MALAS na kung malas, walang magawa si Marie kundi ang sundin lahat ng utos ni Gheron sa kaniya bilang assistant nito. Marami siyang mga katanungan tulad ng pagiging kitchen assistant nya pero bakit sa isang tao lang at bakit sa daming Chef, kay Gheron pa?!Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang lalaki. Magsasaka ba o Chef? Hindi basta-basta ang makakapasok sa Silver Garden, iyon ang kaniyang unang basehan. Unang-una, five-star ito ayon sa internet. Pangalawa, strikto ang Head Chef na si Mr. Santos. Pangatlo, isang Chef de Tournant si Gheron? Sa parteng 'yan pa lang, sobrang imposible!May hindi pa siya alam sa pagkatao ng binata? Totoong magsasaka lang ba ito o nagpanggap lang din ito tulad nung unang lalaking nakilala niya? Ayaw niyang isipin kung sino ito at anong totoong katauhan ng binata pero hindi niya mapigilan lalo na at pagdating sa kusina, mabilis ang galaw nito at parang sanay na sanay ito sa pagluluto."Marie?""H-ha?" Nagbalik siya sa hwesyo nang tawagin ni Gheron
MALAYO na siya. Nakahinga siya ng maluwang nang makitang 'di siya sinundan ni Gheron. Nasa loob pa rin ito ng convenient store at halatang nakipag-away sa counter. Nagkibit na lang siya ng balikat at nagmadaling maglakad. Wala siyang pakialam kung makapal ang yelo ng paligid, manhid din naman ang pagkatao niya.Awtomatikong napatigil si Marie sa paglalakad nang may humarang sa kaniyang daraaanan. Napakunot ang kaniyang noo. Tatlong hapones ang kaniyang nakikita. May mga hawak na sigarilyo at malayang hinihithit iyon sabay buga sa kaniyang harapan."Hitori de?" Alone?Tumaas ang kaniyang kilay. Hindi na lingid sa kaniya na uso sa Japan ang ganito. Hindi niya pinansin ang tatlo, lumihis siya ng nilalakaran at balak takbuhin na lang ang nasa kalayuang Staff House."Haya suginai!" Not too fast. Humarang sa kaniyan ang isa. May suot itong bonnet at maangas na bumuga ng usok sa hangin, tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa."Hitori de aruite wa ikemasen, Ojosama," You should not walk by
"Done. You can open your eyes.""Ha?""Bubuksan mo ang mata mo o hahalikan kita?"Nagdikit ang kaniyang kilay sa lantaran pangmamanyak sa kaniya ni Gheron na akala nito, kinikilig siya. Nagmulat siya ng mata at gano'n na lang ang gulat ni Marie nang makitang nakahandusay na ang anim at nakabaluktot ang katawan ng iba sa sakit.Paano nangyari iyon? Dalawang minuto lang akong nakapikit tapos— Takang napatitig siya kay Gheron. Pakamot-kamot ito sa batok at kunwari shy smile pa ito sa kaniya habang ang isang kamay ay nasa bulsa ng pantalon nito."Pinatumba ko na sila, Marie-babes." Kunwari shy smile pa rin pero kuminang-kinang ang mata."Sure ka?" Nang sabihin niya iyon, d*****g sa aray ang anim na Yakuza at namimilipit na waring binugbog ng sampung demonyo. Hindi kaya nagkunwari lang ang mga ito? Ang daming dugo ang nakita niya na parang pinagsaksak ng walong aswang gamit ang matulis na baba."Naman! Pumikit ka kasi habang pinagkarate-wataaa Bruce Lee ko sila!" Umarte pa itong nag-martial
"MARIE-BABES, get me the potatoes."Walang imik na sinunod niya ang utos ni Gheron kahit may paglalambing sa tono nito. Nasa trabaho sila at konti na lang, sasabog na siya sa bawat paglalambing ng boses nito, na parang sila lang ang tao sa loob ng malaking kusina."Get mo some pasta."Kumuha rin siya ng pasta sa storage room. Baka may balak pa itong ipakuha, ipakuha na nito. Nahiya pa ito sa kakautos sa kaniya simula kanina. Ang trabaho niya, assistant. Ang ginawa nito sa kaniya, alila.Hindi rin siya nito pinilit na tumikim, dahil iyon ang hinding-hindi niya gagawin kahit mangisay ito. Hindi naman siya natatakam sa kahit anong luto nito. Hindi nga ba?"Ayan ho!" Pabagsak na nilagay niya ang pasta sa tabi nito at imbes na magulat ito sa kaniyang inasta, ngumiti lang ito ng simpatiko at walang paalam na pinisil ang kaniyang pisngi. Napapiksi siya sa ginawa nito."Thank you pancakes." Saka ito bumalik sa ginawang paghahanda ng lulutuin.Habang siya ay hindi makaimik sa kinakatayuan. And
