“I DON’T THINK labas ka na sa kung anuman ang gawin ko sa personal kong buhay lalo na at hindi ko naman ginagawa ito sa office hour,” giit ni Selena kay Anthony. Napapitlag siya nang hawakan nito nang mahigpit ang bewang niya. Gusto na niyang tapusin ang pakikipagsayaw dito ngunit iniikot siya nito saka ibinagsak sa balikat nito. Namula ang kanyang mga pisngi nang magtama ang kanilang mga mata.“Hindi ko papayagang mapaglaruan ka ng kung sinong lalaki,” sabi nito nang itindig siyang muli at hapitin ang bewang. Halos sa kanilang dalawa na lamang nakatingin ang mga bisita, tila nag-eenjoy panuorin ang kanilang pagsasayaw.Sa isang sulok ay nakamasid si Archie at tila malalim ang iniisip. Ang ina naman ni Christine ay waring nagpipigil lamang na sugurin silang dalawa. Samantalang si Don Narciso Alcala ay nasa pakikipagtagpo kay Christine ang utak at wala na sa selebrasyon. Kung maari lamang ay pauwiin na nito ang mga bisita.Maya-maya ay isang kaibigan ni Anthony ang lumapit sa kan
HINDI SIYA NAGSASALITA. Hindi ba at ito naman ang isa sa mga plano niya? Ang akitin si Anthony at muling paibigin saka siya maglalahong parang bula kagaya ng ginawa nito sa kanya? Kung gaano kasakit ang nalasap niya nang magpakasal ito kay Christine, gusto niya ay doble nuon ang sakit na maramdaman nito.Pero bakit hanggang ngayon, mahal pa rin niya ito? Bakit sa kabila ng lahat ng hinanakit niya ay hindi niya ito magawang kalimutan sa puso at isipan niya?Siniil siya ng halik ni Anthony. Hindi siya tumutol. Hinayaan lang niyang maramdaman nito ang tamis ng kanyang mga labi. In fact, buong pag-aalab na tinugon niya ang halik nito.Ngunit nang maramdamang parang natatangay na siya at pinapanawan ng ulirat ay mabilis na niya itong itnulak palayo bago pa niya tuluyang makalimutan ang dahilan ng kanyang pagbabalik sa Sta. Isabel.“Selena. . .”“Bumalik ka na sa loob. Uuwi na ako.”“No. Ihahatid kitang pauwi.”“I can manage. My sasakyan ako.” Mariing sabi niya rito.“I said ihahatid n
PARANG DINUDUROG ANG PUSO NI ANTHONY habang inaalala ang mga masasaya nilang pinagsamahan ni Selena. Talagang mahal pa rin niya ito ngunit may kinabukasan pa bang naghihintay para sa kanilang dalawa kung ganitong nakatali na siya kay Christine? Unless makipagdivorce na siya rito. Ang tanong, tatanggapin pa ba siyang muli ni Selena kapag hiniwalayan niya si Christine?But damn, kahit na anong mangyari, kailangan na niyang mag-file ng divorce para makalaya na sa babaeng kahit na minsan ay hindi naman niya minahal. Ayaw na niyang lokohin pa ang kanyang sarili.Sinubukan naman niya. Nagtry siyang turuan ang kanyang puso na mahalin ito lalo nan ang malaman niyang nagdadalantao ito. Pero kahit na anong gawin niya, hindi talaga niya mapilit ang kanyang sarili. Mas lalo siyang tinabangan dito nang malaman niyang nakunan ito.Na kay Selena talaga ang puso niya.Nagsalin siya ng alak sa baso at uminom ng uminom habang naririnig niya sa kabilang kuwarto ang pagwawala ni Christine, kausap n
TAHIMIK NA SUMAKAY NG KOTSE NI ANTHONY si Selena. Patungo sila sa meeting two hours away from Sta. Isabel at hindi siya makapagreklamo dahil parte naman ito ng trabaho niya. “Parang gusto ko ng mapikon sa pananahimik mo,” narinig niyang sabi ni Anthony after twenty minutes nilang makalayo mula sa opisina at tahimik na tahimik pa rin siya.“Wala naman tayong dapat na pag-usapan pa, Sir!” sagot niya rito. Tuluyan nang napikon si Anthony sa kanya.“Damn, stop acting as if hindi mo alam kung ano ang ibig kong sabihin,” sabi nito sa kanya.Umayos siya ng upo, “At anong gusto mong gawin ko? Baka nakakalimutan mong may asawa ka ng tao!” Paalala niya rito, “Well, pwede tayong maglaro ng apoy kung gusto mo, pero hindi sa oras ng trabaho.”Muntik na siyang maumpog ng bigla na lamang nitong ipreno ang sasakyan.“Damn Selena. Nasa itsura ko ba ang nakikipaglaro lang, ha?” Hinawakan nito ang mukha niya at pilit na pinaharap sa mukha nito.Umiwas si Selena ng tingin dahil natatakot siyang ipag
