Tatlong taon na ang lumipas mula nang tuluyang magwakas ang relasyon nina Neil at Wilma, at sa wakas, ang pinal na desisyon ng korte ay dumating — annulled na ang kanilang kasal. Tuluyan nang malaya si Neil mula sa mga tanikala ng nakaraan, ngunit sa kabila ng kalayaang iyon, alam niyang may mas malalim na sugat sa kanyang puso ang kailangan niyang ayusin.Ang huling pagkikita nila ni Wilma ay sa opisina ng kanilang abogado. Tahimik ang silid habang naghihintay sila ng pirmahan, bawat sandali ay tila isang libong alaala ng kanilang pagsasama — maganda man o masakit — ang bumabalik. Si Wilma, na may bakas ng lungkot at pagod sa mukha, ay nagbuntong-hininga bago magsalita."Neil," basag niya sa katahimikan, "hindi ko inakala na aabot tayo sa ganito kung binigyan mo na sana ako ng pagkakataon magpaliwanag." Pinipilit niyang ngumiti, ngunit kita sa kanyang mga mata ang pagkalugmok. "Nangarap ako na magiging masaya tayo, na sapat ang pagmamahal ko para maging masaya ka pero palagi kang wal
Anim na taon ang lumipas simula nang isinilang ni Alona ang kanyang kambal na sina Aniego at Emerald. Ngayon, sa edad na limang taon, nag-aaral na sila sa prestihiyosong New York Preschool Center. Magaganda at matatalinong mga bata ang kambal, nagmana ng magagandang katangian ng kanilang mga magulang, lalo na ang pagiging malalim mag-isip na tila hindi pangkaraniwan para sa kanilang edad. Si Aniego ay halos kawangis ng kanyang ama na si Neil, taglay ang matangos na ilong at mga matang puno ng kaseryosohan, ngunit kakaibang kaakit-akit ang kanyang mga dimples sa tuwing siya ay ngumingiti. Si Emerald naman ay pinaghalong Alona at Neil — elegante ang bawat kilos, pero may likas na lambing sa kanyang mga mata.Naging abala si Alona sa araw ng awarding sa kanilang eskwelahan, dahil parehong tatanggap ng parangal ang kambal. Proud na proud siya bilang ina, pero may kaunting kaba dahil ito ang unang pagkakataon na magkakaroon siya ng one-on-one na pag-uusap sa mga guro ng kanyang mga anak tu
Habang malamig ang simoy ng gabi sa New York, naupo si Alona sa sala, tangan ang lumang larawan ng kanyang mga anak noong sanggol pa sila. Hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga habang bumabalik sa kanya ang mga alaala — ang kanilang nakaraan ni Neil. Ngunit sa bawat araw na lumilipas, mas napagtatanto niya ang halaga ng desisyon niyang bumuo ng bagong buhay para sa kanilang tatlo.Ngunit habang tumatagal, napapansin niya ang mga katanungan ng kambal tungkol sa kanilang ama. Lalong lumalalim ang mga ito, at alam niyang darating ang araw na kakailanganin niyang ipaliwanag ang lahat. Ngunit hindi pa ngayon. Sa ngayon, nais niyang bigyan ng masayang alaala sina Aniego at Emerald — isang pagkakataon para maranasan ang kultura ng Pilipinas at mas makilala ang kanilang sariling pinagmulan.Dumating si Ethan at naupo sa tabi ni Alona, marahang hinawakan ang kanyang kamay. “Thinking about Neil?” tanong nito, may pag-aalalang namumuo sa kanyang mga mata.Tumango si Alona, hindi na kailangang
Pagkatapos ng mahabang biyahe mula sa New York, nasa Pilipinas na sina Alona, Aling Gina, at ang kambal. Nadama agad nila ang init at kabanguhan ng hangin, na may halong amoy ng dagat. Agad na pinangiti ni Alona ang kanyang mga anak at ang lola nila, excited na ipakita ang kultura at mga tanawin sa Pilipinas. Agad silang nagtungo sa isang restaurant sa mall para makatikim ng mga pagkaing Pinoy na hindi pa natitikman ng kambal."Mommy, ang daming pagkain! Ano po itong may sabaw?" tanong ni Aniego, mataimtim na tinitingnan ang menu habang umiikot ang mata sa bawat larawan ng pagkain."Tawag diyan ay bulalo, anak. Siguradong magugustuhan ninyo!" tugon ni Alona na may ngiti habang nakikita ang pagkamangha ng kambal. Nag-order siya ng bulalo,lechon sinigang, adobo, at pancit—isang halo-halo ng paborito niyang mga pagkaing Pinoy, para malasap ng mga bata ang sari-saring lasa ng Pilipinas."Mommy, gusto ko rin ng pancit! Kasi sabi ni Aunt Penelope, pang-birthday daw iyon!" dagdag ni Emerald
