CHAPTER 180Hindi nga lubos maisip ni Francis na magiging ganito si Sophia na kinamumuhian siya habang minamahal naman nito si Raymond ngayon.Ang babae na dapat sana ay sa kanya ay sa huli nga ay naging kasintahan at naging pagmamay ari na nga ng ibang lalaki. Siya rin naman kasi mismo ang dahilan ng paglayo nito sa kanya at siya rin talaga ang tunay na may kasalanan.Lalo ngang dumilim ang mga mata ni Francis. Dahan dahan na nga siyang tumayo at saka nga siya tumitig sa monitor kung saan makikita niya si Sophia na nagising na at tahimik na nagbabasa ng mga dokumento sa loob ng kanyang silid.Napakaganda pa rin nga talaga ng mukha ni Sophia— banayad nga ito, perpekto at puno ng dignidad. At kahit pa nga may sakit siya ay hindi pa rin nito natatakpan ang kanyang kakaibang alindog.Hindi na nga napigilan pa ni Francis na abutin ng kanyang kamay ang screen ng monitor na iyon upang haplusin ang pisngi ni Sophia ngunit malamig na screen lamang nga ang kanyang naramdaman. Walang init, wala
Narinig naman nga ni Dr. Gerome ang malakas na tunog ng pagkabasag mula sa silid ni Francis kaya naman agad nga siyang pumunta roon. At nang makita nga niya ang basag basag na screen na nakakalat doon ay bigla ngang bumigat ang ekspresyon ng kanyang mukha.“Sa tingin ko ay wala ka na talaga sa tamang katinuan,” iiling iling pa na sabi ni Dr. Gerome habang naglalakad nga ito papalapit kay Francis. Inilapag na nga muna niya sa mesa ang dala niyang kahon na may laman na mga gamot at saka nya tiningnan si Francis.“Francis ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Kung tapos na kayo ni Sophia ay bakit hindi mo pa tigilan ang panggugulo sa kanila? Bakit hindi mo na lang ipagpatuloy ang buhay mo?” sunod sunod pa na tanong ni Dr. Gerome kay Francis. “Sa pagitan ninyong dalawa ni Sophia hindi ba at ikaw naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito?” deretsahan pa na tanong ni Dr. Gerome at ang tinutukoy nya ay ang mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila Francis at ni Sophia.Madalas nga ay n
Bigla ngang nagbago nag ekspresyon ng mukha ni Raymond at bigla ngang naging malamig ang kanyang mga mata.“Sige. Pupunta na ako r’yan,” sagot ni Raymond.Matapos nga na maibaba ni Raymond ang tawag na iyon ay agad nga siyang lumapit kay Sophia na nakahiga sa hospital bed.“Phia may nangyari kasi sa kuya Miguel ko kaya kailangan kong umuwi muna sa amin,” sabi ni Raymond kay Sophia at saka nga niya hinawakan ang kamay nito. “Babalik naman ako kaagad. Pangako,” dagdag pa niya.Ramdam naman ni Sophia na medyo ayos naman na din ang kanyang pakiramdam nitong mga nakaraang mga araw. At alam din naman niya ang kalagayan ng kapatid ni Raymond na si Miguel at nag aalala rin naman sya para rito.Agad naman na tumango si Sophia kay Raymond at saka nya nga ito nginitian.“Sige lang. Puntahan mo na ang kuya Miguel mo. Wag mo akong intindihin dito dahil ayos lang naman ako,” sagot ni Sophia kay Raymond.Pagkasabi ni Sophia no’n ay agad na rin nga na umalis si Raymond. Ngunit pagkalabas nga ni Raymo
