“Si Raymond ay nag aral sa isang kilalang unibersidad. Palagi siyang pinapalampas ng mga guro sa kanyang mga marka sa ibang bansa. Naging henyo ang tingin sa kanya ng mga professor niya sa mga panahon na iyon. Habang si Ms. Camille naman ay nakilahok sa ilang proyekto kasama ko. At siya nga ang mas nakakakilala kay Raymond,” sagot ni Gilbert. “Ang kasal na ito ay si Ms. Camille mismo ang nagsabi. Si Ms. Camille ang nagpasimula nito. At kung tatanggihan siya ng pamilya Villamayor ay masyado naman yata itong magiging magaspang. Kaya naman hinihiling na namin sa’yo Ms. Sophia na isuko mo na ang inyong relasyon ni Raymond,” dagdag pa ni Gilbert.Bagamat sinasabi nga nila na gusto nilang isuko ni Sophia ang kanilang realsyon ni Raymond pero ang tunay nilang layunin ay itaboy nga ito palayo.Yumuko naman nga si Sophia at saka nga nya tiningnan ang oras a kanyang suot na relo at saka nga siya napangisi.“Walang saysay ang pag uusap natin na ito. Bakit hindi na lang tayo maghintay pa ng ilang
CHAPTER 183Bihirang bihira naman nga na kausapin ni Miguel ang kanyang kapatid na si Raymond sa ganoong paraan. Kaya naman kahit na seryoso na ang kanilang usapan ay muntik na nga na mapangiti si Raymond.Noon pa man ay nagpapanggap na siyang isang babaero na walang saysay. Walang mayaman na dalaga sa kanilang mundo ang pumapansin sa kanya. Karaniwan kasi ang tingin sa kanya ay nakikipaglokohan lamang at ang tanging ang mga galing sa simpleng pamilya lang ang dumusubok na lumapit sa kanya para lang makapasok sa angkan ng mga Villamayor.Pero si Sophia nga ay kahit hindi perpektoang pinanggalingan ay may taglay naman na karisma at galing na sapat na pantakip sa anumang kakulangan sa likod ng kanyang pagkatao.Lalo na at ang ina ni Sophia ay si Theresa— isang pangalan na sapat na upang tingalain nga siya ng kahit na sino.“Kung ganyan ang iniisip mo ay marahil nga ay dahil hindi ako karapat dapat para sa kanya,” sabi ni Raymond at saka nga siya diretsong tumingin sa kanyang kapatid. “N
Kahit gaano pa nga siya kalakas nang dumating ang ganitong pagsubok ay para ngang binura ang lahat ng kanyang ipinundar. At sa isang iglap nga ay naging isa na lamang siyang ‘babaeng hiwalay sa asawa’.Tahimik naman na ngumiti si Raymond a kanyang kuya Miguel.“Sa palagay mo ba ay ako ang pumili kay Sophia?” aniya. “Hindi dahil sa simula’t sapul ay ako ang pinili niya. At si Sophia ang may hawak ng lahat,” dagdag pa ni Raymond habang mababa at banayad nga ang kanyang tinig oero matatag.“Magaling si Phia. At siya ang mahal ko,” sabi pa ni Raymond at wala nga siyang pag aalinlangan sa bawat salitang lumabas aa kanyang bibig.“Sa tingin ko talaga ay baliw ka na,” nanginginig ang labi na sabi ni Miguel. At ang dati nga niyang mahinahon na mukha ay unti unti na ngang napalitan ng bigat at pagkabahala.Ngunit imbes na mabahala ay ngumiti lamang si Raymond sa kanyang kapatid.“Kung may baliw man dito ay ikaw na yun,” sagot ni Raymond. “Sa dami ng taon na lumipas ay hindi ko kailanman natutu
