"Gaia! Gumising ka! Binabangunot ka!"Alog ng alog ang aking katawan kaya naman ay napilitan akong magmulat ng mata. Alalang mukha ni Raul ang aking nakita pero nung mapalingon alo sa gilid ay nandoon na nakatingin si Doktora August at si Stelo."Ahh..." binuka ko ang bibig ko para magsalita pero wala namang lumabas na salita. "What happened? May nangyari bang masama sa pagtulog mo?" Tanong ni doktora. Lumunok ako at sumulyap kay Stelo bago umiling ng umiling. "Wala. Wala po."Ngumiti lamang siya ng pilit bago ako nilapitan. Pinalitan niya ang pwesto ni Raul kanina. "Kung ganoon ay maaari ko na kayong tignan ng anak mo. Pero did you experience bleeding ba?" Umiling ako at umayos ng upo. Takot na tignan si Stelo. "Hindi po. Nararamdaman ko lang ang pagsipa niya.""Good then. Ime, hand me our tools." Lumapit sa kanya ang parati niyang kasa-kasamang nurse kapag dumadalaw dito. Kakapasok pa nga lang niya. Pagkalapit niya ay lumabas na si Stelo na sinunda naman ni Raul. Katulad lang
"Pwede ba magka-ayos muna tayo?" Tanong ko sakanya. Bago pa man siya makapagsalita ay nagpatuloy ako. "Alam ko na kakaunti pa lamang ang nalalaman ko tungkol sa nakaraan mo sa pagitan ng pamilya ko pero kaya ko naman makipagtulungan sayo para makabawi ka at makakuha ng hustisya---""Kamatayan ang hustisya para sa akin."Napasinghap dahil parang ang hirap niyang papayagin. Naiintindihan ko naman siya, at kung ano man ang sinasabi niya sa akin ngayon ay alam ko na hindi siya nagsisinungaling. Mahal ko ang mga magulang ko pero kung mali sila ay sana makahingi sila ng kapatawaran sa taong inagrabyado nila. "Sige. Gawin natin. Magka-ayos tayo."Napakurap-kurap ako sa kanyang biglang desisyon. "Ano?" Hindi niya ako tinignan nang ulitin niya ang kanyang sinabi. "Pumapayag ako na magka-ayos tayo. Hindi kita aawayin hanggang hindi lumalabas ang anak ko sayo."Abot tenga ang ngiti ko habang nilalahad sa kanya ang aking kamay, tanda ng kasunduan. Wala sa loob niyang kinuha yun at wala rin sa
Salamat sa dumating na si Mang Rey dahil naalis ang tension sa pagitan nila Stelo at Vicente. Si Mang Rey na ngayon ay may dala-dalang gamit ng bata. Parang foam na nilalagay sa kama na kulay pink, pastel pink at mayroon pang ibang paper bag sa kanyang kabilang kamay. "Sir..."Nang makita siya ni Stelo ay kaagad niya itong sinalubong. Biglang nag-iba ang kanyang expression sa mukha. Abot-tenga na ang kanyang ngiti ng kinuha niya ang mga dala-dala ni Kuya Rey at naglakad ulit pabalik sa pwesto niya kanina. Nagtataka ko naman siyang tinignan. Bakit siya bibili ng kulay pink na gamit? Parang ngayon lang siya bumili ng ganoong kulay at mayroon na kaming ganoon na kulay puti na may printang araw. "Bakit ka bumili niyan? Kulay pink pa talaga ah. Hindi pa nga natin alam ang kasarian.""Gaia,---"Nanlaki ang mata ko ng may marealize kaya hindi ko na siya pinatapos sa kanyang pagsasalita. "Sinabi ba sayo ni Doktora August? Bakit mo hinayaang sabihin niya sayo?!""Gaia, aksidente niya lang
Dalawang buwan makalipas ko isilang ang anak ko na si Gaida ay walang paalam na umalis si Gaia sa gitna ng gabi. Maybe she thought that I'm on a deep sleep but I'm not, I watched her sneak out of the room and god knows where she would be right now. Pero alam ko na pupuntahan niya ang kanyang mga magulang. Narinig niya ang pinag-uusapan namin ni Raul at ni Roberto. It's not my intention for her to hear our conversations, ginusto niyang makinig kaya ngayon ay tumakas siya para balaan ulit ang kanyang pamilya."Raul, anong balita?""Ehh Gov, este Senator, wala ulit sila sa bahay nila baka mamaya-maya pa dumating.""Sige. Hintayin niyo lang at maari mo nang gawin ang pinapagawa ko sayo."Napasinghap siya sa pahayag ko. Tsk. "Hala! Bakit ako?!""I mean, you're not going to do it alone. Sasama ka lang. Ayoko na patagalin 'to dahil baka sa katagalan ay hindi ko na makuha ang hustisya na gusto ko para sa mga magulang natin.""Pero ngayong gabi na talaga?"Tumango ako. "Hindi na pwedeng patag
"Good Morning, Pilipinas! Bringing you the latest news for today. Sa probinsya ng Alpas, ay natagpuang walang-buhay na nakahandusay sa sahig ng kanilang bahay ang mag-asawang Davino na pinaghihinalaang pinatay ng hindi kakilalang tao. Napag-alaman na ang lalaki ay dating Gobernador ng syudad at mayroong kaso dahil sa pagkuha at paggamit ng kaban ng bayan sa para sa pansariling kayamanan. Ang mag-asawa ay ngayo'y nakaratay sa morge ng hospital. Ang nag-iisang anak nito ay hindi pa nakikitang pumasok sa hospital para sa kanyang mga magulang. This is Charmaine reporting from the Alpas's General Hospital, back to the studio." Damn it! "Anong nangyari?! You all tell me what happened there!" Sigaw ko sa tatlong lalaki na nasa aking harapan. "Hindi pa kayo ang pumatay?! Lawyer Montiage, ikaw daw ang unang dumating doon bago pa man makaabot sila Raul at Agent Bert doon, did you kill them?!" Agad naman siyang tumayo pagkatapos kong akusahan. "No! What the hell! Nung dumating ako roon ay pina
"Tangina mo talaga, Montiage! Ginawa mo 'yon? Anong klaseng hipnotismo na naman ang ginamit mo?!" Singhal ni Roberto sa lalaki."The bottom line here is, I didn't kill them. They killed themselves!""Still..." walang masabi na umupo si Stelo at patuloy pa rin inaalala ang ginawa ni Lawyer Montiage na taliwas sa kanilang plinano. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Hindi niya mapaniwalaan na ganun ganun na lang pumayag si Marco na patayin nila ang kanilang sarili."Pucha naman! Manahimik na tayo. Walang lalabas ng tungkol dito." Si Raul na kanina pa paikot-ikot. Kahit na ginusto niyang mamatay ang mga taong dahilan din ng pagkamatay ng kanyang magulang ay nakokonsensya pa rin siya katulad ni Stelo. Si Stelo ay nakokonsensya dahil alam niya na may possibilidad na iwanan sila ni GaiaSpeaking of Gaia, kumatok si Manang Lolita sa opisina ni Stelo kung saan na sila naroroon at si Agent Bert na ang nagbukas ng pinto dahil sumenyas si Stelo na buksan iyon. Bumungad sila ang nag-aa
Ang babae na dating nagngangalang Alessandra Gaia ay naging Cressida na ngayo'y asawa ni Theodore."Ikaw ba talaga ang asawa ko?" Tanong ng babae sa lalaki habang nakaupo ito sa gilid ng kanyang, binabantayan siya. Kakagising lang ng ngayo'y pinangalanang Cressida ang babae."Oo. Ako nga, mahal ko. Marahil ay hindi mo na ako nakikilala dahil sa pagkawala ng iyong memorya pero ako ito. Ang asawa mo, si Theodore."Tumango lamang ang babae. Ayaw niya naman na pilitan ang kanyang sarili na alalahanin kung asawa niya ba talaga ang kausap na lalaki basta ang importante ay kilala siya nito. Nandoon siya para alagaan siya. Makalipas humilom ng kanyang mga natamong sugat at nabigyan ng tamang gamot ay ipinahayag ng doktor na maari na siyang lumabas. Nagbabala rin ito na maaring magkaroon ng post-traumatic stress disorder ang asawa dahil kakapanganak pa lamang nito na hindi niya alam. Hindi niya alam dahil hindi niya naman talaga kakilala ang babaeng inako niya bilang kanyang asawa. Kaya nama
