Home / Fantasy / The Painting Who Walks At Night / Chapter 5. “The Resemblance”

Share

Chapter 5. “The Resemblance”

Author: BadReminisce
last update Last Updated: 2021-03-01 11:28:25

Chapter 5. “The Resemblance”

Elyse’ POV

            Kinabukasan ay nagising ako dahil sa pangangalay ng aking leeg. Bumangon na ako at kita ko ang mga nakalatag na kutsilyo at iba pang matulis na gamit sa center table ng aking sala. Dito na rin kasi ako natulog sa sofa dahil hindi ako palagay na matulog sa kwarto ko pagkatapos ng mga nangyari kagabi.

            Niligpit ko ang mga kutsilyo at gunting at saka pumasok sa kwarto ko. Pagpasok ko, napatingin ako agad sa painting. Matagal ko itong pinagmasdan at habang pinagmamasdan ko ito ay naalala ko ang mga nangyari kagabi. Hindi ito panaginip, totoo ito. Totoong buhay ang lalaki sa painting.

            “Hoy, lumabas ka nga diyan!” Sigaw ko sa harap ng painting. Umalingaw-ngaw ang katahimikan sa buong kwarto ko. Napasinghap ako at napangisi. “Ayaw mo lumabas?” Maangas kong sabi nang maalala ko ang mga pagkakataon na nahuhuli ko siya. Tiningnan ko ang painting at napangiti ng pang-asar at saka dali-daling tumakbo papuntang kusina.

            Pagdating sa kusina at binuksan ko ang fridge ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong ubos na ang mga meals na nasa food container na gawa ni Yaya Miding. Napapikit ako dahil sa inis habang naiisip kong nilalantakan ng lalaking nasa painting ang pagkain ko. Kumuha ako ng tinipay at muling bumalik sa kwarto ko.

            Pagbalik sa kwarto ko, hinarap kong muli ang painting at saka tinapat ang hawak kong tinapay. “Oh, sige na labas na, ming-ming…” natatawa kong sabi. “Inubos mo ang pagkain ko!” maktol ko pero ilang minuto na ang nakalipas wala ni isang response na ginawa ang loko-loko. Napabuntong-hininga na lang ako at lumabas na ng kwarto para maghanda ng breakfast.

            Nang nasa kusina ako at kumuha ng tubig sa fridge. Napahinto ako nang may mapansin akong nakalagay sa pinto ng refrigerator. ‘Yong list ng mga kulang o dapat ko nang bilhin ditto sa bahay. Mahaba-haba na ito dahil last two weeks pa ako nag-grocery. Kinuha ko ang list pero muli akong napatingin sa pinto nang refrigerator nang may mapansin pa akong nakadikit. Kinuha ko ito at binasa pero ang mas nakakainis, hindi ko maintindihan ang sulat niya na parang pang grade 1 pupil.

            Kumain ulit ako, inistorbo mo ako kagabi e. Salamat sa masarap na pagkain! :P Siya nga pala, kung aalis ka ng bahay, magdala ka ng panangga sa ulan. :O

            -Yu-jun

            ­“Yu-jun?” tanong ko nang mabasa ko ang pangalan niya. “Yu-jun pala ang pangalan ng matakaw na Koreang hilaw na ‘yon. At paano naman niya nalaman na uulan ngayon?” I said in pissed and then crumpled the piece of sticky note and throw it in the trash bin.

            Nasa dining table na ako habang kumakain ng breakfast at nagchecheck ng email at schedule ko. Today mayroon akong photoshoot sa isang talent agency at mag-go-grocery lang tapos pupunta ako kila Emerald para magawa at matapos ko na yung documentation namin.

            I checked the time and it’s 9:00 in the morning. I started to prepare for work today. Nag-shower na ako at ginawa ang morning routine ko. Pagtapos kong maligo ay pumunta na ako sa kwarto ko para magbihis. Pero akmang huhubarin ko na ang bathtrob nang pumasok sa isip ko at dali-dali kong nilingon sa likod ko ang painting. Kung buhay ang lalaki sa painting, ibig sabihin nakikita niya ang lahat dito sa kwarto ko? Nasapo ko ang noo ko at naalala ang mga oras na nagbibihis ako sa kwarto ko at kung ano pang nakakahiyang bagay ang pinaggagawa ko. Gigil ko namang nilapitan ang painting.

            “Manyak!” Sigaw ko sa harap ng painting at inambahan ng suntok. Kinalma ko ang sarili ko at padabog na lumabas ng kwarto ko nang mabigla ako sa nakita kong pumasok sa unit ko. “Yaya, ang agad mo yata?” bungad ko kay Yaya Miding na kakapasok lang.

            “Anak, maaga talaga akong pumunta para ibigay ito.” Ani Yaya saka pinakita ang isang puting sobre. Nang makita ko ang puting sobre ay naging seryoso ang aking mukha. Sa tuwing aabutan niya ako nito, hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko. Nilibot ko ang buong unit ko. Kung tutuusin, I am nothing and I can’t live like this without his support. Huminga ako ng malalim at kinuha ang sobra na inabot ni Yaya Miding. “Nakita ko kasing mahaba na ang listahan mo ng mga kulang mo rito sa bahay.” May ngiting sabi ni Yaya. Ngumiti rin ako.

            “Oo nga po.” Natatawa kong sabi.

            “Ako na ang mamimili para sayo, anak.” Prisinta ni Yaya. Nginitian ko lang siya at niyakap.

            “Yaya, wag na po, ako na po mamaya. Malaking tulong na po ang ginagawa niyo sa akin.” Sabi ko.

            Nang makapagbihis na ay nag-ayos lang ako ng konti at inayos ang mga gagamitin ko para sa photoshoot. Si Yaya Miding naman ay nag-umpisa nang maglinis. Habang nag-aayos ako sa kwarto ko ay pumasok si Yaya.

            “Anak, bakit maraming mantika sa sahig sa kusina?” naguguluhang tanong ni Yaya Miding na siya namang kinabigla ko sabay tingin sa painting.

            “Ah, nagluto po ako ng isda kagabi Yaya, tapos sobrang tilamsik!” Sabi ko saka tumawa. Napaisip naman si Yaya pero mabuti na lang at hindi na siya nagtanong. Pag-alis ni Yaya, masama kong tiningnan ang painting.

            Nang makapag-ayos na ako. Lumabas na ako ng kwarto at handa na para sa trabaho. Nakasalubong ko pa si Yaya na nasa sala at naglilinis. Nakita ko naman ang mga nakaipon ng mga garbage bag na itatapon na nang maalala ko ang painting. Nilingon ko ang kwarto ko kung nasaan ang painting. Ipapatapon ko ba? Mabigat ang painting na ‘yon. Ako na lang mamaya.

            Nagpaalam na ako kay Yaya Miding at lumabas nan g unit ko nang saktong paglabas ko ay siya ring labas ni Arkin sa unit niya.

            “Good morning.” Nakangiting bati niya sa akin. I smiled back and greeted him.

            “Good morning, san ka?” tanong ko.

            “Ah, pupunta lang kay Dad.” Sabi niya. Napatango-tango naman ako at nakita ko namang tiningnan niya ang mga dala ko. “Ikaw?” tanong niya.

            “Ah, work.” Maikling sagot ko. Nakita ko namang namangha siya sa sinabi ko.

            “Really? You’re a photographer?” He asked amazingly. I nodded while giving him my awkward smile. “I must check your photo.” Nagtawanan kami. Natigil ang pagtawa ko nang mapansin kong nakatingin siya sa akin ng kakaiba.

            “Bakit?” tanong ko. Tiningnan naman ako ni Arkin na tila ba may nais siyang malaman sa akin.

            “May kasama ka ba sa unit mo Elyse?” tanong niya na pinagtaka ko.

            “Wala.” Mabilis kong sabi nang manlaki ang mga mata ko at naalala ang lalaki sa painting.

            “Kasi kagabi, I was about to close my door in my balcony when I saw someone in your balcony and I thought it was you. I know I saw it. I saw a guy standing in your balcony. Pero hindi ko nakita ang mukha niya dahil madilim na rin.” Paliwanag niya. Natahimik naman ako at tiningnan lang siya. Tiningnan lang din niya ako na parang naghihintay ng sasabihin ko.

            “Ah, baka naman imagination mo lang. Ako lang ang nasa unit ko at minsan naman pumupunta si Yaya Miding para maglinis.” Sabi ko at tumawa na namang ng sobrang nakaka-awkward. Wagi ka na sa ka-awkward-an, Elyse. Sandaling natahimik si Arkin at napaisip pero tumawa na lang din siya.

