HINDI MAWALA ANG ngiti ni Lucian nang maalala ang insidente sa bahay ng kanyang lolo. Kung paano mamula ang asawa niya dahil lamang sa simpleng pag-uusap nila. Ganoon lamang ay matindi na ito kung maapektuhan kaya hindi niya lubos maisip kung anong nararamdaman nito nang sabihin niyang makikipaghiwalay siya nang unang beses na may mangyari sa kanila. Hindi imposibleng hindi nasaktan ang asawa niya. “Ngumiti siya…” ganoon ang reaksyon ni Sunset.Ngunit hindi malabo na hindi ito nasasaktan sa kabila ng ngiti na ipinakita.“Napakagag0 mo, Lucian,” huminga siya nang malalim. “Ilang beses mo pang sasaktan ang asawa mo?”Kung may isang bagay siyang ituturing na pinakamahal sa mundo, iyon na ng ngiti ng asawa niya. Iyon ang pinapangarap niyang makita na hindi niya kayang bilhin kahit bayaran niya pa ng pinakamalaking halaga.Kailangan niyang maitama ang lahat ng pagkakamali niya. Sa ganoong paaran lamang siya makakabawi sa kanyang asawa. Upang mangyari iyon, kailangan niyang simulan ang pag
“OMG! OH MY gosh, Ms. Sunset!” tuwang-tuwang nagtatalon ang kanyang sekretarya na papalapit sa kanya.Sapo naman ni Sunset ang kanyang dibdib sa gulat dahil sa biglaan nitong pagtatalon-talon at pagsulpot. Nawala rin siya sa pagtitipa sa isang business proposal na kailangan niyang tapusin.“Bakit ba napakaingay mo, Liezel?” natatawa niyang tanong dito. “Ano bang nangyayari? Talo mo pa ang bulate na naasinan!”Sa pagkakataong iyon, pilit namang kumakalma si Liezel ngunit makikita ang matinding pamumula ng mukha nito dahil sa pinipigilang excitement. “Ano ba iyon? Pwede mo ng sabihin sa akin—”“Our investor, Ms. Sunset!”“Oh? Anong mayroon sa investor natin?”“They found someone na ready na punduhan ang ipapatayo nating branch abroad. Even our company? Ready sila na gastusan! Ma’am, ito ang magiging pinakamalaking pagawaan ng goods! Ang simple lamang na dati nating pabrika, magpapatayo ng pinakamalaking branch sa ibang bansa.”“W-what?!” bakas din ang matinding gulat ni Sunset. “But I
SIGURADO SIYA. HINDI niya pinayagan ang asawa niya na matulog sa bahay nila. Ngunit mukhang nakakalimot na ito sa tamang uuwian dahil ilang araw ng narito sa kanila at parati siyang pinaghahandaan ng pagkain na hindi niya naman tinitikman.Tila isang hangin din sa kanya si Lucian. Kahit kinakausap siya nito ay hindi nya pinagtutuunan ng panahon na kibuin. Katulad ng sinabi niya, seryoso siya nang sabihing makikipaghiwalay na siya rito.Iyon ang kagusuthan nito kaya hindi niya maintindihan kung bakit ito naman ang pilit na pumapasok sa mundo niya matapos na makaalis.“Gale, nagluto na ako ng hapunan—”“Pakisabi na lang ho na nakakain na ako, Tyang,” walang ganang sambit ni Sunset. “Sa susunod, huwag na siyang mag-aksaya ng panahon na asikasuhin pa ako dahil masasayang lang ang mga pinagpaguran niya.”“Gale…”“At huwag niya kamo ako tatawagin sa pangalan na iyan na parang malapit kami sa isa’t isa. Tapos na ang koneksyon namin magsimula nang piliin niyang tapusin ang relasyon namin,” ma
