Agata Faye At naka pag decide na ako na liligawan ko ito. Tumutol man ang parents ko o kahit na sino ay walang makakapigil sa akin sa balak ko na maging parte ng buhay nila. Dahil sarili kong buhay ang aking da dalhin at hindi ang kanila kaya ako ang masusunod sa bagay na yun. alAt ang aking kaligayahan ang aking pipiliin. Dahil makita at makasama ko lang ito ay pakiramdam ko buo na ako. Buo ang pagkatao ko at maligaya ako. Walang halaga ang pera sa akin mas mahalaga ang mga ito. Pero sa ngayon ay mag e enjoy muna ako na kasama ko sila. Tsaka na ako mag tatapat kay Ninang ng nararamdaman ko sa kanya at baka pag ngayon ako nag tapat dito ay bigla na lang itong lumayo sa akin at ilayo din niya sa akin ang mga bata na alam kong labis na ika sasakit yun ng loob ko na ayaw ko naman mangyari. Maya lang ay nilapitan na ako ni Kurt ang anak na lalaki ni Kourtney. Yap Kourtney na ang itatawag ko sa kanya dahil ayaw ko na itong tawagin pang Ninang dahil naaasiwa ako kapag tinatawag ko
Agata Faye Nakita ko naman na napa lunok ito ng wala sa oras lalo na ng lumapit pa ako ng husto sa kanya. Gaya ng ginawa niya sa akin nun nung naiwan kaming dalawa nito sa kwarto ko na naging sanhi para bumilis ang tibok ng puso ko . Hindi ko na rin napigilan pa ang aking sarili na tawagin na lang itong Kourtney dahil noong una pa lang naman ay yun na ang gusto kong itawag sa kanya at hindi ang Ninang na yan. Kung pwede nga lang at payag ito na Mahal or baby na lang e. Kasi mas feel ko na bigkasin yun sa kanya. Pansin ko din ang biglang pamumula ng mukha nito. Kaya naman mabilis na lumayo ako dito at kaagad ay sinalat ko ang kanyang noo at leeg. Baka kasi may masakit pala dito ay hindi lang niya sinasabi sa akin. Agad naman na pinalo nito ang aking kamay dahil sa ginawa kong pag salat sa kanya. “May masakit ba sayo? Namumula ka kasi e.” Nag aalala na tanong ko dito. “Lumayo ka nga doon Faye, walang masakit sa akin. Naiinitan lang ako. Gusto mo ba talaga na bilhan ng lar
Kourtney Tuwang tuwa naman ang puso ko habang pinapanood ko kung paano e spoiled ni Faye ang kanyang mga anak. Kitang kita ko sa mga mata ng mga bata ang tuwa na kanilang nararamdaman ngayon at sino ako para alisin sa kanila ang bagay na yun. Kahit na hindi alam ni Faye na anak talaga niya ang mga ito ay sapat na sa akin na makita ang pag e effort nito na mapa lapit sa mga bata. Kaya lang naman umalis kami sa bahay ng mga ito ay hindi upang ilayo mga anak nito sa kanya. Nasasaktan lang kasi ako para sa mga anak namin na hindi sila kilala ng Mama nila. Ayaw ko din na isipin ni Faye na anong ginagawa namin sa kanila e di naman nila kami kaano ano at ayaw ko din na mag hinala ito sa mga bata. Lalo pa nga at kamukha niya ang mga ito. Baka mag pilit pa itong mag isip na siyang ika pahamak pa niya na ayaw ko naman na mangyari yun dito. Naiinitindihan ko naman ang kalagayan niya kaya nga ako na lang ang kusang umiiwas dito e. Kahit na sobrang miss na miss ko na ito ay pinip
