Chapter 4. “The Man in the Painting”
Lee Yu-Jun’s POV
Kasabay ng paglubog ng araw ay siya namang kasiyahan sa akin dahil nagkakaroon ako ng oras upang kumawala sa mala-kulungan na ipinintang larawan na ito. Tanda ko pa rin ang pangyayari sa nakaraan kung bakit ako nakulong sa larawang ito.
“Suk-jeong, hindi! Wag mo akong iiwan!” Sigaw ko sa aking tagapag-bantay. Hingal na hingal kami sa pagtakbo upang makatakas sa mga nais kumitil sa akin.
“Kamahalan, kailangan niyo pong mabuhay. Kailangan niyong makatakas!” Sagot niya sa akin. “Soo-hyun, dali na samahan mo ang kamahalan. Magtago na kayo, ako ang haharap sa mga kalaban.”
Hinawakan ako sa braso ni Soo-hyun. “Kamahalan, kailangan na po nating magtago.” Sabi sa akin ni Soo-hyun. Hindi ko man gustong iwan si Suk-jeong pero sumama ako kay Soo-hyun para magtago.
Nagtungo kami ni Soo-hyun sa isang tagong-kwarto sa palasyo. Tambakan ito ng mga kagamitan na ginagamit sa tuwing may pagdiriwang sa palasyo. Habang nagtatago kami ni Soo-hyun ay narinig namin ang pagdating ng mga kalaban.
“Wala po sila rito.” Rinig kong sabi ng isa sa kanila. Malalim ang paghinga namin ni Soo-hyun at tahimik lamang habang magkatitigan. Kita ko ang labis na takot sa kanyang mga mata.
“Sunugin ang buong lugar.” Nanlaki ang mga mata ni Soo-hyun nang marinig namin ang utos ng mas nakakataas. At sa isang iglap lang ay sumilab ang apoy sa paligid ng kwarto. Nataranta ako nang makita ang mabilis na pagsilab ng apoy. Ngunit napahinto ako at napatingin kay Soo-hyun nang hawakan niya ang aking kamay.
“Kamahalan, alam niyo po kung gaano kalaki ang utang na loob ko sa inyo. Kayo po ang dahilan kung bakit po ako nabubuhay ngayon. At handa akong ibuwis ang aking buhay maprotektahan lang kayo.” Aniya na pinagtaka ko. At doon kinuha niya ang isang larawan.
Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita nang magsalita si Soo-hyun ng isang dasal kasabay nito ay naglabas ito ng kakaibang liwanag sa kanyang kamay. Hinaplos niya ang kanyang kamay sa aking noo pababa sa aking pisngi. Pagkatapos ay malakas niya akong tinulak patungo sa larawan siya ring humigop sa akin paloob sa larawan.
Ilang daang taon na rin akong nabubuhay mula sa larawang ito. Ilang museo na rin ang pinaglipatan ko sa aking bansa. At tuwing lulubog ang araw ay nakakalabas ako sa larawang ito at sa muling pagsapit ng araw ay muli akong babalik dito.
Sa pagtagal ng panahon na lumalabas ako sa larawan na ito tuwing gabi ay walang nakakakita sa akin sa museo. Hanggang isang gabi, paglabas ko sa larawan ay wala na ako sa museo. Nasa isang hindi ko alam na lugar ako, at doon ko nakilala si Elizabeth. Isang pintor na bumili sa aking larawan nang isubasta ang larawan ko at napag-alam ko ring wala na ako sa aking bansa.
Noong una ay hindi siya makapaniwala nang makita niya akong lumabas sa larawan ngunit sa pagtagal ng panahon ay nakilala niya ako at naging maayos at matagal ang aming pagsasama. May mga nalaman din ako noong nakilala ko si Elizabeth. Hindi ako maaaring mabasa ng ulan. Iyon lang ang isang bagay na hindi ko maaaring hawakan, ang tubig ulan. Dahil kapag hinawakan ko ito ay mabubura ako sa larawan at kapag nabura ang aking kabuuhan ay maaaring ito ang magiging sanhi ng aking kamatayan. Tinuruan din ako ni Elizabeth na magsalita ng kanilang wika.
Ang akala ko noon ay pamhabang-buhay ko nang makakasama si Elizabeth, ngunit dumating ang oras na palagi siyang nagkakasakit at labas-balik sa ospital. Hanggang isang gabi, paglabas ko sa larawang ito ay hindi ko na siya makita at nasa isang hindi ko na namang alam na lugar ako naroon.