CHAPTER 184“Magaling at matalino nga si Raymond pero Mr. Miguel saan ka ba naman niya nahihigitan?” mahinahon pa na tanong ni James habang sinusubukan nga niyang kumbinsihin si Miguel.Bahagya nga na lumuhod si James sa harapan ni Miguel at halos magpantay na nga ang kanilang mga mata. Tinitigan nga niya si Miguel at nanatili lamang nga na malumanay ang kanyang mga mata ngunit sa ilalim nga nito ay may nakatagong matinding poot.“Mr. Miguel,” sabi ni James. “Nagkaroon lamang naman ng bali ang iyong mga binti kaya bakit kailangan mo pang isuko ang pagkakataon na maging tagapagmana?” sabi pa ni James habang may mapanuksong ngiti nga ang nakapaskil sa kanyang labi.“Miguel ikaw pa rin ang tunay na panganay na pamilya Villamayor. At dapat lang na ikaw ang maging tagapagmana, hindi ba?” sabi pani James.Napalunok naman nga ng sarili nyang laway si Miguel dahil sa sinabi na iyon ni James at tila ba bigla itong napaisip ng malalim.Ilang araw na rin kasi ang nakalilipas ng mahanap nga ni Ja
Ramdam kasi ni James na may pag aalinlangan nga sa puso ni Miguel. Kaya naman marahan niyang ipinatong ang kanyang kamay sa balikat nito at saka nya ito bahagyang tinapik.“Mr. Miguel kung hindi mo sasamantalahin ang pagkakataon na ito ay mapipilitan kaming lumapit sa isa nyo oanh kapatid. At kapag nangyari iyon ay wala nang poprotekta pa sa’yo. Sigurado ako na tatargetin ng pamilya Bustamante si Raymond at tiyak ako na matatalo siya,” walang paligoy ligoy pa na sabi ni James kay Miguel at tila ba dahan dahan nga niya itong kinukumbinsu.“Kapag ang isa nyo pang kapatid ang pumalit ay mawawalan na kayong magkapatid ng lugar sa pamilya Villamayor. At si Gilbert? Hindi ba at mas mahal pa niya ang isa nyo oang kapatid kaysa sa inyo?” dagdag pa ni James at bawat salita nga na kanyang binitawan ay parang patalim na tumatama sa kahinaan ni Miguel.Napatulala naman nga si Miguel dahil sa mga narinig niya. At unti unti na ngang nabubuhay ang kasakiman sa kanyang puso.Tama nga naman kasi ito d
Marami na ngang matatalino na katulad ni Camille Ledezma sa mundo pero ilan lang ba sa kanila ang kayang baguhin ang mundo ng buong industriya ng finance? Ilan lang ba ang kayang gapiin ang dayuhang pamilihan?Pero habangmas hangal nga si Miguel Vilamayor ay mas pabor nga ito para sa kanila. Tahimik naman nga na naghihintay si James sa araw na masaktan si Sophia nang labis para bumalik na nga ito sa piling ni Francis.***********Sa kabilang banda naman si Raymond nga ay walang kamalay malay sa mga plano at kasunduan sa pagitan ng kanyang kapatid na si Miguel at James. Dahil para nga sa kanya ang kuya Miguel nga niya na kasabay niyang lumaki ay ang nag iisang at tanging tao na pinagkakatiwalaan niya.Mabilis naman nga na pumunta si Raymond sa lumang bahay ng pamilya Villamayor. Pagkabukas nga niya ng pinto ay agad nga niyang narinig ang boses ni Sophia.“Kapag pumayag si Raymond na makipaghiwalay ay hinding hindi na ako mangingialam pa,” sabi ni Sophia.Pagkarinig nga ni Raymond nito
CHAPTER 185Napangisi naman nga si Raymond at bahagya pa nga na napataas ang kanyang kilay malinaw na bakas ng pang aalipusta.“Masama akong tao. Hindi mo ba yun alam noong una pa lamang? Nakakatawang isipin na ang isang matandang g*go ay nagkaroon ng anak na g*go. Bagay na bagay sa’yo, hindi ba?” sabi ni Raymond sa kanyang ama.Hindi lang nga dahil sa hindi gusto ni Gilbert ang ina ni Raymond kung bakit malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Ang isa pa nga niyang dahilan ay ang masamang ugali ng kanyang anak na sadyang kinaiinisan niya. Kaya noong pinapasok si Raymond sa ibang bansa ay hindi nga ito dahil sa pagpapalago ng kinabukasan niya kundi dahil sa hindi na nga siya kayang tiisin pa ni Gilbert.Talaga namang nakakainis nga ang ugali ni Raymond dahil sa sampung salita nga na sinasabi nito ang siyam doon ay parang may mga tinik. Tulad na lamang nga ngayon na bigla na lang nga itong umuwi at walang pasabi na pinatay ang aircon doon.Pero may karapatan nga ba si Raymond na salungat
