Artemis’ POV“Bakit ka nagsusungit? I was just asking.” Hindi ko mapigilan ang mailing habang pinapanood ang dalawang batang nagtatalo na naman. Hindi talaga napapagod ang dalawang ito na mag-away. Napasimangot pa si Hades kay Athena kaya umirap ito. “E, kasi kanina ka pa tanong nang tanong. I already said that you have to? You can’t even walk earlier because you didn’t stretch before training,” ani Athena na inirapan pa ang kaniyang kapatid. “And ang pangit mo magtagalog. Bakit ka nagsusungit?” Athena mock him kaya agad ko siyang pinagsabihan. “Sabi ni Ms. Clemente, cute daw ako.” Pananagalog niya pang muli kaya hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi bago natatawang tumango. Athena rolled her eyes because of that. “Natural, sasabihin ni Mama ‘yan dahil anak ka niya! Hindi ka cute! If there’s someone cute, si Ruiz ‘yon,” tukoy ni Athena sa kaniyang pamangkin. Napanguso si Hades doon, pinipigilan ang kaniyang ngiti na hindi ko naman malaman kung para saan. After ng sagutan nil
Artemis’ POVAgad na humiwalay si Athena bago napasimangot ang mukha sa ama ngayon. “Why?”“Can you let me finish my termino first? We’ll all leave after… It’s not safe out there…” ani Zelo nananatili lang ang malamig na tingin nito. “Oh, maybe you didn’t hear me but Mama and I will be the only one leaving. We don’t need both of you. And if safety was the one you are thinking about. We are safe for years because we aren’t involve with you, Mr. President, but fine, since Mama said that she’s the reason why we are not safe, it would be okay too if it’s just the two of us,” ani Athena. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Mariin kong kinagat ang aking labi dahil wala ring preno ang bibig ni Athena. “So it’s fine if it’s just the two of you?” tanong ni Hades na malamig siyang tinignan. “Yes! Once everything is done, we will really leave. Sorry for ruining your peaceful life.” Athena sarcastically said. “What did you do? I heard how you always shout at my Mom while pushing her away! Wh
Artemis’ POV“I’ll learn how to speak tagalog po… I will treat you nicely… I won’t ever ask for anything po… just don’t leave… I won’t ask for anything po… I won’t ask for you drop me at school even if I want too… I’ll stop myself for wanting even more attention… I’ll stop myself from wanting to eat with you… Hindi na po ako magtatampo sa tuwing si Athena lang ang pinapagalitan mo… Huwag mo lang po akong iwan…” Parang pinipiga ang puso ko habang pinapakinggan ang sakit ng iyak ng anak ko. Ang sakit-sakit din na tinatago niya ang mga nasa loobin niya. Umiling din ako sa kaniya bago ko siya tinignan sa mata. “Shh… Anak… I won’t leave now, Baby. You don’t have to change for me… You can ask me for anything… I would like to help you with anything… You don’t have to stop yourself from wanting more… I’m sorry, Baby… Sorry kung hindi napapansin ni Mama ang lahat… Sorry, Anak ko…” Halos hindi ko na masabi nang maayos ang lahat sa bawat lakas ng paghikbi ko. “I’m sorry for not being able wit
Artemis’ POVHindi nagsalita si Athena sa aking sinabi kaya nang lumabas si Hades, sa kaniya naman ito napatingin. He was already combing his hair with his hands. Bakas ang pagkabalisa niya nang mapatingin sa kaniyang kapatid subalit bandang huli’y napatikhim na lang siya nang lumapit. “Is it fine if I sleep here?” tanong niya sa marahang tono. Agad naman napataas ang kilay ni Athena doon. “Bakit? Wala ka bang kwarto?” tanong ni Athena kaya napakagat sa labi si Hades. “I just want to sleep with Mama too…” Bahagyang nagulat si Athena roon subalit bandang huli’y nagkibit siya ng balikat. “So you finally got into your senses, you are calling her Mom now,” puna ni Athena. Nanatili lang ang nanantiyang tingin ni Hades sa kaniya. “I’m sorry…” pagpapakumbaba ni Hades. Agad na tumaas ang kilay ni Athena roon. “For being rude to Mama and treating her badly. You are right…” aniya na mariing kinagat ang kaniyang labi. “Ano pang magagawa ko gayong mukhang pinatawad ka na ni Mama. But I’m t
