“PAMELA?”
“No, Joe, no sex.”
“What?” Kumunot ang noo nito.
“No sex, Joe. No sex. Only joke to friends.”
“What the hell are you talking about?” Nagkaroon ng bahid ng inis ang tinig nito.
‘Eto na nga ba ang sinasabi ko sa ‘yo, Pamela! Tatanga-tanga ka na naman. Pati si Jessica, tatanga-tanga! Hindi niya na-gets na joke lang ‘yon!
Kung bakit naman kasi nagbiro siya sa dati niyang kasamahan sa tindahan na pumasok sa pagiging GRO sa isang beerhouse doon sa bayan na nais niyang tularan ito. Parang nakaengganyo ang sinabi niya rito upang magkuwento ito sa kaniya tungkol sa ginhawang hatid dito ng bagong trabaho nito.
“Sa una lang naman mahirap, Pam. Kapag nasanay ka na, magiging okay ka na rin. Kung sa pagtitinda lang, ano ang mapapala ko roon? Wala. Eh, ito, malaki ang kita.”
“Oo nga. Mantakin mong nakakatatlong libo ka sa isang gabi? Kung makakatatlong libo ako isang gabi, aba, nobenta mil isang buwan ‘yon! Wow! Hindi biro ang ganoon kalaking halaga, ‘di ba? Parang gusto ko na rin tuloy pasukin ang ganyan.”
“Sige, ako ang bahala sa ‘yo. Mas magandang mag-tip ang mga Puti. Virgin ka ba?”
“Oo naman!”
“Mas magandang presyuhan iyan. Malaki tiyak ang unang kikitain mo sa unang gabi mo.”
Iyon ang usapan nila ni Jessica. Mukhang sineryoso nga nito iyon. Kaya heto na ang Puti na padala nito. At siyempre nga naman, kung napangakuan ito ng isang birhen at natanggihan ay natural na iinit ang ulo nito. Marahil ay kanina pa ito naghihintay sa kaniya. Siguro ay talagang interesado ito sa isang birhen. Pero sorry na lang ito, kahit ubod pa ito ng guwapo ay hindi pa siya handa sa ganoon klaseng buhay. Baka nga kahit kailan ay hindi siya maging handa roon.
“Where is Jessica?”
“What?” ulit nito na lalong nadagdagan ang gatla sa noo.
“Where is Jessica? The woman take you here, that Jessica.”
“Oh…” Tumango ito. “She left. She told me to wait for you here. Can we talk now? I’m here for business. I’m Yuan Clarkson.”
“No. No business tonight. Closed already. Closed, never opened, correction! Not once! Never open for business. Never!”
“But why? Will you hear me out first?”
“Ah, no, no… No, Joe.” Ang hintuturo niyang nakaturo sa langit ay iwinagayway niya sa harap nito. “No, no, Joe. Not me. I am tired. Very tired. I want to rest.”
“But I came all the way from Manila! Will you hear me out first?!”
“Okay, you listen. You look okay. You are very handsome. I think, many girls like Jessica is happy for that. Imagine, getting money and the action, added attraction is your handsomeness. But you must understand, not all girls are like Jessica for a living, ha? Not in the Philippines.”
“What—“
“Hep-hep, let me finish, okay?” Napabuga siya ng hangin. Ang hirap palang mag-Ingles kapag hindi naman nasanay na nag-i-Ingles. Nauubusan siya ng salita. Para lamang maitawid ang gusto niyang maiparating ay ang pinakamalapit na salitang nakakapa niya sa isip ang kaniyang sinasabi. “Maybe Jessica told you I canhelp you with your problem?”
“It’s actually Sebastian who did.”
“Sebastian? I don’t know him.”
“Yes, I know that. He wasn’t able to talk to you personally.”
Ah, bugaw pala ‘yong Sebastian na ‘yon. Siguro gusto pang mangomisyon ng isang ‘yon. “Ah, like that? Like that, ha? That Jessica is so grrrr! Make me angry now, that Jessica. Telling others about me, like doing business about me!”
“No. Like I said, Sebastian was the one who told me about you—“
“Yes! I understand! I’m not stupid! It’s very obvious that Jessica talk to Sebastian!”
“No, I don’t think so.”
“Yes! Believe me because only Jessica knows!”
“What the hell does she know?”
“This thing! This thing!” Kulang na lamang ay ipadyak niya ang paa niya. Hirap na nga siyang magpaliwanag ay ang dami-dami pa nitong tanong. “I don’t want to talk anymore, okay? You go back, tell Jessica I hate her! And you tell Sebastian, that person is buying and selling, that no way is Pamela like Jessica, okay? Maybe he will send another one, buy and sell like this!”
“You don’t understand! Will you let me explain? You’re not making any sense at all!”
Hinawakan kaagad niya ang braso nito at dinala ito sa malayu-layo. Delikado ang paglakas ng tinig nito. Baka magising ang kasera niya.
“What is your problem talikng loud? I am hiding!”
“From what?”
“My cahier! Sssh!” Tumingala siya sa silid ng kaniyang kasera. Wala namang komosyon doon. “Now, I will say this last time now. I am not for sale for sex. Tell Jessica she is wrong.”
“Oh, my God! I’m not here for sex! Are you out of your mind?”
Natigilan siya, nanag magsalita uli ito ay bahagyang may angas. Parang hindi niya nagustuhan ang huling sinabi nito, o ang konotasyon niyon. “What do you mean out of your mind?”
“Look, I’m here to ask you to work for me not as a prostitute—let me say that again, not as a prostitute—but as a guide.”
“Guide?”
Ipinaliwanag nitong nanganagilangan daw ito ng makakasama sa gagawin nitong pag-akyat sa bundok. Sinabi nito ang tungkol kay Sebastian. Nagtataka pa rin siya sapagkat wala siyang nakilalang Sebastian. Wala ring nabanggit sa kaniyang Sebastian si Tatay Estong. Malabo ang sinasabi nito sapagkat may ilang panahon nang hirap si Tatay Estong na magtungo sa bundok.
“I don’t believe.”
“Okay, fine! But here’s my offer, I pay you ten thousand bucks a day. Take it or leave it.”
Natigilan siya. Naunawaan kaagad niya kung bakit hindi sinabi sa kaniya ni Tatay Estong ang lahat. Gusto nitong ito ang sumama sa lalaking ito. Siguro ay naisip nitong kaya nito ang lahat basta may sampung libo kada araw ito.
“What is your decision? I have already wasted enough time on you. I need to know now.”
Tumingala siya sa silid ng kaniyang kasera. ‘Okay, sshh. Quiet. Let’s talk inside.”
At nagpatiuna na siyang pumasok sa loob ng maliit na silid na kaniyang inookupahan.
MATAMANG pinagmasdan mula ulo hanggang paa ni Pamela ang lalaking kaharap. Mukha namang may pambayad nga talaga ito sa kaniyang sampung libo kada araw. Sa branded clothes pa lamang na suot-suot nito ay makikita na talagang nakaririwasa ito sa buhay. At siyempre pa, imported ito, natural na may pera ito. At sa bagay na iyon siya umaasa. Sana nga ay higit pa sa alok nito ang makuha niya. Naisip niyang malamang na kung desperado itong makaakyat sa bundok ay may mahalagang sadya ito roon. Mukhang siya na lamang din talaga ang makakatulong dito. Saulado pa rin niya ang daan paakyat sa bundok kahit na may ilang taon na rin siyang hindi nakakaakyat papunta doon dahil malapit sa may paanan na lamang sila ng bundok nagtanim at nanirahan ni Mang Estong. At nitong huli nga ay namasukan na siya. Pero kahit piringan siya at iligaw siya sa bundok ay makakababa pa rin siya. “What is your mission there?” usisa niya
Pinag-aralan ni Yuan ang mga ginawang notes ni Sebastian sa notebook nito. Nalagyan na nito ng markang ekis ang puno kung saan nakita ang bakas ng dugo ng kriminal, ayon na rin sa media noong mga panahong iyon. Iyon ang huling nabalitaan tungkol sa magnanakaw. Ayon din sa notebook ni Sebastian, ang hinihinalang magnanakaw ay naging miyembro ng AFP cadet. Malamang na may alam ito tungkol sa training sa kabundukan. Kung ang bangkay nito ay hindi na natagpuan, malamang na nakain ito ng sawa o iba pang mababangis na hayop. Noong panahong umakyat ito sa bundok ay masyado pang masukal iyon. Ibig sabihin ay marami pa talagang mga hayop sa gubat. "Are there snakes here?" "Yes. But don't worry, I know things about snake." Tumango siya. Sa palagay niya, natural sa isang taong may military training ang hanapin ang water resource ng lugar. Siyempre ay alam ng isang marunong kung ano ang mga palatandaan patungo sa sapa man o kahit na
