"WHEN ARE you going to pack up?" Ryland asked softly. Nasa kwarto lang kami ngayon at nanonood ng movies. Ito na lang ang naisipan naming gawin pagkatapos kumain. Nilingon ko siya ng kaunti. He's hugging me from behind as we watched some movies together."Pack up?" "For tomorrow," Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtantong bukas na nga pala ang alis namin. I haven't prepared anything. Nasa labas na ako kanina pero nakalimutan ko pang mamili."Oh gosh, I forgot! Hindi ako nakabili ng mga gamit sa grocery kanina," "Let's do it later, kapag hindi na umaambon sa labas," Bahagya akong natigilan sa kanyang imbitasyon. We are going to a grocery store together?"Sasamahan mo ako?" Mahinang tanong ko rito.And I was stupid enough for asking that question. I meant no harm for asking, pero nakalimutan kong iba nga pala ang konteksto sa relasyon naming dalawa.His hands that was tightly wrapped around me earlier loosen. Gusto ko sanang pigilan pero tila nabato na rin ako sa aking pwest
SUMALAMPAK AKO sa couch nang makauwi kami sa penthouse. Kanina pa halo-halo ang nararamdaman ko. Naiinis, nayayamot, pero higit sa lahat, nalulungkot. Gusto ko na ulit siyang makausap ng maayos. 'Yung hindi pagalit at hindi malamig ang kanyang boses. 'Yung hindi tinipid at paminsan-minsan siyang tumatawa. The hell. It's been only a few hours since he started acting cold pero ito ako, parang nababaliw na. Mas lalo pa akong nalumo nang lampasan niya lang ako sa couch at dumiretso sa kanyang silid bitbit iyong mga pinamili ko kanina. Kahit na nanlulumo ay nakuha ko pa ring magtaka kung bakit niya dinala sa kanyang kwarto ang mga gamit ko.Napasimangot ulit ako. I feel so sensitive these days. Kaunti na lang ay maiiyak na ako. Itinaas ko na lang ang tuhod ko sa upuan para yakapin iyon. Isinubsob ko na rin ang aking ulo dahil sa pagod. My energy got drained. My brain felt so tired. Pakiramdam ko ay nawala na lahat ng lakas sa aking katawan pero ayaw ko pa ring magpahinga. I can't get a
UMINIT NA naman ang ulo ko si 'di malamang dahilan tuwing nakikita si Ms. Aisha. Napagtitiisan ko naman siya noon, pero kamakailan lang ay sobra na talaga ang pagkulo ng dugo ko sa kanya.She scanned the passengers inside the bus as if looking for something or someone. Tumingin na lang ako sa bintana nang lumipat sa direksyon ko ang tingin niya. "Good morning, Ms., are you looking for something?" A student asked politely."Im looking for Ryland, hindi ba siya rito nakasakay?"Kaagad nagtagpo ang kilay ko. Why is she looking for him? Gustong-gusto niya ba talaga ang asawa ko?"Ay hindi po namin siya nakitang umakyat dito Ms.,"She rolled her eyes at padabog na lumabas ng bus. Ako naman ay pinakalma ang kumukulo kong dugo.Ilang minuto ang lumipas at dumating na rin iyong driver. Kinuha ko na iyong earphones ko sa aking bag. I like listening to music when traveling and that's what Im gonna do for the whole ride."Wala na ba kayong kasama na naiwan?" The driver asked loudly. Wala namang
"WHY DID you treat her like that? She's just being nice!" Naiinis kong singhal kay Kevin matapos mapilitang umalis si Karina. Humingi na lang ako ng paumanhin sa kanya but she doesn't seem to care about Kevin's behavior. Medyo napanatag ang loob ko roon pero hindi ko pa rin kokonsintehin ang unggoy na 'to. "Nah. I don't like her," walang kwenta nitong sagot. "You don't have to like her to treat her with your slightest respect." I glared at him. "Kinausap mo sana nang mahinahon," "Mukang wala lang naman sa kanya 'yun eh, hayaan mo na!" Napailing na lang ako sa ugali niya. He's really hard headed. He's acting like a spoiled brat most of the time at gusto na palaging nasusunod ang kanyang gusto. Saan ba nagmana ito? "Bahala ka nga, huwag kang susunod sa'kin," But of course, sumunod pa rin siya. Nakita ko pa ang pagsunod ng tingin sa amin ni Ryland pero hindi ko na lang iyon pinansin. Dumiretso na ako doon sa pwestong itinuro ko kanina. "Bakit dito?" "Ano'ng pake mo?