Nagpatuloy si Neil sa paglalakad palabas ng conference hall, ngunit sa bawat hakbang ay tila mas lalong bumibigat ang kanyang dibdib. Hindi niya maiwasang bumalik-balik sa alaala ng batang si Aniego, na sa isang iglap ay nagbigay ng hindi maipaliwanag na damdamin sa kanyang puso. Ang pamilyar na ekspresyon ng bata, ang ngiting tila ba salamin ng kanyang kabataan, at ang maliliit na kilos nito na tila ba nagpaparamdam ng kakaibang koneksyon.Napansin ni Marco ang hindi mapakaling ekspresyon ni Neil kaya't nagbiro ito, "Mukhang seryoso ka kanina, ah. Parang may nakita kang multo!" Sinubukan nitong gawing magaan ang usapan ngunit halatang may laman ang iniisip ng kaibigan.Napabuntong-hininga si Neil at muling binalikan ang larawan ni Aniego sa isip. "Hindi ko nga alam, Marco. Parang… may kung anong nakikita ako sa batang iyon. Para bang... sarili ko noong bata pa ako."Natigilan si Marco, nakangiti ngunit may halong pag-aalinlangan. "Baka naman anak mo ‘yan, Neil?" biro niya, ngunit sa
Pagkahapon, Habang si Alona, ang kambal na sina Aniego at Emerald, at ang kanilang kaibigang si Gina ay abala sa pamamasyal sa mall, tila nag-aapoy ang kasiyahan sa kanilang grupo. Mula sa mga masayang tawanan ng mga bata hanggang sa masiglang pakikipag-chat ni Gina kay Alona, ang araw ay puno ng saya at pag-asa."Mommy, tingnan niyo 'to!" sigaw ni Aniego habang hawak ang isang malaking stuffed toy. "Bibili tayo nito, di ba?""Ang cute! Pero, anak, kailangan natin munang maghanap ng masarap na pagkain. Saka na ang laruan," sagot ni Alona, sabay ngiti. Alam niyang masaya ang mga bata kapag may natutuklasan silang mga bago."Dito! Dito!" sigaw ni Emerald, sabay turo sa isang food stall na may maraming masasarap na pagkain. "Kumain tayo dito, Mommy! Nakaka-gutom na!""Sige, tara! Pero huwag kalimutan, umorder lang tayo ng tama, ha?" sabi ni Alona, habang binabaybay nila ang makulay na food court.Habang naglalakad, tila hindi mapigilan ni Aniego ang kanyang excitement. "Mommy, may kwento
Habang nag-aayos si Alona ng mga gamit sa kanilang hotel room, hindi maalis sa isip niya ang mga tanong ni Aniego. Ang mga bata, sa kanilang inosenteng pananaw, ay puno ng pag-asa at pananabik. Ngunit si Alona, sa kabila ng kanilang saya, ay nahahabag. Bawat ngiti at tawa ng kambal ay tila nagiging paalala sa kanya kung gaano kahirap ang sitwasyon nila."Mommy, anong oras na po?" tanong ni Emerald habang naglalaro sa carpet."Malapit nang matulog, anak. Kailangan nating magpahinga para bukas," sagot ni Alona, pilit na pinapakita ang ngiti kahit na ang kanyang puso ay nababalot ng pag-aalala."Anong gagawin natin bukas? Gusto ko pong makita muli si ginoong pogi !" sagot ni Aniego, habang nakatingin sa kanya ng may pag-asa."May mga plano pa tayo, pero tingnan natin kung anong mangyayari," sabi ni Alona, pinipilit na huwag ipakita ang kanyang pag-alala.Natapos na niya ang pag-aayos at naupo siya sa sofa, pinagmamasdan ang mga bata habang masaya pa ring naglalaro. Sa kanyang isip, nag-u
Habang si Leon, ang pribadong imbestigador ni Neil, ay nagmamatyag sa labas ng Penelope Fashion sa Makati, napansin niyang huminto ang isang puting Maserati sa harapan ng gusali. Agad bumaba si Alona mula rito, ang kanyang presensya ay puno ng kumpiyansa at karisma, na naghatid ng ingay sa paligid habang tahimik siyang tumungo sa loob ng shop. Hindi nag-aksaya ng oras si Leon—kinuhanan niya ng larawan si Alona bilang patunay na nasa Pilipinas ito, at agad siyang tumawag kay Neil."Boss, andito na si Ma'am Alona sa Makati, sa branch niya ng Penelope Fashion," balita ni Leon sa mababang boses, pero puno ng kasabikan.Natigilan si Neil, ang mga salitang narinig ay parang bumuhay sa kanya ng isang matagal nang nawala sa kanyang puso. "Andiyan siya?" tanong niya, ang boses ay puno ng pananabik at kaba. Hindi na niya hinayaan ang pagkakataon na mawala muli sa kanya si Alona.Agad siyang tumawag sa intercom para utusan si Marco, ang kanang-kamay niya sa kompanya. "Marco, ikaw na muna ang bah