CHAPTER 181Noon pa man ay kilalang kilala na nga ni Gilbert si Theresa. Noon kasing kasagsagan ng kasikatan ni Theresa ay kilalang playboy na nga si Gilbert sa kanilang mundo. Marami nga ang babae na nakapalibot dito pero tanging si Theresa lamang nga ang nag iisang babae na lubos nga niyang hinangaan.Ang kagandahan kasi na meron si Theresa ay talaga namang hindi pangkaraniwan. Hindi lang kasi ito tungkol sa panlabas na anyo lamang kundi ang uri nga ng kagandahan nito ay mararamdaman mo ang kakaibang lakas nito. Isa nga itong kagandahan na kalmado at marangya na para bang isang alahas na hindi llang basta kaakit akit kundi may napakalaki rin na halaga.At kahit nga tingnan mo siya sa malayo o sa malapitan ay mabibighani ka talaga sa kagandahan na meron si Theresa. At kung gagamit ka nga ng magnifying glass ay saka mo lamang makikita ang detalye na nakatago sa kanyang mapang akit na anyo.Ang nakakabighaning kagandahan at nakakamanghang talino nga ni Theresa ay kayang durugin ang sin
Bigla ngang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Gilbert. At tila ba galit na galit nga ito ngayon.Pinili ni Raymond ang isang babae na mas higit pa sa kanya. Isang babae na may marangal na lahi, malinis ang pamilya at kahanga hanga ang itsura. Kahit hindi ito kasinggaling ni Sophia at sapat na ang pinagmulan nito upang higitan siya.Pero ano nga ba ang problema niya kay Sophia?Kung buhay pa siguro si Theresa ay magiging pinakamalaking suporta ni Sophia. Lahat ay magpapakita ng paghanga at paggalang sa kanya. Ngunit patay na nga si Theresa. Ano pa nga ba nag silbi ng pangarap nya na iyon ngayon?Oo nga at matalino si Sophia at kinikilala bilang isa sa mga kilala sa mundo ng finance. Ngunit babae lamang nga siya. Hangga’t hindi siya nakakarating sa rurok ng tagumpay ay mahahatak pa rin siya pabalik sa putikan balang araw.Ang babae na pinili ni Gilbert para kay Raymond ang tunat na may mataas na estado sa buhay. At si Sophia ay hindi kailanman maihahambing dito.Malamig naman nga na ti
CHAPTER 182“At dahil nga si Raymond ang tagapagmana ng pamilya Villamayor ay kailangan na isang malinis na babae nga ang nasa tabi niya,” malamig na sabi ni Gilbert kay Sophia. “Ang ibang tao ay kailangan na may dugong maharlika, elegante, inosente at mahusay at hindi isang babae na may asawa na nakaranas na rin ng pagkalaglag ng anak,” dagdag pa ni Gilbert.Ang mga matalim na salita na iyon ni Gilbert ay talaga namang tumagos sa puso ni Sophia.Malamlam naman ang mga mata ni Sophia. Tumingala nga siya kay Gilbert na nagbitaw ng mga matitigas na salita sa kanya mismong harapan at isang mapanuyang ngiti ang lumabas a kanyang labi.“Mukhang maayos nga na mag imbestiga si Mr. Gilbert oero hindi yata siya kumakatawan sa posisyon ni Raymond. Kung talagang mahalaga sa kanya ang mga bagay na ito ay hindi sana niya aki hinabol sa unang pagkakataon,” malamig din naman na sabi ni Sophia. At syempre hindi niya sinabi ang tunay niyang pagkakakilanlan.Ngayon nga ay nasa isang sensitibo at nagdud
“Si Raymond ay nag aral sa isang kilalang unibersidad. Palagi siyang pinapalampas ng mga guro sa kanyang mga marka sa ibang bansa. Naging henyo ang tingin sa kanya ng mga professor niya sa mga panahon na iyon. Habang si Ms. Camille naman ay nakilahok sa ilang proyekto kasama ko. At siya nga ang mas nakakakilala kay Raymond,” sagot ni Gilbert. “Ang kasal na ito ay si Ms. Camille mismo ang nagsabi. Si Ms. Camille ang nagpasimula nito. At kung tatanggihan siya ng pamilya Villamayor ay masyado naman yata itong magiging magaspang. Kaya naman hinihiling na namin sa’yo Ms. Sophia na isuko mo na ang inyong relasyon ni Raymond,” dagdag pa ni Gilbert.Bagamat sinasabi nga nila na gusto nilang isuko ni Sophia ang kanilang realsyon ni Raymond pero ang tunay nilang layunin ay itaboy nga ito palayo.Yumuko naman nga si Sophia at saka nga nya tiningnan ang oras a kanyang suot na relo at saka nga siya napangisi.“Walang saysay ang pag uusap natin na ito. Bakit hindi na lang tayo maghintay pa ng ilang