Makalipas ang isang buwan ng pananatili ni Cressida kay Theodore ay magkasama silang nagtrabaho sa isang farm malapit sa kanila, may isang sakay sa tricycle ang kalayuan mula sa kanilang bahay. Taga-tanim ang kanyang asawa habang siya naman ay taga-harvest tuwing harvest season at taga ayos ng mga ito tuwing may bibili.Naging maganda ang samahan nila sa araw-araw. Hindi sila nagtatalo dahil parating may pang-unawa si Theodore kahit na minsan ay sinusumpong ng bangungot si Cressida at pinapaalis siya nito sa kanyang tabi. Gayunpaman ay hindi maiwasan ni Cressida na tanungin ang sarili kung siya nga ba ay nararapat sa lugar na iyon."Mahal, itong mga kamatis ay handa na para ikahon at nang maidala na sa mga kliyente ni Mrs. Vitores." Si Theodore ay nilapag ang basket ng kamatis sa lamesa, katabi ng asawa kung saan ito ay abala sa pagtanggal ng mga bulok o hindi pwede ibenta na ubas. "Sige. Iwanan mo na lang diyan at ako nang bahala.""Babalik muna ako sa patag upang tignan kung may
Kakatapos lang ulit ng meeting ni Stelo sa senado at hindi pa rin naso-solusyonan ang kanilang pinoproblema dahil maraming dumagdag na mga mungkahi at may ilan na gusto nila iyong sa kanila ang masusunod. Nang may biglang babae na sumalubong sa kanya ng buong ngiti.Estudyante sa kolehiyo ang babae dahil sa kanyang suot na uniporme at ID na nakasabit sa kanyang leeg."Senator!" Pagtawag niya at muntik pang magmano sa nakasalubong na lalaki. Nanlaki naman ang mata ni Stelo sa gulat at hindi agad alam ang maaaring sabihin sa estudyante kaya hinayaan niya itong makapagsalita. "Senator! Pasensya na po at sinadya kita rito pero hindi po ako matatahimik hangga't hindi ako nakakapagpasalamat sa iyo ng personal!""Ha? Bakit? Tungkol saan?""Ahhh dahil po sa batas na ipinatupad niyo nakita ko na po ang mga hinahanap kong magulang sa tulong nun. Kuya ko lang po kasi ang nagpalaki sa akin at ang lola ko. Simula po noong bata ay hinahanap ko na ang mga magulang ko pero wala naman pong sinasabi
"I'm sorry Senator Reyes but I beg to differ. Yes, I know may point ka pero don't you think it's nonsense? Really? We are experiencing both poverty and inflation at the moment tapos sasabihin mo na we need to rise the taxes of the people habang tumataas ang mga bilihin sa bansa? We need a better solution than rising the people's taxes.""I agree.""He has point. Anyone who have suggestion for a better solution may now speak.""Senator Gallardo, ikaw naman ang nagsabi, pwede rin ata na ikaw na rin ang unang sumagot sa better solution mo na yan." Pag-segunda ni Senator Reyes.Napangisi si Stelo. Alam niya na maraming maiinit ang mata sa kanya sa senado at isa na roon si Senator Reyes."Well, I suggest for us do to the customs and import duties, and instead of generating individual tax we'll raise tax sa mga business industry."Nagkaroon ng pagkagulo na naging sanhi ng pag-ingay sa senado pagkatapos ng sinabi ni Stelo. Mayroong hindi sang-ayon sa sinabi niya pero natapos ang kanilang ses