Nilibot ko ng tingin ang kabuuhan ng lugar. Hindi ito ang tirahan ni Elizabeth. Napansin ko naman ang isang babaeng nakahiga sa higaan at natutulog. Agad na gumuhit sa aking labi ang isang masayang ngiti at nilapitan ang babae ngunit mabilis ding naglaho ang ngiting iyon nang makita kong hindi si Elizabeth ang babaeng natutulog.
“Elizabeth…” malungkot kong sambit sa kanyang pangalan.
Nilibot ko pa ang ibang parte ng tirahang ito. Mas maliit ito kumpara sa tirahan nila Elizabeth. Tahimik ang buong lugar hanggang sa gumawa ng ingay ang aking tiyan. Napabuntong-hininga ako. Hindi pa ako kumakain buong araw. Hinanap ko ang kusina sa bahay na ito at namangha ako nang makita ko ang silid ng pagkain. Punong-puno ito ng maraming pagkain. Hindi na ako naghintay pa at agad na kumain.
Pagkatapos noon ay bumalik ako sa kwarto habang hawak ang isang hati ng tinapay. Babalik na sana ako sa larawan nang bigla akong makaramdam ng lamig. Napatingin ako kung saan nanggagaling ang hangin at nakita kong nakabukas ang malaking pinto. Nagtungo ako rito at halos malula ako sa taas ng kinaroroonan ng tirahang ito. Kitang-kita mo rin ang kabuuhan ng siyudad at ang mga kumikislap na ilaw ng mga nagtataasang gusali at mga ilaw ng sasakyan. Nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin.
Nagpasya na akong bumalik sa loob ngunit nang babalik na sana ako sa larawan at nataranta ako nang biglang gumalaw ang babaeng natutulog kaya naman natisod pa ako sa isang bagay at naramdaman ang sakit ng aking hinliliit sa paa na gumawa ng ingay. Mabuti na lamang at kagat-kagat ko ang tinapay kaya napigilan ko ang sumigaw. Tiningnan ko ang babae at pabangon na ito. Nanlaki ang aking mga mata at naihulog ang kagat na tinapay saka mabilis na bumalik sa larawan.
“S-sino ka?” halos mapako ang aking katawan sa kinauupuan ko nang makita ko ang isang hindi ko kilalang babae na nasa harap ko habang hawak ang isang gitara at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Bigla kong nailuwa ang kinakain kong tinapay at napaiwas ng tingin sa babae. “Sumagot ka! Sino ka!” Malakas niyang sigaw.
Itinaas ko ang aking dalawang palad at tinakpan ang aking mukha. “Meow…meow…pusa ako…meow…” pang-gagaya ko sa tunog ng pusa. “maniwala ka pusa ako, meow.”
“What?” rinig kong inis na sabi ng babae. “Tatawag na ako ng pulis.” Napapitlag ako sa sinabi niya. Kung hindi ako maaaring magkamali ang pulis ay parang gwardiya sa palasyo na dumadakip sa mga taong lumabag sa batas.
“Sandali.” Pagpigil ko sa babae at tumayo.
“Sino ka? Bakit ka nasa bahay ko! At saka ano ‘yang suot mo!?” Sunod-sunod na sigaw ng babae. Napatakip ako ng tainga at napapikit sa sinabi niya. Nakakainis naman ang isang ito. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Pwede wag mo akong sigawan?” Inis kong tugon sa babae. At nakita ko ang nakabukas na bote ng mantika. Napasinghap ako sa inis at saka siya tiningnan. “Ikaw ba ang nagkalat ng mantika rito?” Maangas kong tanong sa babae. Kita ko naman kung paano siya magtaka sa mga sinasabi ko.
“Sandali, at sino ka para tanungin ako sa sarili kong pamamahay?” sagot ng babae. Napaurong ako sa sinabi niya. Humalukipkip ako at hinarap siya.
“Oo na, aalis na po.” Sabi ko at inikutan siya ng mata at naglakad pabalik sa silid niya. Narinig ko pang hinabol niya ako.
“Sandali!” Tawag niya akin. Nilingon ko siya habang nakataas ang isang kilay. “Bakit diyan ka papunta sa kwarto ko?” naguguluhan niyang tanong.
Taimtim ko siyang tiningnan at marahang nilapitan. “Gusto mong makita?” sabi ko at pang-asar na ngumiti sa kanya at saka siya tinalikuran at nagpatuloy sa pagtungo sa kanyang silid.