“Sagutin mo siya Raymond. Si Ms. Camille ba o ako?” mahinang sabi ni Sophia sa binata.Napakasimple lang ng mukha ni Sophia pero taglay pa rin nga nito ang kakaibang karisma. at ang boses nga niya ay mababa pero may halong pang aakit.Agad naman na napangiti si Raymond at may mahina p nga na tawa ang lumabas sa kanyang bibig.“Mukhang gustong gusto mo talagang marinig ang sagot ko no?” tatawa tawa pa na sagot ni Raymond kay Sophia.“Di ba sinabi ni Phia na kapag pumayag ako na makipaghiwalay ay hinding hindi na niya ako guguluhin pa?” sabi pa ni Raymond at may ngiti pa nga sa kanyang labi habang binabanggit ang mga salita na iyon pero malinaw na may bahagya ngang inis sa kanyang tinig. totoo kasi na naiinis pa rin siya roo at hindi nga iyon madaling kalimutan.Tinitigan naman nga ni Sophia si Raymond ng ilang segundo. Napakurap kurap pa nga siya at bakas nga sa mukha nito ang bahagyang pagkainis. Ayaw naman na niyang patulan pa si Raymond kaya naman agad na nga niyang pinaandar ang k
Pero pinatunayan nga ng reyalidad ang masakit na katotohanan. Ang kagandahan ay isa ngang kapangyarihan. At kapag ang kagandahan ay sinamahan pa nga ng tagumpay ay mas lalo nga iyong nakakabighani.“Si Sophia ay niloloko si Raymond. Niloloko niya. Pakiusap, mag-focus kayo sa tunay na issue. May affair silang dalawa. Naiintindihan nyo ba? MAY AFFAIR SILA!” halos mapasigaw na nga si Max habang patuloy nga ito sa live stream niya.Sa comment section naman ay may mga ilan nga na hindi nagpapatinag at tila ba mas panig pa nga ang mga ito kina Sophia at Harold.“Napakagwapo talaga ni Mr. Harold. At parang nakakabaliw nga talaga ang kagwapuhan niya.”“Hindi ba’t si Ms. Sophia ay malaki ang impluwensya sa mundo ng negosyo? Bakit naman hindi sila pwedeng magtulungan na dalawa? Wag kayong basta n alang manghusga at sabihing may milagro na nangyayari,” sabi ng isa sa mga nanonood ng live stream ni Max. “Ang totoo nyan ay ikaw nga yata ang mukhang mahilig sa gulo Mr. Max Villamayor, /sigurado ka
Isang titig nga iyon na parang tumatagos sa kaluluwa dahilan para mapahinto ang tibok ng puso ng sinumang nakatingin doon.Sunod-sunod nga ang mga naging komento sa live chat at karamihan nga ay paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Sophia.Bahagya lamang nga na itinaas ni Sophia ang kanyang kilay habang si Max ay halos mamula na ang mukha nang dahil sa galit. At sa mga sandaling iyon ay pakiramdam nga niya ay isa siyang malaking biro.Galit na galit nga na itinutok ni Max ang screen ng cellphone niya kay Harold. Isa na namang beauty filter attack ang nakita ng lahat ng nanonood ng live stream na iyon.Kakaiba nga ang itsura ni Harold kay Sophia. Kung si Sophia kasi ay malamig at elegante ang dating, si Harold naman ay may pilak na buhok na lalo ngang nagpatingkad sa matalas at mapanuksong anyo ng kanyang mukha. Nakatayo nga siya ngayon sa harap ni Sophia at tila ba wala nga itong pakialam, tamad ang kilos at ni hindi man lang nga ito tumitingin sa camera.“Tingnan niyo. Ito ang
