Tinanghali na nang gising si Azariah napa sarap kasi ang tulog niya kagabi dahil narin siguro sa pagod. Pag baba niya ay nabungaran niya kaagad angemga magulang na nasa sala at nanonood ang mga ito nang tv. "Good morning mo nay, tay" Bati niya sa mga ito nang maka lapit. "Tanghali na anak" ang ama ni Azariah ang nag salita. "Oo nga po itay, napa sarap po ang tulog ko" ani Azariah na iginala ang tingin sa kabuoang sulok nang sala. "Na saan po ang kambal?" "Naku, naroon sila sa dagat maliligo daw kasama nila si Laurence" anang ina ni Azariah. "Si Paolo po nay gising na ba ?" "Naku ang batang 'yun kanina pa umalis kisyo hindi daw ito pwedeng lumiban sa trabaho ngayon kasi one day leave lang daw ang sinabi niya sa kaniyang amo" paliwanag naman nang ina ni Azariah. Tumango-tango naman si Azariah kapagkuwan ay nag tungo siya sa kusina. Medyo nakakaramdam narin kasi siya nang gutom dahil tanghali na. Nang nasa kusina na siya nakita niyang may nakahaing pagkain sa mesa na natatakpan
Halos isang linggo din silang nag stay sa private island na pag mamay-ari ni Laurence bago nila napag pasyahan na umowi na. Gamit ang private chopper ay naging mabilis lamang ang kanilang byahe pauwi. Mabuti na nga lang at marunong mag palipad nang chopper si Mark at siya ang nag silbi nilang piloto. Habang nasa himpapawid sila ay aliw na aliw ang kambal sa ganda nang tanawin na natatanaw nila sa baba. Ilang minuto lang ay dahan-dahan nang lumapag sa roof top ang chopper ni Laurence. Maingat naman silang bumaba mula sa pang himpapawid na sasakyan. Nang maka pasok sila nang bahay ay nagulat si Laurence nang mabungaran ang dalawang bultong prenting naka upo sa sala. Kumunot ang kaniyang noo habang pinag mamasdan ang dalawang taong naroon. Kaagad namang tumayo ang isang babae na nasa mid forties na ang edad. Marahan itong humakbang palapit kay Laurence. Huminto ito nang ilang dipa nalang ang layo nila sa isa't-isa. May pag aalinlangan sa hitsura nito habang magka salikop ang kamay. "
Kinaumagahan ay nagising si Azariah na pinupupog nang halik ni Laurence. He was planting her soft kisses all over her face. Bahagya niyang tinakpan nang kumot ang kaniyang mukha. "Good morning mahal!" Nakangiting bati ni Laurence sa asawa. Parang hindi ito umiyak kagabi dahil masiglang masigla ito. Gumaan naman ang pakiramdam ni Azariah na makitang okay na ang kaniyang asawa. Tinanggal niya ang kumot sa pagkaka takip sa kaniyang mukha. Saka ngumiti nang matamis kay Laurence na naka dukwang parin ang mukha sa kaniya. "Good morning din mahal" Malambing niyang saad dito at ginawaran ito nang mabilis na halik sa mga labi. Saka siya umupo sa malambot na kama. "Biglang umayos ang pakiramdam ko ah, halik mo lang pala ang lunas" Anito habang may pilyong ngiti sa mga labi. Pabiro naman itong iningusan ni Azariah. Kapagkuwan ay sumeryoso ang mukha niya. "Mahal, mag papasama nga pala ako mamaya sa OB ko" "Walang problema mahal, I will cancel all my apportionment today para lang masamahan