Artemis’ POV“I was waiting for you to comeback… Natiis mo ako ng anim na taon… You are so heartless… If you just knew how much I wanted to find you everywhere…” ‘Yon ang huling narinig kay Zelo bago nakatulog. Hindi ko sigurado kung sinong unang nakatulog sa aming dalawa. Ni hindi ako makaalis sa tabi niya dahil kahit lasing ay nararamdaman niya ang paggalaw ko at laging nanunumbat na nangako ako na hindi ako aalis. Nagising na lang ako kinabukasan na may sinag na ng araw na tumatama sa aking mukha. Bahagyang napaawang ang labi ko nang mapagtanto na nakayakap pa ako kay Zelo at ganoon din siya na talagang hapit na hapit ako. Damn. Kung hindi ka ba naman talaga gaga, Artemis. Akala ko ba’y iiwasan mo ito? Anong ginagawa mo na naman . Hinahayaan mo na naman ang sariling magpadala sa nararamdaman. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakapulupot sa akin. Paniguradong hinahanap na ako ng dalawang anak. Talagang nagawa ko pang lumandi rito. Napakagaling mo ngang ina, Artemis. Nang
Artemis’ POVHindi ko alam kung paanong nangyaring pinapanood na nila akong tatlo na magluto ngayon. Si Zelo’y titig na titig habang ang ngisi sa labi’y hindi rin nawawala. Si Hades ay mababakasan din ng tuwa habang si Athena’y walang ngiti subalit kumikibot ang labi. This girl, ganiyan na ganiyan ‘yan kapag pinipigilan ang mapangiti. Napailing na lang din ako roon. “What should I do to help you?” malambing na tanong ni Hades sa akin kaya inirapan ko lang siya.“Wala. Just sit. Bond with your son and daughter,” ani ko kaya matagal niya akong tinignan bago kumurba ang ngiti sa kaniyang labi. “Noted, Commander,” aniya kaya napailing na lang din ako. “Mama is not that good at cooking, don’t expect too much.” Narinig kong bulong ni Athena kay Hades kaya bahagyang napaawang ang aking labi sa kaniya. “What?” natatawa kong tanong at pinaningkitan siya ng mata. Nag-peace sign ito kaya hindi ko maiwasan ang mapailing sa kaniya. Himala at magkasundo sila ni Hades ngayon. “Daddy is good wi
Artemis’ POVKahit sa mga sumunod na oras ay kasama na ako ni Zelo kaya wala akong choice kung hindi ang iwasan na lang nang iwasan ang usapan sa pananatili namin dito. I’m not really even sure if he was really serious that he wants us to stay or just want to do his revenge to me. Anuman ang dahilan, hindi ko rin talaga sigurado. If I were him, I won’t ever forgive myself kahit gaano ko pa kagusto ang sarili. “What?” he asked when he saw me staring at him. Katatapos niyang pumirma ng kung ano. This is the reason why I don’t want to stay in the same room with him. Ilang minuto akong nawawala sa sarili kapag nakikita ko ang kaniyang mukha. He always looks good. Lalong-lalo na with his eyeglasses on. “What? I was just guarding you,” ani ko kaya ngumisi siya sa akin. “Really, huh?” Inirapan ko na lang din siya nang makita ang mapang-asar niyang ngisi. “Tapos ka na ba? Paniguradong naghihintay na ang mga anak ko,” ani ko. “Anak natin,” he corrected. Tumayo na rin siya bago niluwagan a
Artemis’ POV“Come on, Daddy! That’s not how you do it.” Napatawa pa si Hades sa kaniyang ama habang si Athena’y napahagikhik din sa kaniyang ama. Hindi ko naman maiwasan ang matawa habang tinitignan si Zelo na hindi mapigilan ang mapakamot na lang sa kaniyang ulo dahil may natirang target mula sa bowling na nilalaro nila ngayon. “I’ll try, Daddy, watch me,” natatawang sambit ni Hades bago siya nagsimulang tumira. Agad nga lang napanguso nang isa lang ang napatumba. Napahalakhak doon si Athena at nagawa pang sumabay sa pang-aasar ni Zelo sa kaniyang kapatid. Hindi ko rin maiwasan ang mapailing. “Mama, oh!” sumbong ni Hades kaya pinandilatan ko ng mata ang dalawa. “Huwag niyo nang asarin,” ani ko. Tumawa lang ang dalawa habang si Athena ay tinapik pa ang braso ng kaniyang kapatid. “This is how you do it… Watch and learn,” ani Athena sa kaniyang kapatid. Nailing na lang ako dahil namana talaga niya ang kayabangan ko. Kumurba ang ngiti sa labi ko at paghanga naman sa dalawa nang map