BALOT NG MATINDING katahimikan si Sunset. Hindi siya gumagawa ng kahit na anong ingay habang pilit na tinatanggal ang tali sa kanyang mga kamay. Hindi siya papayag na magtagal sa lugar na ito. Hindi niya pwedeng pag-alalahanin ang tiya niya na maaaring naghihintay na naman sa pag-uwi niya.Ano bang akala ng mga ito? Na pupuntahan siya ni Lucian? Hindi siya ganoon kamahal ng asawa para magbuwis ito ng buhay para sa kanya. Sigurado siya sa bagay na iyon. Hindi siya si Eveth na sa isang tawag pa lamang ay nagkukumahog na kaagad ang asawa niya.“Mali kayo ng nakuhang babae,” kalmado niyang sambit. “Sa tingin niyo sasayangin niya ang buhay niya para sa akin? Hindi iyon mangyayari!” Kung may isang bagay siya na nasisigurado nang mga sandaling iyon, iyon ang nasa liblib siyang lugar. Malayo sa lugar na maraming tao at malapit sa kalikasan. Naririnig niya pa ang kuliglig sa kanyang pwesto. Indikasyon na gabi na.Hindi siya makakita at tanging pandinig lamang ang ginagamit upang malaman ang m
LAHAT NG PARAAN para makabawi kay Sunset ay ginawa na ni Lucian. Masyado na siyang nauubusan ng pagpipilian upang muling makuha ang loob ng asawa. Wala na itong tiwala sa kanya. Hindi na ito naapektuhan sa mga ginagawa niya. Nasaktan siya nang ignorahin nito matapos niyang ipagluto ng ilang putahe si Sunset. Napakaraming pagkaing inihain niya ngunit pinili pa nito ang instant noodles. Sa kaiiwas nito sa kanya, napaso pa ang asawa niya. Upang magkaroon ito ng pagkakataon na kumain nang araw na iyon, maaga siyang umalis ng bahay matapos na makabili ng ointment para sa paso nito at makapagluto ng almusal.Kahit mahirap para sa kanya, ginagawa niya ang makakaya upang maibigay ang nararapat dito kahit pa ang ibig sabihin niyon ay maging malayo siya rito.“Ganoon na iyon? Susuko ka na lang nang basta-basta?” tanong ng kaibigan niyang si Jigs. “Ang hindi ko kase sa ‘yo maintindihan, hindi mo naman pala mahal ang pinsan ko—hindi mo naman pala mahal si Eveth pero ganyan ang naging trato mo.”
“SINO ‘TO SINABING sino ‘to?” galit na galit na sambit ni Lucian habang kausap ang nasa kabilang linya. “Sinabing sino ito?!”Sa pagkakataong iyon, tinapik na siya ni Cole sa balikat. Umiling ito at senenyasan siya na hayaan ang kausap na pahabain pa ang magiging usapan nila kahit tatlong minuto. Sa ganoong paraan lamang nila malalaman ang lokasyon nito.Gagawin nito ang makakaya upang mahanap kaagad ang lokasyon ng kausap.“Anong kailangan mo? Pera ba? Magkano?” nakakuyom na ang kamao niya. Doon inilalagay ang lahat ng galit upang hindi makagawa ng desisyon na magpapalala ng sitwasyon nila.“Naririnig mo ba ang sinabi ko, hawak namin ang asawa mo. Pupunta ka sa lugar na ito sa sinabi ko sa takdang araw—”Ganoon na lamang ang malakas na pagtawa ni Lucian na kahit ang mga malapit sa kanya ay nararamdaman ang pang-iinsulto sa boses niya.“Don’t fvcking dare to touch my wife. You wouldn’t like it.”“Hawak namin ang asawa mo pero nagawa mong pagbantaan kami?” Tumatawang tanong nito.“Ang l
PATULOY LAMANG ANG pagtakbo niya. Hindi nagawang huminto ni Sunset sa takot na maabutan siya ng mga taong kumuha sa kanya. Hindi malabo na ngayon ay alam na nilang nawawala siya. Hindi siya maaaring bumalik sa lugar na iyon. Hindi niya bibigyan ng kahit na anong dahilan ang mga kriminal para maging masaya sa pagpapakasakit sa kanya.Kailangan niyang makalayo. Hindi siya titigil sa pagtakbo hanggang hindi niya nalalaman na ligtas na siya. Babalik siya sa pamilya niya nang buo. Hindi niya bibigyan ng kahit na anong dahilan para umiyak ang Tyang Lorna niya. “Aray…” mahina niyang pagdaing nang tumama na naman ang paa niya sa talahiban. Dahil may mga parte doon na matulis, hindi malabo na marami na siyang sugat ngayon. Ngunit wala siyang pakialam. Kung hihinto siya sa pagtakbo ngayon, hindi malabo na hindi lang ito ang abutin niya. Hindi niya alam kung saan pa nanggagaling ang lakas niya. Kahit ang tapang na hindi niya alam kung saan pa hinuhugot. Maging ang pag-iyak na pinipigil niyang