“HAYAAN MO NA SI ANTHONY KAY SELENA, nandito naman ako. Kayang-kaya naman kitang paligayahin,” mahinang sabi ni Don Narciso kay Christine habang binabaybay ng mga labi nito ang kanyang likuran.Napapikit si Christine. Kinikilabutan siya habang dumadampi ang mga labi ng matanda sa kanyang katawan. “Asawa ko si Anthony at hindi ako makapapayag na mapunta sya sa babaeng iyon!”“Hindi pa ba ako sapat saiyo?” Malambing na tanong nito sa kanya.Gusto na niyang mapikon. “Suka-suka na ako sa amoy mong matanda ka! Akala mo ba natutuwa ako sa ginagawa mong ito?” Gusto sana niyang isigaw dito ngunit ayaw niyang makalaban si Don Narciso dahil kilala niya ito kung magalit at iyon ang isa sa ayaw niyang mangyari.“Hindi ako papayag na mapunta si Anthony sa babaeng iyon. Ang usapan natin ibibigay ko ang katawan ko saiyo kapalit ng asawa ko.”“Oh, hindi ba asawa mo na ngayon si Anthony?”“Pero hindi ko maramdamang mahal nya ako!” reklamo niya dito.Napahinga ng malalim ang matanda, “Hindi ko na
“DAD, NARIRINIG MO BA ANG SINASABI MO? Kahit na kailan, hindi na magiging maayos pa ang pagsasama namin ni Christine dahil sa umpisa pa lang, alam mo namang hindi ko siya mahal at never ko siyang matutunang mahalin!” Giit niya sa ama.“Isipin mo ang reputasyon mo bilang governor, anak. Masisira ang political career mo kapag. . .”Hindi na niya pinatapos pa ang sinasabi ng ama. To hell with his political career. Actually, wala na siyang ibang hangad ngayon kundi ang mabalik ang tiwala at pagmamahal sa kanya ni Selena.“Anthony!” sigaw ng daddy niya ngunit hindi na niya ito nilingon pa. Nagmamadali na siyang lumabas ng library nito. Alam niyang kinausap na naman ito ni Christine kaya siya biglang ipnatawag. Hindi niya alam kung bakit lahat na lamang ng sabihin ni Christine dito ay parang sunod-sunuran ang kanyang ama.Knowing his dad, hindi ito basta-basta madaling imanipulate kaya bilib na siya kay Cristine dahil nakuha nito ang hundred percent tiwala ng ama. Napapailing na pin
“A-ANONG INIHALO MO SA KAPE KO?” Nanghihinang tanong ni Archie kay Selena, ilang segundo pa ay nawalan na ito ng malay tao. Napangiti siya. Napaka-effectve talaga ng pampatulog na inihalo niya sa kape nito. Mabilis niyang kinuha sa kanyang bag ang posas at ipinosas ang mga paa at kamay ni Archie sa kama.Uminom siya ng kape habang hinihintay itong magising. Ang sabi ng nurse na nabilhan niya ng sekretong gamot na ito, twenty minutes lang tumatalab ang gamot sa katawan ng tao, pagkatapos niyon ay magiging conscious na ulit ito. “Anong kalokohan ito?” Tanong ni Archie nang unti-unting magkamalay at makitang nakaposas na ito sa kama. Napangisi si Selena, nilapitan niya ito at hinagod ang mukha.“Maglalaro lang tayo.” Halos paanas lang na sabi niya kay Archie. Naupo siya sa gilid ng kama habang nakatitig dito.“Selena, hindi ito nakakatawa!” inis nang sabi nito sa kanya/Tumiim ang kanyang mga mata, “Ikaw ba ang gumahasa sa akin?” Direktang tanong niya, dinukot niya sa kanyang bag
