Share

CHAPTER 116.2

Author: Phoenix
last update Last Updated: 2025-02-10 15:30:51

"Ang totoo kasi niyan ay gusto ko lamang sabihin na hindi naman ganoon kalubha ang sugat ni Raymond. Hindi mo kailangang manatili sa tabi niya para lamang alagaan siya," sagot ni Dr. Gerome. “Maaari nga na masakit ang sugat niya pero sa totoo lang ay alam mo naman na mahilig lang siyang umarte,” dagdag pa nya.

Alam kasi niya na tumanggi si Sophia na bumalik sa pamilya Bustamante at piniling manatili sa ospital para lamang samahan si Raymond.

Tahimik naman na nilaro ni Sophia ang kanyang cellphone sa kanyang kamay at tila ba naaaliw siya sa sinabi na iyon ni Dr. Gerome.

"Dr. Gerome hindi ba pwedeng ito talaga anf gusto ko? Gusto kong alagaan si Raymond. Gusto ko syang makita sa ganitong estado,” sagot ni Sophia at saka nga siya bahagyang lumapit dito. “At saka nakalimutan mo na ba kung ano ang relasyon namin ngayon ni Raymond,” dagdag pa ni Sophia.

Hindi naman kaagad nakasagot si Dr. Gerome kay Sophia.

Bigla kasing naisip ni Dr. Gerome na tama nga naman si Sophia. Si Raymond ang kasal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 117.1

    CHAPTER 117Napakagaganda naman talaga ng disenyo ng mga parol sa labas ng naturang auction house. Bahagya pa nga ito na sumasayaw dahil sa ihip ng hangin at nagdadagdag din nga ito ng masining na diwa sa buong kalsada.Isa isa naman na nga nagdadatingan ang mga panauhin sa naturang auction. Karamihan nga sa kanila ay naroon para sa manuscript ni Theresa. Ang ilan pa nga sa kanila ay may kanya kanyang umpukan at nag uusap ng tungkol sa naturang manuscript. Bagama’t nakangiti nga ang mga ito sa isa’t isa ay alam nilang lahat na ang bawat isa ay matindi nilang katunggali sa auction na ito.Sa ilalim ng madilim na kalangitan ang auction house ay mistulang isang makinang na perlas na pinapalibutan ng malambot at kaakit akit na liwanag.Pagpasok pa lamang sa pintuan ng auction house ay agad na napahanga ang mga panauhin sa kanilang nasaksihan dahil isa iyong maluwag at maliwanag na bulwagan na may mataas na kisame na pinintahan ng mga detalyadong mural. Mula sa lihim na sulok ay bumabagsa

    Last Updated : 2025-02-11
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 117.2

    Matalim naman ang mga tingin ni Sophia at nang mag angat nga siya ng kanyang tingin ay agad nga niyang nakita ang mapanuksong ngiti ni Bianca at sa mga sandaling iyon ay mukhang alam na nya ang dahilan kung bakit naroon nga ang dress na iyon.Mabilis nga na tumaas ang presyo ng dress na iyon at umabot na nga ito sa tatlong milyong piso.Wala namang pag aalinlangan si Sophia na lalo pa ngang tinaasan ang nasabing halaga. Hindi niya kasi hahayaan na mapunta sa kamay ng ibang tao ang damit na ang kanyang ina mismo ang may gawa.Mula sa malayo ay napansin ni Bianca ang panlalamig ng mukha ni Sophia. Kaagad niyang niyugyog ang braso ni Francis na parang isang batang nagpapalambing."Ali gustong gusto ko talaga ang dress na ‘yan. Puwede mo ba itong ipakuha para sa akin?" sabi ni Bianca kay Francis Nanatili naman na tahimik lamang si Francis at pinipigilan nga niya na mpabuntong hininga. Ngunit si Bianca naman nga ay ayaw magpatinag. Kumurap kurap pa nga ito sa harap ni Francis na para ba

    Last Updated : 2025-02-11
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 118.1

    CHAPTER 118Tuluyan na nga na natapos ang auction. At hindi na rin nga nagtagal pa roon si Sophia. Nang papalabas na nga si Sophia sa venue ay may napansin nga siyang isang binata na abala sa pagtanggap ng mga panauhin. Payat at matangkad ang binata at may lamig sa mga mata nito at maputla rin nga ang mukha nito at halatang may sakit nga ito. Pero kahit ganoon ay may matigas na determinasyon sa kanyang paningin.Ang binata na iyon ay walang iba kundi si Jacob.Nagtataka naman si Sophia dahil ano nga ba nag ginagawa ng binata ngayon doon. At naalala rin nga niya na malapit na ang pagsusulit sa kolehiyo.Hindi na rin naman nga nakatiis pa si Sophia at linapitan na nga niya ang binata. Unti unti nga na nawala ang lamig sa kanyang mukha.“Jacob anong ginagawa mo rito? Nagpapart time ka ba rito?” tanong ni Sophia sa binata ng makalapit na nga sya rito. Nagulat naman si Jacob nang makita nga niya si Sophia roon. Agad niyang naalala ang sinabi ni Sophia noong ibinigay nito ang kanyang bu

    Last Updated : 2025-02-11
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 118.2

    Dati nga ay hindi nga iyon pinapansin ni Sophia. Pero ngayon nga ay nagtataka na siya dahil isang estudyante pa si Jacob na malapit nang kumuha ng entrance exam at sa halip na nag-aaral nga ito at nagpapahinga sa bahay ay nandito sa isang auction para magtrabaho.Pakiramdam ni Sophia ay paramg may mali. Unti unti nga na dumidilim ang tingin ni Sophia habang nakatitig nga siya kay Jacob.“Jacob tandaan mo na ikaw ay isang kandidato sa gaganapin na entrance exam,” sabi ni Sophia kay Jacob.Bigla namang natigilan si Jacob dahil sa sunabi na iyon ni Sophia at napakurap kurap pa nga siya bago sya dahan dahan na tumango.“A-ayos na po ba ang p-problema nyo Ms. Sophia?” kandautal pa na tanong ni Jacob kay Sophia dahil nag aalala rin naman sya rito. At mahahalata mo nga sa mga mata ni Jacob na matagal na niyang binabantayan ang sitwasyon ni Sophia.Bahagya naman na lumiwanag ang mukha ni Sophia at saka sya tipid na ngumiti sa binata.“Oo tapos na. Hindi na rin magtatagal at malalantad na ang

    Last Updated : 2025-02-11
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 119.1

    CHAPTER 119Maingat naman nga na hinaplos ni Bianca ang pulang diamond earrings sa kanyang mga tainga. At bahagya pa nga siyang napangiti habang iniisip nya na sabihin kaagad ang tungkol sa bagay na ito sa pamilya Flores.Agad pa nga nyang hunawakan sa kamay si Francis at saka nga sya mas lumapit pa rito at saka sya bumulong dito.“Ali tingnan mo. Hindi ba at siya yung lalaki na nakita natin sa high school? Mukhang may espesyal silang ugnayan ng aking kapatid,” bulong ni Bianca kay Francis habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi.Nanatili naman na walang imik si Francis habang malamig nga niyang tinitingnan si Bianca.“Huwag mo na lamang silang pansinin pa,” sagot ni Francis kay Bianca. At kahit pa nga sinabi nya nag bagay na yun ay nanatili pa rin naman sya na nakatitig sa lalaki hanggang sa tuluyan na nganitong umalis.Samantala nakangiti naman na lumapit kay Jacob ang manager ng venue at saka nga nito tinapik tapik ang balikat ni Jacob.“Mahusay ang naging trabaho mo ngayon J

    Last Updated : 2025-02-12
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 119.2

    “Mukhang takot na takot ka yata. May humuhuli ba sa’yo? O baka naman nagmamadali kang tawagan si Sophia para iligtas ka?” nakangisi pa na sabi ni Bianca kay Jacob."Si Sophia nga mismo ay hindi niya mailigtas ang sarili niya. Ano pa kaya ikaw?" sabi pa ni Bianca at saka nga siya bahagyang tumawa. “Akala mo ba talaga ay napakataas ng estado ni Sophia?” dagdag pa nya at ang kanya ngang mga mata ay biglang lumiwanag.Hindi naman nagsalita si Jacob at nanatili lamang nga siya na nakatingin kay Bianca at nakikinig sa mga sinasabi nito."Maagang naulila sa ina si Sophia at lumaki siya sa na isang huwad at sunud sunuran lamang. Hanggang sa wakas ay nakilala niya ang isang kahanga hangang lalaki pero iniwan din naman siya nito. Narinig mo naman siguro ang usapan sa labas, ‘di ba? May isang Raymond sa tabi niya," sabi pa ni Bianca at bigla ngang naging matalim ang tingin nito."Alam mo ba kung anong klase ng tao si Raymond sa mundong ito? Isa siyang kilalang babaero. Kung gusto mo siyang lapi

    Last Updated : 2025-02-12
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 120.1

