Si Johnny na kanina lamang ay napakatapang sa loob ng kwarto ay bigla na lamang ngang natulala at hindi nakapagsalita.Habang si Joshua naman na kanina ay nagpapanggap na mabait at nanonood lamang ay kamuntik na nga na matumba dahil sa pagkabigla. Agad na rin namam nga siyang tumayo at sinubukang tumakas ngunit bago pa nga niya magawa ito ay sinalubong na agad siya ng malamig na titig ni Sophia.Napakaganda ng mukha ni Sophia kaya naman naramdaman ni Joshua na parang napapaligiran siya ng hindi matukoy na takot at parang isang panaginip lamang iyon.Gustuhin man ni Joshua na tumakbo para tumakas ay hindi na nga niya magawa dahil hinawakan na nga siya ng mga bodyguard at saka siya ibinagsak sa sahig.Habang si Johnny naman ay nanginginig n asa takot ay hindi pa rin nga tumigil sa pagbabanta,"Sino ba kayo!? Bakit ba nakikialam kayo sa mga anak ko? Kung hindi kayo titigil ay tatawag ako ng pulis at ipapakulong kayong lahat," sigaw pa ni Johnny.Samantala naman si Jacob ay nanatili lama
CHAPTER 121 Gusto kasi ni Theresa na magkaroon ng tahimik, maayos at simpleng buhay si Jacob. Kaya naman bago nga siya mamatay ay ipinagkatiwala niya na muna si Jacob sa isang tao. At noong mga panahon na iyon ay napakabata pa rin talaga ni Sophia at wala pa rin talaga siyang kakayahan na alagaan ang isang napakaliit na bata. Sobrang ayaw na ayaw din naman ni Sophia kay Nelson at kung pwede nga lang na tanggalin nya ang dugo nito na nananalaytay sa kanyang katawan ay ginawa na nya dahil sa sobrang galit nya rito. Si Jacob kasi ay anak ni Theresa sa ibang lalaki. Habang si Nelson naman ay puno ng galit sa kanyang puso. Hindi lang kasi galit si Nelson kay Theresa dahil nga sa nagkaroon ito ng anak sa ibang lalaki matapos nilang magdivorce kundi nagagalit din sya sa kanyang sariling anak na si Sophia dahil nga nananalaytay din sa dugo ni Sophia ang dugo ni Theresa. Ngunit kahit papaano ay naging magkaiba pa rin sila ng kapalaran ni Jacob. At dahil nga may dugong Marquez din ang
Hindi naman nga kaagad nakapagsalita si Sophia dahil sa galit na galit talaga siya at pilit nga niyang pinapakalma ang kanyang sarili.“Niloko ako ni Nelson ng mahigit sampung taon,” puno ng galit na sagot ni Sophia kay Harold.Matalinong tao si Harold kaya mabilis lamang niyang naunawaan ang gustong iparating ni Sophia. Madali lamang namang imbestigahan ang mga pamilya Flores dahil mga ordinaryong tao lamang ang mga ito.Alam naman ni Harold na masyadong sensitibo ang sitwasyon na iyon kaya naman hindi na sya nag usisa pa at sa halip nga ay iniba na lamang nya ang kanilang usapan."Naibigay ko na ang utos. Kami ni Louie ay naghahanda na para sa summit. May isang smart enterprise sa ibang bansa na sa tingin ko ay magugustuhan mo," pag iiba ni Harold ng kanilang usapan,"Ikaw na ang bahala tungkol sa bagay na yan,” agad na sagot ni Sophia rito.Wala na kasi siyang gana na makipag-usap tungkol sa trabaho. Hindi rin niya gusto na pag-usapan ito ngayon kaya malinaw na matindi ang bigat
CHAPTER 122"J-Jacob alam kong naguguluhan ka pa sa ngayon pero may mga bagay akong kailangang sabihin sa'yo," sabi ni Sophia kay Jacob at pinilit nga niya na makatayo ng maayos upang makapagpaliwanag siya ng maayos kay Jacob.“Wala ka ng pakialam sa akin hindi ba? Kaya bakit ka pa narito? Hindi ba at mas mabuti pa kung magpakalunod na lamang ako sa putik magpakailanman, Manager Sophia?” puno ng hinagpis na sabi ni Jacob kay Sophia.“Ngayon naiintindihan ko na kung ano ang ibig mong sabihin. Gusto mong mamuhay ako ng tahimik kaya naman nagpahanap ka na lamang ng ibang tao na mag aaruga sa akin. Pero kung talagang iniisip mo ako ay paanong hindi mo alam ang mga nangyayari sa akin?” sabi pa ni Jacob. “Hindi mo ba talaga nalaman o talagang hindi mo lang talaga ako naisip man lang? Tanging ikaw lang Manager Sophia ang nakakaalam ng sagot sa mga tanong jo na iyan,” dagdag pa ni Jacob habang nanatili nga na malamig ang mga mata nito. Tinawag ni Jacob si Sophia ng Manager Sophia ng malamig
