Kourtney Maya lang ay niyakap na lang ako ni Alex dahil sa hindi ko na nakayanan pa hindi umiyak dahil sa sakit na aking nararamdaman ngayon. Hindi ko alam kung bakit ba ako masyadong pina parusahan ng dyos. Sobrang sama ko na bang tao noong past life ko at bakit ako niya ginaganito ngayon? Kung ako naman ang tatanungin ay wala naman akong ginawan ng hindi maganda sa buhay ko ngayon ah at parehas ako na tao hindi ako nan lalamang ng kapwa ko. Pero bakit kung parusahan ako ay ganun ganun na lamang? Ayaw ko sana na mag kwesyon kay god pero hindi ko maiwasan kasi. Nakaka sama din kasi talaga ng loob dahil sa mga nangyayari na ito. Hindi nga niya kinuha sa amin si Faye pero ano naman ang kapalit? Ang hindi pwede ipa alam dito kung ano ba talaga kami sa buhay niya? Yung gustong gusto namin siyang maka sama ng kanyang mga anak pero kasama nga namin siya iba naman ang alam nito sa amin. "I'm sorry Kourtney kung bakit kailangan na gawin natin ang bagay na ito. Nasa saktan din a
Kourtney Nang tawagin akong Ninang ni Faye ay para akong sinaksak sa aking dibdib sa sakit na aking nararamdaman. Tangina yung taong mahal mo at ina ng mga anak mo ay tatawagin ka lang na Ninang. Bwisit sa lahat ng bwisit talaga. Kahit na sinabihan pa ako nitong maganda ay hindi nabawasan nun ang sakit na aking naramdaman ngayon. Kaya naman ngumiti na lang ako ng peke dito at sabay sagot sa tanong nito kung may asawa na ba ako. "Wala pa akong asawa Faye pero may girlfriend ako na tuluyan na kaming kinalimutan ng kanyang mga anak." seryoso na sagot ko dito. Totoo naman ang sinabi ko sa kanya ah. Tuluyan na niya kaming kinalimutan at mas pinili nito na iwan ang nakaraan niya at harapin ang bagong alaala niya ngayon na hindi na ako kasama pa doon. Ang sakit lang na sa tagal kong nag hintay na magising siya tapos ganito din lang pala ang lahat ng pag hihintay ko namin ng mga bata. Nakaka sama lang ng loob. Kita ko naman ang pag badha ng lungkot sa mukha nito. Na para bang naki
Agata Faye Nagising na lang ako sa isang kwarto na puno ng kung ano anong equipment na naka ugnay sa akin at namulatan ko ay isang magandang babae na sa tingin ko ay mga nasa edad 30 pataas pa lang siguro ito. Nang mag tama ang aming mata nito ay agad yun nanlaki at parang tanga na naka tulala lang ito sa akin at ng mukhang ma hamig na nito ang kanyang kamalayan ay saka ito nag mamadali at may pinindot sa may gilid ng kinahihigaan ko banda. "Faye Anak ko!! Totoo ba ito na gising ka na?" umiiyak na tanong pa nito sa akin. Umiiyak man ito ay ang ganda pa rin niya at nagulat na lang ako kasi Anak ang tawag niya sa akin. Weee nanay ko siya? Bakit parang ang bata naman nito para maging aking Ina? Tsaka di ko siya kilala no. Gusto ko sana na sumagot dito pero bigla na lang pumasok sa loob ng kwarto ang isang naka puting tao na mukhang doktor yata. Agad ay iniksamin ako nito at may mga tinanong sa akin about sa mga naalala ko at ng mag tanong pa ito ng mag tanong about sa aki
Agata Faye Matapos ang medyo mahaba habang usapan ng mga kapamilya ko daw ay sa wakas lumabas na rin ang mga ito tanging yung Nanay at yung bagong dating na Mama ko daw na sinasabi na kamukha ko ang natira na lang dito sa kwarto. Panay pa rin ang yakap at hawak sa akin ng aking Ina habang naka titig lang naman sa akin ang aking Mama na para bang pinag aaralan nito ang bawat kilos ko. Maya lang ay nag bulungan na ang dalawa na para bang may pinag uusapan ang mga ito na ayaw ipa rinig sa akin. Basta ang narinig ko lang ay kung paano daw nila e explain ito kay Kourtney habang bakas sa mukha ng mga ito ang lungkot. Narinig ko din na pa uwe na daw ang mga ito galing Mall kasama ng mga bata. Hindi ko alam pero ng marinig ko yung Kourtney na pangalan ay parang bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang nasasabik ako na makita ang taong may pangalan na yun. Ah basta excited na akong makita siya. Siya kaya yung babae sa panaginip ko na may malamyos na tinig? Kasi ka
Agata Faye Bakit naman kailangan na maging Ninang ko ang isang napaka ganda na babaeng ito. Although mukhang medyo may edad na rin siya pero hindi ma e tatago nun na ang ganda ganda talaga niya at para bang habang tinititigan ko ito ay pakiramdam ko mas lalo lang akong nanghihina. Hindi ko tuloy naiwasan na mapa kagat labi dahil sa isipin na wala na pala akong chance sa kanya kung sakali dahil malamang na may asawa na rin ito at mga anak. Maya lang ay nag salita na rin ito. "Kumusta na ang pakiramdam mo Faye? May masakit ba sa iyo?" malambing na tanong nito sa akin. Bigla naman akong natigilan ng marinig ko ang malamyos na boses nito. Tangina! siya yun! siya yung babae sa aking panaginip na may malamyos na boses na siyang palaging kumakausap sa akin nung nasa karimlan pa lang ako. Pero bakit ganito? Hindi ba totoo ang lahat ng mga narinig ko na yun na siyang palaging bukambibig nito na may anak na daw kami at saka kailangan na panagutan ko na siya na mag papakasal na kami?