Nagkukot ang kalooban ni Marie nang hindi niya makita kinabukasan si Gheron sa Silver Garden. Ang sabi ng Deputy Chef, may pinagawa raw ang Head Chef sa binata kaya tumulong muna siya sa ibang station Chef na nangangailangan ng kaniyang assistance.Halos hindi siya makatulog kagabi sa kakaisip kung paano magkakilala si Magnar at Gheron. Ang dami niyang gustong itanong pero naunahan siya ng galit. Sa apat na taon pagkawala ni Magnar, sinong matutuwa? Minahal niya ang lalaki sa kabila ng reyelasyong pinaglalaruan lang siya nito at pinagmukha siyang katawa-tawa nung iniwan siya nito para lang sa mayamang babae. Minahal niya si Magnar kahit isa itong mahirap na kargador sa palengke."Marunong ka mag-bake?"Napatingin siya sa pastry Chef at tumango. Marunong siyang mag-bake pero hindi siya mahilig sa mga pastry foods."Great! Then you can help me. Pinatawag kasi ako ng may-ari ng Silver Garden at kailangan na kailangan ako sa office niya. Here, ikaw muna bahala rito. Here's the recipe. Kay
HALOS durugin ni Marie ang ginagawang macaroons sa araw na iyon. May gana pa talagang magpakita sa kaniya si Gheron pagkatapos niyang malaman na kilala nito ang lalaking minsan din niyang iniyakan? Gusto niyang tanungin kung paano magkakilala ang dalawa pero naunahan na siya ng inis. Hindi niya alam kung para kanino ang inis na naramdaman niya, para kay Gheron o para sa Pastry Chef na laging nakakaasar ang tinging binibigay sa kaniya.Tahimik siya buong araw. Kahit nung bumalik si Gheron sa pwesto at tinawag siya na kailangan nito ng assistant. Seryuso na ang mukha nito at nakatali na ang mahabang buhok. Pusta niyang pinagalitan na ito ng Head Chef, mas mabuti iyon. Puro kalandian na ang iniisip nito.Natapos sila sa araw na iyon. Nagmadali siyang tinungo ang locker room at kinuha ang cellphone niya. Wala siyang chat na nakuha sa kaniyang kapatid, gusto niyang isipin na may nangyaring masama sa mga ito dahil ilang araw na rin at walang paramdam ang mga ito. Nakita niya rin ang ilang c
Bahagyang napangiwi si Magnar nang haplusin niya ang kaniyang pisnging sinuntok ni Gallagher. Pang-ilang away na ba nila ito dahil lang sa babae? In love na nga ang gagong kaibigan niya. Tinungo niya ang ref at kumuha ng yelo ron, nilagay sa icebag at sandaling ginamot ang napuruhang pisngi. Hindi siya gumanti ng suntukan sa kaibigan, binabasa niya lang ang lakas ng suntok nito. At base sa lakas ng suntok na binigay ni Gallagher, selos na selos ito at gustong-gusto siyang saktan pero nagpipigil lang dahil magkaibigan sila."That asshole is in love!" Mahina siyang natawa sa isiping magkaibigan nga talaga sila.Pareho lagi ang taste nila pagdating sa babae. But here's a problem, hindi niya kailanman minahal si Marie. Parte lang ito ng kaniyang pagpapanggap. Dating nagtitinda sa palengke ang dalaga, at para hindi halatang baguhan lang siya sa lugar na iyon at pagdudahan, sa babae siya sandaling kumapit.Gusto niya ang babae, pero hindi ito gano'n kalalim noon dahil na rin sa kadahilanang
Natatawang nilagok nila pareho ang laman ng kanilang mga beer. Matapos silang maghabulan ng parang mga bata sa loob ng malaking hotel room at nagkandasira-sira ang mga kagamitan sa loob, saka lang sila kumalma na parang mga bagong takas mental."Gago ka talaga Tiv, buti wala pa kami sa kondisyon na lumpuhin ka namin ng tuluyan ni Magnar.""Tangina niyo. Hindi pa ba lumpo itong ginawa niyo sa 'kin? Binalian niyo ako ng kamay." Pagrereklamo nito at tinaas ang kamay na hindi na tuwid. "Isusumbong ko kayo kay Yx!""No way dick head!" kangising sambit ni Magnar at linagok ang natitirang beer. "Ang hayop kasi ng pag-iisip mo! Kailangan ng bendisyon." Saka nagbukas ng bago si Magnar na beer at binuhos sa ulo ni Tiverius."Damn you!"Natawa siya nang malakas nang magsimulang maghabulan ulit ang dalawa. Mga walang kapaguran. Habang siya, tahimik lang na iniinom ang kaniyang beer at nakatingin sa labas ng salaming dingding.Humakbang siya at tinungo ang balkonahe. Agad sumalubong sa kaniya ang
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy