Lalo pa ngang kumalim ang tingin ni Francis kay Sophia at ang lamig nga sa kanyang mga mata ay paramg yeli na hindi natutunaw.“Sophia ang pagmamahal mo sa akin ay hanggang dooon lang pala,” sabi ni Francis at saka nga niya dahan dahan na binitawan ang kamay ni Sophia. At nanatili nga na madilim ang kanyang mga mata. At bahagya pa nga na pang uuyam na nakapinta sa kanyang labi.Sa mga sandali naman nga na iyon ay sakto naman na lumabas nga si Bianca sa isang silid sa ospital. Napatigil pa nga siya sa kanyang paglalakad ng makita niya sila Francis at Sophia na magkalapit at tika nasa isang matinding alitan. Hindi nga niya maitago ang matinding selos na naglalagablab sa kanyang puso. Hanggang ngayon kadi ay sariwa pa rin sa alaala ni Bianca kung paano siya pinahiya ni Sophia sa isang dinner party kung saan napahiya at kinutya nga siya ng maramingbtao. At ngayon nga na nasa harapan niya ulit ang babae ay agad nga na nagdilim ang kanyang paningin at agad nga siyang lumapit sa mga ito.“A
CHAPTER 174Nakaramdam naman nga si Bianca ng matinding galit sa kanyang dibdib habang iniisip nga niya ang sitwasyon na kinakaharap niya. Nahawakan na lamang nga niya ng mahigpit ang baso ng tubig na nasa kanyang harapan ngunit kahit na malamig nga ang hawak niya ay hindi nga nito napawi ang nag aapoy niyang emosyon.Bigla ngang may lumitaw na kakaibang ngiti sa labi ni Bianca ng may bigla nga siyang maisip. Naisip kasi niya na kailangan nga na uminom ng gamot ni Sophia na binigay ni Dr. Gerome. Sigurado nga siya na iinumin nga ito ni Sophia pero wala ngang nakakaalam kung ano nga ba talaga ang laman noon.************Samantala naman ang ina ni Bianca na si Belinda ay kasalukuyan nga na nasa isang beuty treatment nang matanggap ang tawag ng kanyang anak. Nang marinig nga niya ang boses ni Bianca na tila ba may bumabagabag nga rito ay hindi niya napigilan na mag alala para rito. Lumayo nga muna siya sa ibang tao at agad na humanap ng tahimik na lugar upang kausapin ito.“Ano na nama
Mahigpit naman nga na hinawakan ni Bianca ang kamay ng kanyang ina at ramdam nga ni Belinda ang lamig na gumapang sa kanyang balat na para bang hinahawakan siya ng demonyo.At sa sobrang takot nga ni Belinda ay hindi nga siya makatingin ng diretso kay Bianca.“H-Hindi ko alam. W-wala akong alam na ganong g-gamot,” kandautal pa na sagot ni Belinda.Isang malalim naman na buntong hininga ang pinakawalan ni Bianca at tila ba napakalungkot nga nito.“Tsk. Sayang naman. Hindi ko pa pala agad makakamit ang gusto ko,” malungkot na sagot ni Bianca at saka nga niya muling tiningnan ang kanyang ina. “Mom kailangan mo akong tulungan. Magkasama tayo sa laban na ito. Naiintindihan mo naman ako hindi ba? Hindi mo naman diguro ako pababayaan hindi ba?” sabi pa ni Bianca at ang kanya ngang mga mata ay nanatiling kalmado ngunit sa kabila nga ng katahimikan nito ay may matinding kasamaan nga ang nakapaloob doon.Pakiramdam naman ni Belinda ay nanlamig nga ang kanyang buong katawan. At parabang may naka