MATAGAL NA NAKATINGIN sa mga mata ni Lucian si Sunset. Hindi niya rin napigilan ang sarili at hinawakan ng dalawang kamay ang magkabilang bahagi ng pisngi ng asawa. Narito talaga ito. Hindi niya guni-guni ang nakikita niya. Ang asawa niya na inakala niyang walang pakialam sa kanya ay narito ngayon at hindi alintana ang panganib na maaari nitong kaharapin.“A-anong ginagawa mo rito, Lucian?” hindi na naitago ang matinding pag-aalala sa mukha ni Sunset. “Delikado! Bakit ka pa nagpunta—”“I can't pretend if you are in a situation like this,” sabi nito sa kanya na siya namang humawak sa kanyang pisngi gamit ang isang kamay. “Are you okay? May ginawa ba sa ‘yo ang mga kumuha sa ‘yo?”Mabilis ang naging pag-iling niya. “Paano mo nalamang nandito ako?”“Tama na iyang kwentuhan!” galit na turan ng isa sa mga dumukot sa kanya. “Naiingayan na ako sa inyo,” sabi pa nito habang ginagalaw-galaw ang taynga. Makikita ang pagpapalit ng ekspresyon sa asawa niya nang ibaling nito ang tingin sa mga du
HALO-HALONG EMOSYON NA hindi niya maintindihan, ganoon ilarawan ni Sunset ang kanyang nararamdaman sa paglipas ng araw. Minsan ay magigising siya ng napakasaya ngunit matatapos ang araw niya na lumuluha na lamang dahil sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman dahil sa pagbubuntis.Habang lumilipas din ang araw ay nadaragdagan ang matinding pag-aalala sa maaaring nangyari na sa kanyang asawa. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang nababalitaan tungkol sa kanyang asawa. Ang mga inupahan ng mga Seville ay paulit-ulit lamang ang sinasabi. Walang balita tungkol kay Lucian. Kinakain din siya ng matinding takot. Maraming paano na tumatakbo sa kanyang isipan habang hindi pa rin nakikita ang kanyang asawa. May mga gabi rin na napananaginipan niya na paulit-ulit na nawawala sa kanya ang asawa. Heto na naman ang paglutang ng bangkay ng asawa sa kanyang asawa panaginip sa gilid ng pangpang matapos matagpuan ng mga taong binayaran ng Seville. Paulit-ulit ang kanyang pagtangis kasabay ng kanyan
NAGISING SI SUNSET na matinding liwanag ang bumungad sa kanya. Sandali pa ang nakalipas bago tuluyang makapag-adjust ang kanyang mga mata sa pagkasilaw. Sumunod niya namang napansin ang apat na puting kanto ng kwartong iyon. Nang tuluyang makapag-adjust ang kanyang paningin, saka niya napansin ang swero na nakakabit sa kanyang kamay. Naroon din ang sekretarya niya na nakatulog na. Makikita sa mukha ni Liezel ang matinding pagod na maaaring siya ang dahilan.Mayamaya pa ay siya ring pagpasok ni Lumi sa kwartong tinutuluyan niya. Kapansin-pansin ang pamamaga ng mga mata nito na nagbigay ng matinding kaba sa kanya nang mapagtanto ang dahilan kung bakit siya naroon sa hospital.“Anong nangyayari, Lumi?” kinakabahan niyang tanong sa kaibigan. “B-bakit tayo narito?”Hindi kaagad nakasagot sa kanya si Lumi. Hinawakan ng kaibigan niya ang kanyang kamay habang nakatingin sa kanyang mga mata.“W-what is it, Lumi?”“I want to tell you something—”“I’m pregnant?” diretsahang tanong ni Sunset sa
