MABILIS na lumipas ang ilang linggo at gano'n pa rin ang nangyayari sa tuwing nasa paligid si Gheron. Kung hindi nito binibwesit ang araw niya, inaasar naman siya nito at susundan kahit saan siya magpunta.Nagkasagutan na rin sila ni Marienella na inlove na inlove kay Gheron. Muntik na silang nagkasabunutan dahil sa selos na naramdaman nito. Habang si Judith na nag-iisang kaibigan niya dito sa Japan, ito ang dakilang tagabunganga at taga-cheer sa lovelife niyang mas malamig pa sa yelo.Tulad ngayon, nasa likuran na naman niya si Gheron nakasunod habang bitbit niya ang basket na may mga lamang prutas na pinitas. Nagkunwari na lang siyang hangin ang sumusunod sa kaniya. Napapansin niyang mas nagiging makulit at mapang-asar ang lalaki kapag pinapansin niya ito at pinagbubungangaan. Naubos na nga niya lahat ang na masasakit na salita pero wala itong pakialam pa rin. Nalilito siya kung manhid ba ito o sadyang matigas lang ang atay."Marie-babes, hindi ka pa rin nag-reply sa message ko kaga
Hindi maipenta ang mukha ni Marie na nakaupo sa balcony nang gabing iyon. Suspende siya sa trabaho at paano na ngayon? Maghahanap na lang muna siya ng part time job hanggang sa makabalik siya sa trabaho rito sa farm. Sinusumpa niya si Gheron ngayon sa kaniyang isipan at gustong-gusto niya itong harapin ngayon para pagsasampal-sampalin at ipamukha rito kung anong kamalasanan ang naging dala sa kaniya. Ang bilis pa nitong nawala kanina. Hindi niya tuloy ito nakompronta at nasigawan sa galit pagkalabas niya sa opisina ni Mrs. Ajinomoto. Pareho silang suspende ni Gheron at tuwang-tuwa pa ito nung nalaman suspende sila samantalang siya ay parang maiiyak na. Pero hindi siya iiyak, hangga't nasa Japan siya, maraming pwedeng pag-applyan na part time job. Ang tanong lang, malaki ba ang sahod? Nagtitipid na nga siya at heto, mapapagastos pa. Sa pamasahe niya araw-araw at pagkain sa daan? Talagang sinasagad ni Gheron ang kaniyang pasensya! Sa inis niya, binuksan niya ang kaniyang messenger at
KUNG gaano kabilis na masuspende si Marie sa trabaho, gano'n din kabilis ang swerte sa kaniya na matanggap sa Silver Garden. Hindi lang iyon, stay in siya ayon sa Manager na kaniyang nakausap at ang Silver Garden na Restaurant na napuntahan niya ay hindi basta-bastang Restaurant lang. Isa itong 5-star Restaurant ayon sa review na nakita niya sa google at marami itong branches worldwide!Gusto niyang tanungin ang sarili kung malas ba siya talaga o swerte dahil hanggang ngayon 'di pa rin siya makapaniwala. Stay in siya sa loob ng dalawang linggo, libre pagkain, kuryente, lahat na mga kailangan niya ay libre. Ang tanging gawin niya ay gampanan ang pagiging kitchen assistant at maging masunurin sa Chef na kung saan siya i-assign. Sa parteng iyon, medyo naguluhan siya pero inisip na din niyang very convenient ito sa kaniyang parte. Iisang tao lang ang kaniyang pagsisilbihan at susundin ang utos.Maraming sinabi sa kaniya ang Manager ng Silver Garden. Mga rules at regulations ng Restaurant
MALAS na kung malas, walang magawa si Marie kundi ang sundin lahat ng utos ni Gheron sa kaniya bilang assistant nito. Marami siyang mga katanungan tulad ng pagiging kitchen assistant nya pero bakit sa isang tao lang at bakit sa daming Chef, kay Gheron pa?!Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang lalaki. Magsasaka ba o Chef? Hindi basta-basta ang makakapasok sa Silver Garden, iyon ang kaniyang unang basehan. Unang-una, five-star ito ayon sa internet. Pangalawa, strikto ang Head Chef na si Mr. Santos. Pangatlo, isang Chef de Tournant si Gheron? Sa parteng 'yan pa lang, sobrang imposible!May hindi pa siya alam sa pagkatao ng binata? Totoong magsasaka lang ba ito o nagpanggap lang din ito tulad nung unang lalaking nakilala niya? Ayaw niyang isipin kung sino ito at anong totoong katauhan ng binata pero hindi niya mapigilan lalo na at pagdating sa kusina, mabilis ang galaw nito at parang sanay na sanay ito sa pagluluto."Marie?""H-ha?" Nagbalik siya sa hwesyo nang tawagin ni Gheron