“I don’t like people who are taking advantage of other people. You know… I’m not stupid, Pamela.” Hindi nakaimik si Pamela sa sinabi ni Yuan. Ang sa kaniya naman ay kung makakalusot lang. Noong naglalakad kasi sila ay naisip niyang mukhang balak nitong pahirapan ang mga buhay nila. May mga shortcut na maaari sana nilang daanan subalit mas ginusto nito iyong malayong ruta. Kung hindi pa siya nag-request ay hindi ito titigil upang kumain. Aba, kung nagkataong nakalusot sana siya sa increase ay tiba-tiba na siya n’on! Okay na okay iyon para sa kaniya. “You’re the reason why this country is in poverty. People like you make this country annoying sometimes. You always take advantage of others.” Lukot na lukot sa pagkakasimangot ang mukha nito. Siya naman ay nakadama ng inis dito pero hindi na lamang siya kumibo pa. Labinlimang piso kada araw na ay baka maging bato pa. Ang kaso, mukhang wala
"Hey, Joe! Don't go there!" "Why?" Eh kargo kita, 'no. Kahit nakakabadtrip ka, sagutin kita. "It's delicate. You alone it's delicate. You understand that?" "Woman, I know what I'm doing. I won't go very far, don't worry." Sinundan muna niya ito ng tingin. Hindi nga ito lumayo, bagaman ang mga mata niya ay nakatutok pa rin dito habang inaassemble niya ang iniabot nitong tent kanina na hindi niya maitayo-tayo. Bakit ba parang napakahirap namang itayo ng dinala nitong tent? Napakakomplikadong ayusin. Samantalang ang mga nakikita niya sa TV na napapanood niya ay simple lang naman, para lamang iyong bubong ng bahay, pero itong kay Yuan ay naki kakaiba? Hindi niya mawarian kung paanong assemble ang gagawin. Nababadtrip na ako sa tent na 'to! Ang tagal na niyang kinukutinting iyon pero hindi pa rin niya maitayo ang pesteng tent. Hanggang sa makabali
“’Tol, malapit ko nang makuha ang treasure na matagal mo ng hinahanap. Para sa atin ito, ‘Tol. Lahat kami dito, nami-miss ka na. Bakit kasi nagmamadali kang magpunta diyan?” ani Yuan habang nakapikit. Mukhang nananaginip ito. Gilalas si Pamela sa kaniyang narinig mula sa malaking lalaking kaniyang katabi. Wala itong slang sa pagta-Tagalog nito. Napaka-matatas ang pagsasalita nito! Nais niya sanang kaltukin ito ngayon para magising ito at kaniyang komprontahin. Lintik ang lalaking ito! Pinahirapan pa siya nang husto sa pag-i-Ingles ng mokong na ito! Halos mapilipit ang dila niya sa pag-i-Ingles sa pag-aakalang hindi ito nakakaintindi ng Tagalog! Gusto na niyang gisingin ito ng mga oras na iyon nang bigla siyang mahimasmasan nang maisip niyang wala siyang karapatang magalit dito. Subalit nagpupuyos pa rin ang kaniyang dibdib sa inis na nararamdaman sa lalaking ito. Hanggang
Gaya ng inaasahan ni Pamela ay papadilim na ng araw na iyon nang makarating sila sa batis na kanilang pakay. Tahimik lang siya dala na rin ng pagod sa kanilang paglalakad maghapon. Paano kasi, gaya kahapon ay muling iniba ni Yuan ang ruta na kanilang dinaanan. Disinsana’y mabilis nilang narating ang batis na iyon. Naiinis pa rin siya rito hanggang ngayon kaya maghapon sila nitong walang imikan sa kanilang paglalakad. Paano kasi ay masyado itong mapunahin sa kaniyang ginagawa. Halimbawa na lamang ay ang pagdudura niya. Hindi na niya ginawa iyon para wala ng masabi pang masama sa kaniya ang nakakainis na lalaking ito. Kasalukuyan siyang nagpapa-apoy gamit ang mga tuyong dahon at sanga na pinulot niya sa di-kalayuan ng kanilang kinapupuwestuhan. Dahil nauumay na siya sa de-latang baong dala ni Yuan ay nanghuli siya ng isda doon sa batis. Hindi naman siya nahirapang gawin iyon dahil sagana sa isda ngayon ang batis. Malaki at malawak ang sapa na iyon. May isang bahagi roon na mab