    CHAPTER 120Ramdam na ramdam naman ni Sophia ang kakaibang tingin sa kanya ng mga naroon kaya naman bahagya na lamang na kumunot ang kanyang noo.At mula naman nga sa lumang gusali ay maaamoy mo talaga ang nakakasulasok na amoy ng nabubulok na basura at lumang alak.Agad nga na naramdaman ni Sophia na parang bumabaliktad na ang kanyang sikmura dahil sa amoy na iyon kaya naman nagtakip na nga lamang siya ng panyo sa kanyang ilong. Agad na rin naman nga siyang inalalayan ni Kenneth sa kanyang paglalakad.Sa tulong naman ng mga tauhan ni Raymond ay agad nga nilang natunton ang inuupahan na silid ni Jacob at naroon nga ito sa pinakamalayo at nasa pinakailalim pa ng gusali.Sa labas pa nga lamang ay dinig na dinig mo na kaagad ang maingay at magulong paligid. At rinig mo nga rin ang mga boses na nagkakatyawan na humahalo sa bastos na musika ng mga kalalakihan at kababaihan sa mga kwarto malapit doon.Bigla tuloy napaisip si Sophia kung bakit ganito ang pamumuhay ni Jacob? Kung bakit sa gan

    Last Updated : 2025-02-12
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 120.2

    Si Johnny na kanina lamang ay napakatapang sa loob ng kwarto ay bigla na lamang ngang natulala at hindi nakapagsalita.Habang si Joshua naman na kanina ay nagpapanggap na mabait at nanonood lamang ay kamuntik na nga na matumba dahil sa pagkabigla. Agad na rin namam nga siyang tumayo at sinubukang tumakas ngunit bago pa nga niya magawa ito ay sinalubong na agad siya ng malamig na titig ni Sophia.Napakaganda ng mukha ni Sophia kaya naman naramdaman ni Joshua na parang napapaligiran siya ng hindi matukoy na takot at parang isang panaginip lamang iyon.Gustuhin man ni Joshua na tumakbo para tumakas ay hindi na nga niya magawa dahil hinawakan na nga siya ng mga bodyguard at saka siya ibinagsak sa sahig.Habang si Johnny naman ay nanginginig n asa takot ay hindi pa rin nga tumigil sa pagbabanta,"Sino ba kayo!? Bakit ba nakikialam kayo sa mga anak ko? Kung hindi kayo titigil ay tatawag ako ng pulis at ipapakulong kayong lahat," sigaw pa ni Johnny.Samantala naman si Jacob ay nanatili lama

    Last Updated : 2025-02-12

Latest chapter

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 216.3

    Isang halik nga iyon na parang parusa. Isang halik na parang pag-angkin. At hindi na niya gustong marinig pa ang pangalan ni Raymond mula sa mga labi ni Sophia.Sa isip ni Francis si Sophia nga ay sa kanya. At hindi ito kailanman dapat na maging kay Raymond.Nanginginig naman nga sa galit si Sophia. Pilit nga niyang itinutula si Francis na pumupwersa sa kanya pero hindi nga niya ito kaya lalo na at mas malakas nga talaga ito sa kanya at isa pa ay hindi pa naman talaga siya ganoon kalakas muli.Kaya naman mariin nga niyang kinagat ang dulo ng dila ni Francis. At nalasahan pa nga niya ang dugo nito sa kanyang bibig.Ngunit hindi pa rin nga siya binitawan ni Francis. At sa halip nga ay gumanti nga ito at kinagat nga nito ang gilid ng kanyang labi. At habang tumatagal nga pareho na nga nilang nalalasahan ang dugo.Lalo ngang lumalim pa ang bigat ng halik na iyon hanggang sa parehas na nga silang halos kapusin na ng hininga. At sa wakas nga ay binitiwan na ni Francis ang labi ni Sophia.Ng

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 216.2

    “Yun na siguro ang nag-iisa kong anak,” mahina ngunit buo nga ang tinig na sabi ni Sophia. Bahagya pa nga na nanginginig ang kanyang kamay.“Alam mo ba kung bakit ako nakasakay sa wheelchair na ito? Yun ay dahil may sakit ako,” mariin pa nga na sabi ni Sophia. “At hindi na ako magkakaanak pa… kailanman,” pagpapatuloy p anga ni Sophia at doon na nga niya tuluyang sinabi ang isang masakit na katotohanan.Noong una nga na nalaman ni Sophia na nagdadalang-tao siya sa anak nila ni Francis ay sumagi nga sa kanyang isipan na ipa-abort ang bata. Ngunit pinigilan nga siya ni Dr. Gerome.sinabi nga nito na kapag itinuloy niya ang balak niyang iyon ay lalo lamang itong makakasama sa kanyang mahinang katawan. Ngunit kahit ano ngang pag-iingat ang ginawa niya y hindi rin nga talaga nailigtas pa ang bata. At habang lumilipas nga ang panahon ay lalo pa ngang nanghina ang kanyang katawan. At lalo pa ngang lumala ang kanyang karamdaman.Ramdam ni Sophia ang pagkalito ng kanyang isipan at ang pagkaliga

