunit kahit pa man hindi niya ito ikalat a mukhang hindi rin nga ito mananatiling lihim nang matagal.Halata naman nga na mayroong mabigat na problema si Raymond ngayon. Sa pamilya Villamayor ay hindi nga basta-basta ang mga kalaban. At kung wala si Raymond para ipagtanggol si Sophia ay sino pa ang kikilala sa kanyang pagkatao?Hindi lamang nga ang mga shareholders ng Villamayor Group ang posibleng hindi tumanggap sa huling habilin ni Raymond. Maging sina Max at Gilbert Villamayor ay siguradong kokontra. At hindi lang nga sila basta tututol at tiyak nga na tatargetin nila si Sophia para makuha ang yaman ng pamilya Villamayor.Magiging sentro nga si Sophia ng pagbatikos at paninirang-puri. At baka nga pagbintangan pa siya na ginamit niya si Raymond para agawin ang kanyang mga ari-arian.Kung dati nga ay mag aalala si Dr. Gerome na baka nga hindi kayanin ni Sophia ang ganitong laban at baka kailanganin pa niya ang sup

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 196.2

    Bahagya naman nga na umatras si Harold at muling pumwesto sa tabi ni Sophia. At tahimik nga nitong itinulak ang wheelchair ng dalaga palayo.Pero bago pa man nga sila tuluyang umalis ay mahinahon nga niyang itinaas ang kamay niya.“Jacob may inatasan nga pala ako na mag-alaga sa’yo. At kung may kailangan ka ay huwag kang mahiyang magsabi. Ikaw ang batang amo ng Prudence,” sabi ni Harold.Pagkaalis nga ni Harold ay iniwan nga niya ang linya na ikinagulat ng lahat at napaisip pa nga ang mga ito na kung ano ang ibig sabihin ni Harold sa sinabi nito na batang amo ng Prudence si Jacob?Wala ngang nakakaalam kung sino ang tunay na ama ni Jacob. ang kanya ngang ina ay si Theresa na matagal na ngang pumanaw. At ang natatangi na lang na kamag-anak niya ay ang kanyang kaptid na si Sophia.Kung batang amo nga si Jacob ng Prudence, ang tanong ngayon ay sino ang totoong namumuno sa Prudence? At ang tanging kasagutan nga roon ay si Sophia lang.At kahit nga si Dr. Gerome na hindi kailanman sumagi s

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 196.1

    CHAPTER 196Sa mundo ng negosyo, sino nga ba ang tinatawag nila na lalaking diwata? At ang una nga na pangalan na papasok sa kanilang isipan ay si Harold.Si Harold Alvarez ay ang vice president ng Prudence. At kilala nga ito hindi lamang dahil sa kanyang husay kundi pati na rin nga sa taglay nitong kagwapuhan. Usap-usapan nga noon na noong itinatatag pa lamang ang Prudence sa ibang bansa ay madalas nga itong habulin ng maraming tao, hindi lang nga ng mga kababihan kundi pati na rin nga ng mga lalaki.Sa hindi nga inaasahang pagkakaaon ay higit kalahati ng mga tao na humabol kay Harold noon ay mga taong humabol din nga kay Sophia.At ngayon nga na kahit walang ngiti sa kanyang mukha ay nanatili pa rin na mahinahon si Harold nang humarap sa kanila. Ang taglay nga niyang kagwapuhan ay tila ba umangkin ng sandaling katahimikan at pati nga si Jacob ay naanganga sa gulat ng makita siya.“Anong ginagawa mo ito?” tanong ni Jacob.“Tsk. Hindi pa ba obvious,’ maikling sagot ni Harold at saka n

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 195.3

    “Huwag kang maguilty,” mariin na sabi ni Sophia. “Walang mangyayaring masama kay Raymond. Isa siyang masamang damo at ang sabi nila ang masamang damo raw ay mahaba ang buhay. Babalik ssiya at ako mismo ang maghahatid sa kanya pauwi. At pagkatapo nun…” saglit pa nga na tumigil sa pagsasalita niya si Sophia.Napatingin naman nga si Jacob sa mga mata ng ate Sophia niya. At kita nga niya na wala na nga roon ang lambing. Hindi na nga iyon ang malambot at mahinhin na Sophia na nakilala niya. At sa halip nga ay malamig ang mga mata nito, matalim at puno ng galit.“Papanagutin ko sila. Sampu, sandaang ulit ng sakit na pinatikim nila sa’yo ay ibabalik ko lahat sa kanila. Pangako yan,” mariin pa na sabi ni Sophia.at sa katahimikan nga ng silid na iyon ay tanging ang mga salita na iyon ni Sophia ang naiwan. Dahil sa mundong ito ay wala namang ganap na aksidente.Kakapalabas pa lang nga ni Sophia ng ilang 3D video clips tungkol sa hologram technology at ilang araw pa lamang nga ang lumipas pero

