Pigil ang luha at nakangiting hinarap ni Trinity si Henrik. Sa kaniyang mukha, walang mababakas na sakit. Para siyang isang dalagang binayayaan ng panahon sa gandang taglay niya na meron ngayon. Pero, hindi basihan ang kagandahan niya ngayon na tinatamasa para tuluyan pagtuunan ni Henrik ang kaniyang damdamin para rito.Sa lalaki, isa lamang siyang babae. Walang espisyal. Walang pwedeng ipagmayabang. Isa lamang siyang babaeng pinagkaloob ang sarili sa binata na walang anuman katugon. Walang label. Wala siyang pinaghahawakan.“Hey?”“Hey!” bigla siyang nanumbalik sa reyalidad nang maalalang nasa harapan niya ang lalaking kay tagal niyang pinangarap. Lalaking kay tagal niyang inaasam-asam na pansinin siya at heto, nagkatotoo ang bagay na iyon. Pero bakit hindi siya masaya? Bakit hindi niya damang-dama ang salitang iyon?“You look bothered,” puna nito at akmang aabutin ang kaniyang pisngi pero umiwas siya.Agad siyang nagbaba ng tingin at umatras. Nagkunwari siyang tiningnan ang kaniyang
"Are you sure you don't want me to come-"Pinigilan ni Trinity sa pamamagitan ng halik ang labi ni Henrik. Pero saglit lang iyon, ayaw niyang pati ang maliit na tsansang makatakas saglit sa kaniyang kahibangan ay muling ipagkait ng panahon. Hangga't may natitira pang katinuan sa kaniyang pag-iisip, hangga't kaya pa niyang humakbang papalayo, gagawin niya na ngayon."I told you, ey?" Hinaplos niya ang pisngi nito. "Your team needs you. They won't last a day without you too. The greatest Henrik Gustavvson is needed by his team and not just only me.""But I need you too."Because I'm the one who's here... Gusto niyang sambitin ang mga katagang iyon pero nanatili lamang ito sa kaniyang isip. Ayaw niyang mas gawing komplikado ang lahat."Then, I can give you a ride-""Nope." Ningitian niya ito. "You need to take a rest. May game pa kayo bukas at ipaalala ko lang sa'yo, malapit na ang Stanley Cup Championship. Kailangan niyo pa pumasok sa playoffs kaya kailangan mo na magpahinga, okay?” Mul
Nagising siyang Hospital ang kaniyang namulatan. Mabilis siyang bumangon at tiningnan ang kamay na may nakasaksak na IV fluid. Napakunot siya ng noo kung paano at bakit siya may ganoon at nasa Hospital.Pilit niyang inalala ang nangyari pero sumasakit lang ang kaniyang ulo. Hindi niya maalala. Ang tanging natatandaan niya, natulog siyang hindi nagbihis.“God, Trinity!”Tumama ang tingin ni Trinity sa bagong pasok na panauhin at ang kapatid niya itong si Serenity. Puno ng pag-alala ang buong mukha nito, larawan ng isang matandang kapatid na nag-alala sa nakakabatang kapatid.“What happened?”“I can't believe you were asking me what happened!” asik nito pero dahil likas na malambing na ang boses nito, para lamang siyang tinatanong nito sa malamyos na boses.Nagbalik siya ng higa at tiningnan ang kesame. Inalala niya ang nangyari. Maliban sa nag-aral siya sa primary at secondary na mataba at naging kumpulan ng tukso rati, hanggang sa pumayat siya, wala na siyang maalala kung bakit siya n
Hininto niya ang kaniyang sasakyan sa may kalayuan mula sa labas ng isang malaking bahay. Hindi ito mansyon tulad ng Williamson pero sapat na para makitang masaya ang nakatira ro'n sa loob ng malaking bahay na napapalibutan ng mga nagagandahang orchids.Ang kaniyang kamay ay hindi mapakali sa manibela. Pasilip-silip din siya sa loob at patingin-tingin sa orasang suot. May hinihintay siyang taong lumabas.“This is wrong... This is—” nauwi sa ere ang anuman sasabihin niya nang makita niya ang isang babaeng masayang lumabas at may bitbit na halaman sa isang kamay.Kasunod nito ay isang lalaking kasing-edad lang ng kaniyang ama at kitang-kita niya sa pagmumukha ng mga ito ang masayang pagmamahalan sa simpleng pamumuhay lang.Hindi halatang matanda sa edad na singkwenta. Nagmistula pa rin itong isang dyosa na kahit panahon na ang naniningil ng edad nito. Sobrang ganda pa rin ng ginang kahit saan ito tingnan.“M-mom...” parang may kung anong bumikig sa kaniyang lalamunan at ang planong kaus
