Nagpatuloy si Neil sa paglalakad palabas ng conference hall, ngunit sa bawat hakbang ay tila mas lalong bumibigat ang kanyang dibdib. Hindi niya maiwasang bumalik-balik sa alaala ng batang si Aniego, na sa isang iglap ay nagbigay ng hindi maipaliwanag na damdamin sa kanyang puso. Ang pamilyar na ekspresyon ng bata, ang ngiting tila ba salamin ng kanyang kabataan, at ang maliliit na kilos nito na tila ba nagpaparamdam ng kakaibang koneksyon.Napansin ni Marco ang hindi mapakaling ekspresyon ni Neil kaya't nagbiro ito, "Mukhang seryoso ka kanina, ah. Parang may nakita kang multo!" Sinubukan nitong gawing magaan ang usapan ngunit halatang may laman ang iniisip ng kaibigan.Napabuntong-hininga si Neil at muling binalikan ang larawan ni Aniego sa isip. "Hindi ko nga alam, Marco. Parang… may kung anong nakikita ako sa batang iyon. Para bang... sarili ko noong bata pa ako."Natigilan si Marco, nakangiti ngunit may halong pag-aalinlangan. "Baka naman anak mo ‘yan, Neil?" biro niya, ngunit sa
Pagkahapon, Habang si Alona, ang kambal na sina Aniego at Emerald, at ang kanilang kaibigang si Gina ay abala sa pamamasyal sa mall, tila nag-aapoy ang kasiyahan sa kanilang grupo. Mula sa mga masayang tawanan ng mga bata hanggang sa masiglang pakikipag-chat ni Gina kay Alona, ang araw ay puno ng saya at pag-asa."Mommy, tingnan niyo 'to!" sigaw ni Aniego habang hawak ang isang malaking stuffed toy. "Bibili tayo nito, di ba?""Ang cute! Pero, anak, kailangan natin munang maghanap ng masarap na pagkain. Saka na ang laruan," sagot ni Alona, sabay ngiti. Alam niyang masaya ang mga bata kapag may natutuklasan silang mga bago."Dito! Dito!" sigaw ni Emerald, sabay turo sa isang food stall na may maraming masasarap na pagkain. "Kumain tayo dito, Mommy! Nakaka-gutom na!""Sige, tara! Pero huwag kalimutan, umorder lang tayo ng tama, ha?" sabi ni Alona, habang binabaybay nila ang makulay na food court.Habang naglalakad, tila hindi mapigilan ni Aniego ang kanyang excitement. "Mommy, may kwento
Habang nag-aayos si Alona ng mga gamit sa kanilang hotel room, hindi maalis sa isip niya ang mga tanong ni Aniego. Ang mga bata, sa kanilang inosenteng pananaw, ay puno ng pag-asa at pananabik. Ngunit si Alona, sa kabila ng kanilang saya, ay nahahabag. Bawat ngiti at tawa ng kambal ay tila nagiging paalala sa kanya kung gaano kahirap ang sitwasyon nila."Mommy, anong oras na po?" tanong ni Emerald habang naglalaro sa carpet."Malapit nang matulog, anak. Kailangan nating magpahinga para bukas," sagot ni Alona, pilit na pinapakita ang ngiti kahit na ang kanyang puso ay nababalot ng pag-aalala."Anong gagawin natin bukas? Gusto ko pong makita muli si ginoong pogi !" sagot ni Aniego, habang nakatingin sa kanya ng may pag-asa."May mga plano pa tayo, pero tingnan natin kung anong mangyayari," sabi ni Alona, pinipilit na huwag ipakita ang kanyang pag-alala.Natapos na niya ang pag-aayos at naupo siya sa sofa, pinagmamasdan ang mga bata habang masaya pa ring naglalaro. Sa kanyang isip, nag-u
Habang si Leon, ang pribadong imbestigador ni Neil, ay nagmamatyag sa labas ng Penelope Fashion sa Makati, napansin niyang huminto ang isang puting Maserati sa harapan ng gusali. Agad bumaba si Alona mula rito, ang kanyang presensya ay puno ng kumpiyansa at karisma, na naghatid ng ingay sa paligid habang tahimik siyang tumungo sa loob ng shop. Hindi nag-aksaya ng oras si Leon—kinuhanan niya ng larawan si Alona bilang patunay na nasa Pilipinas ito, at agad siyang tumawag kay Neil."Boss, andito na si Ma'am Alona sa Makati, sa branch niya ng Penelope Fashion," balita ni Leon sa mababang boses, pero puno ng kasabikan.Natigilan si Neil, ang mga salitang narinig ay parang bumuhay sa kanya ng isang matagal nang nawala sa kanyang puso. "Andiyan siya?" tanong niya, ang boses ay puno ng pananabik at kaba. Hindi na niya hinayaan ang pagkakataon na mawala muli sa kanya si Alona.Agad siyang tumawag sa intercom para utusan si Marco, ang kanang-kamay niya sa kompanya. "Marco, ikaw na muna ang bah