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 216.1

    CHAPTER 216Hindi naman na nga naglakas pa ng loob si Francis na direktang sumulat kay Sophia. Kaya naman sa harap nga mismo ni Sophia ay tinawagan at kinausap nga niya si Dr. Gerome.Maaari nga na hindi alam iba ang tungkol dito pero si Dr. Gerome— siya ang mas nakakaalam ng lahat.At nang makumpirma nga ni Francis dito ang totoo ay tila ba nawalan nga siya ng lakas. Dumulas pa nga sa kanyang kamay ang kanyang cellphone at malakas nga itong bumagsak sa sahig.Halos hindi na nga makatayo si Francis. Nanginginig nga ang buo niyang katawan. Hindi nga niya maikuyom ang kanyang kamao. At a mga mata nga niya ay bakas nga ag labis na pagkalito at pagdududa sa sarili.“A-akin? Akin daw? P-pero bakit? Bakit hindi kay Raymond? Bakit akin? Paanong ngaing akin iyon?” sunod-sunod pa nga na tanong ni Francis at tila ba hindi nga siya makapaniwala sa katotohanan na iyon. Dahil kung totoo nga na anak niya iyon ay ano nga ba itong nagawa niya.Tumingin naman nga si Sophia sa gawi ni Francis at saka n

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 215.2

    “Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo. Ikaw mismo ang nagplano para patayin ang tagapagmana mo,” sabi ni Sophia at patuloy pa rin nga sa pag agos ang kanyang luha habang sinasabi nga niya iyon.At talagang napakasakit nga nitong isipin. Siya ang nasaktan pero tila si Francis ay wala ngang pakialam. Paanong nagawa niyang patayin ang sarili niyang anak na para bang wala lang?“Bakit Francis? Bakit mo nagawa ito? Ikaw ang salarin dito. At iaw ang ugat sa lahat ng kasamaan na ito. Kaya dapat lang na magdusa ka rin kasama ko,” sabi pa ni Sophia.Nanatili naman nga na nakatayo lang si Francis at nakaatulala. Paa bang pakiramdam nga niya ay bigla ngang nawalan ng saysay ang lahat. At para bang wala siyang ibang naririnig kundi ang isang pangungusap na paulit-ulit nga sa kanyang isip.“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo.’Napakurap kurap pa nga si Francis habang nakatingin nga siya kay Sophia at tila ba naguguluhan nga siya. Hindi nya alam kung anong ibig sabihin no’n? Paanong s

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 215.1

    CHAPTER 215Sa mga sandali nga na iyon ay para bang tuluyan nang nakalimutan ni Francis ang lahat ng hindi nila pagkakaunawaan ni Sophia.Para bang hindi kailanman nangyari ang diborsyo, ang aksidente o ang lahat ng sakit sa pagitan nila. At para bang mag-asawa pa rin nga sila. At talaga namang nakakatawa nga iyon. KKung noon siguro ito ay maaaring natuwa pa nga si Sophia pero ngayon nga ay tila ba isa na itong katawa-tawang biro na lamang.“Francis, mukhang nakalimutan mo na ang lahat ng pader sa pagitan nating dalawa. Kailangan pa ba kitang paalalahanan ngayon?” sabi ni Sophia at saka nga siya napatingin sa red wine na nasa harapa nga niya at sa loob-loob nga niya ang may bahid nga ng pangungutya.“At saka kelan lang ako nakunan. Masyado pang mahina ang katawan ko. Hindi pa ako pwedeng uminom ng ganyan,” dagdag pa nga ni Sophia.Sa pagbanggit nga ni Sophia ng salitang ‘nakunan’ ay bigla ngang nagdilim ang mata ni Francis.“Huwag mo nang banggitin ang bagay na iyan sa harapan ko,” m