Kourtney Tuwang tuwa naman ang mga bata matapos na mabili ng mga ito ang kanilang mga gusto. Halos ayaw na nga ng mga ito na mahiwalay sa kanilang Mama Faye. Kasi naman napag bigyan ang kanilang mga gusto. Natutuwa din naman ako dahil doon. Kasi kahit sa mga ganitong paraan ay maranasan ng mga anak ko kung paano mag alaga ang kanilang Mama Faye. Kasi alam ko naman na after nito ay hindi ko na alam kung kailan ulit mag kikita ang mga ito o kung mag kikita pa nga ba sila. . Ngayon nga ay papunta na kami sa may bubuyog. Gusto daw ng mga bata na kumain sa Jollibee at sino naman ako para hindi payagan ang mga ito diba. Lubos lubusin na kung ano ang kayang ibigay ngayon. Dahil minsan lang naman sila maging bata e. Ngayon nga ay buhat ni Faye si Ken habang naka hawak sa kabilang kamay nito Kar at hawak hawak ko naman sila kris at Kurt sa magkabilang kamay ko. Sinaway ko pa nga kanina si Faye na huwag ng buhatin pa si Ken baka kasi mabigla ang katawan nito at may mangyari pa na hindi
Kourtney After na makapag order ng mga ito ay bumalik na rin sila sa table namin at ngayon nga ay nag hi hintay na lang kami na ma serve ang mga in order nito. Kitang kita ko naman ang saya sa mukha ng mga bata maging si Faye na rin. Bumabalik na ang dating kislap ng mga mata nito na palagi ko noon nakikita kapag tinititigan ako nito. Sana lang talaga ay bumalik na ang dating Faye na minahal ko at ang Faye na mahal na mahal ako. Sure ko naman na pag bumalik ba ito ay mas lalo lang itong matutuwa kapag nalaman nito na may anak na kami at hindi lang yun basta isa ha. Apat pa sila. Ang matagal na nitong pinapangarap na maging isang pamilya na kami. Kahit ako ay inaasam asam na rin na mangyari ang bagay na yun.. Hindi lang naman para sa mga anak namin nito maging para na rin sa akin. Kasi naman my god hindi na ako bata pa. Malapit na akong mag menopause baka hindi ko man lang ma enjoy ang buhay ng may asawa kung matagal pa bago bumalik ang ala alala ni Faye. Baka uugod ugod na
Agata Faye Matapos namin kumain kay pareng Jollibee ay naisipan naman ngayon ng mga bata na pumunta naman daw kami sa park. Yung palagi daw nilang nadaraanan kapag pauwe na sila galing sa labas. Kaya naman kaagad ay tumingin ako kay Kourtney. Syempre kahit naman gusto ko na pag bigyan ang mga batang ito dahil makita ko pa lang ang kislap ng tuwa sa kanilang mga mata ay pakiramdam ko ay dobleng saya ang nararamdaman ko nun. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay parang mga anak ko na rin sila. Ganito yata talaga kapag mahal mo yung Mommy nila ay mamahalin mo rin ang mahal ito. Siguro nga ay ganun. Tapos mahilig pa ako sa bata. Kaya naman ganito na lang ang nararamdaman ko. Pag bibigay ko ng rason sa aking nararamdaman para sa mga bata. Yun lang kasi ang naisip ko e. Wala naman na akong ibang maisip pa na dahilan kung bakit ganito na lang ko sila kamahal at yung mga gusto nila ay handa kong ibigay sa abot ng aking makakaya. Pero syempre si Kourtney pa rin ang may huling salita.
Agata Faye Nakarating na rin kami sa wakas sa may park. Kaya naman tuwang tuwa na bumaba na ng kotse ang mga bata. Mabuti na nga lang at yung van nila ang ginamit ng mga ito na sa sakyan. Dahil kung hindi ay malamang na hindi kami ka kasya kapag sa kotse lang at baka nga hindi ko na rin nasamahan pa na ihatid ang mga ito sa kanila. Gusto ko din kasing malaman kung saan sila nakatira dahil nga sa may balak ako diba. May balak na akong ligawan si Kourtney sa ayaw man nito o sa gusto niya kasi nga naka pag decide na ako at yun ang masusunod. Kung hindi ko gagawin ang mga bagay na sa tingin ko ay siyang mag papaligaya sa akin ay mas mabuti na lang siguro na hindi na ako nagising pa. At wala din naman akong pakialam kung ano pa ang sa sabihin sa akin ng parents ko o maging ng ibang tao dahil buhay ko naman ito at ako naman ang makikisama sa taong mahal ko at hindi naman sila. Mabilis na rin naman na bumaba ako at saka inalalayan si Kourtney na bumaba na rin ito ng sa sakyan. Ayaw
Agata Faye Nang maalis naman nito ang pagkaka hawak ko sa kanyang kamay ay mabilis na itong tumayo at walang lingon lingon na iniwan na ako nito sa kina uupuan namin at nag lakad na ito palapit sa mga bata. Nag tataka naman na napa sunod na lang ang tingin ko sa kanya. Bakit naman bigla na lang nag iba nag mood nito? Wala naman akong nagawa sa kanya na kakaiba ah Yun lang naman pag hawak ko sa kamay niya na sa tingin ko naman ay okay lang dito kasi wala naman siyang violent reaction na ginawa kanina. Tapos bigla bigla ay nag ganyan na lang siya. Ganito ba talaga ang mga babae na malapit ng mag menopause? paiba iba na ng ugali. One minute ay okay pa kami tapos bigla na lang ako nitong lalayasan na para bang ang laki ng kasalanan na nagawa ko sa kanya. Nag tataka man ay napa iling na lang ako at tumayo na rin upang sundan si Kourtney. Gusto ko malaman kung bakit bigla na lang itong nawala sa mood niya. Ayaw na ayaw ko pa naman na nagagalit ito sa akin. Paano pa ako makakapag paala
Kourtney Nandito kami ni Faye ngayon sa may veranda ng bahay namin. Ilang taon na rin na kasal kami nito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko na nga talaga siya. Akala ko mula ng magising ito sa kanyang pag kaka coma noon ay wala ng pag asa pa na maging kami nitong muli at tuparin niya sa akin ang kanyang pangako na pag dumating ito sa tamang edad ay pakakasalan niya na ako dahil hindi na niya kaya pang malayo sa akin. Akala ko ay hanggang sa nakaraan na lang ang lahat ng yun at pati na rin ang mga anak nito ay hindi na niya malalaman pa na kanya talaga ang mga ito. Pero tignan mo nga naman. Kahit na nag ka amnesia na siya at lahat lahat ay ako pa rin ang tinitibok ng puso nito. Dito ko mas lalong napatunayan sa kanya kung gaano nga niya ako kamahal. Kaya nga nung gabi din na yun ay hindi na ako nag pakipot pa sa kanya kaya may nangyari sa amin. Ayaw ko na rin naman na pahirapan pa ang aking sarili pati na rin ito dahil matagal na ang panahon
Agata Faye Pag akyat ko sa taas ay agad na akong dumiritso sa kwarto ni Faye. Kumatok na muna ako dito at maya maya lang ay bumukas na ang pinto nito. Mukhang kaka gising pa lang nito. Anong oras na naman kaya natulog ang isang ito. sa isip isip ko. Kunot noo naman na tinignan ako nito. "Bakit Ate? May kailangan ka ba?" tanong naman nito sa akin. "Pwede bang pumasok at may itatanong lang naman ako sa iyo." seryoso na sabi ko naman dito. Nag tataka man ay pinapasok na ako nito sa loob ng kwarto niya. Naupo naman ako kaagad sa may kama nito habang ito ay nag tataka na nakatingin pa rin sa akin. Huminga naman muna ako ng malalim bago sinimulan na itong tanungin. "Jessy ikaw na lang ang huling tao ang alam ko na maaari na hindi mag sinungaling sa akin at sa sagutin ang lahat ng katanungan na bumabagabag sa aking isip. May nakaraan ba kami ni Ninang Kourtney?" seryoso na tanong ko dito.. Nakita ko naman na natigilan ito at nag lumikot na rin ang kanyang mga mata at hindi na