CHAPTER 183Bihirang bihira naman nga na kausapin ni Miguel ang kanyang kapatid na si Raymond sa ganoong paraan. Kaya naman kahit na seryoso na ang kanilang usapan ay muntik na nga na mapangiti si Raymond.Noon pa man ay nagpapanggap na siyang isang babaero na walang saysay. Walang mayaman na dalaga sa kanilang mundo ang pumapansin sa kanya. Karaniwan kasi ang tingin sa kanya ay nakikipaglokohan lamang at ang tanging ang mga galing sa simpleng pamilya lang ang dumusubok na lumapit sa kanya para lang makapasok sa angkan ng mga Villamayor.Pero si Sophia nga ay kahit hindi perpektoang pinanggalingan ay may taglay naman na karisma at galing na sapat na pantakip sa anumang kakulangan sa likod ng kanyang pagkatao.Lalo na at ang ina ni Sophia ay si Theresa— isang pangalan na sapat na upang tingalain nga siya ng kahit na sino.“Kung ganyan ang iniisip mo ay marahil nga ay dahil hindi ako karapat dapat para sa kanya,” sabi ni Raymond at saka nga siya diretsong tumingin sa kanyang kapatid. “N
Isang halik nga iyon na parang parusa. Isang halik na parang pag-angkin. At hindi na niya gustong marinig pa ang pangalan ni Raymond mula sa mga labi ni Sophia.Sa isip ni Francis si Sophia nga ay sa kanya. At hindi ito kailanman dapat na maging kay Raymond.Nanginginig naman nga sa galit si Sophia. Pilit nga niyang itinutula si Francis na pumupwersa sa kanya pero hindi nga niya ito kaya lalo na at mas malakas nga talaga ito sa kanya at isa pa ay hindi pa naman talaga siya ganoon kalakas muli.Kaya naman mariin nga niyang kinagat ang dulo ng dila ni Francis. At nalasahan pa nga niya ang dugo nito sa kanyang bibig.Ngunit hindi pa rin nga siya binitawan ni Francis. At sa halip nga ay gumanti nga ito at kinagat nga nito ang gilid ng kanyang labi. At habang tumatagal nga pareho na nga nilang nalalasahan ang dugo.Lalo ngang lumalim pa ang bigat ng halik na iyon hanggang sa parehas na nga silang halos kapusin na ng hininga. At sa wakas nga ay binitiwan na ni Francis ang labi ni Sophia.Ng
“Yun na siguro ang nag-iisa kong anak,” mahina ngunit buo nga ang tinig na sabi ni Sophia. Bahagya pa nga na nanginginig ang kanyang kamay.“Alam mo ba kung bakit ako nakasakay sa wheelchair na ito? Yun ay dahil may sakit ako,” mariin pa nga na sabi ni Sophia. “At hindi na ako magkakaanak pa… kailanman,” pagpapatuloy p anga ni Sophia at doon na nga niya tuluyang sinabi ang isang masakit na katotohanan.Noong una nga na nalaman ni Sophia na nagdadalang-tao siya sa anak nila ni Francis ay sumagi nga sa kanyang isipan na ipa-abort ang bata. Ngunit pinigilan nga siya ni Dr. Gerome.sinabi nga nito na kapag itinuloy niya ang balak niyang iyon ay lalo lamang itong makakasama sa kanyang mahinang katawan. Ngunit kahit ano ngang pag-iingat ang ginawa niya y hindi rin nga talaga nailigtas pa ang bata. At habang lumilipas nga ang panahon ay lalo pa ngang nanghina ang kanyang katawan. At lalo pa ngang lumala ang kanyang karamdaman.Ramdam ni Sophia ang pagkalito ng kanyang isipan at ang pagkaliga