Sa clinic ng doktora ay halos himatayin si Stelo sa kanyang narinig na balita tungkol sa kalusugan ng anak. Exaggerated man ay iyon talaga ang totoo, mukhang ano mang minuto ay lilipasan ito ng malay-tao. Namumutla na kasi siya. Sa kanyang likod ay naroon si Raul na hinahawakan lamang ang kanyang balikat para pakalmahin siya. "Mr. Gallardo, you'll sign the waiver of consent first and we'll run the tests that needed," sinabi ng doktora bago ito tumayo at tinawag ang kanyang assistant para ayusin ang kanyang makailangan kasama ang isang nurse. "Okay, Doc.""Upo ka muna, Stelo." Iginaya niya na si Stelo para umupo dahil napatayo ito at mas lumapit sa doktorang nagpaliwanag sa sakit ng kanyang anak. Huminga ng malalim si Stelo para kalmahin ang kanyang sarili bago tinignan ang anak na naglalaro sa mini-playground ng clinic na pinalibutan ng puzzle mats at malalambot na bagay. "Anong gagawin ko, Raul? Paano na lang kung malala ang sitwasyon niya?""Huwag ka nga mag-isip ng ganyan! Magi
Stelo's POV It sounds so selfish but I'm tired. I made a promise for myself that I will no longer pursue Gaia.Tangina, tama na. Pagod na ako."Stelo, baba na. Nandito na tayo. Nakauwi na tayo... Bakit ka ba natutulala diyan?"Natauhan ako sa kapapanood sa labas habang bumabyahe, inaantok ako pero hindi ako makatulog. Si Gaida ay pinaubaya ko naman kay Raul. I'm just too tired from everything but I know I needed to get a grip, pagod ako pero kailangan kong kumayod. Gawin ang mga nararapat na gawin. Sa isa kong bahay kami tutuloy ngayon dahil nalaman ko na naroon sila Mama Damiana sa malaking bahay. I just can't handle her in this time, hindi pa ako handa sa mga maari niyang italak sa akin. Pero ang iba naming gamit ay idederetso na roon para hindi na marami ang aming dala."Ahh. Sorry. I'm just too tired." Bumaba ako sa kotse bago binuksan ang pintuan ng bahay. Kaming tatlo ulit ang magkakasama, walang mga bodyguard, at walang mga katulong."Edi magpahinga ka muna. Natutulog naman
Sa gitna ng pagkalasing ay parang nawala ang katinuan ni Cressida. Ang lalaking bumungad naman sa kanya ay talagang nanabik sa babae."Gaia..." huminga ng malalim si Stelo. Pinipilit na huwag patulan ang babae kahit na hinahalik-halikan na siya nito sa buong mukha niya. "U-Umuwi ka na siguro.""Gusto kita e. Ang gwapo mo kaya sa panaginip ko noong nakaraan..." humagikhik ang babae bago mariing kumapit sa balikat ni Stelo na hindi na alam ang gagawin sa kanya. Gusto niya man itong ihatid na dahil magkatabi lang naman ang kanilang bahay pero ayaw niyang malapit ito sa lalaki na kinakasama nito lalo na sa ganitong lagay."Gaia! Bakit ka ba nagkakaganito? Tumigil ka na!" "Gusto kita e..." Sinundot-sundot pa nito ang pisngi nito na pinigilan naman ng lalaki kaagad. Napiling na lamang si Stelo at ginaya ito paloob ng kanilang bahay, halos buhatin pa niya ito papunta sa kwarto dahil ni hindi nito inihahakbang ang paa.Nang marating nila ang kwartong ginagamit ni Raul ay agad na pinahiga ni
Sa isang katok pa lamang ay binuksan na ni Stelo ang pintuan ng kanilang bahay dahil kanina pa siya naghihintay para sa babae. Malalim na rin ang gabi ng pumunta si Cressida. Hinintay niya pa kasing makatulog si Theodore bago niya lisanin ang kanilang bahay at mangapit-bahay kila Stelo."Magandang gabi," paunang pagbati niya na na halos bumulong na lamang siya. "Good Evening. Ask about what you want to know about and I'll talk about it."Nagulat ito sa inakto ng lalaki, mukhang gusto ng madaliin ang kanilang pag-uusap. Pagod na rin kasi ito sa mga ginawa maghapon at gusto nang magpahinga, hindi pa nakatulong na hindi siya nilulubayan ni Damiana. Gusto ng kanyang ina na matapos ang kanyang mga pinapagawa kaagad dahil kung hindi ay baka mahuli sila ng mga awtoridad kahit wala naman sa bansa ang kanilang 'negosyo'."Hindi mo man lang ba ako pauupuin?" Namungay ang mga mata ng lalaki nang makalimutan na parehas pa pala silang nakatayo."Ahh. Sorry. Upo ka..."Iginaya niya ito sa upuang