"Kuya Laurence bakit naman po ang dami niyong chocolates na binili. May reregalohan po ba kayo?" Kunot noo at puno ng pag tataka na tanong ni Nico habang pinag mamasdan si Laurence na kumukuha nang iba't-ibang klase ng imported chocolates. Halos lahat na yata ng klase ay kinuha nito kulang nalang bilhin nito lahat ng chocolate sa mall na iyon. "Hmm may pag bibigyan lang, isang buntis na tinutupak" Anito habang patuloy na kumukuha ng mga chocolates at inilalagay nito sa dalang push cart. "Hindi kaya magka diabetes siya niyan?" Sambit ni Nico habang nakikita niya ang gabundok na chocolates sa dala nilang cart. Napahinto naman sa pagkuha pa si Laurence. Sandali itong napa isip. Nang mapag tanto nito na may katwiran ang sinabi ni Nico ay ibinalik niya ang kalahati niyon. Napapailing na lamang si Nico habang kakamot-kamot ng batok na sumunod kay Laurence sa counter. Kung saan babayaran na nito ang mga chocolates. Matapos balutin ng bagger ang mga binili nito ay lumabas na sila sa nat
Nagising si Laurence dahil sa tunog na nag mumula sa kaniyang cellphone. May tumatawag. Kinusot-kusot niya ang kaniyang mga mata saka kinuha ang aparato na naka patong sa mini cabinet na nasa gilid nang kanilang kama. Napapakunot pa ang kaniyang noo habang tinitignan ang screen ng kaniyang cellphone. Alas tres palang ng madaling araw. Nakita niyang si Mark ang tumatawag. Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya. Why would he call him this early. Agad naman niyang pinindot ang answer button at itinapat sa kaniyang tainga ang aparato. "Bakit ka naman napa tawag ng ganito ka aga?" Napapaos niyang tanong rito. "Bumaba ka, nandito ako sa labas ng bahay niyo. Dala ko na ang ipinabibili mong seedless mango. Grabe! nahirapan akong mag hanap halos galugarin ko na ang buong mundo." Palatak nito. Muling kumunot ang noo ni Laurence pero napa balikwas siya ng bangon dahil sa sinabi nitong nasa labas siya ng bahay nila. Sinulyapan niya pa ang asawa na mahimbing na natutulog sa tabi niya. "Sagl
Ilang minuto ang lumipas na hindi umiimik si Edmond. Nakatulala lamang ito sa kawalan. Nangunot ang noo ni Stephanie sa kakatwang ikinikilos nang kaniyang kapatid. Kaya naman tinapik niya na ito sa balikat para ma balik ito sa huwisyo. "Kuya Edmond..." "Laurence is dead" naibulalas ni Edmond. Nakatanaw parin ito sa kawalan. Mas lalo namang kumunot ang noo ni Stephanie dahil sa sinabi nito. "W-what?" Na uutal na pag tatanong ni Stephanie sa kaniyang naka tatandang kapatid. Pilit na pino proseso ng utak niya ang mga salitang binitawan nito. Ayaw niyang maniwala sa sinasabi nito. Dahil kong talagang patay na nga ang pinsan nila. Sino iyong nag padala sa kaniya ng mensahe gamit ang numero ni Damon. Nilingon ni Edmond ang kapatid. Samot saring emosyon ang mababanaag sa kaniyang mukha. "Yes, Steph. Damon is dead, I was there when he got shot. I saw him die, kaya papaanong nakapag text pa siya sayo?" Anito na mababakas ang labis na pag tataka sa hitsura nito. Impossible naman sigurong
Mag gagabi na ng makarating sa bahay sina Edmond. Medyo napa sarap ang kwentohan nila ni Damon kaya hindi nila na malayan ang pag takbo ng oras. Medyo malayo rin ang lugar kaya medyo matagal din ang kanilang naging byahe. Nakilala din nila sa wakas ang anak ni Mang Tasyo. Isa itong babae. Matangkad, maputi, mahaba ang buhok at may bilogang mga mata. Matangos din ang ilong at may labing mapupula na animo'y ipinag lihi sa makupa. Maganda ang anak nang matanda pero napaka seryoso ng personalidad nito. Hindi siya kakikitaan nang ngiti. Palagay tuloy ni Edmond ay suplada ang anak ni Mang Tasyo. Iyon ang first impression niya para sa babae. Hindi na sila nito nakapag usap pa dahil kinailangan na nilang umowi lalo pa't medyo malayo pa ang ibabyahe nila. "Kuya Edmond, nalinisan ba ang silid ko? baka puno na ng alikabok yon kong hindi nililinisan" Sambit ni Stephanie habang pagod na naupo sa pang isahang sofa nang makapasok sila sa kanilang bahay. Halos tatlong taon narin buhat ng mag punt
