BALOT NG MATINDING katahimikan si Sunset. Hindi siya gumagawa ng kahit na anong ingay habang pilit na tinatanggal ang tali sa kanyang mga kamay. Hindi siya papayag na magtagal sa lugar na ito. Hindi niya pwedeng pag-alalahanin ang tiya niya na maaaring naghihintay na naman sa pag-uwi niya.Ano bang akala ng mga ito? Na pupuntahan siya ni Lucian? Hindi siya ganoon kamahal ng asawa para magbuwis ito ng buhay para sa kanya. Sigurado siya sa bagay na iyon. Hindi siya si Eveth na sa isang tawag pa lamang ay nagkukumahog na kaagad ang asawa niya.“Mali kayo ng nakuhang babae,” kalmado niyang sambit. “Sa tingin niyo sasayangin niya ang buhay niya para sa akin? Hindi iyon mangyayari!” Kung may isang bagay siya na nasisigurado nang mga sandaling iyon, iyon ang nasa liblib siyang lugar. Malayo sa lugar na maraming tao at malapit sa kalikasan. Naririnig niya pa ang kuliglig sa kanyang pwesto. Indikasyon na gabi na.Hindi siya makakita at tanging pandinig lamang ang ginagamit upang malaman ang m
LAHAT NG PARAAN para makabawi kay Sunset ay ginawa na ni Lucian. Masyado na siyang nauubusan ng pagpipilian upang muling makuha ang loob ng asawa. Wala na itong tiwala sa kanya. Hindi na ito naapektuhan sa mga ginagawa niya. Nasaktan siya nang ignorahin nito matapos niyang ipagluto ng ilang putahe si Sunset. Napakaraming pagkaing inihain niya ngunit pinili pa nito ang instant noodles. Sa kaiiwas nito sa kanya, napaso pa ang asawa niya. Upang magkaroon ito ng pagkakataon na kumain nang araw na iyon, maaga siyang umalis ng bahay matapos na makabili ng ointment para sa paso nito at makapagluto ng almusal.Kahit mahirap para sa kanya, ginagawa niya ang makakaya upang maibigay ang nararapat dito kahit pa ang ibig sabihin niyon ay maging malayo siya rito.“Ganoon na iyon? Susuko ka na lang nang basta-basta?” tanong ng kaibigan niyang si Jigs. “Ang hindi ko kase sa ‘yo maintindihan, hindi mo naman pala mahal ang pinsan ko—hindi mo naman pala mahal si Eveth pero ganyan ang naging trato mo.”
“SINO ‘TO SINABING sino ‘to?” galit na galit na sambit ni Lucian habang kausap ang nasa kabilang linya. “Sinabing sino ito?!”Sa pagkakataong iyon, tinapik na siya ni Cole sa balikat. Umiling ito at senenyasan siya na hayaan ang kausap na pahabain pa ang magiging usapan nila kahit tatlong minuto. Sa ganoong paraan lamang nila malalaman ang lokasyon nito.Gagawin nito ang makakaya upang mahanap kaagad ang lokasyon ng kausap.“Anong kailangan mo? Pera ba? Magkano?” nakakuyom na ang kamao niya. Doon inilalagay ang lahat ng galit upang hindi makagawa ng desisyon na magpapalala ng sitwasyon nila.“Naririnig mo ba ang sinabi ko, hawak namin ang asawa mo. Pupunta ka sa lugar na ito sa sinabi ko sa takdang araw—”Ganoon na lamang ang malakas na pagtawa ni Lucian na kahit ang mga malapit sa kanya ay nararamdaman ang pang-iinsulto sa boses niya.“Don’t fvcking dare to touch my wife. You wouldn’t like it.”“Hawak namin ang asawa mo pero nagawa mong pagbantaan kami?” Tumatawang tanong nito.“Ang l