“Mama…” rinig ni Sophia na tawag ng bata na iyon, at isang tawag nga iyon na puno ng lungkot at sakit. “Wala naman pong naghihintay sa akin. Masakit po. Ayoko na,” sabi pa ng bata.Gustong gusto naman ni Sophia na abutin nga nag kamay ng munting bata na ito na unti unti na nga na lumalayo. Gustong gusto ni Sophia na isigaw na wag itong umalis pero hindi nga niya magawa.Ngunit sa kabila nga ng pagsisikap na maabot ang bata ay unti unti na siyang nilamon ng kadiliman.At kahit pa nga nawalan na siya ng malay ay patuloy na dumadaloy ang kanyang masaganang luha na tanda ng panghihinayang at sakit na hindi nga niya maipahayag.**************Mula naman sa di kalayuan ay may isang matangkad na pigura ang nakamasid. At walang iba nga iyon kundi si Francis.Ang kanya ngang mga mata ay malamig at puno ng lungkot habang nakatutok ang kanyang tingin kay Sophia. Halos mamuti na nga ang kanyang kamao dahil sa higpit ng kanyang pagkakakuyom.Habnag pinagmamasdan nga ni Francis ang walang malay na
CHAPTER 175Ramdam na ramdam naman ni Francis ang lungkot sa kanyang puso habang tinititigan niya si Sophia. Ang kanyang mga mata ay nanatili nga na malamig na puno ng hindi maipaliwanag na damdamin.Hindi naman na niya itinanggi na hindi siya si Raymond. At sa halip nga ay iniabot niya ang kamay nito at saka nya marahang hinaplos ang ulo ni Sophia at bahagya pa nga na awa sa kanyang tingin.“Masyado ka ng pagod at mahina pa ang iyong katawan. Kulang ka pa sa dugo at lakas kaya ka nagkasakit,” mahinang sabi ni Francis kay Sophia saka nga niya hinawakan ang namumulang kamay nito at saka niya marahan na hinaplos ito.“Tinurukan ka kanina kaya hindi mo maaaring gamitin ang kamay mo ngayon. Masyadong mahimbing ang tulog mo kanina at naipit mo ang isa mong kamay. Ayaw na kitang gambalain kaya sinabi ko sa doktor na sa carotid artery mo idaan ang suwero mo,” pagpapatuloy pa ni Francis.Ang mukha ni Sophia ay maputlang maputla nga at walang kasigla sigla at tanging sakit lamang ang makikita
“Bakit ba iniisip mo pa rin siya?” marahas ang tinig na tanong ni Francis ngunit may bahid nga ng sakit. “Wala na ang anak ninyong dalawa. Sophia tanggapin mo na ang katotohanan. Hindi talaga kayo para sa isa’t isa ni Raymond. Naiintindihan mo ba iyon?” pagpapatuloy pa nga niya.Naging madilim nga ang ekspresyon ng mukha ni Francis habang mahigpit nga niyang hinawakan sa balikat si Sophia. Ang kanya ngang mga titig dito ay matalim na puno ng pwersahang emosyon.“Kung ang bata na iyon ang nag uugnay sa inyong dalawa ni Raymond ay wala na iyon,” madiin pa nga na sabi ni Francis. “Tinali mo lang ang sarili mo kay Raymond dahil sa batang iyon hindi ba? Ngayon na wala na siya ay marami ka nang ibang pagpipilian,” dagdag pa niya.Muli ngang sumakit ang ulo ni Sophia at bigla nga siyang naguluhan. Magulong magulo nga ang kanyang isipan ngayon at tila ba hindi nga niya kayang ayusin ang kanyang damdamin.Dahan dahan nga na nag angat ng kanyang tingin si Sophia at tinitigan nga niya si Francis
May nalalasahan na nga sila na dugo mula sa kanilang mga bibig ngunit imbes nga na huminahon si Francis ay mas lalo pa nga na napukaw ang apoy sa kanyang dibdib.Gustong gusto na nga na lumaban ni Sophia pero hindi nga niya magawang itulak palayo si Francis dahil wala nga siyang kalakas lakas man lang. Ang kaya lang nga niyang gawin ngayon ay tanggapin ang marahas nitong halik habang patuloy na pumapatak ang kanyang masaganang mga luha.At dahil nga sa desperasyon ni Sophia ay mariin nga niyang kinagat ang ibabang labi ni Francis. Kaya naman napasinghap nga ito sa sakit at agad na napaatras at ang kanya ngang tingin kay Sophia ay puno nga ng galit.“Baliw ka na,” mahina ngunit matalim na bulong ni Sophia habang habol nga niya ang kanyang hininga at yakap ang kanyang sariling mga tuhod. “Isa kang baliw, Francis,” may diin pa na sabi niya.Bigla ngang nagdilim ang mga mata ni Francid at tila b apilit nga niyang itinatago ang isang emosyon na hindi niya kayang ipahayag.“Sophia binibigya
