I can’t believe this…
Mabilis na inisa-isa ni Yuan ang laman ng malaking baul sa kaniyang harapan. Iniwan sa kaniya iyon ni Sebastian, isa sa mga pinakamatalik niyang kaibigan mula pa pagkabata. Namulatan nilang lima na si Lola Paz ang tagapag-alaga nila. Ang akala nila noon ay totoong lola nila ito, pero nagtaka sila kung bakit hindi raw sila magkakapatid o magpipinsan na lima.
Nalaman nila noong iniwan sila ni Lola Paz kay Doña Leonora. Later on, they all found out that all of their mothers used to work for a strip joint Lola Paz owned. Ipinagkatiwala silang magkakaibigan ni Lola Paz sa pilantropong si Doña Leonora nang malaman nitong may taning na ang buhay nito.
Wala siyang sama ng loob kay Lola Paz. Ni minsan ay hindi siya nagalit dito sa kaalamang dito nagtrabaho ang kaniyang ina. Wala rin siyang sama ng loob sa kaniyang ina, bagaman may punto sa buhay niya na parang nahiya siya sa katotohanang isa itong kalapating mababa ang lipad. Marahil, lahat ng tulad niya ay makakadama rin ng ganoon.
But he was way past that stage already. Ang mga hinaing niya sa buhay ay nawala na nang tumanda na siya at nagkaedad. Siyempre, hindi niya maaaring dibdibin ang mga bagay na hindi niya hawak. That would be foolish.
And so he grew up in Doña Leonora’s care. Nakapag-aral siya, nabigyan ng magandang buhay. Sino ang mag-aakalang ang isang batang nabuo sa Subic mula sa isang Amerikano daw na ama at isang inang mababa ang lipad ay isa na ngayong multimilyornaryo? Yes, he was a multimillionaire. Marami siyang negosyo na pinangangasiwaan. And he was proud of what he had become.
Holy shit… Sebastian really worked on this thing…
Parang nabuhay ang kaniyang dugo sa nakikita niya. Sa loob ng baul ay naroon ang lahat ng kakailanganin ng isang treasure hunter upang matagpuan ang kayamanang nanakaw mahigit labinlimang taon na ang nakararaan. Kung tama ang pagkakatanda niya ay limampung milyones ang halaga ng diyamanteng nanakaw noon. Ngayon ay tiyak na times fives na ang halaga niyon o higit pa.
Noong nasa piling pa silang magkakaibigan ni Lola Paz ay nabalita pa sa TV ang pagkawala ng mga diyamante ng isang alaherang Intsik. Ninakaw iyon ng isang hindi nakilalang lalaking sakay lamang ng isang motorsiklo. Ngunit naaksidente ito. Ang motor ay natagpuan malapit sa paanan ng bundok ng isang lalaking nangunguha ng kabuteng pangkain. At iyon na ang huling natandaan niya tungkol sa bagay na iyon.
But Sebastian did his research. An impressive one! Bakit hindi? Lahat ay detalyado. At heto na nga iyon. Ang lahat ng news clippings na may kinalaman o posibleng may kinalaman sa pangyayari ay nasaliksik nito. Lumalabas sa mga nasaliksik nito, bagaman isang bagay na hindi sigurado, ay nananatili pa rin sa isang bahagi ng bundok ang diyamante.
Kompleto ang research ni Sebastian. Marahil, kung hindi lamang ito pumanaw ay ito mismo ang hahanap sa mga diyamante. But Sebastian died a month ago unfortunately. Ibinigay nito ang pangangalaga sa tatlong nobya nito sa tatlong kaibigan nila, habang ang impormasyong alam niyang hindi birong hanapin ay sa kaniya nito inihabilin, to his surprise.
When they were much younger, they made a pact to find the diamonds. Siyempre, sa pagdaan ng panahon ay nalimot na nila iyon, maliban na lamang kay Sebastian. Sa dami ng ginagawa nito ay nakuha pa pala nitong magresearch ng tungkol doon. At hanga siya sa kaniyang kaibigan, sa dami ng nalaman nito tungkol sa bagay na iyon. Mag-isa lang nitong sinaliksik ang mga kaalaman tungkol sa nawawalang diyamante. Sayang nga lang at pumanaw agad ito, natitiyak niyang malapit na nitong matagpuan sana ang nasabing kayamanan. At dahil doon ay lalong sumidhi ang pananabik niyang matagpuan ang mga iyon bilang tribute sa kaniyang kaibigan na nagpakahirap na matunton iyon sa tagal ng panahon na iyon ay nawala.