Si Neil ay dismayadong lumabas mula sa opisina ng Penelope Fashion brand. Ang kanyang isip ay puno ng mga alalahanin at tanong na tila walang katapusan. Kailangan niyang lumayo mula sa mga salitang hindi pa natutugunan at mga damdaming naglalagablab sa kanyang dibdib. Nais niyang magpaka-busy, kaya’t nagtungo siya sa kalapit na mall. Alam niyang naroon ang mga bata—ang kambal—na hindi maalis-alis sa kanyang isipan.Habang naglalakad siya, biglang may gumulong na bola sa harap niya. Napatingin siya sa paligid at nakita ang dalawang batang kambal na naglalaro. Ang batang lalaki ay mabilis na tumakbo palapit sa kanya, ang kanyang mga mata ay nagniningning sa saya.“Ginoong pogi! Long time no see po!” masiglang bati ng bata.“Ba't ka andito? San magulang niyo?” tanong ni Neil, bahagyang naguguluhan.“Kakambal ko po pala ginoong pogi! Diba ang cute niya katulad ko?” pabirong sagot ng batang lalaki, sabay talikod at ipinakita ang kanyang kakambal, isang magandang batang babae na nakangiti n
Sa gabing iyon, ang Makati Hotel ay nag-uumapaw sa mga kilalang personalidad mula sa iba't ibang industriya. Ang Investor's Night ay isang okasyon na hindi pinalampas ng mga may-ari at CEO ng malalaking kompanya, at syempre, kabilang dito sina Neil Custodio ng Tropical Air at Alona Adarna ng Penelope Fashion Brand, na kasalukuyang umuusbong sa merkado sa Makati.Bago pa man umalis ng bahay si Alona, nagpaalam siya sa kanyang kambal na sina Emerald at Aniego. Nakasuot siya ng isang eleganteng puting gown na may brilyanteng detalyeng kumikinang sa neckline at sa likod. Ang gown ay hapit na hapit sa kanyang katawan, kaya’t lalo nitong pinalitaw ang kanyang hubog. Nang makita siya ng kambal, agad na bumungad ang mga papuri nila."Mommy, you are so beautiful! Parang kamukha mo si Lola!" bulalas ni Emerald na may ngiting abot-tenga.Samantalang si Aniego naman, ang protective niyang anak, ay agad na nagsalita, "Mommy, dapat po magsuot kayo ng blazer. Baka malamig sa labas."Napangiti si Alo
Maya-maya pa’y natapos din ang pag-uusap ni Alona at ng kanyang business partner. Nagkatinginan sila ni Neil mula sa malayo, at sa isang iglap, siya ang lumapit. Agad niyang nakita ang tila pagkabigla sa mga mata ni Alona, ngunit ilang sandali lamang at napalitan ito ng isang malambing na ngiti."Neil," bati ni Alona, bahagyang kinakabahan.“Alona,” sabi ni Neil habang bumungad ang matamis niyang ngiti. “Hindi kita akalain na makikita ko rito.”“Kailangan kong dumalo. Napakahalaga ng gabing ito para sa Penelope Fashion,” sagot ni Alona, pilit na pinipigilan ang pagkabog ng kanyang dibdib.“Napakaganda mo,” bulong ni Neil, at napalunok si Alona habang nakatitig sa malalim na mga mata nito.Napalunok si Alona, pakiramdam niya ay bumalik siya sa mga panahong mahal na mahal niya si Neil, mga panahong siya lang ang laman ng kanyang puso. Ngunit alam niyang hindi na sila pareho ng dati, marami na ang nagbago."Salamat, Neil," sagot niya nang bahagyang nakayuko. "Mukhang ikaw rin ay nasa tam
Ilang sandali ang lumipas, tumawag si Penelope at kinukumusta ito. "Alona," malumanay na wika nito, puno ng pag-aalala. "Ayos ka lang ba?" Pilit ngumingiti, ngunit hindi maitatago ang pag garalgal ng boses sa kakaiyak. "Ayos lang ako, Penelope," sagot niya nang paanas, habang pilit na itinatago ang pighating gumugulo sa kanyang isipan."Alam kong hindi ito madaling gabi para sa'yo," sagot ni Penelope. "Kung gusto mong umuwi na, ako nang bahala sa event at huwag mo na masyadong isipin."Sandaling nag-isip si Alona, bago siya muling huminga nang malalim. "Hindi, kaya ko pa. Kailangan kong harapin ang lahat ng ito para sa kumpanya, para sa aking mga anak," wika niya nang may matinding determinasyon. "Ayokong magpadaig sa kahinaan ko. Kung para sa kanila, kailangan kong maging matatag.""Alam mo, Alona, ang tapang mo. Hindi lahat ng babae ay kayang lampasan ang mga pinagdaanan mo." nag-aalalang sambit nito.Ngunit sa kabila ng mga papuri, naroon pa rin ang lungkot sa mga mata ni Alona. H