Agata Faye Matapos ang medyo mahaba habang usapan ng mga kapamilya ko daw ay sa wakas lumabas na rin ang mga ito tanging yung Nanay at yung bagong dating na Mama ko daw na sinasabi na kamukha ko ang natira na lang dito sa kwarto. Panay pa rin ang yakap at hawak sa akin ng aking Ina habang naka titig lang naman sa akin ang aking Mama na para bang pinag aaralan nito ang bawat kilos ko. Maya lang ay nag bulungan na ang dalawa na para bang may pinag uusapan ang mga ito na ayaw ipa rinig sa akin. Basta ang narinig ko lang ay kung paano daw nila e explain ito kay Kourtney habang bakas sa mukha ng mga ito ang lungkot. Narinig ko din na pa uwe na daw ang mga ito galing Mall kasama ng mga bata. Hindi ko alam pero ng marinig ko yung Kourtney na pangalan ay parang bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang nasasabik ako na makita ang taong may pangalan na yun. Ah basta excited na akong makita siya. Siya kaya yung babae sa panaginip ko na may malamyos na tinig? Kasi ka
Agata Faye Bakit naman kailangan na maging Ninang ko ang isang napaka ganda na babaeng ito. Although mukhang medyo may edad na rin siya pero hindi ma e tatago nun na ang ganda ganda talaga niya at para bang habang tinititigan ko ito ay pakiramdam ko mas lalo lang akong nanghihina. Hindi ko tuloy naiwasan na mapa kagat labi dahil sa isipin na wala na pala akong chance sa kanya kung sakali dahil malamang na may asawa na rin ito at mga anak. Maya lang ay nag salita na rin ito. "Kumusta na ang pakiramdam mo Faye? May masakit ba sa iyo?" malambing na tanong nito sa akin. Bigla naman akong natigilan ng marinig ko ang malamyos na boses nito. Tangina! siya yun! siya yung babae sa aking panaginip na may malamyos na boses na siyang palaging kumakausap sa akin nung nasa karimlan pa lang ako. Pero bakit ganito? Hindi ba totoo ang lahat ng mga narinig ko na yun na siyang palaging bukambibig nito na may anak na daw kami at saka kailangan na panagutan ko na siya na mag papakasal na kami?
Agata Faye Medyo nakaka labas na rin ako ng kwarto ko ngayon at nawala na rin ang mga nakakabit na kung ano anong machine sa aking katawan at pakiramdam ko ay malakas na rin ako kaya hinahayaan na nila ako na lumabas labas sa room ko. Okay lang naman sa akin kahit na may naka bantay sa akon kasi hindi ko naman sila masisi baka kasi bigla na lang bumigay ang katawan ko e maging problema pa nila yun. Ayaw ko naman na maka dagdag problema pa sa kanila . Lalo pa nga at napapansin ko na parang ang lungkot lungkot nila na hindi ko alam kung bakit. Narinig ko kasi na umalis na pala dito sa bahay sila Ninang dahil wala naman na daw dahilan na mag stay pa sila dito kaya bumalik na sila sa bahay nila. Hindi ko alam pero kung sila ay malungkot. Ako mas double or triple pa nga ang lungkot at sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na lang ipinahalata sa kanila at baka mag panic pa ang mga ito at tanungin pa nila ako kung bakit na hindi ko din alam kung paano ko sa sabihin sa kanila. k
Agata Faye Pagka baba ko ng hagdan ay agad na akong tumungo sa may hapag kainina at sakto na mag sisimula pa lang kumain ang mga ito kaya naman agad ay naupo na ako sa bakanting upuan dito. Agad naman ay napansin ako nila at mabilis na ipinag hain ako ng pagkain. Tuwang tuwa pa ang mga ito na naka tingin sa akin. Kahit naman ako ay natutuwa din na kahit papaano ay nakakasama ko na sila sa pagkain. Madalas kasi na ako lang mag isa ang kumakain sa room ko dahil hindi ko pa kaya na bumaba nung mga unang linggo ko ng magising ako e. "Mabuti naman anak at naka baba kana. Sabay sabay na tayong kumain." masigla na sabi sa akin ni Mommy na katabi ko ngayon at ipinag sandok na ako nito kaagad ng pagkain. Habang si Mama naman ay naka ngiti na naka tingin sa akin. Maging ang aking mga kapatid ay mga naka ngiti din sa akin at tuwang tuwa na kasabay na nila ako sa pagkain. "Kumain ka ng marami Ate ha." sabi naman sa akin ng bunso kong kapatid na agad ay nginitian ko naman. Mas
Agata Faye Excited na mabilis ang mga kilos ko na umakyat na ako sa kwarto ko upang mag ready na para sa aking pag alis. Binigyan na rin pala ako ng phone ni Mama. Kasi daw yung dating phone na ginagamit ko ay nawala na daw at hindi na nila alam kung nasaan na ito at hindi na rin naman ako nag abala pa na mag tanong pa. Pagka akyat ko sa room ko ay nag handa na kaagad ako ng aking bihisan. Kumuha lang ako ng terno na Adidas na pajama at hoodie ko na kulay black at saka ako naligo na ng tuluyan. Panay pa ang sipol ko habang naliligo paano naman kasi ay natutuwa ako ma sa wakas ay lalabas na ako ng bahay. Makikita ko na rin kubg ano ba ang buhay sa labas ng bahay namin. Pero dahil na rin sa internet ay may idea naman ako about sa ganun. At mga kalakaran sa labas. Binigyan na rin ako ni Mama ng ATM ko at credit card na siyang gagamitin ko kung may balak daw akong bilhin at ilang libuhin na cash para kung sakali na hindi sila tumatanggap ng card ay may cash akong magagamit.