Nanatili naman na nakatitig si Sophia kay Jacob na kitang kita nga niya ang payat nitong katawan at mukhang napabayaan nga talaga nito ang katawan nito. At malumanay nga lamang ito na nakangiti sa kanya.Naisip nga ni Sophia na mukhang mabuti na nga rin ang ganito. Aa ganitong paraan kasi ay mukhang malayo pa rin talaga ang mararating ni Jacob kahit na wala ang tulong niya.Ang isang kahanga hanga na kabataan na katulad ni Jacob ay tiyak na malayo pa ang mararating.Hindi na rin nga nagtagal pa at pumasok na nga sila sa loob ng villa at itinuro na nga rin muna ni Sophia ang magiging silid ni Jacob at saka nga sya nagpasya na pumunta na rin sa kanyang sariling silid.Pagkapasok nga ni Sophia sa kanyang kwarto ay hindi na nga niya talaga nakayanan pa ang kanyang pagpipigil na masuka. Nagmamadali nga siya na pumunta sa banyo at agad nga diya na sumuka roon pero dahil nga wala siyang gaanong kinain kanina ay wala nga siyang mailabas.Napakapit na nga lamang si Sophia sa gilid ng lababo at
CHAPTER 123Si Sophia ay payat at napakagaan ngunit kapag yakap nga siya ni Raymond ay pakiramdam ng binata ay napakalambot nito at tilaba ayaw na nga niya itong bitawan pa.Ngayon nga ay malungkot ang mga mata ni Sophia. Nakikita ni Raymond ang bahagyang pait at lamig na bumabalot dito.“Miss Sophia hindi mo ba kaya na humakbang papunta sa akin? Mukhang kailangan ko pa yatang humakbang ng libu libong hakbang para marating lang kita,” tatawa tawa pa na sabi ni Raymond kay Sophia.Isang mainit na yakap naman ang binigay ni Raymond kay Sophia. Malinaw din na nag ayos din muna ang binata bago nga siya pumunta roon. Napakabango kasi ni Raymond ngayon at amoy na amoy nga ni Sophia ang halimuyak ng pabango na gamit ni Ray,ond.Ipinatong naman ni Raymond ang kanyang baba sa balikat ni Sophia at saka nga niya banayad na hinaplos ang likod ng dalaga upang pakalmahin nga ito. Dumampi pa nga ang pinong intim na buhok ni Raymond sa makinis na leeg ni Sophia at nagdulot nga iyon ng banayad na kili
Bigla naman ngang natauhan si Sophia at bahagya pa nga na nanikip ang kanyang lalamunan kaya napabuntong hininga na lamang nga talaga sya.“R-Raymond h-hindi ko kaya,” mahinang pagtanggi ni Sophia.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Raymond dahil sa sinabi na iyon ni Sophia.“Sige,” bulong ni Raymond kay Sophia at ang kanyang mainit na hininga ay dumadamoi nga sa leeg ni Sophia. “Pero kaya ko,” dagdag pa nya.“Hindi mo kaya,” sabi ni Sophia at saka nga niya itinaas ang kanyang kamay na may bahid ng dugo.Bigla namang natigilan si Raymond dahil doon kaya naman dahan dahan na nga na umatras si Sophia palayo kay Raymond.“Hindi ko kaya at hindi mo rin kaya. At isa pa ay hindi ito maaari,” sabi pa ni Sophia.Nagdadalang tao si Sophia sa anak nila ni Francis ngayon at isa pa ay hindi pa lubos na gumagaling ang katawan ni Raymond.Unti unti naman nga na nawala ang init sa mga mata ni Raymond at tila ba kumalma na rin nga siya.“Pasensya na at naging padalos dalos ako.