CHAPTER 176Hindi man lang nga liningon ni Sophia si Khate. At binalot nga ng malamig na pakiramdam ang kanyang buong katawan at dahil nga roon ay hindi nga siya makakain ng maayos at pakiramdam nga niya ay nahihilo at nasusuka siya sa mga oras na iyon.“Nasaan ang cellphone ko?” mahina ang boses na tanong ni Sophia at ni hindi man lang nga niya linilingon si Khate. At ni hndi rin nga niya alam kung kanino ba talaga siya nagagalit sa mga sandali na iyon.Saglit ngang natigilan si Khate dahil sa tanong na iyon ni Sophia.“Nawasak ang cellphone mo noong naaksidente ka,” mahinang sagot din naman ni Khate.Hindi naman na sumagot pa si Sophia rito. Tahimik na lamang nga niyang sinusubukan na bumangon mula sa kama ngunit masyado pa ngang mahina ang kanyang katawan. At dahil nga nanghihina pa siya ay kamuntik na nga siyang bumagsak.Mabilis naman nga na linapitan ni Khate si Sophia upang alalayan sana ito ngunit mariin nga siyang tinanggihan nito. Agad kasi na umiwas si Sophia sa kanya at ag
Isang halik nga iyon na parang parusa. Isang halik na parang pag-angkin. At hindi na niya gustong marinig pa ang pangalan ni Raymond mula sa mga labi ni Sophia.Sa isip ni Francis si Sophia nga ay sa kanya. At hindi ito kailanman dapat na maging kay Raymond.Nanginginig naman nga sa galit si Sophia. Pilit nga niyang itinutula si Francis na pumupwersa sa kanya pero hindi nga niya ito kaya lalo na at mas malakas nga talaga ito sa kanya at isa pa ay hindi pa naman talaga siya ganoon kalakas muli.Kaya naman mariin nga niyang kinagat ang dulo ng dila ni Francis. At nalasahan pa nga niya ang dugo nito sa kanyang bibig.Ngunit hindi pa rin nga siya binitawan ni Francis. At sa halip nga ay gumanti nga ito at kinagat nga nito ang gilid ng kanyang labi. At habang tumatagal nga pareho na nga nilang nalalasahan ang dugo.Lalo ngang lumalim pa ang bigat ng halik na iyon hanggang sa parehas na nga silang halos kapusin na ng hininga. At sa wakas nga ay binitiwan na ni Francis ang labi ni Sophia.Ng
“Yun na siguro ang nag-iisa kong anak,” mahina ngunit buo nga ang tinig na sabi ni Sophia. Bahagya pa nga na nanginginig ang kanyang kamay.“Alam mo ba kung bakit ako nakasakay sa wheelchair na ito? Yun ay dahil may sakit ako,” mariin pa nga na sabi ni Sophia. “At hindi na ako magkakaanak pa… kailanman,” pagpapatuloy p anga ni Sophia at doon na nga niya tuluyang sinabi ang isang masakit na katotohanan.Noong una nga na nalaman ni Sophia na nagdadalang-tao siya sa anak nila ni Francis ay sumagi nga sa kanyang isipan na ipa-abort ang bata. Ngunit pinigilan nga siya ni Dr. Gerome.sinabi nga nito na kapag itinuloy niya ang balak niyang iyon ay lalo lamang itong makakasama sa kanyang mahinang katawan. Ngunit kahit ano ngang pag-iingat ang ginawa niya y hindi rin nga talaga nailigtas pa ang bata. At habang lumilipas nga ang panahon ay lalo pa ngang nanghina ang kanyang katawan. At lalo pa ngang lumala ang kanyang karamdaman.Ramdam ni Sophia ang pagkalito ng kanyang isipan at ang pagkaliga