            “I was worried about you, kasi last time sabi mo you heard something strange and it might be a thief in your unit.” Paliwanag niya. Magnanakaw naman talaga siya, Arkin. Isang Koreanong magnanakaw ng pagkain.

            “Wala naman na akong naramdaman kagabi.” Natatawang sabi ko na lang ulit.

            Pagdating sa ground floor ay nauna na siyang lumabas. Habang palayo siya sinundan ko siya ng tingin at napalingon ako sa mga babae sa front desk na kilig na kilig habang nakatingin kay Arkin palayo. Napailing na lamang ako at natawa. Pero naalala ko ang sinabi niya kanina.

            “I was worried about you…” Napangiti na lang ako. Just like the other girls, I am also like them. Nakatingin lang sa malayo kay Arkin.

Lee Yu-jun’s POV

            Muli akong lumabas ng painting ng gabing iyon. Tiningnan ko ang higaan ng babae ngunit wala siya roon. Lumabas ako ng silid niya at doon nakita ko siyang natutulog sa malambot na upuan. Pero napasinghap ako sa inis nang makita ko ang iba’t ibang matatalim na bagay na nakalagay sa lamesa niya.

            “Ang sama talaga ng ugali, wala naman akong gagawing masama sa kanya!” Inis kong sabi at inambahan pa siya nang mapabuntong-hininga ako at hawakan ang sikmura ko. “Nagugutom pa ako.” Sabi ko at saka naglakad na papunta sa kanyang kusina.

Pagdating sa kusina kumain na ulit ako ng mga pagkain niya. Grabe ang sasarap ng mga pagkain niya. Pagtapos kumain, busog na busog na ako. Paalis na sana ako sa kusina niya nang makita ko ang isang papel na nakasabit sa pinto ng silid ng mga pagkain. Binasa ko ang mga nakasulat at mga listahan ng pagkain at mga gamit sa bahay.

Napatingin naman ako sa nakalagay sa mesa sa kusina at doon ko nakita ang isang may kulay na papel at isang panulat. Kinuha ko ito at nagsulat saka ito dinikit sa pinto ng silid ng mga pagkain at bumalik na ako sa kwarto niya. Pabalik nasa ako sa larawan nang makaramdam ulit ako ng lamig ng simoy ng galing at muli ay nakita kong nakabukas ang malaking pinto. Nagtungo ako rito at lumabas pa sandali. Malamig ang simoy ng hangin. Napatingala ako sa kalangitan at nakita kong walang mga bituin.

“Uulan…” mahina kong nasabi.

Elyse’ POV

            “Thank you for a great job, Ms. Elyse. You’re really good!” Manghang bati sa akin ng talent manager habang nag-pa-pack up na ako ng mga gamit ko. Ngumiti naman ako.

            “You’re welcome po. I’m glad you like my work.” Sabi ko.

            “Hay nako, super! One more thing, Ms. Elyse I think you are really qualified to be a model.” Dagdag pa ng talent manager. Ngumiti lang ako pero deep-inside, I am really sick and tired for all of these compliment. “You are beautiful, why don’t you try to become a model?”

            “Naku, thank you na lang po. But I am not confident like everyone. Okay na ako sa behind the scenes ng mga model.”  Natatawa kong sabi.

            “Aww, sayang naman. Osige, salamat ah. Thank you again for your good work!” Sabi pa niya bago umalis.

            Pinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng mga gamit ko. Habang nag-aayos, naalala ko kung ilang beses na bang may nag-offer sa akin na maging model? Hindi lang model kundi maging endorser pa at maging artista. But I need to decline all of those offer because again of him. Kailangan ko raw umiwas sa mga bagay na mag-eexpose sa akin sa mga tao. Pero ang kanilang magaling na anak ay nagagawa ang mga bagay na ‘yon. Dahil hindi naman siya nakatago, ako nakatago.

            Pagtapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nilagay ko na sa sasakyan ko ang mga ito. And now, pupunta na lang ako kila Emerald to finish our project. Nang isara ko ang kotse, tiningnan ko rin ang kabuuhan nito. Even this car was from him. Pagdating kila Emerald, naabutan ko rin na nandoon ang Mama niya.

            “Hello, Ma’am Elyse!” bungad sa akin ni Tita.

            “Tita naman, may “Ma’am” pa?” Natatawa kong sabi saka nagmano sa kanya.

            “Pasensya na, alam mo naman nasanay na ako noong nasa mansyon pa ako.” Sabi ng Mama ni Emerald. “Oh, pinagluto ko kayo ah, sabi kasi ni Eme pupunta ka raw.”

            “Opo, Tita namiss ko na rin po kasi kayo at saka si—“

            “Ate Elyse!” sigaw ng isang batang lalaki.

            “Speaking of the kulit.” Natatawang sabi ko. “Oh, Onyx!” salubong ko sa kanya saka ginawa ang signature handshake namin saka nagtawanan. Si Onyx ang bunsong kapatid ni Emerald na nasa 10 years old pa lang.

            “Wala kang pasalubong?” nakangiti at masiglang sabi ni Onyx.

            “Hoy, kolokoy!” Bigla namang dating ni Emerald saka kinotongan si Onyx. “Pasalubong na naman agad bungad m okay Elyse!” saway niya sa kapatid. Natawa naman ako dahil palagi silang ganyan at namimiss kong makita ang ganito.

            “Ano ka ba, okay lang besh!” Sabi ko kay Emerald at saka nilabas ang pasalubong kay Onyx. “Here’s my pasalubong!” Sabi ko saka inabot sa kanya ang dala kong plastic bag ng chocolate na kinuha ko sa fridge kanina. Tuwang-tuwa naman siya at dali-daling kinuha ang chocolates.

            “Thank you, Ate Elyse! Sana ikaw na lang Ate ko.” Sabi pa niya sabay belat kay Emerald. Akma namang babatukan siya ni Emerald nang tumakbo na si Onyx.

            “Brush your teeth, Onyx ah!” Sigaw ko kay Onyx pero hindi na yata ako narinig.

            Pumunta na kami ni Emerald sa kwarto niya. Nang pagpasok ko ay agad niyang kinuha ang remote ng TV at bumulagta sa kama niya.

            “Besh, wait lang ah. Tatapusin ko lang ‘tong pinapanuod ko, besh!” Kinikilig na sabi ni Emerald. Napakunot naman ako ng noo at nagtaka. Nag-indian sit naman ako sa kama niya at kumuha ng throw pillow at niyakap.

            “Ano namang pinapanuod mo?” Tanong ko. Emerald play the series that she’s watching and I was shocked when it is a Korean drama specifically, a historical Korean drama. “Anong title niyan, besh?” tanong ko.

            “Moonlight drawn by clouds, besh! Jusko ang pogi ni Park Bo Gum!” Kinikilig na sabi ni Emerald habang nanunuod. Nanuod na rin ako at habang nanunuod, bigla kong naalala ang lalaki kagabi sa painting. Parehong-pareho ang suot niya sa lalaking nasa drama at pansin ko namang iba ang suot ng ibang character sa palabas.

            “Besh, bakit kakaiba ang suot nong bida sa ibang character?” tanong ko.

            “Besh, syempre siya ‘yong crown prince! Ang pogi niya no?” sagot ni Emerald. Inalala ko naman ang hitsura ng lalaki sa painting kagabi at pinagmasdan ang suot ng lalaki sa pinapanuod ni Emerald. Magkaparehas.

            Bigla ring sumagi sa isip ko ang hitsura ng mukha ng lalaki sa painting noong bumagsak kami sa kama at pumaibabaw ako sa kanya. I can’t deny that guy is good looking. His thick eye brows make him manlier. I also find his nose and his eyes so captivating. At ang tangkad pa niya. Kung makikita siguro ni Emerald ang lalaking ‘yon baka bigla na lang niya itong  pakasalan.

            Pasado ala-singko na ng hapon nang matapos kami ni Emerald sa project namin. Pauwi na rin ako sa condo pero kailangan ko pang dumaan pala ng grocery para bilhin ang mga kulang sa bahay. Pagdating sa mall, binili ko na ang mga nakalista para sa bahay. Nang mapahinto ako nang mapadaan ako sa pastry section dahil nakita ko ang slice bread. For some reason, bigla kong naalala ang matakaw na lalaki sa painting at binili ang tinapay. Pagtapos kong mag-grocery ay bumiyahe na ako pabalik ng unit. Pagpark ko ng kotse ko, napatingin ako sa likod ng kotse ko nang may bigla akong narinig na kalampag. Lumabas ako ng kotse ko para tingnan at doon ko nakita sila.

            “Hello, sister.”