Ayon sa file na nasa baul ay inisa-isa ni Sebastian ang mga kilalang jewelry collectors sa Pilipinas para sa mga diyamante. Wala ang mga iyon sa mga collectors. The rare diamond was also missing, had been missing since. Mula rin sa research ni Sebastian ay tatlong lalaki ang pinaghihinalaan nitong magnanakaw. Ang unang dalawang larawan ay may sulat-kamay si Sebastian na: cleared. Ibig sabihin ay iisa na lamang ang posibleng nagnakaw ng mga diyamante, isang ex-military man na Jonel Nuezca ang pangalan.
According to the files, that man never came back to his family when he left. It meant that he really could be the thief. And he could still be in the woods, dead, with the diamonds.
“This is amazing,” nasambit niya. He was hyper now. Matagal na niyang hindi nadarama ang ganoong uri ng excitement. It was like being a kid again. Iyon ang klase ng high na hinahanap-hanap niya sa matagal na panahon.
Sa ilang panahon na ngayon, pakiramdam niya ay may malaking puwang ang kaniyang buhay. It seemed like there was no challenge anymore. Ni wala siyang nagiging problema. He was healthy, he was wealthy, he was bored. Ang tanging challenge niya ang mai-date muli si Congresswoman Tiffany Amores, isang babaeng mailap sa kaniya. But this challenge was something else. This was going to be one heck of an adventure.
Ilang buwan niyang pinag-aralan ang mga pagsasaliksik ni Sebastian at kinumpirma niya ang mga detalyeng naiwan pa nitong nakabukas. Mientras tumatakbo ang panahon at lumalalim ang imbestigasyon niya ay naiisip niyang marahil ay makikita pa niya ang diyamante. Malakas ang kutob niya na wala pang kahit sino ang nakakahanap roon. At isipin pa lamang na siya ang makakatagpo sa mga diyamante ay kakaibang excitement ang kaniyang nadarama.
Hindi mahalaga sa kaniya ang halaga ng mga diyamante. Ang mahalaga lamang sa kaniya ay ang makita niya iyon at maibalik sa tunay na nagmamay-ari niyon. Kung mangyayari iyon ay labis siyang matutuwa. It would be awesome to find out about the mystery of the stolen diamonds.
Tatlong na buwan mula nang maipasa sa kaniya ang baul ay naghanda siya para sa isang treasure hunt. He was so damned excited he found it hard to breathe.
TATLONG tao ang nakalista sa research ni Sebastian na maaaaring maisama ni Yuan sa pag-akyat niya sa bundok ng San Rafael, isang bayan iyon na matatagpuan sa Quezon Province. Sa malawak na kabundukan ng San Rafael hinihinala ni Sebastian na naroon ang mga diyamante. Hindi na rin masasabing lantad na lantad ang lugar kung saan aksidenteng natagpuan ang motorsiklo. Ang bakas ng dugo ng lalaking sakay niyon ay nakita pa noon sa isang puno sa may bukana ng paakyat sa bundok. He was sure the thief was not able to make it to any hospital or clinic. Wala kasing malapit na ganoong establisimyento sa lugar. Wala ring masyadong kabahayan sa bahaging iyon noong mga panahong naaksidente roon ang lalaki. Daanan lamang iyon patungo sa mas maunlad na bayan, patungo sa probinsiya ng lalaki. Ang una sa listahan ay isang sikat na mountain ranger at mahilig sa hiking na si Abelardo Carpio, ngunit sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa raw ito
“PAMELA?” “No, Joe, no sex.” “What?” Kumunot ang noo nito. “No sex, Joe. No sex. Only joke to friends.” “What the hell are you talking about?” Nagkaroon ng bahid ng inis ang tinig nito. ‘Eto na nga ba ang sinasabi ko sa ‘yo, Pamela! Tatanga-tanga ka na naman. Pati si Jessica, tatanga-tanga! Hindi niya na-gets na joke lang ‘yon! Kung bakit naman kasi nagbiro siya sa dati niyang kasamahan sa tindahan na pumasok sa pagiging GRO sa isang beerhouse doon sa bayan na nais niyang tularan ito. Parang nakaengganyo ang sinabi niya rito upang magkuwento ito sa kaniya tungkol sa ginhawang hatid dito ng bagong trabaho nito. “Sa una lang naman mahirap, Pam. Kapag nasanay ka na, magi