“UMUWI NA TAYO, Ms. Sunset. Nag-aalala na kami sa ‘yo,” sabi ng kanyang sekretarya nang sunduin siya nito sa paliparan.Ilang araw na rin siyang nakikibalita patungkol sa maaaring maging kalagayan ng ibang mga nawawala pa sa nangyaring plane crash. Uuwi lamang siya sa kanilang bahay para magpahinga sa gabi at babalik din doon matapos na makapagpahinga. “Maghintay pa tayo, Liezel. Baka mayamaya may balita na sila kay Lucian. Hindi ako pwedeng umalis dito. Kailangang ako ang unang makaalam. Ayaw ko ng pag-alalahanin pa ang mga Seville.”Makikita sa mukha ng sekretarya niya na may gusto itong sabihin sa kanya ngunit pinipigilan ang sarili. Alam niyang nag-aalala ang mga taong nakapaligid sa kanya ngunit hindi niya magawang pilitin ang sarili niya na gawin ang mga bagay na labag sa loob niya.Mababaliw lamang siya kung uuwi siya sa kanila. Puro memorya lamang ng asawa niya ang makikita niya. Hindi makatutulong sa kanyang kung walang gagawin. “Ms. Sunset, nalipasan na naman kayo ng tangh
“ANO BANG NANGYARI? Bakit wala sa inyong makapagsalita?” tanong niyang muli sa mga ito. Walang nagawang makasagot ng mga kay Sunset. Ibinaling lamang nila ang tingin sa ibang direksyon na tila ba takot na sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ganito ang asta ng ng pamilya niya.“Anong nangyayari sabi? Sagutin niyo ako!” sa pagkakataong iyon, kahit si Sunset ay hindi na rin makontrol ang kanyang emosyon. Natagpuan niya ang sarili na umiiyak sa hindi malamang dahilan. “Sunset…”“Abuelo?” nakikiusap niyang tanong sa matanda matapos nitong maglakas ng loob na lumapit sa kanya. “Ano pong nangyayari?”“Gusto kong ikalma mo muna ang sarili mo, Anak. May nangyari kay Lucian,” sabi naman ng tyang niya.“Ano po bang—”Hindi niya na kailangan ng sagot sa kanyang pamilya. Ang tadhana na mismo ang tumulong sa kanya. Nalaman niya na ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang kanyang pamilya nang marinig ang balita mula sa telebisyon. Tila naging bingi si Sunset nang marinig ang pangalan ng asawa
“HOW WAS THE wedding?” biro sa kanila ni Lumi na sinalubong sila ng yakap sa kanilang bahay.“Nag-enjoy ka ba, Jarren?” tanong din ng Tyang Lorna niya na sinalubong sila sa pinto ng bahay. May dala-dala pa itong sandok at halatang abala sa pagluluto.“Opo, Nay. Bakit hindi kayo kasama?”“Mapapagod lang ako roon,” biro nito sa bata.Sinundo lang kase nila si Jarren sa school nito kaya hindi na sila nakauwi sa mansyon para isama ang tyang nila. Tumanggi din ito kahit noong inaya nila kaya silang tatlo lamang ang nakapunta. “Tyang, may mga pasalubong na dala si Lucian sa inyo.”Tamang-tama din ang pagpasok ng asawa niya na dala-dala ang mga pasalubong nito para sa kanila.“Ang dami naman nito!” gulat na tanong ng tyang niya na hindi pa sigurado kung kukunin ang mga pinamili ni Lucian.“Tanggapin mo na lang, Tyang. Para sa ‘yo talaga iyan kase masarap ka raw magluto,” nakangiting sambit ni Sunset. “Hay nako! Nambola pa. Pero, salamat!”“Abuela, Abuelo, you’re also here!” gulat na bulala
NORMAL NA YATANG nakangiti parati si Sunset kung ang asawa niya ang bubungad sa kanya na katabi niya sa paggising. Kahit na matagal niya na itong nakakasama, hindi niya pa rin maiwasang huwag maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya ngayong ganito siya kalapit kay Lucian.Isiniksik niya pa ang sarili upang makadikit nang husto sa asawa. Amoy na amoy niya ang natural na amoy nito kaya mas lalong lumapad ang kanyang ngiti. Dahil sa paggalaw niyang iyon ay naalimpungatan na tuloy ang asawa niya.“Good morning, Love,” garalgal ang boses na bati ni Lucian sa kanya.“Good morning,” nakangiti niya ring sagot kaagad.Mas niyakap siya nito nang mahigpit bago siya nito halikan sa noo. “Five minutes…” sabi pa nito na naging dahilan ng kanyang pagngiti.Sa pagpikit ng mga mata ni Lucian, malayang napagmasdan ni Sunset ang mukha ng kanyang asawa. Nakikita niya nang malapitan ang mahaba nitong pilikmata na nakadaragdag sa pagiging magandang lalaki nito. Nakikita na rin ang kakarampot na big
