Agata Faye Saka pa lang ako naka hinga ng maluwag ng tuluyan ng maka labas ang kotse na sinasakyan ko. "Ma'am Faye saan po tayo?" tanong naman sa akin ni Mang Kanor. "Sa Mall po tayo Mang Kanor." sabi ko naman dito. Agad naman itong tumango sa akin at nag drive na ito ng tuluyan. Maya lang ay napansin ko na ang mga kotse sa aming likuran na malamang ay mga body guard ko na kinausap ni Mama kanina. Napa ngiti na lang ako dahil doon. Alam ko naman na hindi ito papayag na aalis ako na kaming dalawa lang as in ng driver ko. Basta ba huwag silang naka dikit sa akin at pa secret lang na nag ba bantay ay masaya na ako doon. Hindi naman ako mag re reklamo kung may bantay man ako dahil alam ko naman na para sa akin din naman yun e. Nang makarating kami sa may Mall ay agad na akong bumaba sa may kotse at hindi na hinintay pa si Mang Kanor na sumunod sa akin dahil alam ko naman na mag hi hintay na lang ito sa may kotse. Nag lakad na ako papasok sa loob ng Mall at sakto l
Agata Faye Agad nag tama ang paningin namin ni Ninang Kourtney. At mabilis naman itong nag baling ng kanyang tingin at agad ay binuhat nito ang batang babae na aking mukhang carbon copy. Ito na ba ang kanyang anak? Bakit mukhang ayaw yata nitong ipakita sa akin ang bata? "Hi Ninang! Nandito din po pala kayo? Anak nyo po?" hindi kp na napigilan pa na itanong dito ang bagay na yun. Nakita ko naman na agad nag lumikot ang tingin nito at halos ayaw niyang salubungin ang akong tingin sa kanya na mukhang may itinatago ito na ayaw kong malaman. "Ah oo Faye. Iginala ko ang mga bata at gusto daw nila na mag Mall. O ikaw bakit nandito ka? Tapos mag isa ka lang. Okay ka na ba at pumayag na ang parents mo na lumabas ka na ikaw lang? Baka mamaya kung ano ang mangyari sa iyo ha." may pag aalala na tanong naman nito sa akin. "Okay na po ako Ninang. Tsaka nag paalam naman po ako at pinayagan naman ako. May mga body guard naman akong kasama at saka driver. Hindi nga lang nila ako nilalapit
Agata Faye "Sige Faye mauuna na kami ha." paalam nito sa akin. Paalis na sana ang mga ito at hindi man lang hinintay na pumayag akong umalis na sila ng bigla ko na lang hawakan ang kamay ni Ninang Kourtney. Hindi ko alam lung bakit bigla ko na lang itong pinigilan . Basta ang alam ko ay ayaw ko pa silang umalis at mawala sa aking paningin dahil sa totoo lang ay miss na miss ko ito at hindi pa kaya ng puso ko na umalis siya kaagad. Bigla naman itong natigilan dahil doon at ako man ay nabigla din ng bigla na lang akong makaramdam na para bang may kuryente na dumaloy sa himaymay ng ugat ko ng mag lapat ang mga balat namin nitong dalawa. Ganitong ganito ang aking naramdaman ng yakapin niya ako nung unang kita namin dito ng magising ako mula sa pagkaka comatose. "Bakit?" kinakabahan na tanong nito sa akin. "Pwede bang sumama na lang ako sa inyo na mag ikot ikot dito? Wala kasi akong kasama e. Nakaka lungkot na mag isa lang ako. Kahit na alam ko na nandyan lang naman sa
Agata Faye Nag tataka naman ako kung bakit natanong pa sa akin ni Mommy ang bagay na yun. Bakit may dapat bang sabihin sa akin si Ninang na hindi nito dapat sabihin? Kasi naman nakakapag taka na ganito si Mommy ngayon. Parang nakakapag hinala ba. "Ah akala ko may sinabi pa siya sa iyong iba e. Sige na anak at baka nakaka isturbo lang ako sa inyo. enjoy ha. Kung like mo kahit kila Ninang Kourtney ka na muna matulog or mag stay ay okay lang naman sa amin. Mag chat ka lang kung e papa sundo na kita." sabi pa nito sa akin. Hindi naman ako kaagad naka imik dahil doon. Bakit bigla naman yata na gusto nito na kila Ninang na muna ako. Kanina ay nag aalala ito na kasama ko ang mga ito. Tapos ngayon gusto naman nito na mag stay na muna ako sa mga ito. Ano ba talaga ang gusto nitong mangyari. "Mommy naman nakakahiya kung mag e stay pa ako sa kanila. Sasamahan ko lang po sila mag shopping kasi wala din naman po akong kasama e." nasabi ko na lang sa kanya. At ng makita ko na nag simula n