MATAMANG pinagmasdan mula ulo hanggang paa ni Pamela ang lalaking kaharap. Mukha namang may pambayad nga talaga ito sa kaniyang sampung libo kada araw. Sa branded clothes pa lamang na suot-suot nito ay makikita na talagang nakaririwasa ito sa buhay. At siyempre pa, imported ito, natural na may pera ito. At sa bagay na iyon siya umaasa. Sana nga ay higit pa sa alok nito ang makuha niya. Naisip niyang malamang na kung desperado itong makaakyat sa bundok ay may mahalagang sadya ito roon. Mukhang siya na lamang din talaga ang makakatulong dito. Saulado pa rin niya ang daan paakyat sa bundok kahit na may ilang taon na rin siyang hindi nakakaakyat papunta doon dahil malapit sa may paanan na lamang sila ng bundok nagtanim at nanirahan ni Mang Estong. At nitong huli nga ay namasukan na siya. Pero kahit piringan siya at iligaw siya sa bundok ay makakababa pa rin siya. “What is your mission there?” usisa niya
Pinag-aralan ni Yuan ang mga ginawang notes ni Sebastian sa notebook nito. Nalagyan na nito ng markang ekis ang puno kung saan nakita ang bakas ng dugo ng kriminal, ayon na rin sa media noong mga panahong iyon. Iyon ang huling nabalitaan tungkol sa magnanakaw. Ayon din sa notebook ni Sebastian, ang hinihinalang magnanakaw ay naging miyembro ng AFP cadet. Malamang na may alam ito tungkol sa training sa kabundukan. Kung ang bangkay nito ay hindi na natagpuan, malamang na nakain ito ng sawa o iba pang mababangis na hayop. Noong panahong umakyat ito sa bundok ay masyado pang masukal iyon. Ibig sabihin ay marami pa talagang mga hayop sa gubat. "Are there snakes here?" "Yes. But don't worry, I know things about snake." Tumango siya. Sa palagay niya, natural sa isang taong may military training ang hanapin ang water resource ng lugar. Siyempre ay alam ng isang marunong kung ano ang mga palatandaan patungo sa sapa man o kahit na
“I don’t like people who are taking advantage of other people. You know… I’m not stupid, Pamela.” Hindi nakaimik si Pamela sa sinabi ni Yuan. Ang sa kaniya naman ay kung makakalusot lang. Noong naglalakad kasi sila ay naisip niyang mukhang balak nitong pahirapan ang mga buhay nila. May mga shortcut na maaari sana nilang daanan subalit mas ginusto nito iyong malayong ruta. Kung hindi pa siya nag-request ay hindi ito titigil upang kumain. Aba, kung nagkataong nakalusot sana siya sa increase ay tiba-tiba na siya n’on! Okay na okay iyon para sa kaniya. “You’re the reason why this country is in poverty. People like you make this country annoying sometimes. You always take advantage of others.” Lukot na lukot sa pagkakasimangot ang mukha nito. Siya naman ay nakadama ng inis dito pero hindi na lamang siya kumibo pa. Labinlimang piso kada araw na ay baka maging bato pa. Ang kaso, mukhang wala
"Hey, Joe! Don't go there!" "Why?" Eh kargo kita, 'no. Kahit nakakabadtrip ka, sagutin kita. "It's delicate. You alone it's delicate. You understand that?" "Woman, I know what I'm doing. I won't go very far, don't worry." Sinundan muna niya ito ng tingin. Hindi nga ito lumayo, bagaman ang mga mata niya ay nakatutok pa rin dito habang inaassemble niya ang iniabot nitong tent kanina na hindi niya maitayo-tayo. Bakit ba parang napakahirap namang itayo ng dinala nitong tent? Napakakomplikadong ayusin. Samantalang ang mga nakikita niya sa TV na napapanood niya ay simple lang naman, para lamang iyong bubong ng bahay, pero itong kay Yuan ay naki kakaiba? Hindi niya mawarian kung paanong assemble ang gagawin. Nababadtrip na ako sa tent na 'to! Ang tagal na niyang kinukutinting iyon pero hindi pa rin niya maitayo ang pesteng tent. Hanggang sa makabali