Pagdating sa kanyang silid, huminto ako sa harap ng larawan. Muli ko siyang tiningnan at bakas pa rin ang labis na pagtataka at pagkagulo sa kanyang mukha.
“Ikaw?” Narinig kong sinabi niya. Napangisi na lamang ako at saka muling bumalik sa larawan.
Elyse’ POV
Nakaupo ako sa aking kama habang malalim na iniisip ang mga nakita ko kanina. Kinakabahan ako pero hindi naman ako natatakot. I can’t believe it. Did the guy just go inside the painting? Am I dreaming? Tama! Panaginip! Panaginip lang ito. Muli akong napatingin sa painting at naroon na muli ang lalaki. Inisip kong muli ang mga nangyari kanina, he is actually real. Nagsalita siya at sumagot sa akin. Naglakad siya at biglang pumasok sa painting. How could he do that?
Tiningnan ko ang painting at maigi itong pinagmasdan. May sumpa ba ang painting na ito? O baka naman siya ang artist nito at namatay kaya siguro multo siya sa loob ng painting?
“Tama!” sigaw ko at saka lumabas sa kwarto ko at naghanap ng kandila. Habang hinahanap ko ang kadila sa drawer, napatingin ako sa orasan at mag-aalas-dos na ng madaling araw. Pagkakuha ko sa kandila ay sinindihan ko ito at tinitik sa tapat ng painting.
“Lord, please give him a peaceful journey—“ Hindi ko pa natapos ang aking dasal nang mapadilat ako at napasigaw nang makita ko ang lalaki na nakalabas ang kalahati ng katawan sa painting at masamang nakatingin sa akin. “Multo!” sigaw ko at saka napalayo sa kanya.
Ngayon at kitang-kita ko ang paglabas niya sa painting. Nang tuluyang makalabas ang buo niyang katawan sa painting at padabog niyang hinipan ang kandila at muli akong tininang ng masama.
“Hindi pa ako patay!” inis na inis niyang sigaw sa akin napapasinghap pa ito ng ilang beses habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. “Kakaiba ka sa kanya.” Aniya.
Umayos naman ako ng tayo at dahan-dahan siyang nilapitan. Kung tama ang nasa isip ko, kung multo siya dapat ay hindi ko siya nahahawakan. Nang makalapit ako sa kanya ay dahan-dahan kong nilapit ang kamay ko sa braso niya at saka ito hinawakan. Nanlaki ang mga mata ko at napabuntong-hininga nang mahawakan ko siya.
“Ano ba! Bitawan mo ko!” suplado niyang sabi sakay alis ng kamay ko sa braso niya. Tiningnan ko naman ang mukha ng lalaki. Bakas ang pagkainis sa kanyang mukha.
“Bakit mukhang ikaw pa ang inis dyan? Ngayon kung hindi ka multo? You’re still a stranger!” Napakunot ang noo niya.
“Anong lingwahe yan?” tanong niya. Pero hindi ko siya pinansin. Naglakad ako paikot sa kanya at tinitingnan ko ang suot niyang damit. Pagtapos non ay muli ko siyang tiningnan sa mukha.
“Korean ka?” tanong ko sa kanya. “Magnanakaw na koreano?” dagdag ko pa. Muli na naman siyang napasinghap at naningkit ang kanyang mga mata sa inis.
“Oo, galing akong Korea at hindi ako magnanakaw.” Pagtatama niya.
“But you are stealing my food since—“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maalala ko ang slice ng tinapay na nakita ko kagabi. “Since yesterday! You thief!” sigaw ko.
Nakatingin lang siya sa akin na salubong ang kilay at kunot ang noo.
“Ano?” inis niyang tanong sa akin. Hindi ba siya nakakaintindi ng English?
“Ang sabi ko ninanakaw mo ang pagkain ko! Ano ka pusa!” Sigaw ko ulit sa kanya. Bigla ko namang naalala ang ginawa niya kanina na umarteng pang pusa. “At hindi ka magaling sa pag-arte bilang pusa.” Dagdag ko.
Muli siyang napasinghap at napaiwas ng tingin sa akin. “Binibini, hindi ako masamang tao. May babae lang akong hinahanap.” Aniya sa akin.
“Pasensya na, pero hindi ako hanapan ng nawawalang babae. Bumalik ka na sa painting at itatapon ko na ang painting.” Sabi ko saka siya tinalikuran.
“Ang sama ng ugali.” Rinig kong bulong niya. Napalingon ako sa sinabi niya at sinamaan siya ng tingin.
“Ano?!” Bulyaw ko. Maangas naman niya akong tiningnan pabalik.
“Sabi ko ang sama ng ugali mo. Hindi mo ba kilala kung sino ako? Baka kapag nalaman mo kung sino ako lumuhod ka pa sa harap ko.” Mayabang na sabi niya.
“Wala akong pakialam. Umalis ka na. At mamayang itatapon ko na ang painting na yan. Baka may malas ka pang dala.” Sagot ko sa kanya.
“Hays, napakasama talaga. Alam mo siguro kaya mag-isa kasi masama ang ugali mo!” nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. Mariin kong naipikit ang mga mata ko at saka siya tiningnan ng masama. Naikuyom ko ang aking kamay at mabilis ko siyang sinugod ng suntok pero agad niya itong naiwasan at saka niya hinawakan ang kamay ko at ni-lock ang buo kong katawan sa braso niya.
“Pasensya, binibini pero tinuran ako kung paano makipaglaban.” Mayabang na sabi niya at ramdam ko ang pagngisi niya. Nakakainis na ang isang ito!
Malakas akong pumalag sa kanya dahilan para madulas siya dahil sa pagkakatapak sa mahabang niyang damit kaya naman bumagsak siya sa kama at napadagan akong sa kanya. Sobrang lapit nang mga mukha namin. Kitang-kita kong ang kabuuhan ng kanyang mukha habang bakas ang pagkabigla sa nangyari. Agad akong tumayo mula sa pagkakadagan sa kanya saka siya tinalikuran. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Muli ko siyang nilingon at pagtingin ko sa kama ko ay wala na siya. Mabilis akong napatingin sa painting at doon ay nakita ko siyang ulit. Nilapitan ko ang painting at may napansin akong kakaiba.
Bakit mapula ang mukha niya sa painting?
Chapter 5. “The Resemblance”Elyse’ POV Kinabukasan ay nagising ako dahil sa pangangalay ng aking leeg. Bumangon na ako at kita ko ang mga nakalatag na kutsilyo at iba pang matulis na gamit sa center table ng aking sala. Dito na rin kasi ako natulog sa sofa dahil hindi ako palagay na matulog sa kwarto ko pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Niligpit ko ang mga kutsilyo at gunting at saka pumasok sa kwarto ko. Pagpasok ko, napatingin ako agad sa painting. Matagal ko itong pinagmasdan at habang pinagmamasdan ko ito ay naalala ko ang mga nangyari kagabi. Hindi ito panaginip, totoo ito. Totoong buhay ang lalaki sa painting. “Hoy, lumabas ka nga diyan!” Sigaw ko sa harap ng pa
Chapter 6. “Thank you for saving me”Elyse’ POV “Hello, sister.” Bati sa akin ni Venice habang maangas na nakangiti at nakataas ang kilay. “I told you, we’re not over yet.” Seryoso ko siyang tiningnan at ang mga kasama niyang lalaki na tumatawa habang nakatingin sa akin. Natakot ako at nanlaki ang mga mata nang makita ko ang mga hawak nilang maso at martilyo. Ito na nga ba ang sinasabi ko, I know Venice will do this after what I did to her. This is her revenge. Hindi ako nagsalita at tiningnan lang sila ng seryoso. Hindi rin naman ako makakahingi ng tulong dito sa parking dahil wala gaanong tao. I should prepare myself for this. I didn’t expect na ngayon sila at
Chapter 7. “Dealing and Teasing with the Prince”Elyse’ POV Pasado alas-onse na ng gabi nang umakyat ako sa rooftop ng condo. Nakamasid lang ako sa buong syudad habang nilalasap ang malamig na simoy ng hangin. Nakasanayan ko na, na kapag may malalim akong iisipin o hindi naman kaya hindi ko na kayang magtago ng nararamdaman ay pumupunta ako dito sa rooftop. Habang pinagmamasdan ang nagkikislapang mga ilaw mula sa iba’t ibang gusali at sasakyan, muli ay sumagi sa isip ko ang mga nangyari kanina. Noong dumating si Venice at sirain niya ang sasakyan ko. Noong dumating si Yu-jun para iligtas ako kay Venice. Sa mga nangyaring ‘yon, muli kong naaalala ang malungkot na kahapon. Kung paano kami ipagtabuyan. Kung paano nagmakaawa si Mommy sa kanya. At kung paano niya