Related chapters

  • The Painting Who Walks At Night   Chapter 6. “Thank you for saving me”

    Chapter 6. “Thank you for saving me”Elyse’ POV “Hello, sister.” Bati sa akin ni Venice habang maangas na nakangiti at nakataas ang kilay. “I told you, we’re not over yet.” Seryoso ko siyang tiningnan at ang mga kasama niyang lalaki na tumatawa habang nakatingin sa akin. Natakot ako at nanlaki ang mga mata nang makita ko ang mga hawak nilang maso at martilyo. Ito na nga ba ang sinasabi ko, I know Venice will do this after what I did to her. This is her revenge. Hindi ako nagsalita at tiningnan lang sila ng seryoso. Hindi rin naman ako makakahingi ng tulong dito sa parking dahil wala gaanong tao. I should prepare myself for this. I didn’t expect na ngayon sila at

    Last Updated : 2021-03-01
  • The Painting Who Walks At Night   Chapter 7. “Dealing and Teasing with the Prince”

    Chapter 7. “Dealing and Teasing with the Prince”Elyse’ POV Pasado alas-onse na ng gabi nang umakyat ako sa rooftop ng condo. Nakamasid lang ako sa buong syudad habang nilalasap ang malamig na simoy ng hangin. Nakasanayan ko na, na kapag may malalim akong iisipin o hindi naman kaya hindi ko na kayang magtago ng nararamdaman ay pumupunta ako dito sa rooftop. Habang pinagmamasdan ang nagkikislapang mga ilaw mula sa iba’t ibang gusali at sasakyan, muli ay sumagi sa isip ko ang mga nangyari kanina. Noong dumating si Venice at sirain niya ang sasakyan ko. Noong dumating si Yu-jun para iligtas ako kay Venice. Sa mga nangyaring ‘yon, muli kong naaalala ang malungkot na kahapon. Kung paano kami ipagtabuyan. Kung paano nagmakaawa si Mommy sa kanya. At kung paano niya

    Last Updated : 2021-03-01
  • The Painting Who Walks At Night   Chapter 8. “Prince in Shining Armor”

    Chapter 8. “Prince in Shining Armor”Elyse’ POV Habang nasa biyahe kami para akong may kasamang batang bagong silang sa mundo. Panay ang silip at dungaw niya sa bintana ng taxi. Napapapikit na lamang ako dahil hiya at inis sa kanya. Nakita ko namang panay ang tingin ni Manong Driver sa kanya at saway na huwag ilabas ang ulo niya sa bintana ng taxi. “Saang probinsya ba galing ‘yang nobyo mo hija.” Halata ang pagkadismaya sa boses ni Manong. “Pasensya na po—“ hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mapagtanto ko ang sinabi niya. “Hindi ko po siya boyfriend.” Sabi ko kay Manong. Tumawa lang si Manong at umiling-iling.Sinamaan ko n

    Last Updated : 2021-03-01
  • The Painting Who Walks At Night   Chapter 9. “Searching for you”

    Chapter 9. “Searching for you”Venice’ POV Sinagad na talaga ni Elyse ang pasensya ko. From that worker in the cafeteria, at nang bugbugin niya ang mga kaibigan ko dahil sa cheap niyang car, and now in my party. Aside from that, Dad is really mad at me because of that damn viral video. She’s really getting into my nerves! I gave these two stupid a dark glare.“What the hell did you do there Edward and Adrian?” I shouted from the top of my lungs. “Nothing, we are just giving Elyse a threat.” Edward answered. “He’s right and then out of nowhere that freak long-haired guy punched him.” Adrian added. I sighed as I heard their expla

    Last Updated : 2021-03-01
  • The Painting Who Walks At Night   Chapter 10. “You’re not alone”

    Chapter 10. “You’re not alone”Elyse’ POV Pauwi na kami ni Arkin sa condo. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Nakapaling ako sa bintana ng sasakyan niya at tulala lang. Nakatingin ako sa papalubog ng araw. And when the sun is about to set, is the chance of Yu-jun to went out of that painting. I am sure that when I got home, he is alrealy out of the painting. At hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na ang hinahanap niya at tuluyan na niyang hindi na makikita pa. Dumaan din kami ni Arkin sa cemetery kung saan nilibing si Elizabeth. Habang nakatingin sa paglubog ng araw ay naalala ko ang sinabi ni Kuya Guard kanina. “Wala na si Ms. Elizabeth, namatay siya noong huwebes at inilibing kahapon lang.”Malungkot na sabi ni Kuya G

