Agata Faye Napansin ko lang na patungo kami ngayon sa may playground banda kung saan ay marami mga pwede na pag laruan doon ng mga bata. Sa isip isip ko ay siguro balak nito na pag laruin muna doon yung bata. Kaya hindi na lang muna ako umimik pa. Habang nag lalakad kami na magka hawak kamay ay hawak naman nito sa kabilang kamay niya si baby girl na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan nito. Siguro itatanong ko na Lang mamaya kapag nakarating na kami sa pupuntahan namin. Hanggang sa makarating na nga kami sa isang playground at agad ay pumasok ito sa loob niyon kaya sumunod pa rin naman ako. Hindi naman kami sinita nung nag ba bantay kaya sa tingin ko ay nakapag bayad na si Ninang dito. Hanggang sa maka pasok na kami sa loob at nagulat na lang ako ng bigla na lang itong salubungin ng tatlo pang mga maliit at cute na cute na mga bata na kamukha ko din. Pero iba iba naman ang mga itsura nila. Pero hawig ko talaga ang mga ito. Mag kaka patid ba ang apat na i
Agata Faye Agad naman na lumapit na sa amin si Ninang ng marinig nito ang sinabi ng kanyang anak sa akin kasi naman mabilis na binalingan ko ito ng tingin ng sabihin ng anak niya na gabi gabi ay umiiyak ito dahil miss na miss na nga daw ako. "Huwag kang maniwala sa mga yan Faye. Gino good time ka lang ng mga yan. ?Masanay ka na sa mga batang yan na kung ano ano ang mga pinag sasabi." mabilis na sabi sa akin ni Ninang habang hinihila na ang mga anak nito palayo sa akin. Kasi hanggang ngayon ay naka yakap pa rin sa akin ang mga malilit na braso ng mga ito. Pero parang ayaw ko pang pakawalan ang nga ito dahil panatag ang puso ko pag ganito na naka yakap sila sa akin . "Hayaan mo lang na yakapin nila ako Ninang." biglang nasabi ko tuloy dito ng holahin na nito sa akin si chubby girl. "Di ka kasi titigilan ng mga yan pag hindi ko pa sila sinaway. Aabutin tayo ng kung anong oras dito at mag kwe kwento lang mga yan ng kung ano ano na wala tayong nagagawa." sabi naman sa akin ni Nina
Agata Faye Wala naman ng nagawa pa si Ninang Kourtney kung hindi ang pag bigyan na lang ang kanyang mga anak. Feeling ko tuloy au date namin nito ngayon at isa kaming pamilya. Halos wala naman pag sidlan ng tuwa ang akong puso dahil sa isipin na yun. Hindi ko alam pero buong buo ang pakiramdam ko ngayon na nandito sila Ninang pati na rin ang mga anak nito na kasama ko. Hanggang sa makarating kami sa children section at tuwang tuwa na namili na ang mga bata habang ako ay tuwang tuwa din na pinapa suot sa mga ito ang aking napipili na gamit nila. Habang si Ninang ay nanonood lang sa amin at makikita mo ang kislap ng tuwa sa mga mata nito. Ilang ulit ko rin na nahuli ito na nag pahid ng kanyang luha. kaya naman puno ng pag aalala na nilapitan ko na ito. Paano kasi ang pinaka ayaw ko makita na lumuluha ito dahil parang mas higit akong na sa saktan kapag ganun ito. Nang makalapit na ako sa kanya ay mabilis na nag tanong na ako dito. “Bakit po Ninang? May problema po ba?”