Katatapos lamang maligo ni Azariah nang umagang iyon. When she finished her breakfast, she went to her room for a shower. Nang matapos siyang maligo ay nag bihis lamang siya ng floral pink dress na above the knee ang haba. Hindi na kasi niya kayang mag suot nang mga shorts lalo pa't medyo may kalakihan na ang kaniyang tiyan at ayaw niya namang maipit ang bata sa kaniyang sinapuponan. Wala ang kaniyang asawa ngayon dahil maaga itong nag punta sa trabaho. Marami kasi itong gagawin sa opisina at ayaw naman nitong iasa ang lahat sa kaniyang secretary. Nang matapos na si Azariah ay lumabas na siya ng kaniyang silid at bumaba. Kaagad naman niyang nabungaran ang ina ni Laurence na nasa sala. Nakaupo ito sa mahabang sofa habang nag kakape. Nang mapansin siya nito ay agad itong tumayo at lumapit sa kaniya. Bigla namang nakaramdam nang kaba si Azariah pero hindi niya iyon ipinahalata sa babaeng kaharap. Tumikhim muna ang ina ni Laurence bago ito nag salita. "You're Azariah, right?" Ani ni
Halos magka sabay lang na dumating sa presento ang patrol car ng nga pulis at ang sasakyan nila Edmond. Hila-hila ng mga pulis ang lalaki at si Damon papasok sa loob ng presento. Sa interrogation room kong saan ay na roon ang lalaki. Naka upo ito sa plastic na upoan, naka tungo ang ulo habang naka posas naman ang mga kamay nito. "Sino ang nasa likod ng pang ho hostage mo sa nag iisang anak ng mga Dela Vega?" Ma riing tanong ng pulis sa lalaki. "Hindi niyo ako mapapa amin" ma tigas na Saad ng lalaki habang naka tungo parin. Nagkatinginan naman ang mga pulis na naroon habang sina Patricia naman at Edmond ay nasa tabi lamang at tahimik na pinag mamasdan kong papaanong paaminin ng mga pulis ang lalaki sa kong sino ang master mind sa pag dukot kay Damon at kong ano ang motibo ng mga ito para gawin iyon. "Mag sasalita ka ba o hindi, kahit hindi ka mag salita makukulong ka parin" Sambit ng pulis. "Edi ikulong ninyo, wala kayong makukuhang sagot mula sa akin. Hindi ko sasabihin kong sino a
Kumikislap ang mga mata ni Laurence at matamis ang ngiti habang naka tingin sa maliit na sanggol na lalaki na kalong-kalong niya sa kaniyang braso. Masuyo nitong hinimas ang maliit na ulo ng sanggol. Matangos ang ilong nito at may natural na mapupulang labi."Ang gwapo naman ng baby na 'yan" masaya namang saad ng ina nito habang marahang kinukurot ang pisngi ng sanggol na mamula-mula pa ang balat. "Syempre naman mom, nag mana yata sa'kin to, gwapo din" ani Laurence na natatawa. Kaya natawa nalang din ang asawa at ang ina nito. "Hello, baby...ka mukha mo ang Daddy" naka ngiting ani Laurence habang nilalaro ang maliliit na daliri ng sanggol. Ngumiti naman ito kaya mas lalo siyang ng gigil lalo pa ng makitang may biloy ito sa magka bilang pisngi. "Hmm...'yan talaga ang napaka unfair ano? yung tipong tayo ang nag dala ng siyam na buwan tapos pag labas kamukha lang ng mga asawa natin" Kunwari ay inis na sambit ng ina ni Laurence na ikina tawa naman ni Azariah. "Oo nga po mom, subrang unf