NAGTANGIS ang mga bagang ni Anthony nang makarating sa kanya ang larawang ipinadala sa kanya ng isa sa kanyang mga tauhan. Nakuhanan nito ang larawan si Selena at Archie na magkasama sa isang restaurant. Kaya pala tinanggihan ni Selena ang imbitasyon niya, may date pala ito kay Archie.Nagseselos siya pero gaya nga ng sabi ni Selena sa kanya, malaya itong mag-entertain ng kahit na sinong manliligaw dahil wala na naman sila. Wala siyang karapatang magalit kay Archie, mas lalo kay Selena. Pero mainit talaga ang ulo niya at hindi niya maitago ang inis na nararamdaman kaya nakasimangot siya nang magkita sila ni Selena sa opisina.Ni hindi nga siya ngumiti nang mag-good morning sir ito sa kanya. Hanggang matapos ang maghapon ay ni hindi man lamang niya ito kinausap. Ang mas ikinaiinis niya ay parang balewala lang kay Selena iyon.Pero ang mas ikinainit ng ulo niya ay nang makita si Archie na naghihintay kay Selena sa labas. Lalapitan sana niya ang mga ito para komprontahin pero duma
PARANG MABABALIW SI ANTHONY HABANG hindi malaman kung nasaan si Selena. Kanina pa niya tinatawagan ang phone nito ngunit ‘can’t be reach’ iyon. Maski si Archie ay tinawagan na rin niya para magpatulong na hanapin si Selena. Kumikilos na rin ang lahat niyang mga tauhan para matukoy kung nasaan ito.Nagagalit siya sa kanyang sarili. Dapat ay twenty four hours siyang nasa tabi nito para hindi na maulit ang mga nangyari nuon. Sobra na siyang nag-aalala lalo pa at alas-nuebe na ng gabi ay wala pa rin ito sa bahay. Lahat na ng maari niyang mapagtanungan ay tinawagan na niya ngunit walang makapagsabi kung nasaan ito. Hindi na siya nagdalawang isip pa, kaagad niyang pinuntahan si Christine.“Nasaan si Selena?” Ulit niya sa tanong, nang hindi pa rin nito sinasagot ang tanong niya ay kinaladkad na niya ito papunta sa kanyang sasakyan. Nagwawala ito kaya itinali niya ang mga kamay nito at tiniyak na naka-seatbelt ito ng maayos saka nagmamadaling pinatakbo ang sasakyan, “Uulitin ko, saan
ISANG MALAKAS na sampal ang ibinigay ni Don Narciso kay Christine. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na napagbuhatan niya ito ng kamay. Hindi naman siya manhid, mas lalong hindi siya ilusyunado, alam naman niyang ibinibigay lamang ni Christine ang katawan sa kanya, kapalit ng mga ipinagagawa nito sa kanya. Ramdam naman niyang kahit anong gawin niya, hindi niya mapapalitan ang katotohanang si Anthony ang mahal nito.Pero masakit pa rin para sa kanya na sa bibig mismo nito manggaling ang mga salitang iyon lalo pa at may kasama pa palang pandidiri ang nararamdaman nito sa kanya. Napakuyom ang kanyang mga palad. Ang totoo, sa pagdaraan ng mga araw ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman niya para dito. Ngunit hindi dahilan iyon para kunsintihin niya ang mga katarantaduhan nito.“Anong partisipasyon mo sa nangyaring panggagahasa kay Selena? Ikaw ba ang mastermind nuon?” Tanong niya rito. Hindi ito sumagot, sa halip ay napangisi lang ito sa kanya.Napahinga siya nang malalim. Hin
NILAPITAN SI SELENA NI RIGOR. Gumapang ang takot sa buong katawan ni Selena nang maamoy ang pamilyar na pabango nito. “I-ikaw ang gumahasa sa akin,” aniya habang hindi na napigilan ang pagpatak ng mga luha, “Ginahasa mo akong hayup ka!” nanlilisik ang mga matang sabi niya rito.Napangisi si Rigor, “Oo at simula nuon, hindi ko na nakalimutan pa ang napakasarap mong. . .”“Hayup ka!!!” Galit na galit na itinulak niya itong palayo sa kanya. Akmang tatakbo siya palabas ngunit mabilis siya nitong naharang.“Sa akala mo, papayagan pa kitang makatas ngayong alam mo na ang lahat? Saka, nasasabik akong matikman kang muli,” akmang hahalikan siya nito ngunit mabilis niya itong dinuruan sa mukha. Galit na galit na hinawakan siya ni Rigor sa mukha, “Putang ina mo! Huwag kang ng mag-inarte pa dahil natikman na kita ng paulit-ulit!” Singhal nito sa kanya.Kinikilabutan siya sa bawat paglapat ng mga labi nito sa kanyang balat. Umiiyak siya habang umiisip ng paraan kung paano makakatakas dito.