    Last Updated : 2021-03-01
  • The Painting Who Walks At Night   Chapter 11. “Living with the Prince”

    Chapter 11. “Living with the Prince”Elyse’ POV Ilang raw na ang nakalipas matapos malaman ni Yu-jun ang nangyari kay Elizabeth. Ilang araw na rin siyang hindi ko nakikitang lumabas ng painting. Tuwing gabi naman pagkatapos kong kumain ng dinner ay nag-iiwan ako ng pagkain niya sa dining table para kung sakaling lumabas siya ng painting para kumain ay may makakain siya. Pero hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, pero nag-aalala ako sa kanya. Tanda ko pa ang mga nangyari noong gabing ‘yon. “You’re not alone, Yu-jun. I am still here. Please, be with me.” Sabi ko sa kanya habang taimtim na nakatitig sa kanyang mga mata. Kita ko pa rin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata at ang labis na kalungkutan

    Last Updated : 2021-06-17
  • The Painting Who Walks At Night   Chapter 12. “Heart to Heart”

    Chapter 12. “Heart to Heart”Elyse’ POV“May gusto ka ba sa lalaking ‘yon?” Tanong niya na kinabigla ko. Natulala ako at hindi makapaniwala sa tanong niya.“Ano?” inis kong tanong sa kanya at malakas na hinatak ang kamay ko. “Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong kumain.” Sigaw ko sa kanya padabog na naglakad palabas ng kwarto. Paglabas ko ng kwarto, napahinto ako at napahawak sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko saka nagtungo na pabalik sa dining.Pagbalik ko, ngumiti ako sa naghihintay na si Arkin sa mesa. Naupo na ako at nagsandok ng pagkain sa plato ko.“’Yong assistant mo? Hindi ba siya sasabay sa atin?” Tumigil ako sa pagsandok ng pagkain ko at tiningnan si Arkin. I took a deep-breath and glance at the hallway going to my room.“Hindi pa raw siya gutom.” Sagot ko sa kanya.K

    Last Updated : 2021-06-17
  • The Painting Who Walks At Night   Chapter 13. “I like You”

    Chapter 13. “I like You”Lee Yu-jun’s POV Gabi matapos akong ilagay ni Soo-hyun sa larawan. Tahimik ang buong paligid at amoy mo ang mga nasunog na kahoy ng mga bahay. Umuusok pa ang ilang lugar dahil sa naganap na pananakop ng mga kalaban. Makikita mo sa paligid ang mga nakatarik na pana at mga espada. Wala akong makitang tao. Wala ni isa. Naglakad pa ako para hanapin si Soo-hyun at si Suk-jeong. Kailangan kong pumunta sa mahal na hari at hanapin ang aking ina. Tuluyan na bang nasakop ang palasyo? Ang aking ama at mahal na reyna? Nasaan sila. Huminto ako sa paglalakad at nanlaki ang mga mata nang makita ko ang maraming bangkay sa harap ng tahanan ng aking amang hari. Nanginig ang aking mga kamay at nangatog ang tuhod sa nakita ko. Tiningnan

    Last Updated : 2021-06-17

Latest chapter

  • The Painting Who Walks At Night   Chapter 50. "Forever with my Prince"

    Chapter 50. "Forever with my Prince"Elyse’ POV"We are now live to interview one of the trending issues about her and her famous father politician. Please welcome, Ms. Elyse Anne Villasis-Montes." nagpalakpakan ang mga tao at naglakad ako palapit sa hoset. "Welcome to the show." bati sa akin ng host ng isang sikat na TV show."Hello po." balik kong bati habang masaya at masiglang nakangiti saka naupo."Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, Elyse totoo bang ikaw ay anak sa labas in Gov. Montes other woman?" direktang tanong sa akin ng host. I didn't expect her to be this straightforward. I smile as I turn my eyes on them, nandoon sila sa audience, kasama ko at pinapanuod ako.I took a deep breath and smile sincerly as I turn my eyes back to the host"Yes, but there is a reason why my father hide the truth." sagot ko at tumingin sa camera. "Just like how he run this amazing province, he did tha

  • The Painting Who Walks At Night   Chapter 49. "Losing you…my Prince"