PATULOY LAMANG ANG pagtakbo niya. Hindi nagawang huminto ni Sunset sa takot na maabutan siya ng mga taong kumuha sa kanya. Hindi malabo na ngayon ay alam na nilang nawawala siya. Hindi siya maaaring bumalik sa lugar na iyon. Hindi niya bibigyan ng kahit na anong dahilan ang mga kriminal para maging masaya sa pagpapakasakit sa kanya.Kailangan niyang makalayo. Hindi siya titigil sa pagtakbo hanggang hindi niya nalalaman na ligtas na siya. Babalik siya sa pamilya niya nang buo. Hindi niya bibigyan ng kahit na anong dahilan para umiyak ang Tyang Lorna niya. “Aray…” mahina niyang pagdaing nang tumama na naman ang paa niya sa talahiban. Dahil may mga parte doon na matulis, hindi malabo na marami na siyang sugat ngayon. Ngunit wala siyang pakialam. Kung hihinto siya sa pagtakbo ngayon, hindi malabo na hindi lang ito ang abutin niya. Hindi niya alam kung saan pa nanggagaling ang lakas niya. Kahit ang tapang na hindi niya alam kung saan pa hinuhugot. Maging ang pag-iyak na pinipigil niyang
MATAGAL NA NAKATINGIN sa mga mata ni Lucian si Sunset. Hindi niya rin napigilan ang sarili at hinawakan ng dalawang kamay ang magkabilang bahagi ng pisngi ng asawa. Narito talaga ito. Hindi niya guni-guni ang nakikita niya. Ang asawa niya na inakala niyang walang pakialam sa kanya ay narito ngayon at hindi alintana ang panganib na maaari nitong kaharapin.“A-anong ginagawa mo rito, Lucian?” hindi na naitago ang matinding pag-aalala sa mukha ni Sunset. “Delikado! Bakit ka pa nagpunta—”“I can't pretend if you are in a situation like this,” sabi nito sa kanya na siya namang humawak sa kanyang pisngi gamit ang isang kamay. “Are you okay? May ginawa ba sa ‘yo ang mga kumuha sa ‘yo?”Mabilis ang naging pag-iling niya. “Paano mo nalamang nandito ako?”“Tama na iyang kwentuhan!” galit na turan ng isa sa mga dumukot sa kanya. “Naiingayan na ako sa inyo,” sabi pa nito habang ginagalaw-galaw ang taynga. Makikita ang pagpapalit ng ekspresyon sa asawa niya nang ibaling nito ang tingin sa mga du
RUMARAGASA ANG KANILANG emosyon habang dama niya ang lahat sa asawa. Sa paraan ng pagtitig nito na humahalukay sa kanyang pagkatao ang dahilan kung bakit hindi makatingin si Sunset nang maayos sa asawa. Maging ang paraan ng paghalik ng asawa sa bawat bahagi ng kanyang katawan na para bang wala itong ibang sinasabi kung hindi ang katagang mahal siya at tanging siya lamang ang nakikita nang gabing iyon. Hindi siya nananaginip. Pinagmamasdan talaga siya ng asawa. Sa limang taon ng kanilang pagsasama, ngayon niya lamang nadiskubre na kaya pala nitong tumingin sa kanya nang walang galit sa mga mata. Ganito pala ang pakiramdam ng mayakap nito... Dama niya na ligtas siya kahit pa maging kalaban niya ang buong mundo. Nang gabing iyon, sa unang pagkakataon, natikman niya rin ang tamis ng halik mula kay Lucian. Mag-asawa sila. Oo. Ngunit ang lahat ng iyon ay sa papel lamang. Bahagya siyang napangiti. Gusto niya munang kalimutan ang lahat. Ang kasalukuyan ang mas mahalaga sa kanya. “Masay
“POR DIOS POR Santo! S-sunset Gale, ikaw nga!” gulat na bulalas ng kanyang madrasta nang makita siya nitong parang basang-sisiw na naghihintay sa tapat ng kanilang bahay sa probinsya. “Alam mo ba kung anong oras na? Alasdos na ng madaling-araw! Napakalakas pa ng ulan. Ano bang nahithit mo ng ganito kaagang bata ka? Atsaka bakit narito ka? Akala ko ba magbabakasyon kayo ng asawa mo? Ngayon ka lang inilabas ng asawa mo kaya—” Nahinto sa pagsasalita ang madrasta niya nang yakapin niya ito nang mahigpit. Sa yakap nito, hindi napigilang pakawalan ni Sunset ang luhang akala niya’y tapos na sa pagtulo. “G-gale, bakit?” Sa simpleng tanong na iyon ay mas kinuwestyon ni Sunset ang kanyang sarili. Bakit? Bakit sa tinagal-tagal ng pagsasama nila ni Lucian ay hindi siya nito nakuhang mahalin? Habang si Eveth na first love nito ay hindi nakalimutan ng asawa. Kulang pa ba? Napakarami niyang isinakrepisyo para sa asawa. Ang career niya, ang panahon niya, ang pangarap sa buhay at ang kalayaan na m