Agata Faye Napansin ko lang na patungo kami ngayon sa may playground banda kung saan ay marami mga pwede na pag laruan doon ng mga bata. Sa isip isip ko ay siguro balak nito na pag laruin muna doon yung bata. Kaya hindi na lang muna ako umimik pa. Habang nag lalakad kami na magka hawak kamay ay hawak naman nito sa kabilang kamay niya si baby girl na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan nito. Siguro itatanong ko na Lang mamaya kapag nakarating na kami sa pupuntahan namin. Hanggang sa makarating na nga kami sa isang playground at agad ay pumasok ito sa loob niyon kaya sumunod pa rin naman ako. Hindi naman kami sinita nung nag ba bantay kaya sa tingin ko ay nakapag bayad na si Ninang dito. Hanggang sa maka pasok na kami sa loob at nagulat na lang ako ng bigla na lang itong salubungin ng tatlo pang mga maliit at cute na cute na mga bata na kamukha ko din. Pero iba iba naman ang mga itsura nila. Pero hawig ko talaga ang mga ito. Mag kaka patid ba ang apat na i
Agata Faye Agad naman na lumapit na sa amin si Ninang ng marinig nito ang sinabi ng kanyang anak sa akin kasi naman mabilis na binalingan ko ito ng tingin ng sabihin ng anak niya na gabi gabi ay umiiyak ito dahil miss na miss na nga daw ako. "Huwag kang maniwala sa mga yan Faye. Gino good time ka lang ng mga yan. ?Masanay ka na sa mga batang yan na kung ano ano ang mga pinag sasabi." mabilis na sabi sa akin ni Ninang habang hinihila na ang mga anak nito palayo sa akin. Kasi hanggang ngayon ay naka yakap pa rin sa akin ang mga malilit na braso ng mga ito. Pero parang ayaw ko pang pakawalan ang nga ito dahil panatag ang puso ko pag ganito na naka yakap sila sa akin . "Hayaan mo lang na yakapin nila ako Ninang." biglang nasabi ko tuloy dito ng holahin na nito sa akin si chubby girl. "Di ka kasi titigilan ng mga yan pag hindi ko pa sila sinaway. Aabutin tayo ng kung anong oras dito at mag kwe kwento lang mga yan ng kung ano ano na wala tayong nagagawa." sabi naman sa akin ni Nina
Agata Faye Wala naman ng nagawa pa si Ninang Kourtney kung hindi ang pag bigyan na lang ang kanyang mga anak. Feeling ko tuloy au date namin nito ngayon at isa kaming pamilya. Halos wala naman pag sidlan ng tuwa ang akong puso dahil sa isipin na yun. Hindi ko alam pero buong buo ang pakiramdam ko ngayon na nandito sila Ninang pati na rin ang mga anak nito na kasama ko. Hanggang sa makarating kami sa children section at tuwang tuwa na namili na ang mga bata habang ako ay tuwang tuwa din na pinapa suot sa mga ito ang aking napipili na gamit nila. Habang si Ninang ay nanonood lang sa amin at makikita mo ang kislap ng tuwa sa mga mata nito. Ilang ulit ko rin na nahuli ito na nag pahid ng kanyang luha. kaya naman puno ng pag aalala na nilapitan ko na ito. Paano kasi ang pinaka ayaw ko makita na lumuluha ito dahil parang mas higit akong na sa saktan kapag ganun ito. Nang makalapit na ako sa kanya ay mabilis na nag tanong na ako dito. “Bakit po Ninang? May problema po ba?”
Agata Faye At naka pag decide na ako na liligawan ko ito. Tumutol man ang parents ko o kahit na sino ay walang makakapigil sa akin sa balak ko na maging parte ng buhay nila. Dahil sarili kong buhay ang aking da dalhin at hindi ang kanila kaya ako ang masusunod sa bagay na yun. alAt ang aking kaligayahan ang aking pipiliin. Dahil makita at makasama ko lang ito ay pakiramdam ko buo na ako. Buo ang pagkatao ko at maligaya ako. Walang halaga ang pera sa akin mas mahalaga ang mga ito. Pero sa ngayon ay mag e enjoy muna ako na kasama ko sila. Tsaka na ako mag tatapat kay Ninang ng nararamdaman ko sa kanya at baka pag ngayon ako nag tapat dito ay bigla na lang itong lumayo sa akin at ilayo din niya sa akin ang mga bata na alam kong labis na ika sasakit yun ng loob ko na ayaw ko naman mangyari. Maya lang ay nilapitan na ako ni Kurt ang anak na lalaki ni Kourtney. Yap Kourtney na ang itatawag ko sa kanya dahil ayaw ko na itong tawagin pang Ninang dahil naaasiwa ako kapag tinatawag ko