Artemis’ POV“Hindi mo talaga pinapalagpas ang kahit anong oportunidad, huh? You are really pathetic,” bulong niya sa akin kaya hindi nagbago ang ekspresiyon ng mukha ko. Narito na ako sa opisina ni Zelo ngayon. It means I’ll be starting to work. Mas nairita pa siya dahil hindi man lang ako natinag kaya ilang irap pa ang ginawa niyang muli bago niya nilingon si Zelo. “Come on, Babe, let’s go now. We should shop together so we can wear a couple clothes for Mama’s birthday,” ani Ms. Yu kay Zelo at sinubukan niya pang yumapos sa kaniyang braso. Matagal akong napatingin sa kamay niyang na kay Zelo lang hanggang sa mag-angat na ako ng tingin. Nakasalubong ko ang mga mata ni Zelo na hindi ko alam kung nakatingin ba sa akin o ano. Bahagyang umangat ang isang sulok ng kaniyang labi bago niya nilingon si Ms. Yu. “Alright, Babe, let’s do that.” Wala naman si Hades ngayon dito subalit tila ang bigat ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit tila may kumukurot muli rito. Mariin ko lang na kinagat
Artemis’ POV“Why don’t you hold this? Para may kwenta ka naman,” Ms. Yu said to me. “Stop being rude, Angel,” sambit ni Zelo, ang mga mata’y nasa akin pa rin. Kinuha ko lang ang paperbag sa kamay ni Ms. Yu. “Just gave it to the staffs, they will put it in the car,” ani Zelo sa akin na kukunin pa sana sa kamay ko ang paperbag subalit agad ko ring nailayo sa kaniya.“It’s fine, Mr. President. I’ll think of it us one of my extra job,” malamig kong sambit, pormal na pormal pa ang tinig at lumayo ng ilang pulgada sa kaniya. Agad kong nakita ang pag-awang ng kaniyang labi, nagtagal pa ang tingin niya sa akin kaya agad na rin akong lumayo sa kaniya. I should really mind my distance lalo na’t narinig kong malapit na silang ikasal ni Ms. Yu. Ang sabi ni Ms. Yu sa kausap kanina’y may inaayos lang at baka sa susunod na taon o mga buwan ay matuloy na ang kasal. I feel disgusted just by the thought that I’m liking someone else’s man. Hindi dapat ganito. Sigurado akong reresulbahin lang nila a
Artemis’ POVNang makabalik kami’y saka ko lang binabalingan ng tingin si Zelo kapag kailangan. Ngayon ko lang tuloy napagtatanto na mahirap pala kapag bodyguard ka ng ex mo. Nakabalik na kami sa opisina ngayon at binalikan niya na ang marami niyang trabaho. Minsan ay nagkakasalubong ang mga mata namin subalit wala rin ni isang sinasabi sa isa’t isa. Mayamaya lang ay may kumatok din sa labas kaya pinagbuksan ko lang din ‘yon ng pinto dahil ‘yon ang utos ni Zelo. “Good evening, Ms. Bodyguard!” nakangiting bati ni Mr. Juan Cloud sa akin. Kahit gabi na’y mataas pa rin ang enerhiya niya. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ko at binati rin siya pabalik. “Aren’t you going to double check me?” May ngisi siyang mapang-asar na nilingon pa ang gawi ni Zelo. I think guards outside already check if he have a weapon with him or what but it’s okay to double check too kaya ‘yon lang din ang ginawa ko. Nasa braso pa lang ako nang marinig ang galabog mula sa table ni Zelo. “No need for that, Ju
Artemis’ POV“You look stunning,” nakangiting saad sa akin ni Mr. Juan Cloud. Tipid lang akong ngiti bago sinabayan siya sa paglalakad. Tutungo na kami ngayon sa party ng pamilya ni Ms. Yu. Nauna nang nagtungo sina Zelo at Hades kasama si Ms. Yu roon. Aalis na lang ay nakikipagtalo pa sa akin si Zelo kanina. Gusto niyang sumabay ako sa kanila. Kung hindi pa tinawag ng anak ay hindi pa talaga susunod. Pinipilit ang kaniyang gusto. Nitong mga nakaraang araw lang ay para kaming aso’t pusa na laging nag-aaway. Sinusubukan kong iwasan na lang ang makipag-usap sa kaniya subalit he’s always trying na ikinapipikon ko lany bandang huli. Mayamaya lang ay sumakay na kotse ni Mr. Juan Cloud. Magaan ang presensiya nito at nagagawa naming makapag-usap nang maayos. Naikwento niya rin ang dahilan kung bakit niya ako inaya bilang date niya ngayong gabi. Pinipilit siyang ireto sa isa sa kanilang business partner but as he doesn’t want to, he wants to bring a date to prove his points to his parents.