Agata Faye At naka pag decide na ako na liligawan ko ito. Tumutol man ang parents ko o kahit na sino ay walang makakapigil sa akin sa balak ko na maging parte ng buhay nila. Dahil sarili kong buhay ang aking da dalhin at hindi ang kanila kaya ako ang masusunod sa bagay na yun. alAt ang aking kaligayahan ang aking pipiliin. Dahil makita at makasama ko lang ito ay pakiramdam ko buo na ako. Buo ang pagkatao ko at maligaya ako. Walang halaga ang pera sa akin mas mahalaga ang mga ito. Pero sa ngayon ay mag e enjoy muna ako na kasama ko sila. Tsaka na ako mag tatapat kay Ninang ng nararamdaman ko sa kanya at baka pag ngayon ako nag tapat dito ay bigla na lang itong lumayo sa akin at ilayo din niya sa akin ang mga bata na alam kong labis na ika sasakit yun ng loob ko na ayaw ko naman mangyari. Maya lang ay nilapitan na ako ni Kurt ang anak na lalaki ni Kourtney. Yap Kourtney na ang itatawag ko sa kanya dahil ayaw ko na itong tawagin pang Ninang dahil naaasiwa ako kapag tinatawag ko
Agata Faye Nakita ko naman na napa lunok ito ng wala sa oras lalo na ng lumapit pa ako ng husto sa kanya. Gaya ng ginawa niya sa akin nun nung naiwan kaming dalawa nito sa kwarto ko na naging sanhi para bumilis ang tibok ng puso ko . Hindi ko na rin napigilan pa ang aking sarili na tawagin na lang itong Kourtney dahil noong una pa lang naman ay yun na ang gusto kong itawag sa kanya at hindi ang Ninang na yan. Kung pwede nga lang at payag ito na Mahal or baby na lang e. Kasi mas feel ko na bigkasin yun sa kanya. Pansin ko din ang biglang pamumula ng mukha nito. Kaya naman mabilis na lumayo ako dito at kaagad ay sinalat ko ang kanyang noo at leeg. Baka kasi may masakit pala dito ay hindi lang niya sinasabi sa akin. Agad naman na pinalo nito ang aking kamay dahil sa ginawa kong pag salat sa kanya. “May masakit ba sayo? Namumula ka kasi e.” Nag aalala na tanong ko dito. “Lumayo ka nga doon Faye, walang masakit sa akin. Naiinitan lang ako. Gusto mo ba talaga na bilhan ng lar
Kourtney Tuwang tuwa naman ang puso ko habang pinapanood ko kung paano e spoiled ni Faye ang kanyang mga anak. Kitang kita ko sa mga mata ng mga bata ang tuwa na kanilang nararamdaman ngayon at sino ako para alisin sa kanila ang bagay na yun. Kahit na hindi alam ni Faye na anak talaga niya ang mga ito ay sapat na sa akin na makita ang pag e effort nito na mapa lapit sa mga bata. Kaya lang naman umalis kami sa bahay ng mga ito ay hindi upang ilayo mga anak nito sa kanya. Nasasaktan lang kasi ako para sa mga anak namin na hindi sila kilala ng Mama nila. Ayaw ko din na isipin ni Faye na anong ginagawa namin sa kanila e di naman nila kami kaano ano at ayaw ko din na mag hinala ito sa mga bata. Lalo pa nga at kamukha niya ang mga ito. Baka mag pilit pa itong mag isip na siyang ika pahamak pa niya na ayaw ko naman na mangyari yun dito. Naiinitindihan ko naman ang kalagayan niya kaya nga ako na lang ang kusang umiiwas dito e. Kahit na sobrang miss na miss ko na ito ay pinip
Kourtney Tuwang tuwa naman ang mga bata matapos na mabili ng mga ito ang kanilang mga gusto. Halos ayaw na nga ng mga ito na mahiwalay sa kanilang Mama Faye. Kasi naman napag bigyan ang kanilang mga gusto. Natutuwa din naman ako dahil doon. Kasi kahit sa mga ganitong paraan ay maranasan ng mga anak ko kung paano mag alaga ang kanilang Mama Faye. Kasi alam ko naman na after nito ay hindi ko na alam kung kailan ulit mag kikita ang mga ito o kung mag kikita pa nga ba sila. . Ngayon nga ay papunta na kami sa may bubuyog. Gusto daw ng mga bata na kumain sa Jollibee at sino naman ako para hindi payagan ang mga ito diba. Lubos lubusin na kung ano ang kayang ibigay ngayon. Dahil minsan lang naman sila maging bata e. Ngayon nga ay buhat ni Faye si Ken habang naka hawak sa kabilang kamay nito Kar at hawak hawak ko naman sila kris at Kurt sa magkabilang kamay ko. Sinaway ko pa nga kanina si Faye na huwag ng buhatin pa si Ken baka kasi mabigla ang katawan nito at may mangyari pa na hindi
Kourtney After na makapag order ng mga ito ay bumalik na rin sila sa table namin at ngayon nga ay nag hi hintay na lang kami na ma serve ang mga in order nito. Kitang kita ko naman ang saya sa mukha ng mga bata maging si Faye na rin. Bumabalik na ang dating kislap ng mga mata nito na palagi ko noon nakikita kapag tinititigan ako nito. Sana lang talaga ay bumalik na ang dating Faye na minahal ko at ang Faye na mahal na mahal ako. Sure ko naman na pag bumalik ba ito ay mas lalo lang itong matutuwa kapag nalaman nito na may anak na kami at hindi lang yun basta isa ha. Apat pa sila. Ang matagal na nitong pinapangarap na maging isang pamilya na kami. Kahit ako ay inaasam asam na rin na mangyari ang bagay na yun.. Hindi lang naman para sa mga anak namin nito maging para na rin sa akin. Kasi naman my god hindi na ako bata pa. Malapit na akong mag menopause baka hindi ko man lang ma enjoy ang buhay ng may asawa kung matagal pa bago bumalik ang ala alala ni Faye. Baka uugod ugod na