I COULD kill that little bitch! Inis na inis si Yuan kay Pamela. Napakabaho ng halamang gamot na itinapal nito sa kaniya. Dinikdik pa nito iyon kaya lalong lumabas ang masangsang na amoy niyon. Halos ma-suffocate siya kaya hindi niya magawang isara ang zipper ng tent niya. Hinayaan na lamang niyang nakabukas iyon because the smell was really nauseating. It was a combination of athlete's foot and wet garbage. May bahagyang bahagyang anghang na amoy at pakiramdam iyon sa kaniyang balat. Habang tumatagal, tila lalong bumabaho ang amoy. Tipong habang natutuyo ang halaman ay lalo iyon nagiging masangsang sa ilong. Gayunman, nang kaniyang silipin ang kaniyang balat sa ilalim ng dahon ay nakita niyang hindi na iyon masyadong namumula kagaya kanina. Epektibo ang mabahong halaman. Samantala, kanina pa niya naririnig ang tawa ni Pamela. Alam niyang nakikita siya nito mula sa puwesto nito. Marahil ay natanaw siya nitong hindi mapakali sa loob ng kaniyang tent. Pikon na pikon na s
HINDI maiwasang hindi maintriga ni Yuan kay Pamela. Isang malaking palaisipan sa kaniya kung bakit ito nagawang palayasin ni Tatay Estong sa bahay ng matanda. At muli niyang inalala ang unang pagkikita nila ni Pamela.Did she really try to sell herself and then backed out the last minute? It was really intriguing. Yes, she was wearing a very unflattering outfit but he was an expert when it came to women’s bodies. Nakasuot ito ng maluwang na T-shirt at pantalong maong na kupasin. Simpleng-simple lamang ang get-up nito. But he knew Pamela had the proper curves where they were needed.Noong lumingon ito sa gawi niya ay mabilis na nagbaling kaagad siya ng tingin sa iba. Ewan ba niya, bigla ay parang nahiya siya dito sakaling mahuhuli siya nitong mataman niyang pinagmamasdan ito. Muli ay naisip niyang kung malalaman lamang ng mga kaibigan niya ang nangyayari sa kaniya sa mga oras na iyon ay malamang na pagtatawanan siya ng mga ito. Tiyak na kuta-kutakot na kantiyaw ang aabutin niya sa mga
NAKAPALIGO at nakapagpalit na ng kaniyang damit si Pamela. Naroon sila ni Yuan sa mismong bahay ng gobernador ng probinsiya nila. May isang silid itong inilaan para sa kaniya. Mayroong mga damit doon na kasya sa kaniya. Halos mag-uumaga na at nakahiga pa rin siya. Katabi ng inookupahan niyang silid ang kinaroroonang silid ni Yuan. Nang makarating sila sa bahay ng gobernador ay asikasung-asikaso sila ng mga kawaksi niyo. Ni sa hinagap niya ay hindi niya akalaing makakatapak siya sa ganoong kagandang bahay nito. Mistula iyong isang mansiyon sa sobrang laki at napakagara. Alam niyang mula sa mayamang pamilya ang naturang gobernador. Minsan lamang niyang nakita ito, noong panahon ng pangangampanya nito noong nakanoong nakaraang eleksiyon. Dala ng sobrang pagod ay nakatulog siya. Isang marahang pagkatok sa pinto ng kaniyang kuwarto ang nakapagpagising sa kaniya. Aandap-andap siyang bumangon para pagbuksan ng pintuan kung sino man iyong kumakatok doon. Isang unipormadong kawa
