Felize's POV
PILIT kong hindi ipakita ang pagkabigla ko sa biglaang confession ni Valerio. Unti-unti ko na rin naman talaga nararamdaman na nahuhulog na siya sa akin kahit na naiisip ko minsan na baka nga katawan ko lang ang habol niya. Parte iyon ng ginagawa kong pang-aakit para madali ko siyang makuha ngunit hindi ko akalain na mukhang magiging totoo na.
Nagugustuhan na ako ni Valerio.
Ngunit ang mas nakakabigla ay ang sarili ko. Masaya akong marinig mula sa kanya na gusto niya ako.
"Ano nga pala ang gusto mong sabihin sa akin noong nakaraan? Ilang araw na 'yong gumugulo sa isip ko." takang tanong ni Valerio.
Napalunok ako at hinawakan ang kamay niya.
Felize's POV MAHABA ang naging usapan namin ni Aling Amy. Ginamit lang ni Noelle si Aling Amy para kunin ang anak ko para iligaw ang katotohanan at maipalabas na dinukot lang ng sindikato ang anak ko. Sa totoo lang naisip ko na nga iyon lalo pa't walang kakaibang galaw si Noelle. Marahil naging maingat lang siya dahil alam niyang siya ang babalikan ko. Nagawa niyang ilipat sa iba ang atensyon ko at nagawa niyang saktan muli ang puso ko. Balak na patayin si Aling Amy at ang anak ko sa malayong isla ngunit nakagawa ng paraan si Aling Amy para makatakas. Ang walang kamuwang-muwang kong anak ang ginamit niya para makatakas sila. Sakto ng mga oras na daw na iyon ay naiihi ang anak ko. Nagpalusot si Aling Amy na nadudumi na rin siya at kung hindi papalabasin ay magkakalat siya sa loob ng sasakyan. Pumayag ang nagbabantay sa kanila at dinala niya ito sa mala
Felize's POV Natanggal ko na lahat ng kolorete sa akin mukha. Hindi nawala sa akin ang tingin ni Valerio. Kung kanina nalilito siya... ngayon bakas ang matinding galit sa kanyang mukha. Inaasahan ko na iyon ngunit masakit pa ring makita siyang ganyan. Napabuga siya ng malalim na hininga at nasapo ang noo. Umatras si Valerio at galit akong tinapunan ng tingin. "ALL THIS TIME, YOU WERE LYING TO ME?!" Napapikit ako sa malamig na timbre ng kanyang boses. Nang magmulat ako nakita ko siyang humakbang ng isang beses papalapit. Mailang beses din siyang mahinang napamura. "TANG*NA! LAHAT BA NG PINAKAKITA MO SA AKIN KASINUNGALINGAN LANG HUH? ELIZE?" he asked and then he shook his head. "Hindi pala ikaw si Elize... ikaw pala si Felize!" tila sasabog na si Valerio sa galit.
Felize's POV "Tulad ko noong gabing iyon, may ginamit na drugs si Noelle para mawala ka sa kontrol. Ganoon din ang ginawa niya sa akin." humakbang ako papalapit pero umatras si Valerio. Matinding kirot ang dulot nito sa akin puso pero tinanggap ko. "Alam kong magulo pero maniwala ka sa akin nagsasabi ako ng totoo!" Matindi siyang napalunok. "H-hindi kita kayang paniwalaan." "DAHIL ANO?" nagsimulang bumagsak ang luha ko pero inalis ko iyon kaaagad dahil ayokong isipin niya na nagpapaawa lang ako. "Dahil hindi mo ako kilala? O dahil sa wala kang maalaala ng gabing iyon at tugma lahat ng sinasabi ko? Valerio, buksan mo ang isip mo at paniwalaan mo naman ako." panghahamon ko sa kanya. Naniningkit ang mga mata ni Valerio. "Dahil hindi kita kayang pagkatiwalaan." mariin niyang sabi. "Akala ko ba mahal mo ako?" mahina kong sabi pero sapat lang para m
Valerio's POV MASYADONG magulo ang utak ko sa lahat ng sinabi ni Felize ngunit hindi ko rin maintindihan kung bakit niya kailangan na iligtas ang buhay ko. I'm not stupid to think that it was all an act. Sa tingin ko walang ibang gagawa nun. Pero sino naman ang gawa noon sa amin? Fvck! Ang gulo! Ngayon nabigyang linaw na kung bakit wala akong mahanap na impormasyon tungkol sa pagkatao ni Elize dahil hindi naman siya totoo. How did I end up in same old situation? Bakit muli niya akong naloko? Pero totoo ba ang lahat ng ito? Bakit ngayon pa kung kailan alam kong hindi ko na kayang mawala siya? Bakit ngayon pa kung kailan natuto na akong magmahal? Hinayaan ko lang na maging palaisipan sa akin ang katauhan niya dahil mahal ko siya.