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 195.2

    “At kung may nakaaway man nga si Raymond at kahit pa nagreport ka na sa mga pulis ay baka wala ring mangyayari. Kung totoong may nangyari nga sa kanya ay baka mabaon na lang sa limot ang kaso,” pagpapatuloy pa ni Dr. Gerome dahil hindi naman talaga nila maitatago ito.Wala naman siyang balak na itago ang lahat. Bagamat litong lito nga ang isip ni Jacob ay alam niyang wala na siyang magagawa kundi harapin ang sitwasyon. Alam niya na mahina si Sophia at baka hindi nito kayanin ng damdamin nito ang balita pero hindi naman nga niya kayang hayaan na si Raymond lang ang magdala ng lahat ng bigat. At isa nga itong sugal na kailangan niyang gawin.“Iligtas mo siya,” paos ang boses na sabi ni Jacob. “Ang tanging naaalala ko ay sa bundok siya dinala. At ang taong umatake sa kanya ay nagngangalang Wilson,” pagpapatuloy ni Jacob.Napakurap kurap nga si Dr. Gerome dahil sa sinabi na iyon ni Jacob. At ang pangalan na binanggit ng binata ay parang isang babala na.Ang lider ng isang kilalang sindik

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 195.1

    CHAPTER 195“Mag exam sa ganitong kundisyon? Baka nga nababaliw na ako,” tahimik na tanong ni Jacob sa kanyang sarili habang nakahiga nga siya sa hospital bed.“Sa lagay nya ngayon ay hindi ko inirerekomenda na ipagpatuloy niya ang kanyang pagsusulit,” direktang pahayag ni Dr. Gerome.Isinasaalang-alang nga ni Dr. Gerome ang lahat ng aspeto. Si Jacob ay kilalang henyo mula sa kanilang paaralan. matagal na siyang itinuturing na magiging top scorer sa taong ito para sa college entrance exam. Nasa mataas na pedestal na siya at kung babagsak man siya ay tiyak na masakit nga ang pagbagsak nito.Sa totoo lang ay wala ngang pakialam ang publiko kung naaksidente man si Jacob o kung nasugatan siyang pumasok sa pagsusulit na iyon. At ang tanging mahalaga lang nga sa kanila ay ang magiging resulta ng exam.Gaya nga ng paggawa ng isang hiling na kung hindi mo maabot ng kahilingan na iyon ay pagtatawanan ka. Maliban na lang kung makapaghain nga si Jacob ng isang kamangha manghang resulta matapos b

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 194.3

    Hindi na nga napigilan pa ng guro ang kanyang sarili. Lumapit na nga siya kaagad kaagad sa binta at napamulagat na lang siya nang makita nga niya na pulang pula at mainit ang mukha ni Jacob.“May lagnat ka,” sabi ng tagabantay kay Jacob.Dahan dahan naman nga na itinaas ni Jacob ang kanyang ulo. ngunit hindi pa man nga siya nakakabigkas ng salita ay bigla ngang pumasok si Principal Monica kasama ang doktor.naramdaman na lang nga ni Jacob na may yumakap nga sa kanya at buhat-buhat nga siyang inalalayan palabas ng kwarto na iyon.“Pakiusap… pababain nyo lang muna ang lagnat ko. May exam pa ako mamayang hapon. Kailangan kong kunin iyon… kailangan ko…” mahinang bulong ni Jacob at paos na nga rin ang kanyang boses.Ayaw kasi ni Jacob na hindi siya makkuha ng exam ngayon. Ayaw niyang sayangin ang pagkakataon na ito. Si Raymond nga ang halos nagbigay sa kanyan ng panibagong buhay kaya hindi siya pwedeng mabigo dahil hindi nga niya ito bibiguin.**************Samantala naman sa bundok kung

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status