CHAPTER 200Nagtaas naman ng tingin niya si Sophia at saka nga niya malamig na tiningnan si Max. At kitang kita nga sa knyang mga mata ang lamig at pangungutya.“Maaari ko bang malaman kung sino ka?” malamig na tanong ni Sophia kay Max.Nakahawak nga ang isang kamay ni Sophia sa gilid ng mesa habang may bahid nga ng malamig na ngiti ang kanyang mga mata.“Tatlong taon akong nagtrabaho sa lungsod pero ngayon ko lang narinig ang tungkol sa’yo ‘Dakilang Buddha’ sa marangyang mundong ito,” sabi pa ni Sophia at saglit pa nga siyang nagkunwari na natauhan. “Ahh… Ikaw nga pala si Mr. Max Villamayor. Pasensya ka na. Matagal-tagal na in mula nang huli tayong nagkita. Sa tingin ko ay parang pumayat ka yata nitong mga nakaraang araw dahil sa kung ano mang problema. Kaya siguro ganito ka kahina ngayon,” pagpapatuloy pa ni Sophia at wala ngang pag-aalinlangan iyon at isang malinaw at lantad na panlalait nga iyon.Alam kasi ng lahat na kamakailan lang ay pinaalis nga ni Raymond si Max at inalis sa
Pagdating nga niya sa conference room sa pinakamataas na palapag ay hindi na nga siya nag-abala pa na kumatok roon. Bahagya pa ngang namutla ang guard na nakabantay sa sa pinto ng makita nga siya. Wala namang malinaw na utos mula sa director na hindi nga siya pwedeng pumasok kaya hindi naman nga siya pinigilan ng guard.Mas deretsahan nga si Harold at agad na nga niyang binuksan ang pintuan ng conference room.Sa loob nga noon ay naroon nga si Gilbert na kasalukuyan nga na nagsasalita. Pero natigilan nga ito ng makita nga niya si Sophia.“Pasensya na kung nahuli ako ng dating,” malumanay pa na sabi ni Sophia at wala ngang bahid ng kaba ang kanyang tinig.Matatag nga ang kanyang tindig. Maliwanag ang kanyang mga mata ngunit may kalamigan nga ng tingin nito. Dahan-dahan nga siyang naglakad sa loob ng conference room hanggang sa makarating nga siya sa upuan kung saan nakaupo si Gilbert.Diretso nga na tiningnan ni sphia si Gilbert.“Mr. Gilbert, mukhang akin ang upuan na iyan,” kalmado p
“Sigurado ka ba na pupunta ka pa roon?” tanong kaagad ni Harold kay Sophia. “Sa lagay mong iyan ay mahina pa ang iyong katawan. Tapos haharap ka pa sa mga matatandang buwaya ng pamilya Villamayor? Mas tuso pa ang mga iyon kaysa sa inaakala mo…”Hindi pa man nga tapos sa kanyang sinasabi si Harold ay tiningnan na nga siya ni Sophia habang may ngiti nga sa labi nito.“Mas mabigat pa ang laman ng isipan ko kaysa sa kanila,” sabi ni Sophia.Totoo naman kasi na mas mabigat nga ang iniisip ngayon ni Sophia kaysa sa mga tao ng Villamayor Group. Alam na alam na kasi ni Sophia ng mga pinaplano ng pamilya Villamayor. Pero alam kaya ng pamilya Villamayor ang totoong nilalaman ng puso’t isipan niya?Nagbihis naman nga si Sophia ng isang beige na corporate suit. Maingat nga siyang nag make-up para nga maitago niya ang maputla niyang mukha.Habang nakatingin nga siya sa salamin ay nakita nga ni Sophia ang kanyang sarili na matalas ang tingin at matapang ang anyo. At hindi nga niya kayang ipakita na
CHAPTER 199Marami nga ngayon ang usap-usapan tungkol sa pamilya Villamayor.Ayon nga sa balita ay matagal nang gumawa ng testamento si Raymond dahil sa sobrang pagkahumaling niya sa isang babae. At sa kanya ngang testamento ay iniiwan niya ang lahat ng kanyang ari-arian at shares kay Sophia. At kung hindi nga mahanap ang katawan ni Raymond ngayon ay si Sophia lang ang magiging tagapagmana ng lahat ng iyon. Siya lang ang makakakuha ng kabuuang yaman ng Villamayor Group sa mga darating na taon.“Ang galing naman niya. Na-promote, yumaman tapos nawalan ng asawa. Sino ba naman ang hindi magdududa sa kanya?”“Pero teka lang. Hindi ba at linoko ni Sophia si Francis habang kasal pa sila? Pagkatapos ay halos wala pa ngang pagitan ay agad na nga siyang sumama kay Raymond. At pagkatapos nga niyang umalis sa kumpanya ng mga Bustamante ay nakunan nga siya sa anak nila ni Ramond. Tapos ngayon nga ay may problema na naman si Raymond? Paano mo nga naman masasabing wala siyang kinalaman dito?”“Kung