CHAPTER 124Katahimikan naman ang bumalot sa buong silid at ang tanging maririnig mo lamang ay ang magkahalong tunog ng kanilang paghinga.Kahit na medyo masakit pa nga ang sugat ni Raymond ay maingat pa rin nga niyang binuhat si Sophia at saka nya ito dinala sa kama. Kinumutan naman na nga rin muna ni Raymond si Sophia at saka nga siya kumuha ng ice pack at saka nya iyon binalutan ng gasa at saka nya inilagay sa namumulang mga mata ni Sophia.Nanatili nga muna si Raymond sa tabi ni Sophia at pinakatitigan nga niya ang maputla at walang buhay na mukha ni Sophia.Tila ba hindi nga maayos ang tulog ni Sophia dahil mahigpit nga nitong yakap ang isang malaking unan at tila ba nagpapakita nga ito ng kawalan niya ng seguridad.Nagyuko naman ng kanyang ulo si Raymond at saka nga niya ikinawit ang buhok ni Sophia na nakatbing sa mukha nito at saka nya nga ito marahang hinalikan sa noo.“Good night Sophia. Have a sweet dreams,” mahinang sabi ni Raymond at pagkatapos nga niyang sabihin iyon a
“Francis pagod na pagod na ako,” sabi ni Sophia.Hindi naman nga tumigil si Francis sa kanyang paglalakad.“Talaga bang hindi mo alam ang dahilan ko kung bakit gusto ko ng mag resign?” sabi pa ni Sophia.Nanatili lamang nga si Sophia sa kanyang kinatatayuan at nanatili pa nga rin siyang nakatitig kay Francis na hindi man lang nga lumingon sa kanya.“Ang pagkamatay ni Emman ay may kinalaman sa’yo,” dahan dahan pa na sabi ni Sophia at malinaw nga niyang binigkas ang bawat kataga no’n.Dahil nga sa sinabi na iyon ni Sophia ay napahinto nga si Francis sa kanyang paglalakad.“Ikaw ang namagitan kila Bianca at Yoba,” sabi pa ni Sophia.Dahan dahan nga na humarap si Francis. Aat ang madili, niyang mga mata ay punong puno ng lalim ngunit sa mga sandali nga na iyon ay halata ang pag aalinlangan niya. At hindi nga niya kayang titigan ng malinaw ang mga mata ni Sophia.Ngunit hindi nga siya tinantanan ni Sophia.“Si Nelson ay may plano na ipakuha ang pagsusulit sa iba at ikaw ang nagtakip ng ebi
CHAPTER 138Bigla naman na ngang nagbukas ang pintuan ng conference room.Nasa unahan nga si Francis at nang nag angat nga siya ng kanyang tingin ay agad nga niyang nakita ang isang eksena. Isang lalaki at isang babae ang bahagyang nakasandal sa isa’t isa. At kitang kita nga niya na napakalambing nga ng dalawa. At walang iba iyon kundi sila Raymond at Sophia.Dahil sa nakita na iyon ni Francis ay parang may kung anong bumara sa kanyang lalamunan.Tatlong taon din na nagsama bilang mag asawa sila Francis at Sophia. Pero kahit minsan ay ni hindi man lang nga yata ngumiti ng ganyan si Sophia sa piling ni Francis. O mas madaling sabihin na nang dahil kay Francis kaya hindi kailanman ngumiti ng ganoon si Sophia noong nagsasama pa sila.Ang lahat nga ng mga nasa conference room ay mga senior executive ng Bustamante Corporation. At karamihan nga sa kanila ay palaging sumusuporta kay Sophia ngunit may ilan din naman na hindi siya gusto dahil sa isa siyang babae na may mataas na posisyon sa k