Chapter 8. “Prince in Shining Armor”Elyse’ POV Habang nasa biyahe kami para akong may kasamang batang bagong silang sa mundo. Panay ang silip at dungaw niya sa bintana ng taxi. Napapapikit na lamang ako dahil hiya at inis sa kanya. Nakita ko namang panay ang tingin ni Manong Driver sa kanya at saway na huwag ilabas ang ulo niya sa bintana ng taxi. “Saang probinsya ba galing ‘yang nobyo mo hija.” Halata ang pagkadismaya sa boses ni Manong. “Pasensya na po—“ hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mapagtanto ko ang sinabi niya. “Hindi ko po siya boyfriend.” Sabi ko kay Manong. Tumawa lang si Manong at umiling-iling.Sinamaan ko n
Chapter 9. “Searching for you”Venice’ POV Sinagad na talaga ni Elyse ang pasensya ko. From that worker in the cafeteria, at nang bugbugin niya ang mga kaibigan ko dahil sa cheap niyang car, and now in my party. Aside from that, Dad is really mad at me because of that damn viral video. She’s really getting into my nerves! I gave these two stupid a dark glare.“What the hell did you do there Edward and Adrian?” I shouted from the top of my lungs. “Nothing, we are just giving Elyse a threat.” Edward answered. “He’s right and then out of nowhere that freak long-haired guy punched him.” Adrian added. I sighed as I heard their expla
Chapter 10. “You’re not alone”Elyse’ POV Pauwi na kami ni Arkin sa condo. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Nakapaling ako sa bintana ng sasakyan niya at tulala lang. Nakatingin ako sa papalubog ng araw. And when the sun is about to set, is the chance of Yu-jun to went out of that painting. I am sure that when I got home, he is alrealy out of the painting. At hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na ang hinahanap niya at tuluyan na niyang hindi na makikita pa. Dumaan din kami ni Arkin sa cemetery kung saan nilibing si Elizabeth. Habang nakatingin sa paglubog ng araw ay naalala ko ang sinabi ni Kuya Guard kanina. “Wala na si Ms. Elizabeth, namatay siya noong huwebes at inilibing kahapon lang.”Malungkot na sabi ni Kuya G
Chapter 11. “Living with the Prince”Elyse’ POV Ilang raw na ang nakalipas matapos malaman ni Yu-jun ang nangyari kay Elizabeth. Ilang araw na rin siyang hindi ko nakikitang lumabas ng painting. Tuwing gabi naman pagkatapos kong kumain ng dinner ay nag-iiwan ako ng pagkain niya sa dining table para kung sakaling lumabas siya ng painting para kumain ay may makakain siya. Pero hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, pero nag-aalala ako sa kanya. Tanda ko pa ang mga nangyari noong gabing ‘yon. “You’re not alone, Yu-jun. I am still here. Please, be with me.” Sabi ko sa kanya habang taimtim na nakatitig sa kanyang mga mata. Kita ko pa rin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata at ang labis na kalungkutan
Chapter 12. “Heart to Heart”Elyse’ POV“May gusto ka ba sa lalaking ‘yon?” Tanong niya na kinabigla ko. Natulala ako at hindi makapaniwala sa tanong niya.“Ano?” inis kong tanong sa kanya at malakas na hinatak ang kamay ko. “Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong kumain.” Sigaw ko sa kanya padabog na naglakad palabas ng kwarto. Paglabas ko ng kwarto, napahinto ako at napahawak sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko saka nagtungo na pabalik sa dining.Pagbalik ko, ngumiti ako sa naghihintay na si Arkin sa mesa. Naupo na ako at nagsandok ng pagkain sa plato ko.“’Yong assistant mo? Hindi ba siya sasabay sa atin?” Tumigil ako sa pagsandok ng pagkain ko at tiningnan si Arkin. I took a deep-breath and glance at the hallway going to my room.“Hindi pa raw siya gutom.” Sagot ko sa kanya.K