Pagtingin uli ni Pamela sa sasakyan ay kitang-kita niya kung paanong naitutok ng pulis na kinagat niya kanna ang baril nito kay Yuan. Tumalon ito sa gawi niya. Pinaputukan sila ng pulis. Ang isa pang pulis ay nakahandusay sa likod ng sasakyan. Nakaupo sa lupa na napaatras siya gamit ang mga paa at kamay niya. Tumayong muli si Yuan. Marahil ay napansin nitong tinatangka nang kunin ng pulis na binugbog nito ang baril nito. “Yuan!” Ngunit tila hindi siya nito narinig. Tila ang pakay nito ay ang makuha ang baril ng pulis na binugbog nito. “Yuan, ‘yong isa!” Mabilis siyang tumayo upang hilahin sana ito ngunit hindi na niya naigalaw ang kaniyang kamay nang may maramdamang napakainit na sakit doon. Parang may patpat na plantsang bumaon sa katawan niya. Bumigay ang mga tuhod niya. Nakarinig siya ng putok ng baril. Sinubukan niyang gumalaw uli, umatras uli, ngunit hirap siyang kumilos sa sakit. Nanatili lamang siyang nakahiga sa lupa, wala nang malinaw na paksang tumak
ALAM ni Pamela na palapit na ang motorsiklo base sa tunog niyon. Sa kaniyang pagkataranta ay nadapa siya. Agad naman siyang binuhat ni Yuan. Hindi alintana nito na mabigat siya. Nagpatuloy ito sa pagtakbo habang pasan-pasan siya nito sa balikat nito na animo sako ng uling. Napausal siya ng pasasalamat nang makarating sila sa bandang masukal na. Doon ay ibinaba na siya ni Yuan. “We need to get out of here as quickly as possible.” “Tara na!” Pinagpatuloy nila ang kanilang pagtakbo. Makalipas ang ilang sandali ay hinawakan ni Yuan ang braso niya. “Tama na. Wala na sila.” “Sigurado ka ba?” Akmang pinakinggan nito ang paligid. “Wala nang tunog ng motorsiklo. Pero alam kong susundan nila tayo.” “Diyos ko! Ano ba itong napasok ko?” Mabibilis pa rin ang ginawa nilang paghakbang. Mabuti na lamang at alam niya ang shortcut doon. Medyo matarik din ang kanilang dinaanan hoping na hindi sila matunton ng motorsiklong humahabol sa kanila kanina. Subalit alam n
NAKARINIG ng sipol sina Pamela at Yuan. Halos sabay silang nagkubli paupo sa mga pananim nang di sinasadyang mapatingin sa gawi nila ang isang armadong lalaki. Marahil ay kasamahan ito ng taong narinig nilang sumipol kanina. Makailang saglit ay nakarinig sila nang nagsalita. “Tapos ka na umebak?” Bahagya iyong sinilip ni Pamela sa sobrang kuryosidad na kaniyang nadarama. Ang sumunod na narinig nila ay puro tawanan. Mayamaya ay hinila siyang paupo ni Yuan at sumenyas ito na tumahimik siya na siya naman niyang ginawa. Subalit sumenyas rin siya rito upang sabihin na dalawang lalaking armado ang nakita niya. Napakunot-noo si Yuan. Saka pabulong na nagwika. “Kailangan ay makapasok tayo sa bahay na iyon.” Itinuro pa nito ang kinaroroonan ng isang bahay na siyang tinutukoy nito. “Nababaliw ka na ba?” “Ssh.” Ito naman ang nagtangkang sumilip sa direksyon ng dalawang lalaki. Makailang sandali ay muli itong bumalik sa kanilang pinagkukublihan. “Doon sila nagt
“I HAVE been confused many times but this is it. This is it, Pam!” “Anong ‘this is it’?” nagugulumihanang tanong ni Pamela kay Yuan nang balingan niya ito. Nakatingin ito sa isang puno na may mga nakaukit. Napukaw ang kaniyang atensiyon nang mapansin niya ang mga nakaukit sa mga puno—sa bandang ilalim ng mga iyon—na sa unang tingin ay hindi agad mapapansin ng ordinaryong mata dahil nga nasa bandang ilalim ng puno. Base sa pagkakaukit ay sobrang tagal na iyon. Sa malalaking puno ay puro ganoon ang makikita sa bandang ilalim ng mga iyon. Sa unang tingin ay hindi talaga mapapansin ang mga nakaukit na iyon dahil bukod sa parang nakatago sa bandang ilalim ng mga puno ay mukhang wala namang ibig sabihin ang mga iyon, puro lamang tuldok at maiikling guhit ang nakaukit sa bawat puno. Pero mukhang ang mga iyon nga ang hinahanap ni Yuan. “This is the next clue that I have been looking for how many days.” “Ano ba ang ibig sabihin ng mga ‘yan?” usisa niya, dahil wala talaga si