Valerio's POVNagsasalita si Tita Barbara ngunit hindi ko iniintindi ang sinasabi niya. Nakatuon ang atensyon ko sa mukha ni Noelle na kabadong-kabado. This is the first time I witnessed how scared she is. Pinakiramdaman ko ang sarili kung anong mararamdaman. Malungkot ako para sa anak ko pero kung sarili ko lang ang iisipin ko, masaya ako na mawawala na siya sa buhay ko lalo na kung iisipin ang mga ginawa niya.Pwede ko namang gamitin ang impluwensya ko para pakiusapan ang mga pulis na huwag kunin si Noelle pero hindi ko iyon gagawin."Kunin niyo na sila lalo na itong asawa ko," mabilis kong sagot at tumango ang mga pulis.First time kong banggitin na asawa ko si Noelle at marahil ito na rin ang huli."VALERIO! P
Noelle's POVKUNG hindi lang sana pumalakpak si Gilbert at ang tauhan niya sa pagpatay sa kambal ni Zandra at sa pesteng kumadruna na 'yon, hindi sana ako mapupunta dito sa nakakadiring kulungan!Hindi ko matanggap na ilang beses na pumapalya si Gilbert dahil lang sa wala naman talagang laban ang ipapapatay sa kanya. Isang bata at matanda, wala nga namang problema pero hindi siya nag-iisip na maaari pa rin siyang malusutan. Kailangan ata na bawat galaw nila may instructions ko. Mga inutil talaga!Dahil doon ay pinahanap ko ang matandang kumadruna at ang kambal ni Zandra. Nahirapan kaming maghanap sa dalawang iyon kaya naging maingat ako sa galaw ko. Pinasundan ko na rin si Elize dahil sa gusto kong alamin kung anong ginagawa nito dahil curious na rin ako sa pagkatao niya. Kung sakali mang darating ang araw na
Noelle's POVTinaasan niya ako ng kilay. "Kung ganun, hindi ako mapapagod na magpadala ng maraming papel hanggang sa pumayag ka. Pero sisiguraduhin kong hindi ka makakalabas dito."Humakbang siya papalapit na kinaalerto ko. Masasabi kong kakaiba ang galit ni Valerio at unti-unti na akong kinakain ng takot. Pero desperada na akong makalabas dito.“Umamin ka nga sa akin… si Felize ba ang babaeng kasama ko nung gabing iyon?”Nagtiim bagang ako. “Bakit? Hindi ka ba naniniwala sa mga sinabi niya para tanungin ako?” natatawa kong tanong sa kanya.Umigting ang panga ni Valerio. Hindi nagsalita si Valerio kaya nagpatuloy ako.“Wala kang maa
Valerio's POVBUONG araw ako na naging abala sa trabaho ko para alisin ang pag-iisip na dalawin si Felize sa hospital. Ilang araw na siyang wala pa ring malay pero mabuti na ang lagay niya at hinihintay na lang na magising. Ilang araw na rin akong nakikipagtalo sa sarili ko na dumalaw sa kanya kahit man lang sulyapan siya pero mabigat pa rin kasi ang loob ko... hindi sa kanya kundi para sa sarili. Hindi ko mapatawad ang sarili ko na hanggang ngayon wala pa ring malay si Felize.I've missed her so much. But, I don't know anymore.She suffered because of me.Unti-unti ko nang napagtanto lahat ng ginawa ko noon kahit na hindi ko pa rin tuluyang naaalala ang lahat. Malabo pa rin ang mukha ng babaeng nasa panaginip ko. Ngunit ang pagkakulong ni Noelle ang isa sa patunay
Valerio's POV LALONG nagkagulo sa venue nang lumaban na rin si Matthew para tulungan ako. Iyon ang naging cue ko para pilitin ang sarili na lumaban kahit na may tama ako sa braso. I don't care if I got shot on my right arm. I don't care about myself anymore. I care about Felize and our baby. We're pregnant and I can't lose them. I won't let them. Fvck, Harold! Kaya noong una pa lang hindi ko na siya gusto. Pero dahil naging maayos naman ang trato niya kay Felize at sa company nito ay pumayag na ako. Hinayaan ko siyang mapalapit sa asawa ko dahil maayos naman siyang makitungo. Hinarang ko ang isang tao na tumadyak kanina sa akin para hindi ako mabaril. Nakita ko na gustong lumaban ni Kobe pero hindi siya makatayo dahil sa kanyang tama sa dalawang binti. May
The Last Game Felize's POV "BILISAN MO!" singhal ni Noelle sa akin sabay tulak muli sa akin. Ginagawa ko naman na lumakad ng mabilis kaya lang nanginginig ang mga paa ko. Napansin siguro ni Harold ang galaw ko kaya naman hinuli niya ang braso ko at hinila ako papalapit sa kanya at kinaladkad papalabas. Sa likod kami dumaan at nakakagulat na wala man lang mga bantay doon ni Valerio o kahit ng mga pulis. Hindi ba nandito na sila? Mamaya-maya pa, papalapit na kami sa isang itim na sasakyan ay nakarinig kami ng sunod-sunod na putukan. Binuksan ni Noelle ang pintuan ng sasakyan at pumasok sa front seat. Si Harold naman binuksan ang likod pero nilagyan niya ng posas ang kamay ko bago ako pinapasok sa loob. "Let's get out of here!" ani Harold. Napayuko ako at pilit na tinatakpan ang tenga ko sa abot ng aking makakaya dahi