“KARLA, KAILANGAN mong tumistigo laban kay Christine. May mga nakalap na rin kaming mga ebedensya na makakatulong para madiin siyang mastermind sa nangyari kay Selena.” Sabi ni Anthony sa dalaga.Hindi makapagsalita si Karla. Bakas ang takot at pag-aalilangan sa mukha nito.“Kung hindi ka makakapagtulungan, ipakukulong rin kita sa pakikipagsabwatan mo kay Christine,” giit ni Selena dito. Takot na napatingin si Karla sa kanya. “Gagawin ko talaga iyon kung hindi ka makikipagtulungan sa amin!”Parang maiiyak si Karla, hindi nito malaman kung ano ang gagawin. “Malalagay sa alanganin ang pamilya ko kapag tumestigo ako laban kay Christine,” maluha-luhang sabi nito sa kanya.“Natatakot ka kay Christine pero sa batas hindi ka natatakot?” Matiim na tanong ni Anthony dito.Napahikbi si Karla. Napakurap kurap si Selena habang nakatingin dito. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang nagawa nitong talikuran ang kanilang pagkakaibigan. Maya-maya ay tumunog ang kanyang phone. Si Archie
ISANG MALAKAS na sampal ang dumapo sa pisngi ni Christine. Nuon lamang siya nasaktan ng ama ng ganuon. Gulat na gulat na napatingin siya sa ama. Nagpupuyos sa galit na hinawakan siya nito sa magkabilang balikat, “Nakikipagrelasyon ka sa ama ni Anthony? Pumatol ka sa mas matanda pa sa akin?”“Papa. . .” napatungo siya dahil hindi niya magawang tingnan ng diretso sa mata ang ama. Hiyang-hiya siyang natuklasan nito ang kanyang pinakatatagong lihim. Maski siya, nasusuka kapag naiisip na pumatol siya sa ama ni Anthony, “K-kinailangan kong gawin iyon dahil. . .” Napaiyak siya, “Mahal na mahal ko si Anthony at iyon lang ang paraang alam ko para makontrol ko sya, ang kontrolin si Don Narciso,” pagtatapat niya sa ama.Muli siyang nasampiga nito. Sa lakas niyon ay bumagsak siya sa sahig.“Sana ako ang kinausap mo hindi iyong kumilos kang mag-isa! Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Anthony nang malaman ko ang ginawa mong yan! Ngayon, may matibay na siyang ebedensya para makipaghiwalay sa
“KUMPADRE, anong kalokohan itong ginagawa ng anak mo sa anak ko?” Kaagad na kinumpronta ng ama ni Christine si Don Narciso, “Ano bang akala nya kay Christine, criminal?” Galit na galit na sabi ng matanda habang kausap sa telepono ang ama ni Anthony.Si Christine naman ay tahimik na tahimik habang pinag-iisipan ang susunod niyang mga hakbang. Ngayong nalaman na ni Anthony ang tungkol sa kanila ni Don Narciso ay tiyak niyang mas mahihirapan siyang maibalik muli ang tiwala nito sa kanya.Kagagawan itong lahat ni Selena. Ito ang sumira sa pagsasama nila ni Anthony kung kaya’t dapat lamang itong mawala.“Pa, saan ka pupunta?” Tanong niya nang mapansing paalis ito.“I’m going to see Anthony para maayos at mapag-usapan ninyo. . .”“Pa, kung may dapat kang unahin, iyon ay ang ipapatay ang kerida niya!” Aniya sa ama, napakunot ang nuo ng Papa niya.“Anak, talaga bang ganyan katindi ang galit mo para humantong sa ganyan ang naiisip mo? Malalagay tayo sa alanganin kapag ginawa mo yan. Ikaw an