“’Tol, malapit ko nang makuha ang treasure na matagal mo ng hinahanap. Para sa atin ito, ‘Tol. Lahat kami dito, nami-miss ka na. Bakit kasi nagmamadali kang magpunta diyan?” ani Yuan habang nakapikit. Mukhang nananaginip ito. Gilalas si Pamela sa kaniyang narinig mula sa malaking lalaking kaniyang katabi. Wala itong slang sa pagta-Tagalog nito. Napaka-matatas ang pagsasalita nito! Nais niya sanang kaltukin ito ngayon para magising ito at kaniyang komprontahin. Lintik ang lalaking ito! Pinahirapan pa siya nang husto sa pag-i-Ingles ng mokong na ito! Halos mapilipit ang dila niya sa pag-i-Ingles sa pag-aakalang hindi ito nakakaintindi ng Tagalog! Gusto na niyang gisingin ito ng mga oras na iyon nang bigla siyang mahimasmasan nang maisip niyang wala siyang karapatang magalit dito. Subalit nagpupuyos pa rin ang kaniyang dibdib sa inis na nararamdaman sa lalaking ito. Hanggang
Gaya ng inaasahan ni Pamela ay papadilim na ng araw na iyon nang makarating sila sa batis na kanilang pakay. Tahimik lang siya dala na rin ng pagod sa kanilang paglalakad maghapon. Paano kasi, gaya kahapon ay muling iniba ni Yuan ang ruta na kanilang dinaanan. Disinsana’y mabilis nilang narating ang batis na iyon. Naiinis pa rin siya rito hanggang ngayon kaya maghapon sila nitong walang imikan sa kanilang paglalakad. Paano kasi ay masyado itong mapunahin sa kaniyang ginagawa. Halimbawa na lamang ay ang pagdudura niya. Hindi na niya ginawa iyon para wala ng masabi pang masama sa kaniya ang nakakainis na lalaking ito. Kasalukuyan siyang nagpapa-apoy gamit ang mga tuyong dahon at sanga na pinulot niya sa di-kalayuan ng kanilang kinapupuwestuhan. Dahil nauumay na siya sa de-latang baong dala ni Yuan ay nanghuli siya ng isda doon sa batis. Hindi naman siya nahirapang gawin iyon dahil sagana sa isda ngayon ang batis. Malaki at malawak ang sapa na iyon. May isang bahagi roon na mab
NAKAPALIGO at nakapagpalit na ng kaniyang damit si Pamela. Naroon sila ni Yuan sa mismong bahay ng gobernador ng probinsiya nila. May isang silid itong inilaan para sa kaniya. Mayroong mga damit doon na kasya sa kaniya. Halos mag-uumaga na at nakahiga pa rin siya. Katabi ng inookupahan niyang silid ang kinaroroonang silid ni Yuan. Nang makarating sila sa bahay ng gobernador ay asikasung-asikaso sila ng mga kawaksi niyo. Ni sa hinagap niya ay hindi niya akalaing makakatapak siya sa ganoong kagandang bahay nito. Mistula iyong isang mansiyon sa sobrang laki at napakagara. Alam niyang mula sa mayamang pamilya ang naturang gobernador. Minsan lamang niyang nakita ito, noong panahon ng pangangampanya nito noong nakanoong nakaraang eleksiyon. Dala ng sobrang pagod ay nakatulog siya. Isang marahang pagkatok sa pinto ng kaniyang kuwarto ang nakapagpagising sa kaniya. Aandap-andap siyang bumangon para pagbuksan ng pintuan kung sino man iyong kumakatok doon. Isang unipormadong kawa
Pagtingin uli ni Pamela sa sasakyan ay kitang-kita niya kung paanong naitutok ng pulis na kinagat niya kanna ang baril nito kay Yuan. Tumalon ito sa gawi niya. Pinaputukan sila ng pulis. Ang isa pang pulis ay nakahandusay sa likod ng sasakyan. Nakaupo sa lupa na napaatras siya gamit ang mga paa at kamay niya. Tumayong muli si Yuan. Marahil ay napansin nitong tinatangka nang kunin ng pulis na binugbog nito ang baril nito. “Yuan!” Ngunit tila hindi siya nito narinig. Tila ang pakay nito ay ang makuha ang baril ng pulis na binugbog nito. “Yuan, ‘yong isa!” Mabilis siyang tumayo upang hilahin sana ito ngunit hindi na niya naigalaw ang kaniyang kamay nang may maramdamang napakainit na sakit doon. Parang may patpat na plantsang bumaon sa katawan niya. Bumigay ang mga tuhod niya. Nakarinig siya ng putok ng baril. Sinubukan niyang gumalaw uli, umatras uli, ngunit hirap siyang kumilos sa sakit. Nanatili lamang siyang nakahiga sa lupa, wala nang malinaw na paksang tumak
