Share

Kabanata 37

BINAWI KO ang aking kamay mula sa kanya at akmang tatalikuran ko na siya ngunit humarang ulit ito sa kin.

"Saan ka na naman pupunta?" Mariing tanong nito.

"Babalik na ako sa tent, gusto ko nang magpahinga," mahina kong sagot dito.

"Pwede bang sagutin mo muna ang tanong ko? Saan ka nanggaling at bakit hindi ka nagpaalam?"

Paalam? Hindi ko alam na alam niya pala ang salitang iyon.

"Tyson, gusto ko nang magpahinga," diin ko rito.

Huminga naman siya ng malalim at saglit na tumingala sa langit. Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay malambot na and ekspresyon no'n.

"Okay, ihahatid na kita," he said softly.

"Hindi na, kayo ko mag-isa."

"Ang paa mo? Ayos ka lang ba?" Mahina nitong tanong.

Saglit kong ibinaba ang tingin sa aking paa. Naroon pa rin ang piraso ng tela na itinali ng ginang kanina. Nakasuot ako ng sapatos pero niluwagan ko ang sintas nito para hindi maipit ang paa.

I sigh. "Ayos lang, hindi naman masakit,"

Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang bigla akong lumutang sa ere.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status