Ryland Morrison"OH, OKAY. Hmm pano ba... hanap ka na lang siguro ng partner mo? Sa 'kin na si Heira eh,"My blood immediately boiled upon hearing that bastard claim my wife as his. I just left for few minutes to meet the others and when I came back, this is what I am going to hear. I didn't know the whole context of their coversation with this other girl in the class but this retard should definitely learn a lesson. My wife is mine. She is married to me. She's a Morrison and she's mine alone.I was about to interrupt them but Chase came to stop me."Chill ka lang, muka kang leon na gustong lumapa ng tao. Sige ka, kapag nakialam ka d'yan, magagalit sa 'yo ang asawa mo at hindi ka na niya papansinin.""He's fucking claiming my wife!" I hissed. There's no way I'd let that boy.Susugod pa sana ako pero mahigpit akong hinawakan ni Chase. This f*cktard! I won't forget to strangle him later!I watched them with so much jealousy. They're both assembling their tent and I've noticed how my wi
Heira LevesqueNAGISING AKO dahil sa malambot na bagay na dumadampi sa buong muka ko. I slowly opened my eyes to meet the blue orbs of my husband. I still get drowned by it even until now. "Good morning, beautiful," I smiled upon hearing those words. Mas lalo akong yumakap sa kanya habang nakasandal naman siya sa puno. Dito na kami nakatulog pareho. I didn't have plan on going back to the site without him. Sinubukan ko siyang kombinsihin na bumalik na pero mas gusto n'ya raw dito para makasama n'ya ako."Good morning, handsome." My body vibrated when he chuckled. Nakasandal ang katawan ko sa ibabaw niya kaya komportable pa rin ang tulog ko. He kissed my lips again. Napapikit kaagad ako roon. Nakadampi lang iyon at hindi gumagalaw and I find it really sweet. "Let's go back to the site, baka gising na lahat at hanapin tayo," ani ko."How? You're hugging so tight, I can't move." Bumitaw naman kaagad ako sa kanya at umayos ng upo. Namumula na ang pisngi ko na tinawanan niya lang. "
HEARING THE pain in his voice makes my knees even weaker. Mas lalo akong nasasaktan doon. Mali ang iniisip niya pero wala man lang akong lakas na itama iyon. "Now that he's already back, iiwan mo na ako?"Instead of answering him. I asked: "Ano pa ba ang alam mo sa nangyare sa amin?"He frustratedly comb his hair upwards. "Just enough. Just enough to conclude that you could not easily forget everything about him,""Ryland... please, mali ka ng iniisip.""So ano 'yong nakita ko!? Why are you hugging each other!? Why did you let him hold you like that!?" His voice broke. Nabasag iyon kasabay ng pagkabasag ng aking puso.I watched the tears coming out from his eyes. Ang galit sa kanyang mga mata ay napalitan na ng takot at sakit. "Tell me.. do you still love him?"Bumuga ako ng hangin. Pinigilan ko ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata. Was he the reason kung bakit umiiyak din siya kagabi? Ganoon ba siya katakot na iwan ko siya para kay Tyson?Alam ko sa sarili kong hindi k
BINAWI KO ang aking kamay mula sa kanya at akmang tatalikuran ko na siya ngunit humarang ulit ito sa kin."Saan ka na naman pupunta?" Mariing tanong nito."Babalik na ako sa tent, gusto ko nang magpahinga," mahina kong sagot dito."Pwede bang sagutin mo muna ang tanong ko? Saan ka nanggaling at bakit hindi ka nagpaalam?" Paalam? Hindi ko alam na alam niya pala ang salitang iyon."Tyson, gusto ko nang magpahinga," diin ko rito.Huminga naman siya ng malalim at saglit na tumingala sa langit. Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay malambot na and ekspresyon no'n."Okay, ihahatid na kita," he said softly."Hindi na, kayo ko mag-isa.""Ang paa mo? Ayos ka lang ba?" Mahina nitong tanong.Saglit kong ibinaba ang tingin sa aking paa. Naroon pa rin ang piraso ng tela na itinali ng ginang kanina. Nakasuot ako ng sapatos pero niluwagan ko ang sintas nito para hindi maipit ang paa. I sigh. "Ayos lang, hindi naman masakit,"Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang bigla akong lumutang sa ere.