CHAPTER 216Hindi naman na nga naglakas pa ng loob si Francis na direktang sumulat kay Sophia. Kaya naman sa harap nga mismo ni Sophia ay tinawagan at kinausap nga niya si Dr. Gerome.Maaari nga na hindi alam iba ang tungkol dito pero si Dr. Gerome— siya ang mas nakakaalam ng lahat.At nang makumpirma nga ni Francis dito ang totoo ay tila ba nawalan nga siya ng lakas. Dumulas pa nga sa kanyang kamay ang kanyang cellphone at malakas nga itong bumagsak sa sahig.Halos hindi na nga makatayo si Francis. Nanginginig nga ang buo niyang katawan. Hindi nga niya maikuyom ang kanyang kamao. At a mga mata nga niya ay bakas nga ag labis na pagkalito at pagdududa sa sarili.“A-akin? Akin daw? P-pero bakit? Bakit hindi kay Raymond? Bakit akin? Paanong ngaing akin iyon?” sunod-sunod pa nga na tanong ni Francis at tila ba hindi nga siya makapaniwala sa katotohanan na iyon. Dahil kung totoo nga na anak niya iyon ay ano nga ba itong nagawa niya.Tumingin naman nga si Sophia sa gawi ni Francis at saka n
“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo. Ikaw mismo ang nagplano para patayin ang tagapagmana mo,” sabi ni Sophia at patuloy pa rin nga sa pag agos ang kanyang luha habang sinasabi nga niya iyon.At talagang napakasakit nga nitong isipin. Siya ang nasaktan pero tila si Francis ay wala ngang pakialam. Paanong nagawa niyang patayin ang sarili niyang anak na para bang wala lang?“Bakit Francis? Bakit mo nagawa ito? Ikaw ang salarin dito. At iaw ang ugat sa lahat ng kasamaan na ito. Kaya dapat lang na magdusa ka rin kasama ko,” sabi pa ni Sophia.Nanatili naman nga na nakatayo lang si Francis at nakaatulala. Paa bang pakiramdam nga niya ay bigla ngang nawalan ng saysay ang lahat. At para bang wala siyang ibang naririnig kundi ang isang pangungusap na paulit-ulit nga sa kanyang isip.“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo.’Napakurap kurap pa nga si Francis habang nakatingin nga siya kay Sophia at tila ba naguguluhan nga siya. Hindi nya alam kung anong ibig sabihin no’n? Paanong s
CHAPTER 215Sa mga sandali nga na iyon ay para bang tuluyan nang nakalimutan ni Francis ang lahat ng hindi nila pagkakaunawaan ni Sophia.Para bang hindi kailanman nangyari ang diborsyo, ang aksidente o ang lahat ng sakit sa pagitan nila. At para bang mag-asawa pa rin nga sila. At talaga namang nakakatawa nga iyon. KKung noon siguro ito ay maaaring natuwa pa nga si Sophia pero ngayon nga ay tila ba isa na itong katawa-tawang biro na lamang.“Francis, mukhang nakalimutan mo na ang lahat ng pader sa pagitan nating dalawa. Kailangan pa ba kitang paalalahanan ngayon?” sabi ni Sophia at saka nga siya napatingin sa red wine na nasa harapa nga niya at sa loob-loob nga niya ang may bahid nga ng pangungutya.“At saka kelan lang ako nakunan. Masyado pang mahina ang katawan ko. Hindi pa ako pwedeng uminom ng ganyan,” dagdag pa nga ni Sophia.Sa pagbanggit nga ni Sophia ng salitang ‘nakunan’ ay bigla ngang nagdilim ang mata ni Francis.“Huwag mo nang banggitin ang bagay na iyan sa harapan ko,” m
Dahan-dahan naman nga na tumayo si Sophia at muli nga siyang tumingin sa buong paligid at talaga ngang walang nagbago roon.Nandoon pa rin nga ang mga stuffed toys sa sofa na siya nga mismo ang naglagay. Ang mga couple mugs na siya rin nga ang pumili ay nakapwesto rin nga sa mesa. Ang mga upuan ay ganoon pa rin nga ang disenyo. Ang rystal chandelier na siya rin nga mismo ang nagdisenyo ay nandoon pa rin. At ang mga mural sa pader na isa-isa nga niyang pinintahan ng buong pagmamahal noon para sana salubungin ang isang bagong buhay ay naroon pa rin. At halos sa lahat nga ng sulok ng bahay na iyon ay may bakas pa rin nga ng kanyang presensya.“Bakit hindi mo ito pinapalitan? Bakit nandito pa ang lahat ng ito? Iniisip mo ba na babalik pa ako?” mga tanong sa isipan ni Sophia habang inililibot nga niya ang kanyang tingin.Marahil nga sa sobrang liwanag ng ilaw ay itinaasnga ni Sophia ang kanyang mga kamay at saka nga niya tinakpan ang kanyang mga mata. At pakiramdam nga niya ay para bang ma