Agata Faye Pauwe na ako ngayon sa bahay. Excited ako na hindi ko malaman. Humiram na nga rin pala ako ng kotse kay Kourtney kasi nga ay yung kotse na ginamit ko kahapon ay pina uwe ko na rin sa mga bodyguard ko. Gusto pa nga sana na ipa hatid ako ni Kourtney sa kanyang driver pero sinabi ko na lang na kaya ko na. Masayang masaya ang pakiramdam ko. Paano naman na hindi ako magiging masaya e kami na ni Kourtney ko. Nadaan ko sa mabilisan na paraan ito kagabi. Hays kung iisipin ko ang nangyari kagabi sa amin nito ay baka maghapon na lang akong naka ngiti nito. Naiisip ko pa kung gaano ito kasarap at kung paano ko halos sambahin ang katawan nito. Kung hindi nga lang ito nakiusap na tama na ay baka naka kung ilang rounds pa kami nito. Pakiramdam ko kasi ay sobrang miss na miss ko ito . Tsaka balak ko na rin na ayain na itong mag pakasal kami. Yap uuwe lang ako sa bahay upang kausapin ang parents ko na mag papakasal na ako at kailangan na mag ready na kami dahil mamayang gabi na
Agata Faye After ko makapag bihis ay lumabas na akong muli habang si Kourtney naman ay busy na sa kanyang phone ngayon. Nakita ko naman na tumingin ito sa akin saka binaling na nitong muli ang kanyang attention sa phone niya. Kaya naman nangunot na ang noo ko dahil doon. Huwag niyang sabihin sa akin na may ka chat siya or may ibang tao siyang pinag kaka abalahan ngayon dahil hindi ko gusto ko yun. Ang gusto ko ay ako lang ang pinag kaka abalahan nito kami ng kanyang mga anak. Kaya naman pa dabog na kinuha ko yung nakita kong blower nito at saka nag blower na ako ng aking buhok. Hindi ko na rin pinansin pa ito. Masama ang loob ko sa kanya. Nandito na nga ako tapos may pag kaka abalahan pa siyang iba dyn. Bahala ka nga dyan. Sa isip isip ko habang nag papatuyo na ako ng buhok. Maya lang ay naramdaman ko na lang na may bigla na lang na kumuha ng hawak kong blower kaya napa tingin naman kaagad ako dito. "Ako na ang mag papatuyo ng buhok mo." sabi naman nito sa akin pero naka simango
Agata Faye "Mga anak mag si tulog na kayo. Matutulog na rin kami ng Mama Faye nyo. Bukas na lang ulit ha." sabi naman sa mga ito ni Kourtney at saka pina higa na ang mga bata sa kanya kanya nilang bed. Mabilis naman na lumapit ako sa mga ito at saka isa isa silang hinalikan sa noo at yakap na rin sa kanila. "Matulog na ha. Bukas mag lalaro ulit tayo. Kaya mag behave kung ano ang sinabi ni Mommy ay gagawin para hindi na ito magalit pa ha." sabi ko pa sa kanila. Mabilis naman na ang palakpakan ang mga ito sa tuwa. g sabihin ko na mag lalaro pa ulit kami ng mga ito. Syempre naman susulitin ko na makipag bonding sa mga ito no. Ngayon pa na nililigawan ko na rin ang kanilang Mommy. Kaya dapat na ligawan ko na rin ang mga anak nito upang maging boto sila sa akin at wala ng magagawa pa si Kourtney kung hindi ang tanggapin na ako. Balak ko kasi na uuwe lang ako saglit sa bahay bukas at mag papa alam ng maayos sa parents ko na babalik na ako dito sa condo ko upang malapit lang a