TUMAAS ANG KILAY ni Sunset nang makitang muli ang kanyang asawa. Malaki ang ibinagsak ng katawan nito at nanlalalim ang mga mata na para bang ilang araw na walang tulog. Hindi pa man siya tapos na obserbahan ito ay ganoon na lamang ang gulat niya nang kaladkarin ng asawa palabas ng pabrika. Galit na galit ito sa hindi malamang dahilan. “Lucian, bitawan mo ako!” paulit-ulit siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Lucian. “Hindi kita hiniwalayan para lang makita kita sa eskwater!” Napamaang siya sa itinuran nito. Hindi imposibleng hindi nito alam ang lugar na ito. Parati niyang naikekwento kay Lucian ang pangarap niya. Sa isiping hindi man lamang pinakinggan iyon ng asawa ay hindi niya maiwasang makaramdam ng pagtatampo. “Ano ba? Nasasaktan ako!” ganoon pa rin katindi ang pagkakahawak ng asawa niya kaya ang nagawa na lamang ni Sunset ay mapadaing. “Ngayong tapos ka ng saktan ang damdamin ko, kaya ginagamitan mo ng pisikal?” “Nasaan na ang lalaki mo?” galit na tanong nito. N
MATAGAL NA NAKATINGIN sa mga mata ni Lucian si Sunset. Hindi niya rin napigilan ang sarili at hinawakan ng dalawang kamay ang magkabilang bahagi ng pisngi ng asawa. Narito talaga ito. Hindi niya guni-guni ang nakikita niya. Ang asawa niya na inakala niyang walang pakialam sa kanya ay narito ngayon at hindi alintana ang panganib na maaari nitong kaharapin.“A-anong ginagawa mo rito, Lucian?” hindi na naitago ang matinding pag-aalala sa mukha ni Sunset. “Delikado! Bakit ka pa nagpunta—”“I can't pretend if you are in a situation like this,” sabi nito sa kanya na siya namang humawak sa kanyang pisngi gamit ang isang kamay. “Are you okay? May ginawa ba sa ‘yo ang mga kumuha sa ‘yo?”Mabilis ang naging pag-iling niya. “Paano mo nalamang nandito ako?”“Tama na iyang kwentuhan!” galit na turan ng isa sa mga dumukot sa kanya. “Naiingayan na ako sa inyo,” sabi pa nito habang ginagalaw-galaw ang taynga. Makikita ang pagpapalit ng ekspresyon sa asawa niya nang ibaling nito ang tingin sa mga du
PATULOY LAMANG ANG pagtakbo niya. Hindi nagawang huminto ni Sunset sa takot na maabutan siya ng mga taong kumuha sa kanya. Hindi malabo na ngayon ay alam na nilang nawawala siya. Hindi siya maaaring bumalik sa lugar na iyon. Hindi niya bibigyan ng kahit na anong dahilan ang mga kriminal para maging masaya sa pagpapakasakit sa kanya.Kailangan niyang makalayo. Hindi siya titigil sa pagtakbo hanggang hindi niya nalalaman na ligtas na siya. Babalik siya sa pamilya niya nang buo. Hindi niya bibigyan ng kahit na anong dahilan para umiyak ang Tyang Lorna niya. “Aray…” mahina niyang pagdaing nang tumama na naman ang paa niya sa talahiban. Dahil may mga parte doon na matulis, hindi malabo na marami na siyang sugat ngayon. Ngunit wala siyang pakialam. Kung hihinto siya sa pagtakbo ngayon, hindi malabo na hindi lang ito ang abutin niya. Hindi niya alam kung saan pa nanggagaling ang lakas niya. Kahit ang tapang na hindi niya alam kung saan pa hinuhugot. Maging ang pag-iyak na pinipigil niyang
