Share

Kabanata 41

RINIG KO ang lagaslas ng tubig mula sa banyo kinaumagahan. Kung hindi ako nagkakamali ay kasalukuyang naliligo si Ryland doon. Mabilis naman akong bumangon at inayos ang aking sarili bago bumaba sa kusina.

Malinis na ang island counter. Wala na rin yung mga pagkain na inihain ko rito kagabi. Nag dinner na siya kaya baka itinapon na lang niya. Para namang kinurot ang dibdib ko nang maisip iyon.

Binilisan ko ang kilos at nagsaing ng kanin. Nagprito rin ako ng itlog, bacon, at saka manok. Ipinagtimpla ko na rin siya ng kape. Hanggang ngayon hindi ko alam ang gusto niyang timpla ng kape, ang sabi lang niya noon ay iinumin niya kahit ano, kaya iyung gusto kong timpla na lang ulit.

Tinapos ko na agad ang paghahain nang marinig ang kanyang mga yapak. Pinagmasdan ko siyang bumaba sa hagdanan hanggang sa dumapo ang tingin niya sa kusina.

His eyes were still cold and empty. Nginitian ko siya nang lumapit siya sa aking direksyon pero hindi niya ako pinansin. Dumiretso ito sa ref at kumuha ng ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status