RUAN'S P.O.V I am a rich guy. Probably, richer than Bill Gates. I, Ruan Dela Merced, a handsome and rich bachelor, whose appeal cannot be resisted by any of the ladies I desire to own. Living in a world of money, cars, women, and... moan?Shit! Mabilis akong napabalikwas ng bangon. Headache... Nasapo ko ang ulo ko nang maramdaman ko na pumipintig ito sa sakit. Where am I? Agad kong iginala ang paningin ko sa kabuuan ng lugar kung nasaan ako. And yeah, I'm in my entertainment room—wasted. Nakasalampak ako ngayon sa sahig kung saan nagkalat ang mga bote ng alak na wala nang laman. The same dirty floor kung saan ako nakatulog. Damn! I rake my hair in disgust. What the hell did I do again?! Lulugu-lugong tumayo ako at tatalikod na sana kung hindi ko lang narinig ulit 'yung mga ungol na dahilan kung bakit ako naalimpungatan kanina. Argh, that moan! Saan ba kasi nanggagaling 'yon? Wala naman akong matandaan na— Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko na bukas 'yung big screen
RUAN'S P.O.V Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. ''Multo ka?!'' gulat na tanong ko kay Ariadne matapos kong marinig ang mga sinabi n'ya. Tumango naman s'ya. Shit. I can't believe this! Ako, nakakakita ng multo?! Crap! ''Pero 'wag kang mag-alala! Wala naman akong gagawing masama sa'yo, eh.'' sabi n'ya. ''Just please, hayaan mo lang muna akong mag-stay dito. Hindi naman ako magpapakita sa'yo, eh. Promise!'' Napaisip ako. Wala pang isang oras mula nang magising ako sa sahig ng magulo at makalat kong entertainment room pero sobrang dami na ng mga nangyari. ''Ruan— '' ''Saglit, nag-iisip ako! Tss.'' putol ko sa sasabihin n'ya. Tinaasan n'ya ako ng kilay. ''Nagdadalawang isip ka pa, huh? Sa ganda kong 'to? If I know, gusto mo rin naman na nandito ako. You're a flirty cassanova, remember? Gusto mo na palaging may nakikita at nakakasamang magagandang babae na kagaya ko—'' ''Oo, mahilig ako sa magaganda at sexy na babae. Pero hindi ako tanga para pat
ARIADNE'S P.O.VNa-break ko na 'yung isang rule ni Ruan! Baka mahalata n'ya na pumasok ako sa kwarto n'ya! 'Tapos paalisin n'ya ako bigla! Huhu!Pero... inayos ko naman 'yung kama n'ya bago ako umalis doon, eh!Tsaka, waaaahhh!!! Humiga ako sa kama kung saan s'ya gumagawa ng kung anong kababalaghan kasama 'yung kung sinu- sinong babae na gustuhin n'ya!Yuuucckkk!!! So disgusting! Arghhh!Napapitlag ako nang may marinig akong busina ng kotse na nanggagaling sa labas ng bahay ni Ruan.Nand'yan na s'ya!Dali-dali akong naglaho papunta sa kwarto kanina kung saan ako unang nagpakita sa kanya.Magpe-pretend na lang ako na hindi ako umalis dito!Ayoko magsinungaling pero... huhu! Kailangan, eh! Sana lang talaga hindi n'ya mahalata. Or else... Lagot na.''There you are! Kanina pa kita hinahanap, eh. Nand'yan ka lang pala.''Napasigaw ako ng malakas dahil sa gulat.Pero napahinto din ako nang marinig kong tumawa si Ruan.''Akala ko, multo lang ang may kakayahang manggulat ng tao. Kaya din pala
ARIADNE'S P.O.V Sa nangyari kanina ay mas napatunayan ko kung gaano kabuting tao si Ruan. He's a good man inside and out. Bad thing dahil hindi 'yon nakikita ng ibang tao. 'Pagkatapos naming mag-usap kanina at pagkatapos kong maglaho ay dito na ulit ako sa entertainment room nagpunta. Mamaya, siguradong magiging maingay na naman ang paligid ng bahay ni Ruan. Sa tantya ko ay halos dalawang oras na ang nakakaraan pero wala pa rin akong naririnig na anumang ingay ng kasiyahan. Bakit kaya? Naglaho ako at agad na nagtungo sa pool area kung saan sila madalas mag party. Walang tao doon. Inisa-isa ko ang mga parte ng bahay na pwede nilang puntahan pero puro katahimikan lang ang sumasalubong sa akin. Hanggang sa... ''Yes, baby. Kami lang ni Ruan ang nandito. I already smell the scent of success.'' Nagtago ako sa likuran ng—wait. Multo nga pala ako, 'di ba? Hindi n'ya ako makikita. So, bakit pa ako magtatago? Umiling ako at lumapit sa babaeng nakita ko na ngayon ay may kausap sa cell