Pagkarating nila sa hospital ay kaagad na binuhat papasok si Ciara ng driver na sinakyan nila. Kaagad naman din silang inasikaso ng mga nurses na naroon. Namimilipit na sa subrang sakit si Ciara ng ipasok siya ng mga ito sa Emergency Room. "Na kilala mo ba kong sino ang lalaki?" Tanong ni Patricia kay Edmond ng ikwento nito ang nangyare sa bahay nila kahapon. Hindi niya alam kong nakuha ba ng lalaking yun ang pinsan niya. "Hindi eh, ano sa palagay mo...may kaugnayan ba ang lalaking iyun tungkol sa nangyare kay Damon dati" "Siguro, baka napag alaman na nilang buhay ang pinsan mo at bigla siyang binalikan... para tuloyang burahin sa mundo" giit naman ni Patricia. "Mukhang may taong malaki ang galit sa pinsan mo" dagdag pa nito. "Ewan ko...na saan na kaya yun ngayon" Sa isang lumang bahay na malayo sa lungsod ay doon dinala si Damon ng lalaki. Hinila siya nito pababa ng sasakyan at itinulak sa isang maalikabok na sulok. Kaagad namang naka singhot ng alikabok si Damon bagay na ikina
"Nay, Tay. Mag iingat po kayo " naluluhang ani Azariah sa kaniyang mga magulang habang nasa labas sila ng airport. Ngayong araw kasi ay uuwi na ang mga ito sa Santa Monica dahil kailangan na ring mag enroll ng kambal. Ilang araw na lamang ay mag papasukan na at kailangan nilang humabol. Hindi naman napigilan ng ina ni Azariah ang maiyak dahil uuwi na sila at magkaka hiwalay na naman. Ilang buwan pa ang bibilangin bago sila muling magkita. "Kayo rin anak, mag iingat kayo" madamdaming Sambit nito habang pinupunasan ang mga luhang walang tigil sa pag bagsak. "Nay, naman bakit kayo umiiyak? na iiyak na rin tuloy ako" ani Azariah habang nag sisimula na ring manubig ang gilid ng kaniyang mga mata. Muli silang nag yakapan hanggang sa bumitaw na ang mga ito para pumasok sa loob. "Sige na po nay, tay baka ma Iwan kayo ng flight ninyo" Ani Azariah habang nag pupunas ng luha. Yumakap naman ang kambal sa kaniya, pati ang mga ito ay naiiyak na rin. "Ma mi miss ka namin ate" Sambit ni Nico. "M
Habang tulala na nakatitig si Harold sa kisame ay muling sumariwa sa kaniyang isipan ang nangyareng Pag sabog ng sinasakyan nilang eroplano. Para bang kanina lamang na ganap ang trahedya at malinaw na malinaw parin sa kaniyang isipan ang buong kaganapan. Prenti siyang naka upo malapit sa may bintana. Abala siya sa pag babasa ng magazine habang naka cross pa ang kaniyang mga paa. Animo'y nasa sala lamang siya ng kanilang mansion. Ilang sandali pa nga ay biglang gumiwang giwang ang eroplanong sinasakyan nila. Nag panic ang lahat ng mga pasahero. Habang si Harold sa mga oras na yun ay naka tulala lang. Hindi alam ang gagawin Pero sa loob-loob niya ay labis ang takot at kaba na nararamdaman niya. May iba na nag iiyakan na at nag sisipag dasalan. Nang maramdaman ni Harold na bumubulusok pababa ang eroplano ay doon na siya na taranta pa. Bigla rin silang naka amoy nang gas at hindi nag tagal ay sinundan iyon ng isang makapal na usok. Na hindi nila alam kong saan nag mumula. Gayunpaman, a
Alas otso nang umaga nang umalis si Azariah sa bahay, naisipan kasi niyang mag punta ng mall at mag simula nang mamili ng mga gamit ni baby. Dalawang buwan na lang ay lalabas na ito at hindi pa siya nakaka pamili nang mga gamit at needs ni baby. Kasalukuyan siyang nasa new born clothes section habang namimili nang ilang designs ng frogsuit para sa baby boy nila. Yes, she's having a baby boy at napag kasundoan na nilang mag asawa na ang ipapangalan nila sa kanilang unico hijo ay Maceo. It is a variation of Matthew meaning, 'the gift of God.'Yes, he's definitely a gift of God, co'z the second time around he let her be a mom. It was really her dream to have a child and be a mom. It was supposed to be her second baby kong hindi lamang siya nakunan sa anak nila ni Damon. Gayunpaman, masaya parin siya dahil muling binalik nang Diyos ang kaniyang anghel sa kaniya. Habang masaya niyang pinag mamasdan ang mga nag gagandahang new born clothes roon ay nagulat siya sa babaeng bigla na lamang