Artemis’ POV“Who’s that girl, Juan Cloud? Talaga bang balak mo kaming pahiyain dito?” pagalit na tanong ng Mommy ni Mr. Juan Cloud nang makalapit na kami sa kanilang table. Napanguso siya bago ako pinakilala sa parents niya subalit nang dumako sa babaeng may eleganteng pagkikilos ang mga mata’y nilingon niya ito nang nakataas ang kilay subalit nanatili lang na walang binibigay na reaksiyon ang babae. It looks like she’s the girl his parents wants. Kung ako rin siguro’y gugustuhin ito para sa anak. She’s pretty and looks like she was really compose the whole time. Mukha siyang manika sa kaniyang mahabang buhok, maputing kutis, mapupulang labi at ang mga matang mala pusa. I wonder why would Mr. Juan Cloud wouldn’t want to marry her. “Good evening.” Siya pa ang unang bumati at tipid na ngumiti. She look so nice. Bumulong ako kay Mr. Juan Cloud doon. “You don’t like her? Wala ka palang taste kung ganoon.” Bahagya pa akong tumawa nang bumulong kay Mr. Juan Cloud. Ang seryosong mukha ni
Artemis’ POVNaunang bumalik si Zelo sa party dahil nga hinahanap na siya mula sa labas. Habang ako’y nagpalipas muna ng oras mula sa isang cubicle para mas sigurado lang din talaga. Palabas na sana ako nang may marinig na pamilyar na pangalan. “Viper, I told you! She’s familiar. Hindi ako pupuwedeng magkamali! Siya ang kasama ni Governor sa party noon.” Narinig kong saad ng isang tinig nang papasok sa comfort room. Agad napaawang ang labi ko at agad nagtago sa cubicle dahil naririnig ko itong sinusubukang tignan kung may tao ba sa loob. “Yes, let’s meet after this party, please. I would like to have sexy time with you too. Yes, I’m sure that she’s that girl. She’s so familiar I told you. Blonde lang ang buhok niya noon but her face is still the same,” sambit nito. Tila nasisigurado ko nang ako ang tinutukoy nito. After niyang makipaglandian lang sa kausap ay agad niya na ring napagpasiyahang umalis. “Who’s the girl who went out of the comfort room, Leo?” tanong ko sa kapatid mul
Artemis’ POV“I’ll be moving now. Please bring Hades at home,” bulong ko sa kabilang linya para kay Zelo. Alam kong naririnig naman kasi niya ang usapan namin ng kapatid ko.Isang tingin pa ang ginawa ko sa gawi nila para tignan ang anak ko. Walang kaalam-alam ang ano ko habang si Zelo’y masama ang tingin sa akin. Agad ko na ring iniwas ang aking tingin bago ako lumabas. Pinunit ko lang ang gown na suot nang makalabas at nagsimula ng akyatin ang hotel. My brother already send me the blue print of the whole place. “Be careful, Artemis,” paalala sa akin ni Ares habang nagsisimula akong umakyat sa madilim na parte ng hotel. Unti-unti nga lang napaawang ang labi ko nang makitang may secret passage mula rito. Papasok na sana ako sa pinto nang makarinig ng yapak at tinig. “Yes, I’m almost there, Babe. Of course, we will.” Hanggang sa baba lang ang na-hack ni Ares kaya hindi ko rin magawang magtungo sa mga may CCTV na parte sa mga room sa taas. Ito rin ang rason kung bakit ayaw niyang itul
Artemis’ POVAgad akong tumalon sa sumunod na palapag. Nang makaalis ako sa veranda ng room ng bise presidente’y mayroon pa ring mga humahabol sa akin subalit mukhang unti-unti na rin silang huminto dahil hindi lang naman kami ang mga tao sa labas. Mukhang pinlano rin talaga nila na dalhin ako sa hotel room na ‘yon dahil sound proof. ‘Yon nga lang ay mukhang hindi nila inaasahan ang pagtakas ko. Hinihingal ako ng tuluyang makaalis mula roon. Isang kotse ang tumapat sa akin. Agad kong nakita si Macoy na siyang naiiling na lang sa akin. “De puta! Sugod ka na naman nang sugod, hayop ka,” ani Macoy na pinapasok ako sa loob. Hinihingal lang akong napasandal sa kotse. Mukhang tinatawagan na rin niya sina Junio. “May tama ka!” malakas na sigaw ni Macoy kaya agad ding napamura si Ares mula sa kabilang linya. Pinatay ko na rin ang mic ko dahil paniguradong masesermonan lang ako at baka marinig pa ni Zelo ‘yon. Pumikit lang ako sa hapdi ng daplis ng bala sa akin. “Malilintikan talaga ako n