Agata Faye Saka pa lang ako naka hinga ng maluwag ng tuluyan ng maka labas ang kotse na sinasakyan ko. "Ma'am Faye saan po tayo?" tanong naman sa akin ni Mang Kanor. "Sa Mall po tayo Mang Kanor." sabi ko naman dito. Agad naman itong tumango sa akin at nag drive na ito ng tuluyan. Maya lang ay napansin ko na ang mga kotse sa aming likuran na malamang ay mga body guard ko na kinausap ni Mama kanina. Napa ngiti na lang ako dahil doon. Alam ko naman na hindi ito papayag na aalis ako na kaming dalawa lang as in ng driver ko. Basta ba huwag silang naka dikit sa akin at pa secret lang na nag ba bantay ay masaya na ako doon. Hindi naman ako mag re reklamo kung may bantay man ako dahil alam ko naman na para sa akin din naman yun e. Nang makarating kami sa may Mall ay agad na akong bumaba sa may kotse at hindi na hinintay pa si Mang Kanor na sumunod sa akin dahil alam ko naman na mag hi hintay na lang ito sa may kotse. Nag lakad na ako papasok sa loob ng Mall at sakto l
Agata Faye Agad nag tama ang paningin namin ni Ninang Kourtney. At mabilis naman itong nag baling ng kanyang tingin at agad ay binuhat nito ang batang babae na aking mukhang carbon copy. Ito na ba ang kanyang anak? Bakit mukhang ayaw yata nitong ipakita sa akin ang bata? "Hi Ninang! Nandito din po pala kayo? Anak nyo po?" hindi kp na napigilan pa na itanong dito ang bagay na yun. Nakita ko naman na agad nag lumikot ang tingin nito at halos ayaw niyang salubungin ang akong tingin sa kanya na mukhang may itinatago ito na ayaw kong malaman. "Ah oo Faye. Iginala ko ang mga bata at gusto daw nila na mag Mall. O ikaw bakit nandito ka? Tapos mag isa ka lang. Okay ka na ba at pumayag na ang parents mo na lumabas ka na ikaw lang? Baka mamaya kung ano ang mangyari sa iyo ha." may pag aalala na tanong naman nito sa akin. "Okay na po ako Ninang. Tsaka nag paalam naman po ako at pinayagan naman ako. May mga body guard naman akong kasama at saka driver. Hindi nga lang nila ako nilalapit
Agata Faye "Sige Faye mauuna na kami ha." paalam nito sa akin. Paalis na sana ang mga ito at hindi man lang hinintay na pumayag akong umalis na sila ng bigla ko na lang hawakan ang kamay ni Ninang Kourtney. Hindi ko alam lung bakit bigla ko na lang itong pinigilan . Basta ang alam ko ay ayaw ko pa silang umalis at mawala sa aking paningin dahil sa totoo lang ay miss na miss ko ito at hindi pa kaya ng puso ko na umalis siya kaagad. Bigla naman itong natigilan dahil doon at ako man ay nabigla din ng bigla na lang akong makaramdam na para bang may kuryente na dumaloy sa himaymay ng ugat ko ng mag lapat ang mga balat namin nitong dalawa. Ganitong ganito ang aking naramdaman ng yakapin niya ako nung unang kita namin dito ng magising ako mula sa pagkaka comatose. "Bakit?" kinakabahan na tanong nito sa akin. "Pwede bang sumama na lang ako sa inyo na mag ikot ikot dito? Wala kasi akong kasama e. Nakaka lungkot na mag isa lang ako. Kahit na alam ko na nandyan lang naman sa