CHAPTER 216Hindi naman na nga naglakas pa ng loob si Francis na direktang sumulat kay Sophia. Kaya naman sa harap nga mismo ni Sophia ay tinawagan at kinausap nga niya si Dr. Gerome.Maaari nga na hindi alam iba ang tungkol dito pero si Dr. Gerome— siya ang mas nakakaalam ng lahat.At nang makumpirma nga ni Francis dito ang totoo ay tila ba nawalan nga siya ng lakas. Dumulas pa nga sa kanyang kamay ang kanyang cellphone at malakas nga itong bumagsak sa sahig.Halos hindi na nga makatayo si Francis. Nanginginig nga ang buo niyang katawan. Hindi nga niya maikuyom ang kanyang kamao. At a mga mata nga niya ay bakas nga ag labis na pagkalito at pagdududa sa sarili.“A-akin? Akin daw? P-pero bakit? Bakit hindi kay Raymond? Bakit akin? Paanong ngaing akin iyon?” sunod-sunod pa nga na tanong ni Francis at tila ba hindi nga siya makapaniwala sa katotohanan na iyon. Dahil kung totoo nga na anak niya iyon ay ano nga ba itong nagawa niya.Tumingin naman nga si Sophia sa gawi ni Francis at saka n
“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo. Ikaw mismo ang nagplano para patayin ang tagapagmana mo,” sabi ni Sophia at patuloy pa rin nga sa pag agos ang kanyang luha habang sinasabi nga niya iyon.At talagang napakasakit nga nitong isipin. Siya ang nasaktan pero tila si Francis ay wala ngang pakialam. Paanong nagawa niyang patayin ang sarili niyang anak na para bang wala lang?“Bakit Francis? Bakit mo nagawa ito? Ikaw ang salarin dito. At iaw ang ugat sa lahat ng kasamaan na ito. Kaya dapat lang na magdusa ka rin kasama ko,” sabi pa ni Sophia.Nanatili naman nga na nakatayo lang si Francis at nakaatulala. Paa bang pakiramdam nga niya ay bigla ngang nawalan ng saysay ang lahat. At para bang wala siyang ibang naririnig kundi ang isang pangungusap na paulit-ulit nga sa kanyang isip.“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo.’Napakurap kurap pa nga si Francis habang nakatingin nga siya kay Sophia at tila ba naguguluhan nga siya. Hindi nya alam kung anong ibig sabihin no’n? Paanong s
CHAPTER 215Sa mga sandali nga na iyon ay para bang tuluyan nang nakalimutan ni Francis ang lahat ng hindi nila pagkakaunawaan ni Sophia.Para bang hindi kailanman nangyari ang diborsyo, ang aksidente o ang lahat ng sakit sa pagitan nila. At para bang mag-asawa pa rin nga sila. At talaga namang nakakatawa nga iyon. KKung noon siguro ito ay maaaring natuwa pa nga si Sophia pero ngayon nga ay tila ba isa na itong katawa-tawang biro na lamang.“Francis, mukhang nakalimutan mo na ang lahat ng pader sa pagitan nating dalawa. Kailangan pa ba kitang paalalahanan ngayon?” sabi ni Sophia at saka nga siya napatingin sa red wine na nasa harapa nga niya at sa loob-loob nga niya ang may bahid nga ng pangungutya.“At saka kelan lang ako nakunan. Masyado pang mahina ang katawan ko. Hindi pa ako pwedeng uminom ng ganyan,” dagdag pa nga ni Sophia.Sa pagbanggit nga ni Sophia ng salitang ‘nakunan’ ay bigla ngang nagdilim ang mata ni Francis.“Huwag mo nang banggitin ang bagay na iyan sa harapan ko,” m
Dahan-dahan naman nga na tumayo si Sophia at muli nga siyang tumingin sa buong paligid at talaga ngang walang nagbago roon.Nandoon pa rin nga ang mga stuffed toys sa sofa na siya nga mismo ang naglagay. Ang mga couple mugs na siya rin nga ang pumili ay nakapwesto rin nga sa mesa. Ang mga upuan ay ganoon pa rin nga ang disenyo. Ang rystal chandelier na siya rin nga mismo ang nagdisenyo ay nandoon pa rin. At ang mga mural sa pader na isa-isa nga niyang pinintahan ng buong pagmamahal noon para sana salubungin ang isang bagong buhay ay naroon pa rin. At halos sa lahat nga ng sulok ng bahay na iyon ay may bakas pa rin nga ng kanyang presensya.“Bakit hindi mo ito pinapalitan? Bakit nandito pa ang lahat ng ito? Iniisip mo ba na babalik pa ako?” mga tanong sa isipan ni Sophia habang inililibot nga niya ang kanyang tingin.Marahil nga sa sobrang liwanag ng ilaw ay itinaasnga ni Sophia ang kanyang mga kamay at saka nga niya tinakpan ang kanyang mga mata. At pakiramdam nga niya ay para bang ma