RUAN'S P.O.V I was on my way to my room when I accidentally stopped in front of the entertainment room. This is where I saw Ariadne first. At dito lang s'ya nag-i-stay. Halos isang linggo na rin akong hindi nakakapunta dito. And yes, isang linggo na rin kaming hindi nagkikita. I never bother to look for her. Nor she did.Bumuntung-hininga ako.Then I opened the door.Wala akong nakikitang Ariadne dito. Pero may kakaibang pakiramdam akong naramdaman nang pumasok ako dito. Weird.''Ariadne,'' nagbabakasakaling tawag ko sa kanya. Unfortunately, the only answer I got from calling her was nothing aside from silence.''Ariadne,'' tawag ko ulit pero wala pa ring sumasagot. ''I know you're here. Magpakita ka sa akin.''Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng entertainment room pero wala pa ring Ariadne na nagpapakita sa akin.Bumuga ako ng marahas sa hangin.''Fine! Lumabas ka na, please? Hindi na ako galit.''Pagkalipas ng ilang sandali ay unti-unti ko na s'yang nakita sa harapan ko. She
ARIADNE'S P.O.V Kahit labag sa loob ko ay kailangan kong iwan si Ruan. It's up to him if he'll believe on what I said or... not. But no! Hindi ko s'ya pwedeng iwanan dito! Ngayon pa na pumalpak 'yung Thia na 'yon sa plano nila? For sure, gagawa ulit 'yon ng panibagong plano para makuha lahat ng gusto nila kay Ruan. Kaya imbis na umalis, bumalik ako sa bahay ni Ruan.Inisip ko mabuti kung saan sa bahay n'ya ang hindi n'ya madalas puntahan.Tama, sa music room! Naglaho ako agad at nanatili sa music room.''Ariadne!''Napakunot-noo ako.S-Si Ruan! Tinatawag ako ni Ruan!''Naniniwala na ako sa'yo, okay? I guess... tama ka. May pinaplano ngang hindi maganda sa akin si Thia. Hindi na ako galit. So, if you're still here, please, magpakita ka sa akin.'' rinig kong sabi n'ya ulit sa mas malakas na tinig.Pakiramdam ko ay naiiyak na naman ako dahil sa mga sinasabi n'ya.I can feel his sincerity...''Ariadne, kung naririnig mo ako, I'm... thankful for what you've done. Hindi mo lang alam kun
ARIADNE'S P.O.V Buong araw ay hindi ako mapakali sa paghihintay kay Ruan. Normal pa bang kabahan ang isang multo? HAHAHAHA! Biro lang. Alam ko kasi na ito ang unang pagkakataon na haharapin ni Ruan 'yung mga business partners n'ya. Kaya sigurado din na babatuhin s'ya ng napakaraming tanong ng mga 'yon.Lalo pa akong nag-alala dahil pasado alas sais na ng gabi ay wala pa rin s'ya. Samantalang dati, alas kwatro pa lang ay nandito na s'ya. Naghahanda sa party o naghihintay ng taong bibisita sa kanya. At ang taong 'yon ay karaniwang babae.Napasinghap ako nang marinig ang pagbangga ng kung ano'ng mabigat na bagay sa isa pang mabigat at malaking bagay.S-Si Ruan...!Dali-dali akong naglaho at nagpunta sa labas ng bahay ni Ruan.Sa garahe...May nakita ko doon na pamilya na kotse. And yes, it's Ruan's.Hindi 'yon naiparada ng maayos dahil nakabangga 'yon sa pader ng garahe n'ya. Bukas pa rin 'yung mga headlights.Lumapit ako at agad namang tumagos sa sasakyan n'ya kaya nakapasok ako sa lo
ARIADNE'S P.O.V Habang mag-isa kong hinihintay si Ruan sa bahay n'ya ay hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Tama ba 'yung ginawa ko? Tama ba na sinabi ko sa kanya na mahal ko na rin s'ya? Hay.Pabuntung-hininga akong umupo sa malaking sofa na pag- aari n'ya.Bakit ba kasi gan'to? Hindi naman ako basta-basta nagkakagusto sa isang tao, eh. Lalo na sa lalaki.Si Rano? Minahal ko s'ya sampung taon pa mula nang magkakilala kami. At si Belazar na mismong asawa ko... sa loob ng pitong taon naming pagsasama ay kailanman hindi ko nagawang mahalin. Pero si Ruan na kamakailan ko lang nakilala...Hindi ko alam kung ano ba'ng meron s'ya at nagawa n'ya akong paibigin ng gano'n kadali. At... ano ring meron ako para magawa n'ya akong mahalin kahit gan'to na ako? Kahit isa na akong multo na anumang oras ay maaaring mawala?''A-Ariadne. I'm glad that you're still here.'' sabi ng isang pamilyar na boses ng lalaki na nakapagpapitlag sa akin.Si Ruan.''S-Sinabi ko na... n-na hihintayin kita. D