Grand WeddingFelize's POVLahat kami natigilan at nagulat. Hindi mula sa likod ang nagsalita kundi sa harap. Nasa unahan ang isang babae na nakaitim at may itim din na belo sa mukha. Strapless dress at may mahabang gloves pa siya sa kamay. Dahil itim ang damit niya, lutang ang maputi nitong balat.Itigil ang kasal? Tapos na ang kasal namin.Malakas itong tumawa. Natamaan ng ilaw ang mukha niya kaya doon ko lang napansin kung sino ito. Nanlamig ako at napakapit kay Valerio. Naramdaman ko rin ang pagkabigla niya."Noelle?..." nalilito kong sambit.Malakas siyang tumawa at pumalakpak."I'M BACK!" umalingawngaw ang boses niya kahit na maingay na sa palig
Grand WeddingFelize's POVNASOBRAHAN ata ako sa pagkain ng japanese cake kaya biglang sumama ang tiyan ko. Hindi ko na naman pinansin iyon dahil wala na naman akong naramdaman pa na kakaiba pagkatapos. Noong gabing iyon, hindi tuloy namin natapos ang show at umuwi na lang kami ni Valerio."Felize, may dati kasi akong wedding dress. Galing pa 'yon kay Mama at hindi na ginagamit. If you like, you can wear that dress. We love to see you wear it on your wedding day." kinikilig na sambit ni Mama Vanessa.Lumawak ang ngiti ko at mabilis na tumango."Sure po. It's my pleasure to wear it." masaya kong tugon.Sinabihan ako ng Mama ni Valerio na tawagin siyang Mama para maging opisyal na daw
She's BackNoelle's POVSUMAGI sa isip ko na baka sinadya ang lahat. Baka planado ang pagkabangga ng sasakyan namin. Baka naisip ni Valerio na ipapatay ako dahil sa galit niya. Pero kilala ko rin naman si Valerio - sa kabila ng aking mga pagdududa na pwedeng sadya ang nangyari, imposible. Alam kong hindi niya 'yon kayang gawin kahit na labis na kasamaan ang ginawa ko. He just put me in jail and let me rotten there.Maybe Harold is right. This is my bad karma for all the decisions I'd made that cause a lot of pain. Kaya naman kinuha na rin sa akin si Mama. Sobrang sakit, sobrang pighati at sobrang galit ang nabuo sa akin. Tila napatungan ng isa pang galit ang galit ko para kay Valerio at Felize.
Revenge Harold's POV WALA sa isip ko na bumalik. Wala sa isip ko na magpakita pang muli dahil wala na namang dahilan. Wala nga ba? Gusto kong matawa sa sarili ko. Alam kong niloloko ko lang ang aking sarili kapag sinabi kong wala akong babae na hinihintay na mapasaakin. Hinahangad na makasama at masabing akin. I want to get her from him but whenever I tried she always pushed me away. Hindi niya ako gusto.
Are You Mad?Felize's POVInabot niya sa kasambahay ang hawak nitong palanggana na may tuwalya. Iniwan namin ang isang nurse sa kwarto bago kami umalis. Sumunod ako kay Valerio hanggang makarating kami sa kwarto.Huli akong pumasok at ako rin ang nagsarado ng pinto.Tumingala siya saglit bago nagpakawala ng malalim na hininga sabay humarap sa akin.Napansin ko kaagad ang matinding pagod sa kanyang mga mata.
Are You Mad?Felize's POVNASA hospital si Thalia?!Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Mabilis na tumulo ang luha ko kasabay nito ang matinding guilt na namutawi sa aking katawan.Saglit akong nilingon ni Valerio, problemado. Hindi ko na alam kung dahil ba 'yong sa dapat hindi niya muna sinabi o dahil umiiyak ako."B-bakit n-nasa h-hospital si Thalia?"Ngunit wala akong sagot na nakuha kay Valerio. Gumalaw ang kanyang panga at pinanatili ang tingin sa labas. Nasapo ko ang noo ko at sinandal ko ang kamay ko sa gilid habang kagat-kagat ang hintuturo.Nang matanaw ko na ang hospital mas lalo akong kinabahan.Nang magpark na si Valerio, hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako. Dali-dali akong lumabas at tumungo sa loob ng hospital. Lumapit kaagad ako sa isang nurse.&nbs
Strong And IndependentFelize's POVMaganda ang paligid at napapalibutan ito ng mga classic na kagamitan. Ngayon lang ako nakarating dito at mukhang may bago na akong pwedeng puntahan."What do you like?" tanong ni Harold sa akin habang tumitingin sa menu.Hindi pa naman ako gutom pero nakakahiya talagang tanggihan si Harold. Hindi ko rin alam kung anong dapat kong kainin."Nakarating ka na ba dati dito?" tumango siya sa tanong ko."Bakit?""Ano sa tingin mo ang masarap na pagkain nila dito pero hindi naman masyadong heavy? Medyo busog pa kasi ako…" nakangiti kong sambit.Tumango siya