    Chapter 49. "Losing you…my Prince"Elyse’ POV"Hindi! Yu-jun!" malakas kong sigaw nang bumuhos ang ulan at mabasa si Yu-jun. Hindi maaari, mabubura siya!Malakas na humalakhak si Arkin habang naliligo sa ulan at pinapanuod si Yu-jun. Masama siyang tiningnan ni Yu-jun. Napatingin naman ako sa mga makukulay na pumapatak galing kay Yu-jun na parang pintura.Napaluhod si Yu-jun dahil unti-unti na siyang nalulusaw ngunit matalim pa rin ang tingin niya kay Arkin na walang tigil pa rin sa pagtawa habang ako ay lumuluhang nakatingin kay Yu-jun at kinakalag ang pagkakatali ko."Totoo nga! Ulan lang ang makakapaslang sayo!" galak na galak na sabi ni Arkin.Tiningnan ko si Yu-jun at nahihirapan na siya. Unti-unti na siyang nabubura. Unti-unti na siyang nawawala."Ayos nang mawala ako dahil sa sumpa ng larawan, huwag lang matapos ang aking buhay sa iyong mga walang kasing samang mga kamay."

  • The Painting Who Walks At Night   Chapter 48. "This will be the end"

    Chapter 48. "This will be the end"Arkin’s POV"I need it now, Dad! Do something!" sigaw ko sa kabilang linya.I am holding the wheel while having a conversation with Dad. I ask him if they can do the generation right now to make a damn rain. Kainis! That damn Yu-jun escaped!"It is not that easy, Arkin! What is the hell are you planning to do?" sigaw din niya sa kabilang linya."I said do something!" I drive faster as I could to find Yu-jun. I actually don't know where to go. I am really pissed off!"Tell me, what is your plan first?" muling sigaw ni Dad.I smirked. "Kapag wala kang ginawa, Dad. I am telling you; I will spill everything you planned about Montes." Banta ko. I heard him sighed."What?""Just do what I am asking, Dad." Utos ko."Fine! Fine! I'll ask them!" he shouted. Napangisi ako sa pagpayag niya.As I was driving, I saw a familiar face

  • The Painting Who Walks At Night   Chapter 47. "Destined to meet and to be apart"

    Chapter 47. "Destined to meet and to be apart"Elyse’ POV"You know what? When I see that guy, I promised that he will experience madness!" inis na sabi ni Venice. It's been I don't know how mang days had past and until now, I don't know where to find Yu-jun.Venice is in the home now but she still needs medical assistance to fully recover. May dalawang nurse na nag-aalaga sa kanya. Actually, dapat nasa hospital pa siya but she insisted to be home."Will you please stop thinking about him, kapag iniwan ka, edi iniwan ka." dagdag pa niya at halata nang iritable. Narito kami sa veranda and she is sitting in her wheel chair. Hinarap ko siya nang salubong ang kilay."Hindi ba dapat kapag umalis, hanapin? Kapag iniwan, habulin?" pagtatama ko. She raised her brows and rolled her eyes on me."That's what stupid people are doing. Bakit mo hahanapin ang isang taong ayaw ngang magpakita sayo? He left period. Hindi niya sinabi na

  • The Painting Who Walks At Night   Chapter 46. "Don’t want to go back"

    Chapter 46. "Don’t want to go back"Lee Yu-jun’s POVKanina pa ako naglalakad habang tulala. Kanina ko pa rin pansin ang tinginan ng mga taong nakakakita sa akin at kanina ko pa rin iniisip ang huling pag-uusap namin ni Elyse. Galit siya sa akin at ayaw na niya akong makita. Tama naman siya, kasalanan ko ito. Ako ang pakay at nais na kitilin ni Arkin ngunit nadamay pa iyong salbaheng babae. Kaya galit na galit sa akin si Elyse."Sabi ko umalis ka na! Umalis ka na, ayoko nang madamay pa sa gulo niyo ni Arkin o ng Suk-jeong na 'yon. Umalis ka na, iwan mo na ako.""Elyse..." malungkot kong sambit sa kanyang pangalan at napatingala sa kalangitan.Habang nakatingala sa kalangitan ay mas nalungkot ako dahil sa dami ng nagkikislapang bituin. Ang dapat ay maging masaya ako dahil maganda ang mga bituin at ibig sabihin din nito na magiging maganda ang araw ngunit malungkot ako. Batid ko ang sakit at kiro

  • The Painting Who Walks At Night   Chapter 45. "What your heart says"