At kahit saan ngang anggulo tingnan ay wala na nga talaga silang dalawa ni Sophia.At ang tanging bagay na lamang nga na nagpapagaan ng loob ni Raymond ngayon ay ang nauna na niyang inasikaso ang lahat at iyon nga ay ang paggawa niya ng kanyang huling habilin. Kaya kahit pa may mangyari sa Villamayor Group ngayon ay may kapangyarihan pa rin si Sophia para pigilan nga ang mga taong ito.Bigla ngang sumigaw si David at itinuturo nga niya ang patuloy na nagpi-play na video sa malaking screen.“Kung gano’n ay alam mo na dapat ang progress ng holographic project ni Sophia. Anong klaseng privacy code yan? Kaya ba nitong mapasok ang lahat ng database? Kailangan ba ng mataas na kagamitan para diyan?” sigaw ni David.Napaubo naman nga ng mahina si Raymond. Napangiti pa nga siya pero halatang may pait nga ang bawat salita nito.“Paano ko naman malalaman yan? Mula nang magsimula kami na magtulungan ay hindi ko na nasubaybayan pa ang kahit na anong may kinalaman sa holographic,” sagot ni Raymond.
“Sinasabi ng lahat na sina Theresa at Sophia ay mga henyo aat mga pambihirang nilalang na minsan lang lumitaw sa loob ng isang siglo. Pero para sa akin ay pareho lang silang mga tanga. Dahil kapag sobrang magmahal ay siguradong talo sa huli,” dagdag pa ni David.Hindi naman nga nagsasalita si Raymond at hinahayaan nga lang niya ang kabaliwan ni David na iyon.“Sa palagay mo ba kung sasabihin ko kay Sophia na ibabalik kita sa kanya kapalit ng holographic research materials ay papayag kaya siya?” mahina ngunit puno nga ng tensyon ang bulong ni Daavid na iyon kay Raymond.Hindi naman na nga hininty pa ni David na sumagot si Raymond. at sa halip nga ay nagsalita siya nang mag-isa at tila ba may sarili nga itong mundo.“Syempre naman papayag siya. Kagaya siya ng kanyang ina na si Theresa noon na handang gawin ang lahat para kay Jayson,” sabi pa ni David.“Hindi niya gagawin yon para sa akin,” paos ang boses na sabi ni Raymond at ang kanya ngang mga mata ay namumugto. Malamig pa nga ang pag
CHAPTER 198Nanatili naman nga na nakatayo si David habang nakatitig nga siy sa malaking screen sa loob ng kanyang laboratoryo. Paulit-ulit pa rin nga niyang pinapanood ang video na in-upload ni Sophia. At habang pinapanood nga niya iyon ay may kakaiba ngang kislap sa kanyang mga mata.Nang makarinig nga siya ng kalusko mula sa kanyang tabi ay napalingon nga siya roon. At naroon nga si Raymond na nakahiga sa sahig at unti-unti na nga itong nagkakamalay matapos nga siyang ihagis doon ni David kanina.“Mr. Raymond Villamayor, mabuti naman at gising ka na,” malamig na bati ni David.Napilitan naman nga si Raymond na sumandal sa malamig na pader para nga hindi siya muling mawalan ng malay. Ang isa nga niyang braso ay nakabaluktot at kita m nga na may bali ito habang nakalagay sa kanyang likuran. Dahan-dahan nga niyang ibinaba ang kanyang tingin at saka nga niya ginamit ang hindi nasugatang kamay para iayos ang na-dislocate niyang kabilang braso. Narinig pa nga niya na tumunog ito nang mai