“SINO ‘TO SINABING sino ‘to?” galit na galit na sambit ni Lucian habang kausap ang nasa kabilang linya. “Sinabing sino ito?!”Sa pagkakataong iyon, tinapik na siya ni Cole sa balikat. Umiling ito at senenyasan siya na hayaan ang kausap na pahabain pa ang magiging usapan nila kahit tatlong minuto. Sa ganoong paraan lamang nila malalaman ang lokasyon nito.Gagawin nito ang makakaya upang mahanap kaagad ang lokasyon ng kausap.“Anong kailangan mo? Pera ba? Magkano?” nakakuyom na ang kamao niya. Doon inilalagay ang lahat ng galit upang hindi makagawa ng desisyon na magpapalala ng sitwasyon nila.“Naririnig mo ba ang sinabi ko, hawak namin ang asawa mo. Pupunta ka sa lugar na ito sa sinabi ko sa takdang araw—”Ganoon na lamang ang malakas na pagtawa ni Lucian na kahit ang mga malapit sa kanya ay nararamdaman ang pang-iinsulto sa boses niya.“Don’t fvcking dare to touch my wife. You wouldn’t like it.”“Hawak namin ang asawa mo pero nagawa mong pagbantaan kami?” Tumatawang tanong nito.“Ang l
LAHAT NG PARAAN para makabawi kay Sunset ay ginawa na ni Lucian. Masyado na siyang nauubusan ng pagpipilian upang muling makuha ang loob ng asawa. Wala na itong tiwala sa kanya. Hindi na ito naapektuhan sa mga ginagawa niya. Nasaktan siya nang ignorahin nito matapos niyang ipagluto ng ilang putahe si Sunset. Napakaraming pagkaing inihain niya ngunit pinili pa nito ang instant noodles. Sa kaiiwas nito sa kanya, napaso pa ang asawa niya. Upang magkaroon ito ng pagkakataon na kumain nang araw na iyon, maaga siyang umalis ng bahay matapos na makabili ng ointment para sa paso nito at makapagluto ng almusal.Kahit mahirap para sa kanya, ginagawa niya ang makakaya upang maibigay ang nararapat dito kahit pa ang ibig sabihin niyon ay maging malayo siya rito.“Ganoon na iyon? Susuko ka na lang nang basta-basta?” tanong ng kaibigan niyang si Jigs. “Ang hindi ko kase sa ‘yo maintindihan, hindi mo naman pala mahal ang pinsan ko—hindi mo naman pala mahal si Eveth pero ganyan ang naging trato mo.”
BALOT NG MATINDING katahimikan si Sunset. Hindi siya gumagawa ng kahit na anong ingay habang pilit na tinatanggal ang tali sa kanyang mga kamay. Hindi siya papayag na magtagal sa lugar na ito. Hindi niya pwedeng pag-alalahanin ang tiya niya na maaaring naghihintay na naman sa pag-uwi niya.Ano bang akala ng mga ito? Na pupuntahan siya ni Lucian? Hindi siya ganoon kamahal ng asawa para magbuwis ito ng buhay para sa kanya. Sigurado siya sa bagay na iyon. Hindi siya si Eveth na sa isang tawag pa lamang ay nagkukumahog na kaagad ang asawa niya.“Mali kayo ng nakuhang babae,” kalmado niyang sambit. “Sa tingin niyo sasayangin niya ang buhay niya para sa akin? Hindi iyon mangyayari!” Kung may isang bagay siya na nasisigurado nang mga sandaling iyon, iyon ang nasa liblib siyang lugar. Malayo sa lugar na maraming tao at malapit sa kalikasan. Naririnig niya pa ang kuliglig sa kanyang pwesto. Indikasyon na gabi na.Hindi siya makakita at tanging pandinig lamang ang ginagamit upang malaman ang m
SIGURADO SIYA. HINDI niya pinayagan ang asawa niya na matulog sa bahay nila. Ngunit mukhang nakakalimot na ito sa tamang uuwian dahil ilang araw ng narito sa kanila at parati siyang pinaghahandaan ng pagkain na hindi niya naman tinitikman.Tila isang hangin din sa kanya si Lucian. Kahit kinakausap siya nito ay hindi nya pinagtutuunan ng panahon na kibuin. Katulad ng sinabi niya, seryoso siya nang sabihing makikipaghiwalay na siya rito.Iyon ang kagusuthan nito kaya hindi niya maintindihan kung bakit ito naman ang pilit na pumapasok sa mundo niya matapos na makaalis.“Gale, nagluto na ako ng hapunan—”“Pakisabi na lang ho na nakakain na ako, Tyang,” walang ganang sambit ni Sunset. “Sa susunod, huwag na siyang mag-aksaya ng panahon na asikasuhin pa ako dahil masasayang lang ang mga pinagpaguran niya.”“Gale…”“At huwag niya kamo ako tatawagin sa pangalan na iyan na parang malapit kami sa isa’t isa. Tapos na ang koneksyon namin magsimula nang piliin niyang tapusin ang relasyon namin,” ma