“Sinabi ni Francis na hindi kayo mapapahamak dito. Pero sino ang makapagsasabi kung ano ang maaaring mangyari sa iyo at sa anak mo? Baka may ibang tao na hindi ka gusto. Baka may taong may gustong gawin sa inyo at walang makakapigil sa kanila,” sagot ni Sophia kay Johnny. “Tulad na lamang ng ilang tao na payapang naglalakad sa kalsada at bigla na lang matatamaan ng nahulog na bagay o di kaya naman ay bigla na lang mababangga at doon matatapos ang kanyang buhay. Johnny ang mga sakuna likas man iyan o gawa ng tao ay hindi natin iyan kayang kotrolin. Dahil sa huli si Francis ay hindi naman isang Diyos at hindi ka niya kayang protektahan sa lahat ng oras. Hindi ba?” pagpapatuloy pa ni Sophia.Wala namang direktang sinabi si Sophia na mangyayari pero sa bawat salitang binitawan niya ay parang sinasabi niya na may mangyayari nga. Bigla ngang nanlamig si Johnny at ramdam nga niya ang unti unting paggapang ng takot sa kanyang katawan.“Sinungaling ka. Niloloko mo lang ako,” sigaw ni Johnn
CHAPTER 137“Sino ba kasi sa tingin mo ang inaasahan ko?” sabi ni Sophia kay Johnny at ang kanyang boses ang may halong panunuya habang binibigkas ang mga iyon. “Binanggit mo si Francis sinusubukan mo ba siyang gamitin para idiin ako?” dagdag pa ni Sophia.Mapakla naman nga na tumawa si Johnny ngunit halata sa ekspresyon ng kanyang mukha ang pang iinsulto.“Ms. Sophia si Mr. Francis ba ang sandalan mo?” deretsahan ng tanong ni Johnny kay Sophia.Gusto sanag matawa ni Sophia dahil sa sinabi na iyon ni Johnny. Ilang araw na rin kasi na hindi maganda ang kanyang pakiramdam lalo na at nitong mga nakaraang araw ay abala si Raymond sa kanya at hindi niya pinagtuunan ng pansin ang mga tsismis tungkol sa kanya lalo na ang usapin tungkol sa nandaya siya sa pagsusulit. At nang dahil nga doon ay nagkaroon nga ng pagkakataon ang isang tulad ni Johnny upang itulak siya sa alanganin. Pero kailan pa niya naging sandalan si Francis? O mas tamang sabihin na kailan ba talaga siya pinrotektahan ni Fra
Masyado namang minahal ni Nelson si Theresa kaya naman kahit na ano pang baho ang sabihin sa kanya ay tinanggap na lamang niya ito at binalewala. Alam kasi niya na isa lamang iyong palabas pero hinayaan niyang siya nga ang masisi. Tinawag pa nga si Nelson na traydor, walang kwentang lalaki at isang hamak na kabit ng isang babae. Pero wala nga siyang pakialam doon.At sa huli nga tulad ng plano ni Theresa ay nakatakas siya papuntang ibang bansa. Dinala niya si Emmerson sa isang maliit na isla at doon nga niya ito itinago.Bagama’t mahina na nga ang katawan noon ni Emmerson at halos wala na nga itong pag asa pa na magising ay hindi nga sumuko si Theresa. Iba’t ibang paraan nga ang sinubukan niya upang magamot ito.Noon nga ay pinag aaralan ni Theresa ang holography dahil gusto niyang mamatay kasama si Emmerson sa isang virtual na mundo. Pero ngayon nga ay iba na dahil buhay pa nga si Emmerson. At dahil nga buhay pa nga ito ay may dahilan na siya ngayon para mabuhay.Ngayon nga ay pinag
CHAPTER 136“Si sir hindi pa rin po ba siya nagigising?” tanong ng bodyguard.Bahagya naman na ibinaba ni Theresa ang kanyang tingin at saka sya dahan dahan na tumango.“Halos magaling na ang kanyang katawan pero ang pagsabog ng research noon ay nagdulot ng matinding pinsala sa kanyang katawan. Bukod pa nga roon ay ang mga lantaran at lihim na alitan sa kanilang pamilya ay nagpatagal sa tamang oras ng paggamot. At ngayon nga ang tanging paraan para magiding siya ay ang pasiglahin ang kanyang utak,” mabagal at malumanay na sagot ni Theresa. At napapangiti pa nga siya sa tuwing nababanggit niya ang lalaki dahil umaasa pa rin siya na magigising na nga ito.Napatingin naman ang bodyguard niya sa orasan at agad nga rin nitong naunawaan kung ano ang dapat niyang gawin at saka nga ito lumabas ng silid na iyon.Samantala naman pinidot nga ni Theresa ang isang button sa loob ng kwarto dahilan upang lumitaw ang isang lihim na lagusan. Tahimik nga na naglakad at pumasok doon si Theresa hanggang