HINDI NA NAGULAT PA SI DON NARCISO nang makarating kay Anthony ang namamagitan sa kanila ni Christine. Actually, nuon pa ay gusto na niyang sabihin sa anak ang nangyayari sa kanila ng asawa nito dahil gusto na niyang magsama sila ni Christine, total naman ay alam niyang kahit na kailan ay hindi naman ito minahal ng anak niya. Pero ang ikinagulat niya ay ang inaakusa ni Anthony laban kay Christine.Ipinagahasa nito si Selena? Hindi niya akalaing kailangang humantong sa ganuon ang lahat. Muli ay naisip niya ang sinabi nito sa kanya, gusto nitong ipapatay si Selena para masolo na nito si Anthony.“Anak, patawarin mo ako pero talagang hindi ko alam na may ganuon palang nangyari,” aniya kay Anthony nang makapag-usap sila ng sarilinan habang si Christine ay pinainom ng pampakalma ng mga nurse dahil hindi na ito mapigilan sa pagwawala. Kasalukuyang natutulog na si Christine sa kwarto nito.Nag-aalala siya sa kalagayan ni Christine ngunit mas matimbang pa rin para sa kanya ang nararamdam
HINAGOD NI ANTHONY ang likuran ni Selena upang ipaalala dito na nandito lang siya para dito. This time, gusto niyang iparamdam kay Selena na wala na itong dapat pangilagan at katakutan pa. Hinalikan niya ito sa nuo. Mahal na mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para mapakulong ang lahat ng mga salarin. Kahit masira pa ang political career niya.“Basta wag na wag kang kikilos ng hindi ko alam. Hindi natin alam kung sinu-sino ang mga kalaban kaya dapat hindi na tayo maglilihim pa sa isa’t-isa.” Aniya kay Selena.Tumango ito sa kanya.“Dito lang muna kayo sa safe house. Aasikasuhin ko ang mga kailangang asikasuhin, wag na wag kayong lalabas. Anyway, kumpleto naman na ang mga kailangan nyo. Babalik rin ako mamaya. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka pa.” kabilin-bilinan niya rito saka iginala ang paningin sa kabuoan ng condominium, “Mahigpit ang security dito at saka kinabitan ko ito ng mga cctv para namo-monitor ko ang mga nangyayari dito kahit nasa labas ako.”Hinagod
HINDI MAPAKALI SI CHRISTINE habang paikot-ikot siya sa kanyang kuwarto. Hinihintay niya ang lalaking gagawa ng trabaho niya para patayin si Selena. Kailangan na niyang kumilos. Hindi siya maaring magkamali. Si Selena ang nakita niya. Nasaksihan nito ang namamagitan sa kanila ni Don Narciso. Kailangang mawala na ang babaeng iyon bago pa kumalat ang sekreto niya.Nagsindi siya ng sigarilyo. Ang usapan nila ng hired killer niya ay alas nuebe ng umaga, tatawagan siya nito para sa detalye ng trabahong ibibigay niya ngunit alas-diyes na ay hindi pa siya nito tinatawagan. Hindi naman niya alam kung saan ito kokontakin dahil kahit kailan naman ay hindi nito ibinibigay ang number sa kanya. Maski ang source niya na nagrecommend ng hired killer sa kanya ay hindi rin alam ang number nito.Kaya inis na inis na siya. Mas lalo pang nadagdagan ang inis niya nang tawagan niya ang maid at sabihin nitong hind isa bahay nila umuwi si Anthony. Tiyak niyang magdamag na naman itong nagtampisaw sa