“Pwede kang bumalik sa bahay natin,” sabi ni Francis at may bahid nga ng hinanakit ang kanyang boses. Matagal na kasing hinihintay ni Francis ito ang pagbabalik ni Sophia sa kanilang tahanan— sa tahanang itinuring nila na tahanan nilang mag-asawa.Ibinaling nga ni Sophia ang kanyang tingin at saka nga siya mahinang sumagot dito. At sa totoo lang ay wala nga siyang pakialam kung saan sila magkikita ngayon.“Sige, pupunta ako,” sagot nga ni Sophia.Pagkababa nga ng tawag ay nanatili pa nga rin na nakaupo si Sophia sa kanyang hospital bed habang hawak nga niya ang kanyang cellphone. At tila ba hindi pa rin nga siya nakakabalik sa kanyang sarili.Maya maya nga ay dahan-dahan na nga siyang tumingin kay Harold.“Dalhin mo ako roon,” mahina ang boses na sabi ni Sophia kay Harold. Alam kasi niyang narinig ni Harold ang buong pag uusap nila ni Francis.Hindi naman din kasi kalayuan ang bahay nila dati ni Francis noon sa ospital kung nasaan siya ngayon. At mga sampung minuto lang naman ang bya
CHAPTER 214Pero ano nga ba ang papel ni Bianca sa lahat ng ito?Mahal na mahal nga ni Bianca si Francis at sa sobrang pagmamahal nga niya rito ay hindi nga niya matanggap na may ibang babae sa paligid ni Francis. Lalong lalo namang hindi niya matatanggap na si Sophia pa ang magdadala ng magiging anak ni Francis.Kaya naman hindi na nga kailangang kumilos ni Francis. Sapat na nga ang ibalita niya ang pagbubuntis ni Sophia at si Bianca na nga ang bahalang gumawa ng paraan para tapusin ito.Ang pagkalaglag nga ng bata na nasa sinapupunan ni Sophia ay dahil nga sa iniinom niyang gamot.Matapos nga na maisakatuparan ni Bianca ang una niyang plano ay mas lalo nga itong naging mapangahas. At unti-unti nga siyang tumapang. Lahat nga ng bagay tungkol kay Sophia ay kinamumuhian niya. At gusto nga niya na tuluyan na nga na mabaliw si Sophia hanggang sa manghina nga ito at sa huli ay mamamatay na lang na parang isang tuyong bulaklak.Sa puso nga ni Bianca ay pareho lang silang anak ni Nelson per
Nanatili naman nga na tahimik si Louie at pinagmamasdan nga niya ang lahat sa harap niya. Ni hindi nga ito ngumingiti at hindi rin nga niya pinipigil ang galit ni Harold. Pero sa totoo lang ay pareho nga sila ng iniisip.Maya maya nga ay lumapit na nga siya kay Dr. Gerome.“Dr. Gerome wala na dapat tayong inaaksaya pa na oras. Kailangan na nating madaliin ito,” mahina ngunit deretsahan na sabi ni Louie.Pero sino nga ba ang maaaring gumawa nito kay Sophia? Wala nga silang kaide-ideya kung sino. At sa totoo lang ay iniisip nila na baka nadiskubre na ang totoong pagkatao ni Sophia na siya pala ang tunay na utak sa likod ng Prudence.Iniisip nila na baka gusto ng mga ito na pigilan ang pagdalo ni Sophia sa paparating na financial summit kaya gumamit sila ng ganito karuming paraan.Kung iyon nga talaga ang dahilan ay napakarami nga ng posible nilang kalaban kagaya na lamang nga pamilya Villamayor, pamilya ng mga Marquez, mga dating kasosyo at pati na rin ang mga tao na galing pa sa malal