Share

KABANATA 18

THEA'S P.O.V

Pagkatapos ng ilang araw na pananatili sa ospital at matapos ang ilang serye ng mga tests, pinayagan na rin kaming makalabas sa ospital. At gaya ng sabi ni Zara, sila nga ang nagbayad ng buong bill. Kasama na 'yung akin. Hays.

''We'll be heading to our house, Thea. Napaayos na naming 'yung guest room na gagamitin mo doon.'' anunsyo ni Zara nang nasa sasakyan na kami.

Si Tristan ang magmamaneho at nasa tabi n'ya naman si Zara. Ako lang mag-isa ang nandito sa likuran.

''N-Nakakahiya na talaga sa inyo. 'Wag kayong mag-alala, babayaran ko kayo once na makahanap na ako ng trabaho—”

''Oh, no, Thea. 'Wag mo nang isipin 'yon, okay? Ayos lang sa amin 'to. Besides, malaki rin ang naitulong ni Tito Calix at Tita Diana sa pamilya namin no'ng nabubuhay pa sila.'' putol ni Zara sa sasabihin ko.

Hindi na lang ako nagsalita.

Pero tinawag ko ulit s'ya nang may maalala ako.

'''Y-Yung mga gamit ko nga pala, n-nasaan?'' tanong ko.

Nagkatinginan silang dalawa. Parang hindi nila bigla
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status