Agata Faye Medyo nakaka labas na rin ako ng kwarto ko ngayon at nawala na rin ang mga nakakabit na kung ano anong machine sa aking katawan at pakiramdam ko ay malakas na rin ako kaya hinahayaan na nila ako na lumabas labas sa room ko. Okay lang naman sa akin kahit na may naka bantay sa akon kasi hindi ko naman sila masisi baka kasi bigla na lang bumigay ang katawan ko e maging problema pa nila yun. Ayaw ko naman na maka dagdag problema pa sa kanila . Lalo pa nga at napapansin ko na parang ang lungkot lungkot nila na hindi ko alam kung bakit. Narinig ko kasi na umalis na pala dito sa bahay sila Ninang dahil wala naman na daw dahilan na mag stay pa sila dito kaya bumalik na sila sa bahay nila. Hindi ko alam pero kung sila ay malungkot. Ako mas double or triple pa nga ang lungkot at sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na lang ipinahalata sa kanila at baka mag panic pa ang mga ito at tanungin pa nila ako kung bakit na hindi ko din alam kung paano ko sa sabihin sa kanila. k
Agata Faye Pagka baba ko ng hagdan ay agad na akong tumungo sa may hapag kainina at sakto na mag sisimula pa lang kumain ang mga ito kaya naman agad ay naupo na ako sa bakanting upuan dito. Agad naman ay napansin ako nila at mabilis na ipinag hain ako ng pagkain. Tuwang tuwa pa ang mga ito na naka tingin sa akin. Kahit naman ako ay natutuwa din na kahit papaano ay nakakasama ko na sila sa pagkain. Madalas kasi na ako lang mag isa ang kumakain sa room ko dahil hindi ko pa kaya na bumaba nung mga unang linggo ko ng magising ako e. "Mabuti naman anak at naka baba kana. Sabay sabay na tayong kumain." masigla na sabi sa akin ni Mommy na katabi ko ngayon at ipinag sandok na ako nito kaagad ng pagkain. Habang si Mama naman ay naka ngiti na naka tingin sa akin. Maging ang aking mga kapatid ay mga naka ngiti din sa akin at tuwang tuwa na kasabay na nila ako sa pagkain. "Kumain ka ng marami Ate ha." sabi naman sa akin ng bunso kong kapatid na agad ay nginitian ko naman. Mas
Agata Faye Excited na mabilis ang mga kilos ko na umakyat na ako sa kwarto ko upang mag ready na para sa aking pag alis. Binigyan na rin pala ako ng phone ni Mama. Kasi daw yung dating phone na ginagamit ko ay nawala na daw at hindi na nila alam kung nasaan na ito at hindi na rin naman ako nag abala pa na mag tanong pa. Pagka akyat ko sa room ko ay nag handa na kaagad ako ng aking bihisan. Kumuha lang ako ng terno na Adidas na pajama at hoodie ko na kulay black at saka ako naligo na ng tuluyan. Panay pa ang sipol ko habang naliligo paano naman kasi ay natutuwa ako ma sa wakas ay lalabas na ako ng bahay. Makikita ko na rin kubg ano ba ang buhay sa labas ng bahay namin. Pero dahil na rin sa internet ay may idea naman ako about sa ganun. At mga kalakaran sa labas. Binigyan na rin ako ni Mama ng ATM ko at credit card na siyang gagamitin ko kung may balak daw akong bilhin at ilang libuhin na cash para kung sakali na hindi sila tumatanggap ng card ay may cash akong magagamit.