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 214.3

    Dahan-dahan naman nga na tumayo si Sophia at muli nga siyang tumingin sa buong paligid at talaga ngang walang nagbago roon.Nandoon pa rin nga ang mga stuffed toys sa sofa na siya nga mismo ang naglagay. Ang mga couple mugs na siya rin nga ang pumili ay nakapwesto rin nga sa mesa. Ang mga upuan ay ganoon pa rin nga ang disenyo. Ang rystal chandelier na siya rin nga mismo ang nagdisenyo ay nandoon pa rin. At ang mga mural sa pader na isa-isa nga niyang pinintahan ng buong pagmamahal noon para sana salubungin ang isang bagong buhay ay naroon pa rin. At halos sa lahat nga ng sulok ng bahay na iyon ay may bakas pa rin nga ng kanyang presensya.“Bakit hindi mo ito pinapalitan? Bakit nandito pa ang lahat ng ito? Iniisip mo ba na babalik pa ako?” mga tanong sa isipan ni Sophia habang inililibot nga niya ang kanyang tingin.Marahil nga sa sobrang liwanag ng ilaw ay itinaasnga ni Sophia ang kanyang mga kamay at saka nga niya tinakpan ang kanyang mga mata. At pakiramdam nga niya ay para bang ma

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 214.2

    “Pwede kang bumalik sa bahay natin,” sabi ni Francis at may bahid nga ng hinanakit ang kanyang boses. Matagal na kasing hinihintay ni Francis ito ang pagbabalik ni Sophia sa kanilang tahanan— sa tahanang itinuring nila na tahanan nilang mag-asawa.Ibinaling nga ni Sophia ang kanyang tingin at saka nga siya mahinang sumagot dito. At sa totoo lang ay wala nga siyang pakialam kung saan sila magkikita ngayon.“Sige, pupunta ako,” sagot nga ni Sophia.Pagkababa nga ng tawag ay nanatili pa nga rin na nakaupo si Sophia sa kanyang hospital bed habang hawak nga niya ang kanyang cellphone. At tila ba hindi pa rin nga siya nakakabalik sa kanyang sarili.Maya maya nga ay dahan-dahan na nga siyang tumingin kay Harold.“Dalhin mo ako roon,” mahina ang boses na sabi ni Sophia kay Harold. Alam kasi niyang narinig ni Harold ang buong pag uusap nila ni Francis.Hindi naman din kasi kalayuan ang bahay nila dati ni Francis noon sa ospital kung nasaan siya ngayon. At mga sampung minuto lang naman ang bya

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 214.1

    CHAPTER 214Pero ano nga ba ang papel ni Bianca sa lahat ng ito?Mahal na mahal nga ni Bianca si Francis at sa sobrang pagmamahal nga niya rito ay hindi nga niya matanggap na may ibang babae sa paligid ni Francis. Lalong lalo namang hindi niya matatanggap na si Sophia pa ang magdadala ng magiging anak ni Francis.Kaya naman hindi na nga kailangang kumilos ni Francis. Sapat na nga ang ibalita niya ang pagbubuntis ni Sophia at si Bianca na nga ang bahalang gumawa ng paraan para tapusin ito.Ang pagkalaglag nga ng bata na nasa sinapupunan ni Sophia ay dahil nga sa iniinom niyang gamot.Matapos nga na maisakatuparan ni Bianca ang una niyang plano ay mas lalo nga itong naging mapangahas. At unti-unti nga siyang tumapang. Lahat nga ng bagay tungkol kay Sophia ay kinamumuhian niya. At gusto nga niya na tuluyan na nga na mabaliw si Sophia hanggang sa manghina nga ito at sa huli ay mamamatay na lang na parang isang tuyong bulaklak.Sa puso nga ni Bianca ay pareho lang silang anak ni Nelson per

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 213.3

    Nanatili naman nga na tahimik si Louie at pinagmamasdan nga niya ang lahat sa harap niya. Ni hindi nga ito ngumingiti at hindi rin nga niya pinipigil ang galit ni Harold. Pero sa totoo lang ay pareho nga sila ng iniisip.Maya maya nga ay lumapit na nga siya kay Dr. Gerome.“Dr. Gerome wala na dapat tayong inaaksaya pa na oras. Kailangan na nating madaliin ito,” mahina ngunit deretsahan na sabi ni Louie.Pero sino nga ba ang maaaring gumawa nito kay Sophia? Wala nga silang kaide-ideya kung sino. At sa totoo lang ay iniisip nila na baka nadiskubre na ang totoong pagkatao ni Sophia na siya pala ang tunay na utak sa likod ng Prudence.Iniisip nila na baka gusto ng mga ito na pigilan ang pagdalo ni Sophia sa paparating na financial summit kaya gumamit sila ng ganito karuming paraan.Kung iyon nga talaga ang dahilan ay napakarami nga ng posible nilang kalaban kagaya na lamang nga pamilya Villamayor, pamilya ng mga Marquez, mga dating kasosyo at pati na rin ang mga tao na galing pa sa malal

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status