Agata Faye Agad naman na dumiritso kami ni Kourtney sa may ginagamit ko na kwarto daw dito sa unit ko. Pag open pa lang ng pinto ng room ko ay mabilis na kinabig ko ito at hinalikan siya ng mariin. Kanina ko pa kasi ito gustong gawin sa kanya kaya lang may mga bata kasi kaya pag may chance lang ako nakaka nakaw ng halik dito kanina. . Pero ngayon solong solo ko ito kaya sinamantala ko na kaagad ang pagkaka taon na katulad nito. Hindi naman ito kaagad naka kilos dahil sa pagka bigla at napa buka pa nga ang bibig nito na sinamantala ko naman. at pinasok ko na kaagad ang aking dila at hinuli ko ang dila nito at mabilis na sinipsip ko yun saka ko lang siya pinakawalan ng mauubusan na kami nito ng hininga. Doon pa lang ako naitulak nito at ngayon ay pulang pula na naman ang kanyang mukha dahil sa nangyari kaya lihim naman na napa ngiti ako dahil doon. "Isang isa ka na lang talaga Faye. Grabi di ko kaya yang pagiging manyakis mo na Bwisit ka! Dalian mo ng kumuha ng mga damit mo at
Agata Faye Hanggang sa matapos kaming kumain ay magka hawak kamay la rin kami ni Kourtney. Kung hindi pa nga lang sana tatayo na ito ay wala pa sana akong balak na bitawan ang kamay nito e. Ang sarap lang naman kasi sa pakiramdam na ka holding hands mo yung mahal mo habang kumakain.. Doon ko napatunayan na nakaka gana nga talaga pala ang kumain kapag ganun. Ngayon alam ko na kapag wala akong ganang kumain ay ganito ang aking gagawin. Alam ko naman na papayag ito lalo na kapag nakita nito na wala akong ganang kumain e. Ang lakas ko kaya dito sa mahal ko. Ngayon nga ay nasa sala na kaming muli. Dalawa na lang kami na nandito at nag papa baba na ng kinain. Paano naman kasi ay nasa kwarto na ang mga bata at pina paliguan na ng mga yaya nila. Matutulog na rin kasi ang mga ito e. Kahit nga ako ay gusto ko na rin sana na maligo na rin kasi naman medyo nanlalagkit na rin ako sa aking suot. Kaninang umaga ko pa kaya suot ito nung nasa mall kami. Medyo nahihiya na nga ako na mag lalapi
Agata Faye Hanggang sa matapos kaming kumain ay namumula pa rin ang mukha ni Kourtney at alam ko ang dahilan nun. Yun ay ang walang sawa kong pag hayag ng aking nararamdaman sa kanya. Totoo naman kasi ang sinabi ko dito na habang tumatagal ay mas lalo lang akong na e inlove sa kanya na siyang totoo naman talaga . Kaya yan tuloy para na itong makupa sa pagka pula ng kanyang mukha pati na nga ang tenga at leeg nito ay ang pula pula na rin na mas lalo lang nag pa hot dito. Kaya naman hindi ko maiwasan na hindi mabuhay ang aking si little Faye na ngayon nga ay parang gusto na siyang pasukin. Sobrang pag pipigil lang ang ginagawa ko talaga sa aking sarili upang hindi magawa ang bagay na yun. Kaya ngayon halos hindi na nito makuha pang tumingin sa akin. Nahihiya pa yata sa akin ang mahal ko. Ano naman ang kailangan na ika hiya nito? Eh dapat nga maging proud pa siya dyan na kahit wala siyang gawin ay mas lalo lang akong napapamahal dito e. Napansin naman ng mga bata ang pananahimik n
Agata Faye Pagka baba ko ng call ay agad naman na kaming sumunod kay Kourtney sa may hapag kainan upang kumain na rin. Mamaya magalit la yun kapag hindi pa kami sumunod kaagad dito. Baka pag tripan pa ako nito o di naman kaya ay pauwein na lang sa bahay mg wala sa oras. Ngayon pa na nakapag paalam na ako sa amin na dito na muna ako. Gusto ko pa nga sana sabihin sa kanila na wala na akong balak pang umuwe e. Baka kasi mabigla naman si Mommy at basta na lang akong sunduin dito. Tapos baka mabigla din si Kourtney kapag hindi na ako umalis pa dito. Imbis na mapa sagot ko ito ay matakot na lang kaagad sa akin na ayaw ko naman mangyari yun dito. ..Alam ko naman na sobrang na bi bigla na ito sa mga pinag gagawa ko sa kanya tapos daragdagan ko pa. Hindi na muna no. Pagdating namin sa hapag kainan ay nakita ko na naka hain na nga at agad ay inasikaso naman na ng mga yaya nila ang mga bata habang ako naman ay tumabi na ng upo kay Kourtney na agad ay tinaasan ako nito ng kilay. Hindi ko nam