DAMN it! I am trying to seduce her! Hindi na maikaila ni Yuan ang bagay na iyon sa kaniyang sarili. There he was, making his move on the lady. Hindi ito ang tipo ng babaeng pinopormahan niya. Sa katunayan ay napakalayo nito sa ganoon, pero hayun siya. He did not even care that she was not his type per se. As far as he was concerned, he had been longing to kiss this woman for the past days and he could no longer resist the temptation. Mientras tumatagal ay parang lalong nagiging challenge iyon sa kaniya. Bahagyang idinaiti niya ang kaniyng ilong sa buhok ni Pamela at sinamyo iyon. She smelled of the forest. He was already having an erection. Mula nang makita niya ang katawan nito noong minsang naabutan niya itong naliligo sa may batis ay hindi na iyon nawala sa isipan niya. Napanaginipan pa nga niya ito sa dalawang magkasunod na gabi. Ganoon ang eksena, katulad noong makita niya itong naliligo sa may batis. Ang tanging kaibahan lamang, sa halip na takpan nito ang katawan
NABIBIGHANI na yata sa akin ang kolokoy na ito. Gustong mapahagikgik ni Pamela sa naisip niya. Ilang araw na silang paikut-ikot ni Yuan sa bundok na iyon. Sa katunayan ay ubos na ang baon nitong pagkain, maging ang isang kilong bigas na dala niya ay matagal nang said. Ngunit kahit maubos pa ang mga dala nilang pagkain ay hindi sila gugutumin sa dami ng mga pagkain sa paligid. Iyon ang ikalabing-dalawang araw nila sa bundok na iyon. Hindi pa rin niya batid magpahanggang ngayon kung ano ba ang hinahanap nito pero hindi pa nito nakikita iyon. Paborable naman iyon sa kaniya na magtagal pa sila doon sa bundok. Paano ay habang tumatagal sila roon ay lumalaki rin ang perang ibabayad nito sa kaniya. Iyon nga lang, nakakaramdam na siya ng pagkailang rito. May kung anong pader na biglang nabuo sa pagitan nila mula noong umaga may anim na araw na ang nakakalipas. Tahimik siyang naliligo noon sa batis nang bigla na lamang itong dumating. Nakita siya nito nang wala ni anumang saplot sa k
HINDI maiwasang hindi maintriga ni Yuan kay Pamela. Isang malaking palaisipan sa kaniya kung bakit ito nagawang palayasin ni Tatay Estong sa bahay ng matanda. At muli niyang inalala ang unang pagkikita nila ni Pamela.Did she really try to sell herself and then backed out the last minute? It was really intriguing. Yes, she was wearing a very unflattering outfit but he was an expert when it came to women’s bodies. Nakasuot ito ng maluwang na T-shirt at pantalong maong na kupasin. Simpleng-simple lamang ang get-up nito. But he knew Pamela had the proper curves where they were needed.Noong lumingon ito sa gawi niya ay mabilis na nagbaling kaagad siya ng tingin sa iba. Ewan ba niya, bigla ay parang nahiya siya dito sakaling mahuhuli siya nitong mataman niyang pinagmamasdan ito. Muli ay naisip niyang kung malalaman lamang ng mga kaibigan niya ang nangyayari sa kaniya sa mga oras na iyon ay malamang na pagtatawanan siya ng mga ito. Tiyak na kuta-kutakot na kantiyaw ang aabutin niya sa mga
I COULD kill that little bitch! Inis na inis si Yuan kay Pamela. Napakabaho ng halamang gamot na itinapal nito sa kaniya. Dinikdik pa nito iyon kaya lalong lumabas ang masangsang na amoy niyon. Halos ma-suffocate siya kaya hindi niya magawang isara ang zipper ng tent niya. Hinayaan na lamang niyang nakabukas iyon because the smell was really nauseating. It was a combination of athlete's foot and wet garbage. May bahagyang bahagyang anghang na amoy at pakiramdam iyon sa kaniyang balat. Habang tumatagal, tila lalong bumabaho ang amoy. Tipong habang natutuyo ang halaman ay lalo iyon nagiging masangsang sa ilong. Gayunman, nang kaniyang silipin ang kaniyang balat sa ilalim ng dahon ay nakita niyang hindi na iyon masyadong namumula kagaya kanina. Epektibo ang mabahong halaman. Samantala, kanina pa niya naririnig ang tawa ni Pamela. Alam niyang nakikita siya nito mula sa puwesto nito. Marahil ay natanaw siya nitong hindi mapakali sa loob ng kaniyang tent. Pikon na pikon na s