"Good evening, Ms. Williamson."Tumango siya sa nang sabay-sabay siyang batiin ng kaniyang mga staff sa kaniyamg restaurant. Hindi siya mahigpit sa mga ito, at hindi rin siya chill lang.Busy ang lahat at nakikita niyang maraming mga customer keysa noong huling punta niya rito. Dahil wala na siyang oras para magbilang ng mga customer, ang mga order na lang ng mga ito ang kaniyang kinuha.Ilang sandali pa ay naging busy na ang lahat sa pagluluto ng bawat order ng mga customer. Naging focus siya sa paghahanda ng dessert nang marinig niya ang hagikhikan ng ilan sa mga staff niyang babae. Napilitan siyang silipin kung ano ang nangyari at baka may nag-away.“What happened?”“Henrik Gustavvson is here, Ms. Williamson.” Halata naman na kinilig ang kaniyang mga staff. Tinuro nito ang gawi kung saan ang entrance door ng kaniyang restaurant.Habang siya ay natigilan. Tiningnan niya mula sa labas kung totoo ngang nandito ang lalaki at tama nga ang sinabi ng staff niya, nandito si Henrik pero hin
Sa harap ng bahay ni Henrik siya pinadpad ng kaniyang paa. Ilang oras din siyang bumyahe pero okay lang, wala siyang nadamang pagod. Dahil na rin sigurong matagal ng napagod ang puso niya.Nag-iisip siya kung bababa ba siya ng kaniyang sasakyan at mag-door bell sa gate nito. Pero nang makita niyang wala pa ang sasakyan ng binata, nagtiis na lamang siya sa loob ng kaniyang sasakyan. Wala siyang access sa bahay ng lalaki kaya hindi siya pwedeng umastang libre sa bahay nito.Isang oras din siyang naghintay sa loob ng kaniyang sasakyan at 'di niya namalayang nakatulog siya sa paghihintay. Nung magising siya, wala pa rin ang lalaki at mukhang wala itong balak na dito umuwi sa resthouse nito.Malalim na ang gabi. Napasulyap siya sa kabilang bahay. Alam niyang resthouse ito ni McCluskey. Bahagya siyang napabuntunghinga at nagdalawang isip na tawagan ang lalaki.Nanaig ang kagustuhan niyang tawagan ito. Nag-dial siya sa numero nito at nakailang ring muna iyon bago may sumagot sa kabilang liny
Ilang linggo ang nagdaan at naging busy siya sa kaniyang buhay restaurant. Pinipilit ni Trinity na 'wag tawagan o ichat si Henrik. May sarili silang buhay at sapat na sa kaniya ang mahalin ito.Maraming gawain sa Trinia's Hideout, kaya kahit ilang beses din siyang tinawagan ni Serenity at nang kaniyang ama, hindi niya sinagot ang mga tawag ng mga ito. Para ano pa? Ang pilitin na naman siyang pakasalan ang anak ng katrabaho nito?Galing na siya sa isang magulong pamilya, ayaw niyang maulit iyon. Kapag kinasal siya sa taong hindi naman niya mahal, gano'n lang din ang mangyayari. Magiging tulad ng kaniyang mga magulang ang kaniyang buhay. Walang saya.“Ms. Williamson?”“Yeah-yeah, I'm sorry?” Hinarap niya ang isang chef niya. Masyadong malalim ang kaniyang isip kaya 'di niya namalayang kausap siya nito.“The customer on table 10 asked for Trinia Dessert.”Napatingin siya sa sinasabi nitong customer. Parang may kung anong kumudlit na sakit sa puso niya habang nakatingin sa customer nila s
Matagal nakatitig si Trinity sa kaniyang cellphone nang tanghaling 'yon. Tapos na siya sa kaniyang ginagawang dessert at nabibilang lang sa kamay ang customer sa araw na iyon.Hinayaan niya ang kaniyang mga tauhan na magkwentuhan muna at magbiruan. Hindi siya gano'n kastrikto basta nagagampanan lang ng mga ito ang trabaho.Dalawang numero ang kaniyang tinitigan, kay Henrik at kay Serenity. Gusto niyang tawagan ang kahit saan sa numero na iyon pero parang may kung anong pumipigil sa kaniya. Hindi niya magawa. Kaya ang ending, pinatay na lamang niya ang kaniyang phone at sinilid ito sa kaniyang bulsa. Kakalimutan niya ang nakita ngayong araw.Naging masigla siya ulit at nagpaalam sa mga staff niya. Bitbit ang bag at susi ng kaniyang sasakyan na bigay pa ng kaniyang aguela, dumeritso na siya sa isang Hospital. May importante siyang pakay pero mabilis lang siya ro'n. Hindi niya kayang tagalan ang paligid ng Hospital kaya siguro hindi siya kumuha ng kurso bilang Doctor.Masaya siya sa bina