“OMG! OH MY gosh, Ms. Sunset!” tuwang-tuwang nagtatalon ang kanyang sekretarya na papalapit sa kanya.Sapo naman ni Sunset ang kanyang dibdib sa gulat dahil sa biglaan nitong pagtatalon-talon at pagsulpot. Nawala rin siya sa pagtitipa sa isang business proposal na kailangan niyang tapusin.“Bakit ba napakaingay mo, Liezel?” natatawa niyang tanong dito. “Ano bang nangyayari? Talo mo pa ang bulate na naasinan!”Sa pagkakataong iyon, pilit namang kumakalma si Liezel ngunit makikita ang matinding pamumula ng mukha nito dahil sa pinipigilang excitement. “Ano ba iyon? Pwede mo ng sabihin sa akin—”“Our investor, Ms. Sunset!”“Oh? Anong mayroon sa investor natin?”“They found someone na ready na punduhan ang ipapatayo nating branch abroad. Even our company? Ready sila na gastusan! Ma’am, ito ang magiging pinakamalaking pagawaan ng goods! Ang simple lamang na dati nating pabrika, magpapatayo ng pinakamalaking branch sa ibang bansa.”“W-what?!” bakas din ang matinding gulat ni Sunset. “But I
HINDI MAWALA ANG ngiti ni Lucian nang maalala ang insidente sa bahay ng kanyang lolo. Kung paano mamula ang asawa niya dahil lamang sa simpleng pag-uusap nila. Ganoon lamang ay matindi na ito kung maapektuhan kaya hindi niya lubos maisip kung anong nararamdaman nito nang sabihin niyang makikipaghiwalay siya nang unang beses na may mangyari sa kanila. Hindi imposibleng hindi nasaktan ang asawa niya. “Ngumiti siya…” ganoon ang reaksyon ni Sunset.Ngunit hindi malabo na hindi ito nasasaktan sa kabila ng ngiti na ipinakita.“Napakagag0 mo, Lucian,” huminga siya nang malalim. “Ilang beses mo pang sasaktan ang asawa mo?”Kung may isang bagay siyang ituturing na pinakamahal sa mundo, iyon na ng ngiti ng asawa niya. Iyon ang pinapangarap niyang makita na hindi niya kayang bilhin kahit bayaran niya pa ng pinakamalaking halaga.Kailangan niyang maitama ang lahat ng pagkakamali niya. Sa ganoong paaran lamang siya makakabawi sa kanyang asawa. Upang mangyari iyon, kailangan niyang simulan ang pag
“HOW ARE YOU, Hija? Bakit ngayon ka lang napadalaw rito sa bahay?”“Ayos naman ho, Abuela. Naging abala lang po sa negosyo.”“Nabalitaan ko nga. In short amount of time ilang branch na ang naipakalat niyo sa bansa. Hindi lang iyon. Nabalitaan ko rin na you are transporting your goods outside of the country?”“Yes, Abuelo. Until now hindi pa rin po ako makapaniwala sa mga na-achieve naming achievement together with my team.”“I really like how you handle your work, Sunset,” sabi ng abuela niya nang maupo sila. “Di ba? Hindi niya lang inaangkin ang mga credits. Kasama rin sa achievements ang mga tauhan niya.”“Kasusyo ko na po sa negosyo si Sunset, Abuela,” sabi ni Lumi nang maglagay ng mga pagkain sa hapag. “You’re so hardworking, Hija,” sabi ng abuelo niya. “Bakit hindi mo sinubukang magtrabaho sa kumpanya dati?”Bahagyang natawa sa Sunset. “Wala naman po akong alam sa office work, Abuelo.”“Pero how come na ganyan ka na katagumpay.”“Siguro po dahil I understand my products, Abuelo.