Habang si Leon, ang pribadong imbestigador ni Neil, ay nagmamatyag sa labas ng Penelope Fashion sa Makati, napansin niyang huminto ang isang puting Maserati sa harapan ng gusali. Agad bumaba si Alona mula rito, ang kanyang presensya ay puno ng kumpiyansa at karisma, na naghatid ng ingay sa paligid habang tahimik siyang tumungo sa loob ng shop. Hindi nag-aksaya ng oras si Leon—kinuhanan niya ng larawan si Alona bilang patunay na nasa Pilipinas ito, at agad siyang tumawag kay Neil."Boss, andito na si Ma'am Alona sa Makati, sa branch niya ng Penelope Fashion," balita ni Leon sa mababang boses, pero puno ng kasabikan.Natigilan si Neil, ang mga salitang narinig ay parang bumuhay sa kanya ng isang matagal nang nawala sa kanyang puso. "Andiyan siya?" tanong niya, ang boses ay puno ng pananabik at kaba. Hindi na niya hinayaan ang pagkakataon na mawala muli sa kanya si Alona.Agad siyang tumawag sa intercom para utusan si Marco, ang kanang-kamay niya sa kompanya. "Marco, ikaw na muna ang bah
Si Neil ay dismayadong lumabas mula sa opisina ng Penelope Fashion brand. Ang kanyang isip ay puno ng mga alalahanin at tanong na tila walang katapusan. Kailangan niyang lumayo mula sa mga salitang hindi pa natutugunan at mga damdaming naglalagablab sa kanyang dibdib. Nais niyang magpaka-busy, kaya’t nagtungo siya sa kalapit na mall. Alam niyang naroon ang mga bata—ang kambal—na hindi maalis-alis sa kanyang isipan.Habang naglalakad siya, biglang may gumulong na bola sa harap niya. Napatingin siya sa paligid at nakita ang dalawang batang kambal na naglalaro. Ang batang lalaki ay mabilis na tumakbo palapit sa kanya, ang kanyang mga mata ay nagniningning sa saya.“Ginoong pogi! Long time no see po!” masiglang bati ng bata.“Ba't ka andito? San magulang niyo?” tanong ni Neil, bahagyang naguguluhan.“Kakambal ko po pala ginoong pogi! Diba ang cute niya katulad ko?” pabirong sagot ng batang lalaki, sabay talikod at ipinakita ang kanyang kakambal, isang magandang batang babae na nakangiti n
Sa gabing iyon, ang Makati Hotel ay nag-uumapaw sa mga kilalang personalidad mula sa iba't ibang industriya. Ang Investor's Night ay isang okasyon na hindi pinalampas ng mga may-ari at CEO ng malalaking kompanya, at syempre, kabilang dito sina Neil Custodio ng Tropical Air at Alona Adarna ng Penelope Fashion Brand, na kasalukuyang umuusbong sa merkado sa Makati.Bago pa man umalis ng bahay si Alona, nagpaalam siya sa kanyang kambal na sina Emerald at Aniego. Nakasuot siya ng isang eleganteng puting gown na may brilyanteng detalyeng kumikinang sa neckline at sa likod. Ang gown ay hapit na hapit sa kanyang katawan, kaya’t lalo nitong pinalitaw ang kanyang hubog. Nang makita siya ng kambal, agad na bumungad ang mga papuri nila."Mommy, you are so beautiful! Parang kamukha mo si Lola!" bulalas ni Emerald na may ngiting abot-tenga.Samantalang si Aniego naman, ang protective niyang anak, ay agad na nagsalita, "Mommy, dapat po magsuot kayo ng blazer. Baka malamig sa labas."Napangiti si Alo
Maya-maya pa’y natapos din ang pag-uusap ni Alona at ng kanyang business partner. Nagkatinginan sila ni Neil mula sa malayo, at sa isang iglap, siya ang lumapit. Agad niyang nakita ang tila pagkabigla sa mga mata ni Alona, ngunit ilang sandali lamang at napalitan ito ng isang malambing na ngiti."Neil," bati ni Alona, bahagyang kinakabahan.“Alona,” sabi ni Neil habang bumungad ang matamis niyang ngiti. “Hindi kita akalain na makikita ko rito.”“Kailangan kong dumalo. Napakahalaga ng gabing ito para sa Penelope Fashion,” sagot ni Alona, pilit na pinipigilan ang pagkabog ng kanyang dibdib.“Napakaganda mo,” bulong ni Neil, at napalunok si Alona habang nakatitig sa malalim na mga mata nito.Napalunok si Alona, pakiramdam niya ay bumalik siya sa mga panahong mahal na mahal niya si Neil, mga panahong siya lang ang laman ng kanyang puso. Ngunit alam niyang hindi na sila pareho ng dati, marami na ang nagbago."Salamat, Neil," sagot niya nang bahagyang nakayuko. "Mukhang ikaw rin ay nasa tam
Ilang sandali ang lumipas, tumawag si Penelope at kinukumusta ito. "Alona," malumanay na wika nito, puno ng pag-aalala. "Ayos ka lang ba?" Pilit ngumingiti, ngunit hindi maitatago ang pag garalgal ng boses sa kakaiyak. "Ayos lang ako, Penelope," sagot niya nang paanas, habang pilit na itinatago ang pighating gumugulo sa kanyang isipan."Alam kong hindi ito madaling gabi para sa'yo," sagot ni Penelope. "Kung gusto mong umuwi na, ako nang bahala sa event at huwag mo na masyadong isipin."Sandaling nag-isip si Alona, bago siya muling huminga nang malalim. "Hindi, kaya ko pa. Kailangan kong harapin ang lahat ng ito para sa kumpanya, para sa aking mga anak," wika niya nang may matinding determinasyon. "Ayokong magpadaig sa kahinaan ko. Kung para sa kanila, kailangan kong maging matatag.""Alam mo, Alona, ang tapang mo. Hindi lahat ng babae ay kayang lampasan ang mga pinagdaanan mo." nag-aalalang sambit nito.Ngunit sa kabila ng mga papuri, naroon pa rin ang lungkot sa mga mata ni Alona. H
Habang naglalakad pabalik sa bulwagan, masiglang nakikisalamuha si Alona sa mga investor, determinado siyang palawakin ang kanilang brand kahit pa nangangahulugang kailangan niyang makipag-usap sa iba’t ibang mga negosyante. Ngunit hindi niya namalayang may isang lalaking investor na palihim na nakatingin sa kanya, tila may ibang balak."Miss Alona, bakit hindi tayo uminom para mag-celebrate?" alok ni Victor habang iniaabot ang isang baso ng alak.Ngumiti si Alona at bahagyang nag-alinlangan, pero tinanggap pa rin ang inaalok ng lalaki. Kailangan niyang makisalamuha at magpakita ng respeto sa mga business partners, kaya’t hinayaan niyang magpatuloy ang gabing iyon. Ngunit hindi nagtagal ay napansin niyang tila paulit-ulit ang pag-aalok ni Victor ng alak, at kahit pa alam niyang dapat na siyang huminto, patuloy pa rin niyang tinatanggap ito.Sunud-sunod ang pag-alok ng lalaki ng alak kay Alona, at dahil sa kanyang kagustuhang maging magalang at panatilihin ang interes ng mga investor,
Nalaman niyang malapit na siyang labasan – ilang taon pa bago niya matutunang pigilin ang sarili – at narinig niyang humingal si Alona at humirap ang kanyang paghinga. Ang kanyang puki ay mahigpit na humawak sa kanyang titi, ang buong katawan niya ay tumigas at nanginginig laban sa kanya at pagkatapos ay sinundan niya siya sa rurok at sabay silang umabot sa kanilang orgasmo.Saglit na nagkatitigan ang dalawa, at sa kanilang mga mata ay makikita ang mga damdaming hindi nila kayang ikubli. Niyakap ni Alona si Neil nang mahigpit, at sa yakap na iyon ay naramdaman niya ang init ng pagmamahal na akala niya’y hindi na muling babalik."Mahal kita, Neil. Mahal kita… kahit gaano kasakit," bulong ni Alona.Sa gabing iyon, hinayaan nilang maghilom ang kanilang mga sugat. Hindi man nila alam ang magiging kinabukasan, sa sandaling iyon ay natagpuan nila ang isa’t isa sa gitna ng kanilang mga pagdududa at pangarap ang hindi inaakala ni Neil para kay Alona isa lang tong panaginip. Natapos ang hindi
Nagising si Neil nang may kakaibang gaan sa kanyang pakiramdam—isang ligaya at kasiyahan na matagal na niyang hindi nararanasan. Pilit niyang inabot ang kanyang katabi, inaasahan niyang madadama ang init ni Alona sa kanyang tabi, ngunit ang malamig na kutson ang bumungad sa kanya.Napabalikwas siya ng bangon, at ang masayang ngiti sa kanyang labi ay napalitan ng pagtataka. “Alona?” tawag niya, habang pilit na iniikot ang tingin sa buong silid. Wala na si Alona, at ang alaala ng nakaraang gabi ay biglang sumiksik sa kanyang isipan—ang mga yakap, ang mga halik, at ang matatamis na bulong nila sa isa’t isa.Agad siyang bumangon at mabilis na nagbihis, umaasang maaabutan si Alona sa labas ng kanyang condo. Pero pagkabukas niya ng pinto, isang katahimikan ang bumungad sa kanya, at ang panghihinayang ay sumiksik sa kanyang dibdib. "Bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam?"Pinulot ni Neil ang kanyang cellphone at nagdial ng numero ni Alona, ngunit hindi ito sumasagot. Ilang beses niyang ti