I HAVE been receiving punishments for three days straight now. Tatlong araw na niya akong hindi tinitigilan. Pinagpapasalamat ko na lang na nakakalakad pa ako.Kahit saan ako tumingin ay naaalala ko kaagad ang pinanggagawa namin. Lahat na ata ng parte ng penthouse ay nabinyagan na namin."You still can walk, huh?" Natigilan ako sa pag-akyat sa hagdan nang marinig ang kanyang boses. Ayan na naman siya. Ang aga naman niyang umuwi, hindi ko na kaya. Tatlong araw na rin siyang hindi pumapasok sa trabaho, ngayon lang siya umalis dahil importante talaga yung pipirmahan niyang files sa opisina. "H-hi! Haha ang aga mo naman umuwi, ayaw mo ba gumala? Alis ka muna ulit." Tumawa ako nang pilit. There is no doubt that I look stupid right now but I really have to save my self, especially my precious pearl down there and my ability to walk.He continue walking towards me at natawa pa nang pinilit kong umatras. "Relax, baby. I just want my kiss," Tuluyan na itong nakalapit sa akin at kaagad a
TINALIKURAN KO ulit siya. I don't want to argue with her. Hindi ko kayang nakikitang nasasaktan ang kanyang mga mata dahil bukod sa nasasaktan din ako ay, umaasa rin ako... I am hoping na may ibig sabihin ang sakit sa kanyang mga mata.What I didn't expect was the next thing she said. "I love you, Ryle. I love you so much. Matagal ko nang nakalimutan si Tyson. Pero ikaw, mahal na mahal kita... so please... don't turn your back on me... ayusin na natin to please... miss na miss na kita, mahal ko,"Tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang marinig ang mga katagang iyon mula sa kanya. I've only seen this in movies. Hindi ko akalaing titigil talaga ang mundo ko, kabaliktaran sa pagbilis ng tibok ng aking puso.I have been waiting for this. This is all I wanted to hear. Natakot ako na anytime ay babalikan niya ang kanyang dating nobyo dahil inakala kong wala siyang nararamdaman para sa akin. But now... I finally heard her say those words.Hindi ko mapigilang maluha. My wife loves me...She l
Ryland MorrisonI HAVE never been so scared before. Until the fierce and independent Heira Levesque came into my life. We didn't started really well but the moment I saw her, I knew she's going to be my downfall someday. At muntik ko na nga iyung malasahan nang bumalik ang kanyang ex. Jealousy immediately consumed like fire spreading in the wild. My mind was definitely in chaos. I coud not think straight. And the only thing that comes into my mind is her, leaving me for good.Just thinking about it makes me so scared already. So when I saw her bastard ex boyfriend kissing her in the hotel, I have lost my mind.Right at that moment. I didn't care if he will die in my hands or not. I was so fucking mad. Who the hell does he think he is to kiss my wife like that. My wife is mine and mine alone. No one can steal her from me. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na nandoon si Heira para pigilan ako o hindi. Because right after I satisfied myself beating that punk... my wife suffere
AKALA KO okay kami. Or at least, maaayos namin ang problema pagkatapos ng insidente roon sa kompanya niya. He seems normal to me that time. I mean... bumalik yung pagiging sweet at maaalalahanin niya. But I was wrong. He became distant again after that day. He just made sure na hindi talaga ako nasaktan ang I feel happy about it, but at the same time ay hindi.Isang linggo na ang lumipas. Mas lalo siyang naging busy sa kompanya at ako naman ay naging abala sa finals. Natapos ko rin naman yung mga dawat pag-aralan at gwin and I was really thankful that it turned out well. Huling araw namin ngayon sa Laurent bago ang semestral break. Hindi na rin pumasok si Ryland pagkatapos ng trip namin."Hey..." Itinaas ko ang paningin ko sa bagong dating na si Sean. Medyo matagal-tagal ko na rin itong hindi nakikita pero hindi ko naman siya nami-miss. Mas mabuti nga iyon dahil nababawasan ang gulo sa buhay ko."Ayos ah, tinatawagan mo na lang ako kapag problemado ka pero kapag masasayang bagay yu
BALAK KO na sanang umalis doon at i-text na lang si Ryland nang maagaw ng isang matangkad na babae ang pansin ko. She's wearing a red dress na hapit na hapit sa kanyang katawan at sobrang ikli. Nakasuot din ito ng itim na heels habang tila isang modelo na rumarampa papalapit dito."Is he here?" Ito kaagad ang kanyang bungad sa front desk. Tumabi naman ako ng kaunti."Si Sir Morrison po ba?" Tanong ng babaeng staff."Obviously, who else would I want to visit here?" Maarte nitong tugon.Is he one of those women the staff mentioned earlier? Her face is familiar and I think I've seen her in television. Is she a model or something? Pero kahit ano pa siya, wala akong pakialam. Ang gusto kong malaman ay kung bakit binibisita niya ang asawa ko."May appointment na po ba kayo?" "Pwede bang sagutin mo na lang ang tanong ko!? Why are you asking unnecessary things!?" She shouted. Napataas naman ang aking isang kilay sa kanyang inakto. The staff is asking her politely yet she's acting that way