Matapos maka sakay ni Harold sa bus ay ilang minuto lamang ang itinagal nang pa andarin na iyon ng driver kahit na hindi pa gaanong napupuno ang mga pasahero. Sa pinaka likod nang bus siya pumwesto, sa gilid nang bintana. Pinag titinginan pa siya nang ilang mga pasahero at nang katabi niya dahil sa kaniyang hitsura. May iba namang natatakot sa kaniya na tumabi at nagsi lipat ang mga ito nang mauupoan. Ilang sandali pa nga ay biglang nagka gulo ang mga pasahero sa loob ng naturang bus nang biglang mawalan ng malay si Harold. "Hala! anong nangyare diyan?" "Nakaka awa naman, ang dami niyang sugat""Dalhin natin siya sa hospital" "Manong driver sa hospital po muna" "Paki bilisan po!" Ilan lamang yan sa mga sinabi nang mga pasahero nang naturang bus. Kaya naman mabilis na pina andar ng driver ang bus patungo sa hospital. Nang makarating doon ay kaagad nila itong isinugod sa emergency room. May dalawang lalaki ang umalalay rito. "Wala bang pagkaka kilanlan iyong lalaki?" Anang babae
Kasalukuyang nasa sala si Azariah at ang kaniyang pamilya. Kumakain ang mga ito ng home made cookies na gawa ni aling Lydia habang nanonood sila ng cartoons dahil iyon ang gustong panoorin ng ama at nang kapatid na kambal. It was Azariah's last bite when she suddenly heard a car horn. Dali-dali siyang tumayo mula sa pagkaka upo at mabilis ang mga hakbang na lumabas ng bahay. Busina lang ng sasakyan ay alam niya na kong sino ang dumating. Pagka labas niya ay nakita niya kaagad si Aling Medina na mabilis na binubuksan ang malaking gate. Si aling Medina ay ang katulong na kinuha ni Laurence isang linggo na ang nakakaraan. Ayaw niya kasing nag kikikilos pa si Azariah lalo pa't buntis ito at ilang buwan nalang ang bibilangin ay manganganak na ito. Hindi kasi nito maiwasang tumulong sa mga magulang sa gawaing bahay. Ayaw din ni Laurence na nag papagod si aling Lydia sa pag lilinis ng buong bahay. Pinapunta niya ang mga ito roon para makasama nang asawa niya at hindi para gawing alila. Ka
Kinaumagahan...Nagising si Stephanie dahil sa tawanan na naririnig niya. Tumingin siya sa kaniyang tabi, wala na si Patricia. Nag inat-inat muna siya ng mga kamay at nag hihikab pa na bumangon mula sa kinahihigaan niya. Lumabas siya ng silid nang dalaga. Nakita naman niyang naka ligpit na ng ayos ang hinigaan nang kaniyang pinsan at kapatid. Wala ang mga ito sa loob kaya naman binuksan niya ang pinto nang kubo. Nakita niya ang mga ito sa labas, habang naka upo sa mahabang upoan na gawa sa tinapyas na kawayan. Mag katabi si Damon at Edmond kaharap nang mga ito sina Mang Tasyo at ang apo nitong si Patricia na may hawak pang tasa na nag lalaman ng kape. May sinasabi si Edmond na ikinatawa naman ng tatlo. Nasa bungad siya ng pinto nang mapansin siya ni Patricia nang tumingin ito roon. "Good morning, Steph! gising ka na pala" bati nito na may ngiti pa sa mga labi. Dahil don ay napalingon sa kaniya ang tatlo pa. "Come here, join us" dagdag pa nito. Bumaba naman agad si Stephanie sa ku