ALAM ni Pamela na palapit na ang motorsiklo base sa tunog niyon. Sa kaniyang pagkataranta ay nadapa siya. Agad naman siyang binuhat ni Yuan. Hindi alintana nito na mabigat siya. Nagpatuloy ito sa pagtakbo habang pasan-pasan siya nito sa balikat nito na animo sako ng uling. Napausal siya ng pasasalamat nang makarating sila sa bandang masukal na. Doon ay ibinaba na siya ni Yuan. “We need to get out of here as quickly as possible.” “Tara na!” Pinagpatuloy nila ang kanilang pagtakbo. Makalipas ang ilang sandali ay hinawakan ni Yuan ang braso niya. “Tama na. Wala na sila.” “Sigurado ka ba?” Akmang pinakinggan nito ang paligid. “Wala nang tunog ng motorsiklo. Pero alam kong susundan nila tayo.” “Diyos ko! Ano ba itong napasok ko?” Mabibilis pa rin ang ginawa nilang paghakbang. Mabuti na lamang at alam niya ang shortcut doon. Medyo matarik din ang kanilang dinaanan hoping na hindi sila matunton ng motorsiklong humahabol sa kanila kanina. Subalit alam n
NAKARINIG ng sipol sina Pamela at Yuan. Halos sabay silang nagkubli paupo sa mga pananim nang di sinasadyang mapatingin sa gawi nila ang isang armadong lalaki. Marahil ay kasamahan ito ng taong narinig nilang sumipol kanina. Makailang saglit ay nakarinig sila nang nagsalita. “Tapos ka na umebak?” Bahagya iyong sinilip ni Pamela sa sobrang kuryosidad na kaniyang nadarama. Ang sumunod na narinig nila ay puro tawanan. Mayamaya ay hinila siyang paupo ni Yuan at sumenyas ito na tumahimik siya na siya naman niyang ginawa. Subalit sumenyas rin siya rito upang sabihin na dalawang lalaking armado ang nakita niya. Napakunot-noo si Yuan. Saka pabulong na nagwika. “Kailangan ay makapasok tayo sa bahay na iyon.” Itinuro pa nito ang kinaroroonan ng isang bahay na siyang tinutukoy nito. “Nababaliw ka na ba?” “Ssh.” Ito naman ang nagtangkang sumilip sa direksyon ng dalawang lalaki. Makailang sandali ay muli itong bumalik sa kanilang pinagkukublihan. “Doon sila nagt
“I HAVE been confused many times but this is it. This is it, Pam!” “Anong ‘this is it’?” nagugulumihanang tanong ni Pamela kay Yuan nang balingan niya ito. Nakatingin ito sa isang puno na may mga nakaukit. Napukaw ang kaniyang atensiyon nang mapansin niya ang mga nakaukit sa mga puno—sa bandang ilalim ng mga iyon—na sa unang tingin ay hindi agad mapapansin ng ordinaryong mata dahil nga nasa bandang ilalim ng puno. Base sa pagkakaukit ay sobrang tagal na iyon. Sa malalaking puno ay puro ganoon ang makikita sa bandang ilalim ng mga iyon. Sa unang tingin ay hindi talaga mapapansin ang mga nakaukit na iyon dahil bukod sa parang nakatago sa bandang ilalim ng mga puno ay mukhang wala namang ibig sabihin ang mga iyon, puro lamang tuldok at maiikling guhit ang nakaukit sa bawat puno. Pero mukhang ang mga iyon nga ang hinahanap ni Yuan. “This is the next clue that I have been looking for how many days.” “Ano ba ang ibig sabihin ng mga ‘yan?” usisa niya, dahil wala talaga si
DAMN it! I am trying to seduce her! Hindi na maikaila ni Yuan ang bagay na iyon sa kaniyang sarili. There he was, making his move on the lady. Hindi ito ang tipo ng babaeng pinopormahan niya. Sa katunayan ay napakalayo nito sa ganoon, pero hayun siya. He did not even care that she was not his type per se. As far as he was concerned, he had been longing to kiss this woman for the past days and he could no longer resist the temptation. Mientras tumatagal ay parang lalong nagiging challenge iyon sa kaniya. Bahagyang idinaiti niya ang kaniyng ilong sa buhok ni Pamela at sinamyo iyon. She smelled of the forest. He was already having an erection. Mula nang makita niya ang katawan nito noong minsang naabutan niya itong naliligo sa may batis ay hindi na iyon nawala sa isipan niya. Napanaginipan pa nga niya ito sa dalawang magkasunod na gabi. Ganoon ang eksena, katulad noong makita niya itong naliligo sa may batis. Ang tanging kaibahan lamang, sa halip na takpan nito ang katawan
NABIBIGHANI na yata sa akin ang kolokoy na ito. Gustong mapahagikgik ni Pamela sa naisip niya. Ilang araw na silang paikut-ikot ni Yuan sa bundok na iyon. Sa katunayan ay ubos na ang baon nitong pagkain, maging ang isang kilong bigas na dala niya ay matagal nang said. Ngunit kahit maubos pa ang mga dala nilang pagkain ay hindi sila gugutumin sa dami ng mga pagkain sa paligid. Iyon ang ikalabing-dalawang araw nila sa bundok na iyon. Hindi pa rin niya batid magpahanggang ngayon kung ano ba ang hinahanap nito pero hindi pa nito nakikita iyon. Paborable naman iyon sa kaniya na magtagal pa sila doon sa bundok. Paano ay habang tumatagal sila roon ay lumalaki rin ang perang ibabayad nito sa kaniya. Iyon nga lang, nakakaramdam na siya ng pagkailang rito. May kung anong pader na biglang nabuo sa pagitan nila mula noong umaga may anim na araw na ang nakakalipas. Tahimik siyang naliligo noon sa batis nang bigla na lamang itong dumating. Nakita siya nito nang wala ni anumang saplot sa k
HINDI maiwasang hindi maintriga ni Yuan kay Pamela. Isang malaking palaisipan sa kaniya kung bakit ito nagawang palayasin ni Tatay Estong sa bahay ng matanda. At muli niyang inalala ang unang pagkikita nila ni Pamela.Did she really try to sell herself and then backed out the last minute? It was really intriguing. Yes, she was wearing a very unflattering outfit but he was an expert when it came to women’s bodies. Nakasuot ito ng maluwang na T-shirt at pantalong maong na kupasin. Simpleng-simple lamang ang get-up nito. But he knew Pamela had the proper curves where they were needed.Noong lumingon ito sa gawi niya ay mabilis na nagbaling kaagad siya ng tingin sa iba. Ewan ba niya, bigla ay parang nahiya siya dito sakaling mahuhuli siya nitong mataman niyang pinagmamasdan ito. Muli ay naisip niyang kung malalaman lamang ng mga kaibigan niya ang nangyayari sa kaniya sa mga oras na iyon ay malamang na pagtatawanan siya ng mga ito. Tiyak na kuta-kutakot na kantiyaw ang aabutin niya sa mga
I COULD kill that little bitch! Inis na inis si Yuan kay Pamela. Napakabaho ng halamang gamot na itinapal nito sa kaniya. Dinikdik pa nito iyon kaya lalong lumabas ang masangsang na amoy niyon. Halos ma-suffocate siya kaya hindi niya magawang isara ang zipper ng tent niya. Hinayaan na lamang niyang nakabukas iyon because the smell was really nauseating. It was a combination of athlete's foot and wet garbage. May bahagyang bahagyang anghang na amoy at pakiramdam iyon sa kaniyang balat. Habang tumatagal, tila lalong bumabaho ang amoy. Tipong habang natutuyo ang halaman ay lalo iyon nagiging masangsang sa ilong. Gayunman, nang kaniyang silipin ang kaniyang balat sa ilalim ng dahon ay nakita niyang hindi na iyon masyadong namumula kagaya kanina. Epektibo ang mabahong halaman. Samantala, kanina pa niya naririnig ang tawa ni Pamela. Alam niyang nakikita siya nito mula sa puwesto nito. Marahil ay natanaw siya nitong hindi mapakali sa loob ng kaniyang tent. Pikon na pikon na s