RINIG KO ang lagaslas ng tubig mula sa banyo kinaumagahan. Kung hindi ako nagkakamali ay kasalukuyang naliligo si Ryland doon. Mabilis naman akong bumangon at inayos ang aking sarili bago bumaba sa kusina. Malinis na ang island counter. Wala na rin yung mga pagkain na inihain ko rito kagabi. Nag dinner na siya kaya baka itinapon na lang niya. Para namang kinurot ang dibdib ko nang maisip iyon.Binilisan ko ang kilos at nagsaing ng kanin. Nagprito rin ako ng itlog, bacon, at saka manok. Ipinagtimpla ko na rin siya ng kape. Hanggang ngayon hindi ko alam ang gusto niyang timpla ng kape, ang sabi lang niya noon ay iinumin niya kahit ano, kaya iyung gusto kong timpla na lang ulit.Tinapos ko na agad ang paghahain nang marinig ang kanyang mga yapak. Pinagmasdan ko siyang bumaba sa hagdanan hanggang sa dumapo ang tingin niya sa kusina.His eyes were still cold and empty. Nginitian ko siya nang lumapit siya sa aking direksyon pero hindi niya ako pinansin. Dumiretso ito sa ref at kumuha ng ma
AFFECTION IS one of the things I've been avoiding. I never felt it from my parents. But when Tyson came, panandalian kong naramdaman iyon. Hindi ko alam na babalik pa ang pakiramdam na iyon. After years of waiting, I never thought I'd be able to feel it for someone again.Hindi ako sigurado kung paano magmahal. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. But I'll try my best to make my husband feel my affection towards him. I just hope it's not yet too late."I love her and I'll take the risks of it... even if it includes not getting the same affection from her..."Bigla siyang tumayo at umalis pagkatapos iyung sabihin. Kumuyom ang kamao ko. Now that I heard him say those words clearly, ayaw kong palampasin ang pagkakataon. Tumayo ako para sundan siya. Hindi man lang sumagi sa isip ko ang magpaalam kaya nasita ako ni Prof Alvarez. "Ms. Levesque, where are you going?" Lumingon ako sa kanila. My mouth opened to tell them my reason pero hindi naman gumana ang utak ko kaya natikom ko
I KNOW he couldn't believe what he just heard from me. Bakas iyon sa ekspresyon sa kanyang muka. I may look insensitive for telling him that straight to the point but I must tell him right away. Ayaw kong umasa pa siya. "W-What? H-How?" Nakita ko ang pagkalito sa kanyang mga mata. Inilabas ko ang aking kwintas na tintago ko sa aking damit. I showed him its pendant... my wedding ring."It's been a few months already, Ty. I got married... I married the man my grandfather wanted to." Mahina kong sagot dito.Napaatras siya kasabay ng pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. He gulped. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero tila hindi niya mabuo ang kanyang salita."I'm sorry..." iyon na lang ang nasabi ko. I feel sorry for the pain I've caused him."P-Pero nandito na ako... I promised your grandfather. I promised to work hard to be deserving of you... para ako na lang ang piliin niyang ipakasal sa 'yo," garalgal nitong wika."Ikaw lang palagi ang nasa isip ko habang nagsisikap... Ito na ako,
GAYA NG anunsyo ni prof Alvarez kahapon ay maaga nga kaming pinaghanda. 30 minutes before the time ay dumating na iyong bus na sasakyan. Ngunit hindi gaya noong unang araw, dalawang bus na lang ang ipinadala ngayon. Kaya ang mangyayari ay punuan na ng sakay.Sobrang tagal kong nakatulog kagabi kahit na pagod na pagod ako. Maybe because my brain can't stop thinking a lot of things. Kaya ang nangyari ay nahuli akong gumising. Mabuti na lang at naisipang dumalaw ni Kevin at binulabog ang umaga ko. Huli pa rin akong nakapaghanda pero umabot din naman kahit papaano. Iyon nga lang ay isa ako sa huling sasakay ng bus. Ibig sabihin ay pahirapan na sa paghahanap ng upuan lalo na at maraming dalang gamit ang iba. Napabuntong hininga na lang ako. Ngunit akmang aakyat na ako sa bus nang may tumawag sa pangalan ko. Boses pa lang ay alam kong si Tyson iyon. What the hell is he doing here again? Kasama pa rin ba sa susunod na site?"Heira, I think the bus is already full, sa akin ka na sumabay par