“WHAT HAVE YOU done this time, Eveth?” heto na naman ang pagdagundong ng boses ng ama ni Eveth sa kabuuan ng kanilang mansyon.“I don't know what youre talking about, Dad.”“At magsisinungaling ka na rin ngayon!” galit pa ring sambit ng dad niya. “You cannot fool your dad.”“Dahil wala naman akong ginagawa!” mas mataas din na boses niya ang sumagot sa kanyang ama. “Hanggang kailan mo ako gagawing tanga?” galit na tanong ng dad niya.“Isipin mo na ang mga gusto mong isipin, Dad. Pagod ako—”Pagalit na itinapon ng dad niya ang mga larawan sa center table ng bahay. Doon, tumambad sa kanya ang maraming larawan ng nangyaring kaguluhan sa kanila ni Lucian sa airport. “Magde-deny ka pa rin?” Hindi makatingin si Eveth sa kanyang ama. Hindi niya na alam kung paano ipagtatanggol ang sarili ngayong nabisto nito ang pagsisinungaling niya.“Alam mo ba ang ginagawa mo? Hindi lang pangalan ko ang masisira, damay ang mama mo at maging ang angkan natin! Hindi ka ba titigil hanggang hindi nalalagay
MATAGAL PA NA nanatili sina Sunset at Lucian sa loob ng sasakyan. Hinintay nila ang pina-deliver na pagkain na pagsasaluhan dahil walang kahit na sinong katulong sa bahay nila na maaaring magluto ng pagkain. Habang naroon, hindi niya maiwasang huwag mapangiti. Hindi niya akalain na aabot sila sa ganitong punto. Iyong makakapag-usap sila ng hindi siya tinataasan ni Lucian ng boses nito at kalmado lamang siya sa matagal na oras na magkasama. Wala rin siyang nararamdaman na kahit na anong hinanakit sa asawa. Iyon ang labis na nakapagpapagaan sa loob niya ngayon.Masarap pala sa pakiramdam. Tila napakalaya ng puso niya na gawin ang mga bagay na gusto at pinangarap kasama ang kanyang asawa. Ngayong malaya na siya na gawin ang lahat ng gusto sa harapan nito ay mas nagiging magaan na ang lahat sa kanya na gawin ang nararapat.Nang dumating ang pagkain, saka lamang sila pumasok sa loob ng bahay. Nang makarating sa sala, napahinto sa paglalakad si Sunset dahil sa panunumbalik ng mga alaala
NAG-AALALANG IBINALING NI Sunset ang tingin sa kanyang asawa. Wala pa rin ito sa sariling wisyo dahil sa ipinainom dito ni Eveth. “That girl!” gusto niya itong tirisin nang buhay. Umiinit ang ulo niya dahil sa mga pinaggagawa ng babae.Muli na namang nanumbalik sa kanyang isipan ang naging komprontasyon nila kanina ni Eveth. Kung may isang bagay man siyang ilalarawan dito, iyon na ang pagkabaliw. Tila wala na ito sa sarili at nahihibang na nang labis sa kanyang asawa.Pumasok na sa kanyang isipan kanina na isiwalat sa buong mundo ang totoong ugali ng babae. Ipaalam sa mga tagahangan nito na ito ang totoong ugali ng iniidolo nila. Siguradong masisira ang pangalan nito na magiging dahilan ng pagbagsak nito kapag ginawa ni niya iyon.Ngunit si Lucian ang mahihirapan. Siguradong ito ang sasalo ng mga kristisismo na ibabata sa kanila ng mga tagahanga nitoIsa pa sa dahilan, kahit gustong-gusto niyang ipakulong ang babae. Idiretso ito sa presinsto ngayong may nakuha na siyang ebidensya kan