Chapter 50. "Forever with my Prince"Elyse’ POV"We are now live to interview one of the trending issues about her and her famous father politician. Please welcome, Ms. Elyse Anne Villasis-Montes." nagpalakpakan ang mga tao at naglakad ako palapit sa hoset. "Welcome to the show." bati sa akin ng host ng isang sikat na TV show."Hello po." balik kong bati habang masaya at masiglang nakangiti saka naupo."Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, Elyse totoo bang ikaw ay anak sa labas in Gov. Montes other woman?" direktang tanong sa akin ng host. I didn't expect her to be this straightforward. I smile as I turn my eyes on them, nandoon sila sa audience, kasama ko at pinapanuod ako.I took a deep breath and smile sincerly as I turn my eyes back to the host"Yes, but there is a reason why my father hide the truth." sagot ko at tumingin sa camera. "Just like how he run this amazing province, he did tha
Chapter 49. "Losing you…my Prince"Elyse’ POV"Hindi! Yu-jun!" malakas kong sigaw nang bumuhos ang ulan at mabasa si Yu-jun. Hindi maaari, mabubura siya!Malakas na humalakhak si Arkin habang naliligo sa ulan at pinapanuod si Yu-jun. Masama siyang tiningnan ni Yu-jun. Napatingin naman ako sa mga makukulay na pumapatak galing kay Yu-jun na parang pintura.Napaluhod si Yu-jun dahil unti-unti na siyang nalulusaw ngunit matalim pa rin ang tingin niya kay Arkin na walang tigil pa rin sa pagtawa habang ako ay lumuluhang nakatingin kay Yu-jun at kinakalag ang pagkakatali ko."Totoo nga! Ulan lang ang makakapaslang sayo!" galak na galak na sabi ni Arkin.Tiningnan ko si Yu-jun at nahihirapan na siya. Unti-unti na siyang nabubura. Unti-unti na siyang nawawala."Ayos nang mawala ako dahil sa sumpa ng larawan, huwag lang matapos ang aking buhay sa iyong mga walang kasing samang mga kamay."
Chapter 48. "This will be the end"Arkin’s POV"I need it now, Dad! Do something!" sigaw ko sa kabilang linya.I am holding the wheel while having a conversation with Dad. I ask him if they can do the generation right now to make a damn rain. Kainis! That damn Yu-jun escaped!"It is not that easy, Arkin! What is the hell are you planning to do?" sigaw din niya sa kabilang linya."I said do something!" I drive faster as I could to find Yu-jun. I actually don't know where to go. I am really pissed off!"Tell me, what is your plan first?" muling sigaw ni Dad.I smirked. "Kapag wala kang ginawa, Dad. I am telling you; I will spill everything you planned about Montes." Banta ko. I heard him sighed."What?""Just do what I am asking, Dad." Utos ko."Fine! Fine! I'll ask them!" he shouted. Napangisi ako sa pagpayag niya.As I was driving, I saw a familiar face
Chapter 47. "Destined to meet and to be apart"Elyse’ POV"You know what? When I see that guy, I promised that he will experience madness!" inis na sabi ni Venice. It's been I don't know how mang days had past and until now, I don't know where to find Yu-jun.Venice is in the home now but she still needs medical assistance to fully recover. May dalawang nurse na nag-aalaga sa kanya. Actually, dapat nasa hospital pa siya but she insisted to be home."Will you please stop thinking about him, kapag iniwan ka, edi iniwan ka." dagdag pa niya at halata nang iritable. Narito kami sa veranda and she is sitting in her wheel chair. Hinarap ko siya nang salubong ang kilay."Hindi ba dapat kapag umalis, hanapin? Kapag iniwan, habulin?" pagtatama ko. She raised her brows and rolled her eyes on me."That's what stupid people are doing. Bakit mo hahanapin ang isang taong ayaw ngang magpakita sayo? He left period. Hindi niya sinabi na
Chapter 46. "Don’t want to go back"Lee Yu-jun’s POVKanina pa ako naglalakad habang tulala. Kanina ko pa rin pansin ang tinginan ng mga taong nakakakita sa akin at kanina ko pa rin iniisip ang huling pag-uusap namin ni Elyse. Galit siya sa akin at ayaw na niya akong makita. Tama naman siya, kasalanan ko ito. Ako ang pakay at nais na kitilin ni Arkin ngunit nadamay pa iyong salbaheng babae. Kaya galit na galit sa akin si Elyse."Sabi ko umalis ka na! Umalis ka na, ayoko nang madamay pa sa gulo niyo ni Arkin o ng Suk-jeong na 'yon. Umalis ka na, iwan mo na ako.""Elyse..." malungkot kong sambit sa kanyang pangalan at napatingala sa kalangitan.Habang nakatingala sa kalangitan ay mas nalungkot ako dahil sa dami ng nagkikislapang bituin. Ang dapat ay maging masaya ako dahil maganda ang mga bituin at ibig sabihin din nito na magiging maganda ang araw ngunit malungkot ako. Batid ko ang sakit at kiro