    Chapter 45. "What your heart says"Elyse’ POV"Venice!" malakas kong sigaw habang tulala at hindi makapaniwala sa nakikita ko. Ramdam ang mainit na luhang umaagos sa pisngi ko.Nabitawan ko ang hawak kong canvass at tumakbo papunta kay Venice."Venice, no...please no." humahagulgol kong sabi habang hagkan si Venice na nakahiga sa hita ko. Tinakpan ko naman ng palad ko ang tama ng baril sa bandang gilid ng kanyang tiyan upang pigilan ang pag-agos ng dugo."Suk-jeong!" malakas na sigaw ni Yu-jun saka sinugod si Arkin.Nanginginig ang kamay ko habang umiiyak at kita ang dugo. When I see the blood dripping from Venice and in my hands, the memories of the accident with my mother suddenly flash in my head. Iyong panahon na tulala ako kay Mama habang bukas ang kanyang mata at tumutulo ang maraming dugo mula sa kanyang ulo habang ako ay umiiyak lang at sumisigaw ng Mama.Nanginginig man ang aki

  • The Painting Who Walks At Night   Chapter 44. "We need to save Him"

    Chapter 44. "We need to save Him"Arkin’s POV"What are you going to do with that, son?" inis at takang tanong ni Dad. As I search the weather forecast today, there is less possibility of rain! And I need a damn rain now!"Just do my request, Dad." mariin kong sabi kay Dad. "Bayad na lang din sa mga ginawa ko para sa inyo.""Okay, son. I'll make a way." sabi ni Dad.Hindi na ako nagtagal pa sa study room niya at dali-daling lumabas. What I have requested is if he can request the weather department to generate a rain clouds now.Hindi na nahanap ng mga kawal kong anino sila Yu-jun at Elyse. Hindi ko rin alam kung paano sila nakatakas. Bigla na lang naglaho silang dalawa kanina.Pumasok na ako sa kotse ko pero napatigil ako nang makita ko siya. Ano naman ang kailangan nito? Hindi ko na sana siya papansinin pero humarang siya sa daanan ko. Inis ko siyang tiningnan at lumabas ako ng kotse k

  • The Painting Who Walks At Night   Chapter 43. "Escape from the Shadows"

    Chapter 43. "Escape from the Shadows"Elyse’ POVNagising ako na nakabusal ang bibig at nakatali ang kamay ko mula sa likod. Nilibot ko ng tingin ang buong lugar. Nasa isa akong kwarto, kwarto ni Arkin. Ngunit ang mas kinabigla ko ay ng makita ko ang painting ni Yu-jun na puno ng kadenang nakabalot."Yu-jun!" Sinubukan kong sumigaw ngunit hindi ko magawa dahil nakabusal ang aking bibig. Bigla namang lumabas ang mukha ni Yu-jun sa painting."Elyse!" tawag niya sa akin. Hindi ko mapigilan na umiyak nang makita ko ang mukha niya. "Elyse, huwag kang umiiyak, gagawa ako ng paraan upang makalabas dito. Ililigtas kita." aniya.Subukan ko mang kumalma pero paano ko gagawin? Nakatali ako dito at hindi alam kung ano ang gagawin. Bakit ba nagagawa ni Arkin ang mga ganitong bagay? At ano ba ang plano niyang gawin?Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at doon ay pumasok na si Arkin hawak ang is

  • The Painting Who Walks At Night   Chapter 42. "A Father’s Wept"

    Chapter 42. "A Father’s Wept"Elyse’ POV"Po?" hindi makapaniwalang tanong. Huminga siya ng malalim at napaiwas ng tingin sa akin."Ang Mommy mo ang una kong naging kasintahan at ang tanging babaeng minahal ko." sabi niya at muling huminga ng malalim. I saw his sincerity and compassion with his voice and his face."But I was so scared and coward." pagpapatuloy niya. "I was just starting my career that time as a Mayor of this province and Veronica's family and my family agreed for an arrange marriage. At first, tumanggi ako, pero nagalit noon ang Lolo mo sa akin dahilan para atakihin pa siya sa puso. I was so scared and guilty so I obeyed ans accept your grandfather proposal and married Veronica."Hindi ko alam ang kwento ng buhay nilang tatlo. Mon didn't even told me about this maybe because I was still a child that time."Then, your Lola in your Mommy's side went to our house. Nag

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status