“Pwede kang bumalik sa bahay natin,” sabi ni Francis at may bahid nga ng hinanakit ang kanyang boses. Matagal na kasing hinihintay ni Francis ito ang pagbabalik ni Sophia sa kanilang tahanan— sa tahanang itinuring nila na tahanan nilang mag-asawa.Ibinaling nga ni Sophia ang kanyang tingin at saka nga siya mahinang sumagot dito. At sa totoo lang ay wala nga siyang pakialam kung saan sila magkikita ngayon.“Sige, pupunta ako,” sagot nga ni Sophia.Pagkababa nga ng tawag ay nanatili pa nga rin na nakaupo si Sophia sa kanyang hospital bed habang hawak nga niya ang kanyang cellphone. At tila ba hindi pa rin nga siya nakakabalik sa kanyang sarili.Maya maya nga ay dahan-dahan na nga siyang tumingin kay Harold.“Dalhin mo ako roon,” mahina ang boses na sabi ni Sophia kay Harold. Alam kasi niyang narinig ni Harold ang buong pag uusap nila ni Francis.Hindi naman din kasi kalayuan ang bahay nila dati ni Francis noon sa ospital kung nasaan siya ngayon. At mga sampung minuto lang naman ang bya
CHAPTER 214Pero ano nga ba ang papel ni Bianca sa lahat ng ito?Mahal na mahal nga ni Bianca si Francis at sa sobrang pagmamahal nga niya rito ay hindi nga niya matanggap na may ibang babae sa paligid ni Francis. Lalong lalo namang hindi niya matatanggap na si Sophia pa ang magdadala ng magiging anak ni Francis.Kaya naman hindi na nga kailangang kumilos ni Francis. Sapat na nga ang ibalita niya ang pagbubuntis ni Sophia at si Bianca na nga ang bahalang gumawa ng paraan para tapusin ito.Ang pagkalaglag nga ng bata na nasa sinapupunan ni Sophia ay dahil nga sa iniinom niyang gamot.Matapos nga na maisakatuparan ni Bianca ang una niyang plano ay mas lalo nga itong naging mapangahas. At unti-unti nga siyang tumapang. Lahat nga ng bagay tungkol kay Sophia ay kinamumuhian niya. At gusto nga niya na tuluyan na nga na mabaliw si Sophia hanggang sa manghina nga ito at sa huli ay mamamatay na lang na parang isang tuyong bulaklak.Sa puso nga ni Bianca ay pareho lang silang anak ni Nelson per
Nanatili naman nga na tahimik si Louie at pinagmamasdan nga niya ang lahat sa harap niya. Ni hindi nga ito ngumingiti at hindi rin nga niya pinipigil ang galit ni Harold. Pero sa totoo lang ay pareho nga sila ng iniisip.Maya maya nga ay lumapit na nga siya kay Dr. Gerome.“Dr. Gerome wala na dapat tayong inaaksaya pa na oras. Kailangan na nating madaliin ito,” mahina ngunit deretsahan na sabi ni Louie.Pero sino nga ba ang maaaring gumawa nito kay Sophia? Wala nga silang kaide-ideya kung sino. At sa totoo lang ay iniisip nila na baka nadiskubre na ang totoong pagkatao ni Sophia na siya pala ang tunay na utak sa likod ng Prudence.Iniisip nila na baka gusto ng mga ito na pigilan ang pagdalo ni Sophia sa paparating na financial summit kaya gumamit sila ng ganito karuming paraan.Kung iyon nga talaga ang dahilan ay napakarami nga ng posible nilang kalaban kagaya na lamang nga pamilya Villamayor, pamilya ng mga Marquez, mga dating kasosyo at pati na rin ang mga tao na galing pa sa malal