Chapter 45. "What your heart says"Elyse’ POV"Venice!" malakas kong sigaw habang tulala at hindi makapaniwala sa nakikita ko. Ramdam ang mainit na luhang umaagos sa pisngi ko.Nabitawan ko ang hawak kong canvass at tumakbo papunta kay Venice."Venice, no...please no." humahagulgol kong sabi habang hagkan si Venice na nakahiga sa hita ko. Tinakpan ko naman ng palad ko ang tama ng baril sa bandang gilid ng kanyang tiyan upang pigilan ang pag-agos ng dugo."Suk-jeong!" malakas na sigaw ni Yu-jun saka sinugod si Arkin.Nanginginig ang kamay ko habang umiiyak at kita ang dugo. When I see the blood dripping from Venice and in my hands, the memories of the accident with my mother suddenly flash in my head. Iyong panahon na tulala ako kay Mama habang bukas ang kanyang mata at tumutulo ang maraming dugo mula sa kanyang ulo habang ako ay umiiyak lang at sumisigaw ng Mama.Nanginginig man ang aki
Chapter 44. "We need to save Him"Arkin’s POV"What are you going to do with that, son?" inis at takang tanong ni Dad. As I search the weather forecast today, there is less possibility of rain! And I need a damn rain now!"Just do my request, Dad." mariin kong sabi kay Dad. "Bayad na lang din sa mga ginawa ko para sa inyo.""Okay, son. I'll make a way." sabi ni Dad.Hindi na ako nagtagal pa sa study room niya at dali-daling lumabas. What I have requested is if he can request the weather department to generate a rain clouds now.Hindi na nahanap ng mga kawal kong anino sila Yu-jun at Elyse. Hindi ko rin alam kung paano sila nakatakas. Bigla na lang naglaho silang dalawa kanina.Pumasok na ako sa kotse ko pero napatigil ako nang makita ko siya. Ano naman ang kailangan nito? Hindi ko na sana siya papansinin pero humarang siya sa daanan ko. Inis ko siyang tiningnan at lumabas ako ng kotse k
Chapter 43. "Escape from the Shadows"Elyse’ POVNagising ako na nakabusal ang bibig at nakatali ang kamay ko mula sa likod. Nilibot ko ng tingin ang buong lugar. Nasa isa akong kwarto, kwarto ni Arkin. Ngunit ang mas kinabigla ko ay ng makita ko ang painting ni Yu-jun na puno ng kadenang nakabalot."Yu-jun!" Sinubukan kong sumigaw ngunit hindi ko magawa dahil nakabusal ang aking bibig. Bigla namang lumabas ang mukha ni Yu-jun sa painting."Elyse!" tawag niya sa akin. Hindi ko mapigilan na umiyak nang makita ko ang mukha niya. "Elyse, huwag kang umiiyak, gagawa ako ng paraan upang makalabas dito. Ililigtas kita." aniya.Subukan ko mang kumalma pero paano ko gagawin? Nakatali ako dito at hindi alam kung ano ang gagawin. Bakit ba nagagawa ni Arkin ang mga ganitong bagay? At ano ba ang plano niyang gawin?Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at doon ay pumasok na si Arkin hawak ang is
Chapter 42. "A Father’s Wept"Elyse’ POV"Po?" hindi makapaniwalang tanong. Huminga siya ng malalim at napaiwas ng tingin sa akin."Ang Mommy mo ang una kong naging kasintahan at ang tanging babaeng minahal ko." sabi niya at muling huminga ng malalim. I saw his sincerity and compassion with his voice and his face."But I was so scared and coward." pagpapatuloy niya. "I was just starting my career that time as a Mayor of this province and Veronica's family and my family agreed for an arrange marriage. At first, tumanggi ako, pero nagalit noon ang Lolo mo sa akin dahilan para atakihin pa siya sa puso. I was so scared and guilty so I obeyed ans accept your grandfather proposal and married Veronica."Hindi ko alam ang kwento ng buhay nilang tatlo. Mon didn't even told me about this maybe because I was still a child that time."Then, your Lola in your Mommy's side went to our house. Nag