Bigla ngang lumakas ang ingay ng makina. Unti unti ngang nanginig ang kanyang mga kamay at bigla ngang bumukas ang kanyang mga mata. Isang matinding kuryente ang bumalot sa katawan ng babae at hinatak nga siya mula sa ilusyon pabalik sa realidad.Bahagya ngang nakadilat ang kanyang magagandang mga mata habang marahang humihinga.Kahawig nga nito si Sophia at halos magkapareho ang kanilang mukha. Ngunit sa pagitan ng kanyang mga kilay ay may bahid ng lamig at lungkot. Magkatulad man ang kanilang anyo ay siya naman ay banayad at maringal na animo’y isang babae na lumabas mula sa isang sinaunang pintura. Samantalang si Sophia naman ay mas matingkad, mas may buhay at may malamig ngunit matapang na presensya.Siya ay walang iba kundi si Theresa ang babaeng natagal nang hinahanap ng lahat ngunit matagal nang nagtatago sa isla na ito.“Madam nabigo kayong muli.”Bahagya naman na nag angat ng tingin ang babae at marahan nga itong tumango. Dahan dahan pa nga diyang bumangon mula sa holographic
CHAPTER 135Matapos nga na umalis ni Sophia sa bahay nila Nelson ay ramdam pa rin nga niya ang matinding kaba.Pakiramdam kasi niya ay para bang ang isang matagal na niyang pinanghahawakan na paniniwala ay tuluyan na nga na gumuho at para bang nabura na lamang ito ng basta na lang.Matagal ng kinamumuhian ni Sophia si Nelson dahil sa nangyari sa kanyang ina na si Theresa ngunit ngayon nga ay nalaman niyang si Nelson pala talaga ang tunay na biktima sa relasyong iyon. Napakalaking kasinungalingan pala ang lahat ng iyon.“Buhay pa kaya talaga ang aking ina?” mahinang tanong ni Sophia at tila ba hindi sya sigurado sa kanyang sariling iniisip.Napatingin naman si Raymond sa gawi ni Sophia at ang kanyang mga mata ay nanatili pa rin nga na madilim.“Phia sa tingin mo bakit kaya niya gustong pag aralan ang holography? Bakit matapos niyang mapakinggan ang usang kecture mahigit sampung taon na ang nakakaraan ay biglang gusto na niyang pag aralan ito?” tanong ni Raymond kay Sophia.Bigla tuloy
[Kapag umiihip ang hangin sa ilalim ng mga bituin ang gabi ay parang sinasabi na miss na kita, Jayson. Miss mo rin ba ako sa kabilang mundo?][Masarap ang mamatay dahil sa pag ibig pero para sa’yo kaya kong mabuhay para sa pag ibig.][Jayson puntahan mo naman sana ako sa panaginip ko.]Habang binabasa nga ni Nelson ang mga ito ay hindi nga niya maiwasan na bumagsak ang kanyang mga luha.Sino nga ba si Jayson? Sino nga ba ang lalaking matagal ng iniisip, minamahal at hindi makalimutan ni Theresa? Sino nga ba siya?Siya ay si Nelson at hindi si Jayson. At kung siya nga iyon ay hindi magiging malupit sa kanya si Theresa.Ang binabasa kasi na iyon ni Nelson ay hindi isang personal diary kundi mga tala sa kalat kalat na journal ni Theresa. Hindi kasi niya nagawang hawakan ang orihinal nito kaya palihim na lamang nga niya iyon na kinopya.Noong una ang buong akala nya ay siya ang tinutukoy ni Theresa sa mga tala at ang akala nya ay nagkamali nga lamang ito dahil halos magkatunog lamang nga