Umuwing gulong-gulo ang isipan ni Gaia. Nakumpirma niya ang kanyang amnesia, hidi niya pwedeng pilitin ang sarili na makaalala dahil lang nasa sitwasyon siyang ganoon. Sabi nang doktor, ang kanyang mga panaginip ay maaari siyang tulungan noon pero huwag niyang sagarin na hindi na niya gugustuhin na magising pa dahil lang gusto niyang buuin ang panaginip nang makaalala."Ayos ka lang ba, mahal? May dala akong tanghalian mo para sayo. Lugaw na may tokwa."Hinayaan lang ni Cressida na asikasuhin siya nang asawa habang abala siya pagtitig dito. "Paano tayo nagkakilala, Theodore?" Biglang tanong niya kaya saglit na natigilan ang lalaki pero ilang segundo lamang iyon at inayos ang inihain na pagkain ng kanyang asawa. "Hindi ka nga talaga ayos, mahal ko. Nagkakilala tayo sa simbahan... Oh sige na. Kumain ka na bago ito lumamig."Kasinungalingan ulit. Hindi na nagtanong pa si Cressida at sinunod na lamang niya ang kanyang gusto, ang kumain siya. Hindi niya malaman kung bakit ba puro na lan
"Tangina! Tangina talaga ng lalaki na 'yon. Sinasabi ko na nga ba't may mali sa kanya!" Pagsalita ni Raul habang pabalik siya sa lodging. Sinisipa-sipa niya pa ang mga bato na kanyang nadadaanan. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya galing kay Theodore."May asawa na pala siya't lahat-lahat, bakit niya pa kinuha si Gaia?! Tangina niya!"Kahit na nakaisang sipa siya roon sa lalaki ay masama pa rin ang timpla ng kanyang mukha ng makarating sa lodging. Naabutan niya ang mag-ama na naglalaro habang pinapakain ni Stelo si Gaida ng biskwit na para sa bata.Agad na napansin ni Stelo kaya pinuna niya ito. "Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang aburido!""Bakit hindi?! Nalaman ko lang naman na may asawa na pala ang Theodore na iyon at nasa kanya pa si Gaia!" Halos mabitawan ni Stelo ang kanyang hawak na pagkain dahil sa ibinalita ng kaibigan. Si Gaida ay kuryoso naman na tumingin lamang sa kanyang ama at tiyo, pero may ngiti pa rin sa kanyang mga labi. "Ano?! Saan mo
Nagising si Theodore na wala na sa kanyang tabi ang asawa nang hanapin niya naman ito sa loob ng kanilang bahay ay hindi niya ito makita. Naalarma siya kaya dali-dali siyang lumabas ng kanilang bahay at hinanap sa posibleng tindahan si Cressida ngunit wala rin iyon doon. "Tiya, nakita niyo ba si Cressida? Yung asawa ko?"Tinanong ni Theodore ang kanyang nadaanan na kakilala nila sa lugar na iyon. "Hindi, Iho."Nagpasalamat siya at naglakad ulit para magtanong pero walang nakakita rito. Sa kanyang paglalakad ay nagawi siya sa tindahan na malapit sa lodging kung saan nagpapalipas ng araw sila Stelo. Lumabas doon si Raul kasama si Gaida dahil bibili sila ng kape sa tindahan. Nakita ni Raul si Theodore at hindi niya maiwasan na suriin ang lalaki. Hindi sila nakita ni Theodore noong pumunta sila sa bahay nila, pero siya alam na niya ang mukha ng lalaking kaharap ngayon kasi iniimbestigahan niya na ito bago pa man sila nagtungo ng Lahyon."Magandang umaga," pagbati ni Raul na sinulyapan