MALAYO na siya. Nakahinga siya ng maluwang nang makitang 'di siya sinundan ni Gheron. Nasa loob pa rin ito ng convenient store at halatang nakipag-away sa counter. Nagkibit na lang siya ng balikat at nagmadaling maglakad. Wala siyang pakialam kung makapal ang yelo ng paligid, manhid din naman ang pagkatao niya.Awtomatikong napatigil si Marie sa paglalakad nang may humarang sa kaniyang daraaanan. Napakunot ang kaniyang noo. Tatlong hapones ang kaniyang nakikita. May mga hawak na sigarilyo at malayang hinihithit iyon sabay buga sa kaniyang harapan."Hitori de?" Alone?Tumaas ang kaniyang kilay. Hindi na lingid sa kaniya na uso sa Japan ang ganito. Hindi niya pinansin ang tatlo, lumihis siya ng nilalakaran at balak takbuhin na lang ang nasa kalayuang Staff House."Haya suginai!" Not too fast. Humarang sa kaniyan ang isa. May suot itong bonnet at maangas na bumuga ng usok sa hangin, tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa."Hitori de aruite wa ikemasen, Ojosama," You should not walk by
"Done. You can open your eyes.""Ha?""Bubuksan mo ang mata mo o hahalikan kita?"Nagdikit ang kaniyang kilay sa lantaran pangmamanyak sa kaniya ni Gheron na akala nito, kinikilig siya. Nagmulat siya ng mata at gano'n na lang ang gulat ni Marie nang makitang nakahandusay na ang anim at nakabaluktot ang katawan ng iba sa sakit.Paano nangyari iyon? Dalawang minuto lang akong nakapikit tapos— Takang napatitig siya kay Gheron. Pakamot-kamot ito sa batok at kunwari shy smile pa ito sa kaniya habang ang isang kamay ay nasa bulsa ng pantalon nito."Pinatumba ko na sila, Marie-babes." Kunwari shy smile pa rin pero kuminang-kinang ang mata."Sure ka?" Nang sabihin niya iyon, d*****g sa aray ang anim na Yakuza at namimilipit na waring binugbog ng sampung demonyo. Hindi kaya nagkunwari lang ang mga ito? Ang daming dugo ang nakita niya na parang pinagsaksak ng walong aswang gamit ang matulis na baba."Naman! Pumikit ka kasi habang pinagkarate-wataaa Bruce Lee ko sila!" Umarte pa itong nag-martial
"MARIE-BABES, get me the potatoes."Walang imik na sinunod niya ang utos ni Gheron kahit may paglalambing sa tono nito. Nasa trabaho sila at konti na lang, sasabog na siya sa bawat paglalambing ng boses nito, na parang sila lang ang tao sa loob ng malaking kusina."Get mo some pasta."Kumuha rin siya ng pasta sa storage room. Baka may balak pa itong ipakuha, ipakuha na nito. Nahiya pa ito sa kakautos sa kaniya simula kanina. Ang trabaho niya, assistant. Ang ginawa nito sa kaniya, alila.Hindi rin siya nito pinilit na tumikim, dahil iyon ang hinding-hindi niya gagawin kahit mangisay ito. Hindi naman siya natatakam sa kahit anong luto nito. Hindi nga ba?"Ayan ho!" Pabagsak na nilagay niya ang pasta sa tabi nito at imbes na magulat ito sa kaniyang inasta, ngumiti lang ito ng simpatiko at walang paalam na pinisil ang kaniyang pisngi. Napapiksi siya sa ginawa nito."Thank you pancakes." Saka ito bumalik sa ginawang paghahanda ng lulutuin.Habang siya ay hindi makaimik sa kinakatayuan. And
Nagkukot ang kalooban ni Marie nang hindi niya makita kinabukasan si Gheron sa Silver Garden. Ang sabi ng Deputy Chef, may pinagawa raw ang Head Chef sa binata kaya tumulong muna siya sa ibang station Chef na nangangailangan ng kaniyang assistance.Halos hindi siya makatulog kagabi sa kakaisip kung paano magkakilala si Magnar at Gheron. Ang dami niyang gustong itanong pero naunahan siya ng galit. Sa apat na taon pagkawala ni Magnar, sinong matutuwa? Minahal niya ang lalaki sa kabila ng reyelasyong pinaglalaruan lang siya nito at pinagmukha siyang katawa-tawa nung iniwan siya nito para lang sa mayamang babae. Minahal niya si Magnar kahit isa itong mahirap na kargador sa palengke."Marunong ka mag-bake?"Napatingin siya sa pastry Chef at tumango. Marunong siyang mag-bake pero hindi siya mahilig sa mga pastry foods."Great! Then you can help me. Pinatawag kasi ako ng may-ari ng Silver Garden at kailangan na kailangan ako sa office niya. Here, ikaw muna bahala rito. Here's the recipe. Kay
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy